The law and reality of your contract


The Contract

The Contract

Expatriates working in Saudi Arabia are in an unenviable situation. All of us have fixed term contracts which we sign before taking up an assignment in the kingdom. We just assume that once the contract is extended, we have another term of stay in the kingdom.

I have mentioned in the past the importance of going through your contract terms and conditions very carefully before signing it. What protects you once you land here is only the contract and nothing else. Note that all the important things which matter to the expatriate, your job title, family visa, end of service benefits, virtually all of your benefits and obligations of your sponsor, are all based on your contract.

My attention was drawn to an interesting article in today’s Arab News. This is a question by one of the readers to a lawyer about the status of his contract. The question relates to a “time bomb clause” in the contract by which the employer can terminate the contract at any point of time by giving a month’s notice despite a contract to the contrary. The reply given by the lawyer is 100% correct and I have no reason to dispute it, given that the learned lawyer is a well-respected one in his profession. What I would like to focus in today’s post is what is NOT mentioned in the reply.

For those of us expatriates who have continued to stay beyond the “initial” contract which was signed after entering the kingdom for the first time, you must be careful on what you sign while extending your contract. Clever employers use the word “extension of contract” rather than just “contract”. Expatriates working in Saudi Arabia must be aware of their rights and obligations while extending their contract with the above words. What this means in simple language is explained below.
 
Excerpt of the above entry  was taken from : ExpatGuru the author of the blog “Working in Saudi Arabia“.
About these ads

188 comments on “The law and reality of your contract

  1. Sir,

    d ako sure kung im in the right forum. Sir, tanong ko lang, my father who used to be a div. manager in one of the co. here in dammam ksa passed away recently, the thing is may mga claims na dapat ibigay sa father ko pero kahit na ilang beses ko na cya nifollow-up wlang response mula sa managment. ask ko sana kung may rights ako para makuha ang dapat makuha ng father ko? by the way, my father and i works in the same co.

    + additional lang sir, bka pwede makahingi ng kopya ng rights ng employee according to saudi labor law.

    Maraming salamat Sir,

    William

  2. Sir,
    Ano po ang epekto sa employee sa KSA, kung ang kontrata’y hindi matapos sa loob ng dalawang taon. Halimbawa, umuwi sa Pinas, pagkatapos ng 1 taon na work, ano ang mangyayari sa OFW kung hindi na makabalik sa kanyang KSA?

  3. Sir,

    Ask ko lng po, nakauwi na po ako sa pinas for vacation only kasi ayaw nila ako payagan na mag exit. na tapos ko po yung 2 years na contract ko sa kanila , wla po ako pinirmahan ng formal contract. kasi gaya ng iba yung basic salary mababa lng tpos inilagay nila sa other allowances para ma complete yung 500 USD na usapan.. which include vacation pay, separation and others. kaya wla na ako balak bumalik pa doon.. nag kapag clearance ako ng maayos. ask ko lng po wla npo ba silang habol sakin.? since nandito na ako sa pinas.

    salamat po,
    Pito

    • Pito,

      Maaari ka lang nilang ipa-blacklist kung gugustohin nila for not coming back after vacation at ito ay maging dahilan sa pag deny ng Saudi Embassy sa iyong visa kung sakaling babalik ka sa KSA.

      Bong

  4. Dear sir,

    gud day po,magtatanung lng po aku.ako po ay ng apply as trailer driver ngunit mkaraan ang 6 n buwan ngkproblema paa ko mbilis mangalay at humina ang mata ngsabi me s company ngunit nilipat nila me as vehicles inspection pero wlang kasulatan..pero now ginawa n nila me all around driver mpa maliit n kotse hanggang s pgddrive ng trailer truck at vehicles inspection s sweldong 900 riyal plus 200 food allow..d kumakasya s pamilya ko ang sweldo ko kya ngfile me resignation nung april, 3 months notice..ako po ai dp tpos ng contract 1 and 3 months plang me dto..cnsbi nila n bbyaran ko daw ang iqama,visa at ticket..tutuo po b un pg ng exit me bbyaran ko lhat un?
    maraming salamat po s inyong tugon..

    • Jake,

      Totoo po yon, hihingi ng kabayaran ang iyong employer sa lahat ng kaniyang nagastos sa pagkuha sa iyo sa Pinas, sa kadahilanang hindi po ninyo tinapos ang kontrata thats include ticket pauwi sa Pinas.

      Bong

  5. good day sir bong! itatanong ko lng po kng pano proseso ng pag exit. tpos n po ksi ung kontrata nmin last sept 6, 2011. kinausap po nmin ung employer nmin last sept 15, 2011 tpos nagsabi n po kmi n kmi ay mag eexit na, at sinabi din n nmin n mag eextend kami hanggang Nov. 2011 para naman makahanap siya ng kapalit namin (kung may balak man syang kumuha ng ibang tao.). napagtanto po nmin n mag eexpire pala ung iqama nmin Nov. 25, 2011. may kaibigan po ako dun sa riyadh na nagsabi na kung mag eexit kau dapat before exipiration of iqama naayos n ung exit papers at tiket… exit po kasi kukunin nmin kc lilipat po kami ng employer. pwede nya po ba kming ipitin kung saka-sakali? may laban po ba kami kasi tapos n din ung kontrata namin? kung nagkataon saan po kmi hihingi ng tulong kung may aberya?

    thanks and more power!!!

    andy

    • Andy,

      Ang proseso ay pag sumite ng notice non-renewal of contract, at least 1 month or two months. ayon sa Saudi Labor Law hindi napo kailangan ang sulat kung specified period ang kontrata pero may mga employer na minsan ay hindi nagbabasa ng Saudi Labor Law kaya mas maganda kung ito ay nakasulat at na receive nila upang ito ay magamit kung ito ay kailangan.

      May kasulatan ba kayo sa extension ng kontrata? Kasi kung ito ay walang kasulatan maaring idahilan ng employer na nag-renew kayo ng kontrata at ang expiration na ng iqama ang siyang expiration rin ng inyong kontrata.

      Tama po, dapat lamang na bago mag expire ang iqama kayo ay naka kompleto na ng papeles dahil kung ma-expire ito, hindi po kayo mabigyan ng exit clearance ng jawasat kung hindi po ito na-renew.

      Kung sakaling magka-problema dapat lamang na pasyalan ninyo ang POLO at humingi ng payo. Kadalasan ang ginagawa ng POLO natin ay tawagan ang employer upang ma-remind sila sa karapatan ng worker.

      Regards.

      Bong

  6. ano po bang numbers ng POLO Jeddah? kasi 3hrs away kami d2 sa Jeddah. yong problima ko po ay kagaya dn ng problima ng karamihan ang hindi pinapauwi kahit tapos na ang contract 2yrs and 2months na po ako d2.2yrs lng yong contract at mag expire ang iqama ko ngayon Oct 15, 2011

    • Jose,

      Hanapin po ninyo sa sidebar, may mga numero po diyan or dalhin mo ang cursor OFW PAGE sa bandang itaas ng blog at pindotin ang PHIL. MISSION IN KSA EMERGENCY NUMBERS.

      Bong

  7. good day sir,

    ask ko lng po sir,kasi po nakapgusap na kmi ng amo ko,sabi nya this saturday ay exit na dw po nya ako pero kahapon po nagbago isip nya at guso po nya tapusin ung expiration ko po ng iqama..bale may 4 or 5 months pa po un..gusto ko na po umuwi kasi hindi na maganda ung trato nya sakin..bale sa oct.palang po matatapos ang kontrata ko,pumayag nman po sya na uuwi na ako at sagot ko na rin po ang ticket ko pauwi,perp un nga po ngaun namn gusto nya tapusin ko iqama ko?sir anu po ang pwede kong gawin?sna po ay matulungan nyo ako..maraming salamat po..

  8. hello po..ask ko lng po kung anu po bang pweding gawin tungkol po sa contract na hindi po nasunod. bale po, nurse po ako dito sa riyadh, 4mos lng po kami ng kaibigan ko dito. sa contract po namin nkasaad po na ang employer po ang magbabayad para sa IQAMA etc.. sinabi nmn po ng agency namin na placement fee lng ang mkaltas sa sahud namin pero ang nangyari po every month nlng po kami nakakaltasan ang sahud nmin para dw po sa IQAMA, BLS training, Saudi Council(khit tapos na kami ng-exam) at sa placement fee.. Sinubukan po namin kausapin ang modir ng hospital at sinabi po nla na may ibang systema dw po sila sa Saudi, sa pagkakaalm ko din po lahat nmn ng employer na sila ang nababayd para sa iqama ng kanilang employee.Yung agency po namin hindi na po nagrereply nung humingi po kami ng tulong sa kanila. anu po ba ang mabuting gawin po.Ayaw nmn din po naming mkauwi sa pinas dahil dito. Malaking halaga na din po kasi yun. sana po ay matulungan nyo po kami.

    • Anne,

      Hndi makatarungan ang ginawa ng inyong employer. Malinaw po sa provision ng batas Article (40): (1) An employer shall incur the fees pertaining to recruitment of non-Saudi workers, the fees of the residence permit (Iqama) and work permit together with their renewal and the fines resulting from their delay, as well as the fees pertaining to change of profession, exit and re-entry visas and return tickets to the worker’s home country at the end of the relation between the two parties.

      Give me the name of your agecy at huwag matakot. Please idetalye ang lahat ng contact deatils including the name of the owner ng agency.

      Bong

      • Gud evening po, salmat po at nireplyan nyo po ang aking katanungan. S&D MAN POWER SERVICES INC., ang name po ng agency namin. Address: Room 401 4th floor LBH Building 1431 A. Mabini Street Manila. Tel No., 00639188814444. Sir Ali lng po ang alam nming pangalan sa may-ari po ng agency. Sana po ay matulungan nyo po kami sa aming problema. Thnax a lot.God bless and more power.!

        • Anne,

          Susulatan ko po ang inyong agency pero hindi ko masabi na sasagotin ako nito dahil ang mga recuitment agency (hindi naman lahat) ay MAKAPAL ang Anit.

          Babalikan ko po ang inyong situwasyon or babasahin ko uli ang inyong sulat mamayang gabi. Pasensya na sa tagal ng reply, sa dami po ng mga inquiries naduling na po ang inyong lingkod. Isa pa may employer rin akong dapat paglingkuran.

          Keep you posted.

          Bong

          • hi sir Bong,

            tanong ko lng po kung nasulatan na po ba ninyo ang aming agency at anu nmn po ang respond nla? hihintayin ko po ang iyong sagot.

            maraming salamt po.:-)

  9. Good evening Sir!

    I hope you can give the proper advice I need for my dilemma.

    Sir, my boyfriend has been there for several years already. Sa kwento nya, maayos naman company nya before pero dumating na sa point na hindi na sya sinuswelduhan ng employer nya ng more or less 1 year na. i have been asking him bakit nya tinitiis yon at hindi na lang humanap ng ibang trabaho, ang sabi po nya, pag daw kasi umalis sya, di nya na makukuha yung pera nya. since hindi na sya nasuswelduhan, pwede po ba syang umalis at maghanap ng ibang job at pano na yung sweldo nyang hindi binigay, quits na po ba yon or makukuha nya pa?

    another thing, sabi nya po, tinitiis nya na lang na hindi sya makasweldo basta’t yung mga tauhan nya ay makasweldo tapos sya ay thru commissions na lang kumikita. di ko po alam pano nya po ginagawa yon, di ko alam if may agreement silang ganon ng employer nya. pero ang tanong ko po, since ang sabi po nya, parang pinabayaan na sya ng may ari sa company, pwede po ba na sya as manager na lang ang magpatakbo nung company? sabi po nya sakin, pinayagan na rin sya na humanap na lang ng buyer nung company nila at yun po daw talaga winiworkout nya para makuha nya yung mga sweldo nyang hindi binigay sa kanya.

    lately po, i learned kahit mga tauhan nya di na rin nasuswelduhan. yung iba parang nagsideline na lang as driver kahit na electro-mechanical yung dateng job nila para lang kumita at may maipadalang pera sa pamilya. pero parang sa kanya lang nagpaalam, hindi na dun sa may-ari ng company kasi sya na nga raw nagpapatakbo. ang tanong ko po, kung ganito status ng company nya, ano mangyayari dito in relation sa saudization? sa tingin ko po, the fact that it is collapsing, marami pong dapat ayusin sa company nila. pero what bothers me is, sino po ba ang dapat mag asikaso ng requirements for the saudization, yung may-ari or pwede rin po syang i-authorize as the manager? in case naman po na hindi na sila makacomply sa deadline, ano po ang pwdeng mangyari sa boyfriend ko at sa iba pang employees nung company kasi ang alam ko po puro sila pinoy lahat and halos pinabayaan na yung company sa bf ko pero talagang wala po talagang projects na pumapasok sa kanila ngayon.

    hoping for your reply. thanks!

    iftar

    • Iftar,

      Napansin ko na may hindi pa ako nasagot sa mga comment dito sa ating blog at nakita ko ang iyong liham. Sorry at medyo nakaligtaan ko ito.

      Angg masasabi ko lang, alam ng iyong boyfriend ang kanyang ginagawa. Sa tingin ko siya na nga ang pinapalakad ng kanilang employer sa kompanya. Kung kaya niya itong patayoin uli, hanggang kailan? Maaring puwede niya itong ma revive pero paano naman ang mga taohan niya na mga gutom na.

      Tungkol sa bankruptcy, maaari niyang singilin ang employer pero ito ay nasa kamay ng korte dahil ang mga na bangkarote na mga kompanya ay kailangang dadaan sa korte upang itoy litisin ayon sa batas ng Saudi Arabia.

      Ang kasagotan ay ang Saudization – dapat sabihin mo sa iyong BF na mag hanap na ng bagong employer at dalhin niya ang mga taohan niya saan man siya magkaroon ng bagong employer. Ang paglipat nila sa bagong sponsor ay ayon sa kautosan ng Nitaqat system. Para sa akin, mas maganda pa na ma-categorize na Red ang kanilang kompanya para magkaroon sila ng Freedom to look for another employer ayon sa new Saudization policy.

      Bong

  10. good day sir…

    eto na naman po ako..sir nanggaling na po kasi ako sa polo last april pa i guess..pero hindi naman po nila tinawagan ung aking amo..until now hindi ko pa rin po alam kung anu po pwede ko gawin?gusto ko na po sana kasi umuwi kesa naman magtrabaho ako ng hindi nasusunod ang kontrata ko po..?sana po mapayuhan nyo ako..maraming salamat po :\

  11. hello po. ..magandang araw po sir. .tanong q lang po ung pinsan q po magdadalawang buwan na d2 at gus2 na nyang umowi kz may hindi cla pagkakaunawaan ng employer nya at na dismaya xa sa mga ugali ng tao d2. .kung gus2 nya pong umowi popwedi po ba? at anu ang mangyayari kung uuwi xa, may mga dapat ba xang bayaran?.. .at e2 pa po nilalakad ung mga papel nya for taking a prometric exam kz hnd muna daw xa mkakakuha ng iqama hanggat d pa xa nag eexam kz un ang bagong patakaran daw, e kaso may isang nawawala sa mga papelis nya ung authenticated PRC nya ang nawawala, ..hnd po ba pweding kaht walang authenticated PRC?. . or sapat na po bang gawing dahilan narn un kung gugus2hin nyang umowi?

    • Jam,

      Una sa lahat, may sasabihin lang ako, hindi lamang sa iyo at iyong pinsan kundi sa lahat na po ng mga readers natin.

      Ang pangingibang bansa ay hindi po basta basta, dapat po pag nag desisyon kayo, konkreto ito at handa po ninyong tanggapin ang inyong madadatnan sa bansang inyong pupuntahan. Dahil kung hindi pa po kayo ready, HUWAG NA KAYONG MAG-ABROAD, hindi po laro ang pangi-ngibang bansa. Hindi rin po kayo nagbabakasyon lamang, na kung gusto nyo ng umuwi, makaka-uuwi po kayo, HINDI PO.

      Dito sa KSA, natural lang na iba ang mga ugali ng mga ibang lahi dahil hindi natin kalahi ang mga ito. Nag-iiba nga ang ugali ng mga kapwa Pinoy natin, yon pa kayang mga ibang lahi. Sa tingin ko, hindi pa talaga ready ang iyong pinsan na mag abroad. Kaya kayong mga nais mag abroad huwag mag desisyon kung hindi pa kayo ready at kung alanganin pa kayo. Hindi isang LARO ang pangingibang-bansa, maniwala kayo sa akin. Hindi lahat ng mga OFWs ay SUWERTE meron ding HINDI PINALAD at ito ay hindi lamang po sa Saudi Arabia kundi sa ibat ibang bansa na kung saan mayroong mga OFW.

      Ok, kung gusto niyang umuwi at ayaw naman ng employer, sabihin mo sa kanya na puntahan ang ating POLO habang nasa probationary period pa lamang siya at alamin kung ano ang dapat tamang gawin.

      Kung gusto talaga niyang umuwi at ito ay sinag-ayonan ng employer, ito ay may kapalit ayon sa batas, pagbabayarin siya or sisingilin siya sa lahat ng nagastos ng employer sa pagkuha sa kanya sa Pinas. Kasama na dito ang Visa, Ticket, Fees na binayad ng employer sa Agency at iba pang nagastos nito sa pag-ayos ng kanyang papeles para makarating sa Saudi Arabia.

      Kung iyon po ang bagong patakaran, at alam ko lahat yata ng mga professionals na mga expats dito sa KSA ay kukuha muna ng Saudi Council Examations as requirement para magkaroon ng iqama.

      Cheers!

      Bong

  12. hi! ask lng po ako,kinaltasan po ako ng employer ko noon,sabi ng accountant nmin ibibigay daw ang pera pag natapos ang kontrata,ngayong tapos na po ako at pauwi na ngayong agosto,15 days lang daw ng sahod ko ang ibibigay nila,problema po yong dati nming accountant umalis! paano ko po makukuha yong kinaltas nila,sinabi ko sa employer ko na kahit yong 2months salary ko nlng sana,may karapatan din nman siguro ako doon. salamat po

  13. Sir, i need your professional advise. Dumating po ako sa Jeddah July 2007 under Company 1 yung work is Company 2, ginamit lamang ang visa ng Company 1 sa pagpunta ko dito.

    In Nov 10, 2008, nagkaroon kami ng alitan ng Office Manager ko at binato ako ng Office Manager ng camera, bumukol ang ulo ko at dumugo, i sent emails to POLO, OWWA, Consulate about the incident with photos as evidence.

    But i have decided not to pursue the complaint, since i was promised that they will pay me for the damage which is hanggang ngayon di ko pa natatanggap. The Labor office (consulate) asked me if i want to be represented to file a complaint, i told them na OK na, so di na pursue and formal complaint.

    I have completed my 1 term of 2-year contract and i was transferred to the sponsorship of where i am working, di ko po ako umuwi since my boss promised that he will my family here. I requested the release of my airline tickets and 1 month vacation pay, pero di ni release and Sick Leave ko 15 days annually & commutable to cash as stated in my contract with Company 1.

    There was no contract signed under Company 2 after the transfer.

    I filed a resignation effective December 2011 but he wants me extend until July 2012. he said that i need to train a new guy for 3 months and another 3 months to see if he is doing good.

    Do i have the right to resign anytime i want? as stated in my contract with Company 1:

    Repatriation at the End of Contract Period

    The Employer shall repatriate the employee upon fulfillment of the contract period without waiting for any replacement.

    Can i used this against the company? I have discussed with my boss that i will be transferring to another company and he has no problem with that as long as i will train a new guy.

    Also, he wants me to sign a sort of agreement that i need to pay the company the amount he spent in changing my sponsorship and status (from cook to marketing specialist) in any case that i will leave before the agreed date (example April 2012). The said amount he spent is not known to me, there is no invoice or proof that he really paid for it. – Do i have the right to refuse to sign? My iqama will finish 1433/09/21

    I paid the Visa, airline tickets, agency fees, etc. taliwas sa pangako nya na sya daw ang bahala sa lahat para papuntahin ang family ko yun pala, nakacharge din sa akin. at every month binabawas sa sahod ko.

    Also, i have been working overtime without pay since i came here & at the same time i am working from 9 to 6 without lunch break.

    I wanted to resigned before December 2011. As i am applying for another company. Please advise kung ano ang dapat kung gawin, do i need to seek the help of consulate to file a complaint?

    Salamat sa iyong payo and God bless.

    William

    • Liam,

      Please take note of Saudi Labor Law Article (18): If the ownership of a firm is transferred to a new owner or a change takes place in its legal form through merger, partition or otherwise, the work contracts shall remain in force in both cases and service shall be deemed continuous.

      Ibig pong sabihin, kung ano man ang mga probisyon na nasa kontrata sa una mong employer ay siya ring dapat sundin ng pangalawa mong employer. Sabi mo July 2007 ka dumating sa KSA with two years contract. Ibig sabihin po, July 2009 nagtatapos ang iyong kontrata. Since walang bagong kontrata ang namagitan sa inyo ng iyong employer, automatically naging unspecified period ang iyong contract duration. It means, your contract will end up to the expiration date of your work permit or iqama.

      The provision written in your contract is very clear, ” the Employer shall repatriate the employee upon fulfillment of the contract period without waiting for any replacement.” Ang sinasabi po sa kontrata ay “fullfillment of the contract” it means pag matapos ang kontrata – hindi po, kung ikaw ay mag resign.

      Tungkol naman po sa change of profession, mali po ang iyong employer, sabi po Article 40. 1, An employer shall incur the fees pertaining to recruitment of non-Saudi
      workers, the fees of the residence permit (Iqama) and work permit together with their renewal and the fines resulting from their delay, as well as the fees pertaining to change of profession, exit and re-entry visas and return tickets to the worker’s home country at the end of the relation between the two parties.

      With regards to the expenses incurred in getting your family to KSA. Tingnan mo muna ang kontrata kung may nakasaad na ang employment mo sa kanila ay “family status”. Without this phrase, hindi po siya obligado na akoin ang gastos sa pagkuha sa iyong pamilya. Since you are resigning or don’t want to renew your contract, may rason siya na singilin ka sa kanyang mga nagastos.

      Tungkol sa postponement ng pag-uwi, be noted that An employer may postpone, for a period of not more than ninety days, the worker’s leave after the end of the year it is due if required by work conditions., SLL Article 110.2.

      Overtime work should always have an specific instruction from the employer, otherwise without a notice to work overtime, the work will be considered voluntary.

      If you want to resign – it is your right to do so. But if your employer ask you to postpone it, may karapatan din siyang humingi ng palugit but it should not be more than 90 days.

      Regards.

      Bong

  14. salamat po sir,san po ba ang POLO?kasi dito po ako HUFUF..para mabisita kopo incase pag ginawa yung sinabi nya sakin na babawasan sahud ko sir.pupuntahan ko ang POLO…salamat.

  15. sir natapos ko po ang contract ko nun july 29,2011 bale 2 years po yun.sinabihan kona po nun na mag exit ako na ayaw kona pung bumalik sa saudi.hanggang ngayun po d2 pa ako. dpa ako pinapauwi at gaya ng sinabi ko sa una kung message sayu sir hinohold nya ako at gus2 pa nya na mag trabahu ako at gawin yung hindi ko naman trabahu .sir ngayun sept.pwede kona bang sabihan ulit na gus2 ko nang umuwi?…paanu ko po ba ipapaliwanag sa kanya na gus2 kona talagah umuwi at ayaw kona mag trabahu sa kanya?

    • Lon,

      Mag notice ka uli by Septmeber (kung ok pa sa iyo na November ka uuwi) and try to find a personal reason that may persuade him to approve your request or else you may visit our POLO and the POLO will call your employer about your problem. ADvice ko lang huwag kang hihinto ng trabaho baka mas lalo pang madagdagan ang problema at lastly, iwasan ang init ng ulo.

      Bong

  16. sir e2 na man po ako hingi po ako ng payu sa inyu kasi tapos na kontrata ko.d2 pa lang po ako dpa ako pinapauwi kasi humihingi ako ng exit ayaw akong bigyan.tinanung po ako kung kelan mag expire ang iqama ko tas sabi ko nov.8 tapus po sagut nya masyadyu paraw maaga para pag usapan yan kaya d po ako naka sagut kasi alam ko po may karapatan pa cya sakin eh.tapus e2 naman po problema ko pinipilit po akong pagtrabauhin ng hindi naman yun ang inaplyan kopo.gus2 nyang gumawa ako ng dinaman yun ang trabahu ko. tumanggi po ako kasi gus2 ko na ngang umuwi saka dnaman yung ang trabahu ko na inaplyan tas papagawa nya sakin po.tapos pag d ko raw ginawa kakaltasan nya daw ako.anu po ba ang dapat kung gawin tulungan nyu po naman ako sir.actualy kakatawag lang nya kakasabi lang nya yun sir.salamat po.

    • Lon,

      Pang ilan taon mo na sa employer mo? Kung Nov. 8 pa magtapos ang kontrata mo, by September gumawa ka ng formal na sulat na ayaw mo ng e-renew ang iyong kontrata and iqama. Sa batas kasi at least a month may notice ka na. Pero gawin mo ng 2 months para at least may time sila sa paghanap ng iyong kapalit kung kinakailangan.

      Tungkol naman sa gusto niyang mangyari na mag work ka ng ibang linya ng trabaho aside sa tunay mong posisyon, under Saudi Labor Law Article 38: An employer may not employ the worker in a profession other than the one specified in his work permit. Before following the legal procedures for changing the profession, a worker is prohibited to engage in a profession other than his.

      Also be noted that a disciplinary action such as fines or kaltas ng sahod may not be imposed on a worker except after notifying him in writing of the allegations and if ever he violates certain company rules and regulation in a minor violations, the penalty for which does not go beyond a warning or a deduction of a one-day salary and this should be recorded in the employee’s 201 files.

      Regards.

      Bong

  17. Dear Sir,
    Sir,tanong ko lang po na as an employee may karapatan po tau na magrequest sa employer ng salary increase at the end of our contract?Dapat pa itong ipagkaloob sa atin or may karapatan silang(employers) decline ang salary increase if the employer wishes to? I am working in KSA for more than 6yrs. basic salary plus commission under health specialist po work status ko.nu po bang article sa labor law ang pde ko ipangtapat sa amo ko Sir?

  18. good day sir,

    sir nais ko lng po sana itanung kung anu po pwede ko gawin..kasi po monthly binabawasan ng amo ko ung sahod ko po,tapos nitong last 2 months hindi nya po binigay ung buong sahod ko,tapos tinanggal din po nya day off ko at mahigit 12 oras po nya ako pinagtatrabaho…anu po pwede ko gawin?ilalapit ko po ba ito sa ating embassy?sana po matulungan nyo ako..maraming salamat po.

    • Manny,

      Sa sulat mo hindi mo man lang binigyan ng rason bakit ka binabawasan ng sahod.

      Dahil kung walang rason, e bawal po ito sa batas paggawa ng kaharian lalong lalo na kung wala kang day off at 12 hours pa nag work. Dapat sa amo mo, MAG FASTING AT HINDI NA KUMAIN PAG DATING NG 6 PM. Hindi siya isang tunay na muslim kung ganyan ang kanyang ugali.

      Ano bang klase ang work mo? Nasa bahay ka ba?

      Awaiting your reply.

      Bong

      • hindi po nya sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit nya binabawasan ang sahod ko.kapg po tinatanung ko sya kung bakit nya binabawasan sahod ko nagagalit sya at minsan pinipilit kunin ang iqama id ko at pinapaalis nya ako..bantay po ako ng kanyang computer shop..at sa pagkakaalam ko din po kasi sinabi sa akin ng isang kasama ko na ibang lahi na itong shop nya ay ibenenta na nya po pero ayaw ipasabi sa akin..sinabi ko din po sa knya na pauwiin na lng nya ako kung bawas naman lagi sahod ko,sabi nya hindi daw nya po ako pauuwiin..anu po ang pwede ko gawin?salamat po.

        • Manny,

          Gaya ng sabi ko sa iyo, malinaw po sa Saudi Labor Law na dapat alam at may consent po ng employee or worker ang mga ibabawas ng employer sa suweldo ng worker. Payo ko sa iyo, e-report mo agad ito sa POLO OWWA upang matawagan nila ang employer at alamin kung bakit ka kinakaltasan ng sahod at bakit hindi ito alam ng worker.

          Ang pag-benta nito sa ibang tao ay karapatan ng may-ari pero dapat pa rin alam ito ng mga workers.

          Huwag lang munang mag resign baka naman pag gawin mo ito, sisingilin ka niya sa lahat ng kanyang nagastos sa pagkuha sa iyo sa Pinas. Karapatan niya ito ayon sa batas.

          Bong

  19. SIR,magandang araw po..ako po c meynard..d2po ako sa riyad sa ngaun po nagtrabaho po ako sa employer ko..bali 1yer @6months na po akoo sir,,kaya lang po,,bali may pinirmahan po kami dati na contrata..pero kinuha po ng boss nmin at wala akong copy..dapat pa ba akong humingi ng contrata ulit sir?kasi ung mga nklgay doon sir d po nya sinusunod..tulad ng day off po sir at ung overtime..bali 12 hourspo ako nagtratrabaho sir at walang day off at walang bayad ang overtym ko,,gus2 ko na pong magresingn sir,,par makauwi na po ako kasi sobra na po itong boss ko sir diko na kaya,,pang aapi nya,,ano po dapat kong gawin sir para maka uwi po ako ng maayus..nakikiusap po ako sir tulungan nyo po ako..salamat po..

    • Tukayo,

      Pareho kayo ng problema ni Manny, walang day off, 12 hours pa mag work at walang overtime. Dapat sa amo mo, MAG FASTING AT HINDI NA KUMAIN PAG DATING NG 6 PM. Hindi siya isang tunay na muslim kung ganyan ang kanyang ugali.

      Article 51.The work contract shall be in duplicates, one copy to be retained by each of the two parties. However, a contract shall be deemed to exist even if not written. In this case the worker alone may establish the contract and his entitlements arising there from by all methods of proof. Either party may at any time demand that the contract be in writing.

      Bong, sa problema mo, hindi na nga ito tama pero kung mag resign ka ngayon, baka naman sisingilin ka pa ng lahat ng nagastos ng amo mo for non-completion of contract at tito ay sasang-ayonan ng batas.

      Mabuti mong gawin ay ang dumulog sa ating POLO at sabihin mo ang problema dahil puwede mong kasohan ang iyong amo dahil sa mga violations nito basi sa Saudi Labor Code. Or ma mediate ito ng POLO at maisa-ayos ang lahat.

      Uulitin ko, ang pag resign ay mas lalo pang makadag-dag dag sa problema kaya cool ka lang at idaan sa tamang lugart ang lahat ng mga move.

      Update me of the status pag naka punta ka na sa POLO.

      Bong

  20. sir bong,
    huminto po ako sa trabaho n desisyon ko po.kasi iniisip ko na kung itutuloy ko po ang pagpasok as an instinct ko nalang po na talagang di nila ppansinin na disidido n po talaga ako sa exit file ko.sir sa sitwasyon po na ito parang tinutorture po nila ang empleyado nila kasi marami na po talagang ang nagsi exitan na dito kasama na ang ibang mga lahi.at magpahangang ngayon ay nandito pa.sir di ko po talaga maunawaan kasi tapos na po ang kontrata at bakit di nila sinusunod kung anu ang nasa kontrata.eh ayaw na nang tao na ituloy pa.sa dami nang dahilan para magexit ang empleyado nila.lebanese po ang amo namin.sir sana po may maipayo or maitulong kayo sa amin.
    maraming salamat po.

    Richard of Riyadh

  21. dear sir,
    magandang araw po s inyo.hihingi lang po ako ng payo s inyo.sir tapos n po ang contrata ko d2 s company n pinapasokan ko pero di pa po nila ako pinapauwi.kahit n 2 months before nag file n po ako ng exit.ngayun nandito pa ri po ako s campo.sir nasasayang po ang oras sa paghihintay.anu po ba ang pwede gawin ko gawin kasi pinaliwanag ko n po sa kanila ang dahilan ko.payuhan nyo po ako sir.pwede ko po b ito ilapit sa Embassy natin para humingi ng tulung?
    Maraming Salamat po.

    Richard of Riyadh

  22. good day sir salamat po sa payu….sana d kau magsasawa sa pagpayu sa mga nanganga ilangan gaya ko god bless…

  23. sir pwede nyu po ba akong payuhan kung anu gagawin ko d2 kasi patapos na po ako ngayun july kataposan eh kinausap kopo yung amu ko na mag exit ako pero ayaw nya akong mag exit…sabi nya mag trabahu lang muna ako.ang alam ko gamitin nya muna yung 90 days extension.anu po ang gagawin ko papasok paba ako sir at tapusin ko n lang yun 90 days para wala ng habol sakin pwede na nya akong bigyan ng exit?

    • Lon,

      Hindi ko masabi sa yo na sundin mo ang gusto ng amo mo, nasa sa iyo kasi ang huling desisyon PERO kung tatanongin mo ako na hihinto ka sa trabaho, iyan ang huwag mong gawin kasi maging dahilan pa ito sa mas dag dag na problema, okey. Try your best na lang to expalin to your employer na gusto mo ng umuwi, kung may magandang naisip ka na rason gawin mo.

      Bong

  24. good day sir,patapos na kasi ako ngayun katapusan ng july ang problema ko po gus2 pa ng amu ko na mag stay ako na mag trabahu sa kanya tatapusin ko na lang ba yung 90 days extension sir?o pwede kopo bang hindi ako papasok pag natapos na yung contract ko?

  25. sir,bong ask ko lang po kung ano dapat kung gawin.naka 3 kuntrata na ako sa employer ko.mata2pos sa feb 13 2012.bali 6years na ako.pro ayaw ko na po na bumalik nag file ako ng exit pero di sila pumayag. binigyan nila lang ako ng bakasyon.gusto ko nmn mag work sa kumpanya.kaso ni renew nila iqama ko at binigyan ng re entry.baka daw kc mag bago isip ko bumalik pa ako sa kanila.maka2balik ba ako ng saudi pag kaganon para sa new employer ko.dina sila mag ha2bol sa akin.kc maganda nman record ko sa kanila.wla akong nagawang kasalanan.at may ban ba sa saudi?ilang taon o buwan po ang ban ng saudi.? didith

  26. gud day po sir tanong kulang ako po ngayun ay nagwork dito sa riyadh mag 1 year na gusto ko po ulit bumalik ng dubai kaso ang problema ko po ay yung naiwan kung credit card sa dubai dikuna natapos bayaran di po ba ako magkaproblema pagdating sa dubai….

    • Yhang,

      Posible na magkaroon ka ng problema dahil sigurado ako na for the period of 1 year naka update na or na i-report na ito sa employment record mo sa Dubai for the fact na naka link sa iyong work permit ang problema mong naiwan.

      Bong

    • maraming salamat po sa iyong tugon pero dinaman po kalakihan ang utang ko nasa 3k dirhams lang po ma hold po ba ako sa airport at pwede po ba ako gumawa ng waver na magbabayad ako kaya naman kasi ako napauwi nun dahil sa global crisis

      • Yhang,

        Hindi po natin alam kung ano talaga ang mangyari pero mas maganda na rin kung ayosin mo ito. May mga corresponding banks or tie up banks ang banko na may atraso ka, puwede ka siguro doon mag inquire about the status of your account at kung puwede ba ang waiver.

        Bong

        • ok maraming salamat po sa inyong oras at panahon sa pagsagot sa aking katanungan….god bless po.

  27. ako po ay nag wo work dito sa riyad mag 8 months palang po ako tanong kulang po kung pwede na po ba ako mag resign kasi diko na po gusto ang pamamalakad ng mga manager pero ang company ok naman gusto ko na po mag resign may kaukulang halaga po ba akong babayaran dahil sa diko pagtapos sa kontrata ko…

  28. sir. im rodel working as a waiter in palace.nabi2lang ako sa mga HOUSE HOLD SERVICES.pabaskyon ako ngyn pero dipo ako mag eh exit kc para makuha ko 2months vacation fee ko.madaling sabi po me re entry ako sa saudi.pwede po ba ako mag work sa company? ng walang problema.d2 rin po sa saudi sa company ng uncle ko.kc may nabasa ako sa pinoy extra pag company to campany need ng exit.pag ikaw house hold no need to exit.totoo po ba yon?

    • Del,

      Saan mo nabasa? Lahat ng expats po, maski anong work need to have an exit clearance pag gusto mong taposin ang kontrata. Kung ganon nga naman ang mangyari e-mag household worker na lang ako at pagdating dito, hanap ako company. Malabo yata, lahat mag household worker na lang.

      Kung ikaw ay may exit re-entry maski anong klaaseng trabaho, kukunin ng iyong sponsor ang iyong iqama. Pag hindi ka makauwi sa takdang araw ng iyong pagbabalik, pupunta ang employer sa immigration upang e-report ka at ibigay ng employer ang iqama na worker sa jawsat or immigration na kung saan ito ay makasama sa iyong record.

      Kung ikaw ay makabalik sa kaharian na walang problema sa Pinas, sa immigration papasok sa KSA baka hindi, or kung hindi kaman masita, e-report ka ng immigration sa employer na ang worker mo noon ay bumalik sa KSA sa ibang employer. Ang employer naman ay mag report sa Office of Investigation and Tracking of Foreigners for necessary legal action.

      Bong

  29. Dear Sir,

    ako po ay isang baguhang ofw d2 sa saudi arabia, dumating po ako d2 nuong july 7 2009, dala ko po ang contrata ko at mga dokumento, ano po ang pwede kong gawin sa pag labag ng mga amo ko sa kontrata

    1. food allowance na 200 sr endi po nla binigay,
    2. overtime namin nung ramadan days sept 2009 endi po nla binigay.
    3. ang bahay po namin ay lagpas sa 60 km ang layo sa opisina namin.
    4. patapos na po ang kontrata ko wala pa sila na ginagawang aksyon o binibigay na bagong kontrata o written notice. one month bago matapos kontrata ko nag pasa na ako ng notice to vacant my position. at nung nakausap ko sla ang sabi sa akin wala daw problema ksi endi pa expired ang iquama ko.

    ano po ang pwede kng gawin o aksyon sa kanila me batas ba sla na ganun d2 na iquama ang sinusunod hindi ung contrata na pinirmahan din nila. sana po matulungan nyo ako gusto ko na po ksi mag exit etong july.

    salamat ng marami

    mark

    • Mark,

      Kung hindi pa tapos ang iyong dalawang taong kontrata, ikaw ay nasa tinatawag pa rin na SPECIFIED Contract where the date of the contract you signed with your employer ang masusunod. Pag lumagpas ka ng dalwang taon at ni-renew nila ang iyong iqama at wal kang bagong kontratang pinirmahan, ang expiration date ng iyong iqama ay ang basihan kung kailan matatapos ang iyong kontrata – ito ang tinatawag na UNSPECIFIED period of contract.

      Maraming paglabag sa batas paggawa ang iyong employer at puwede ninyong ireklamo ito sa Saudi Labor kung gusto ninyong gawin, katulad ng paglabag sa Art. 61.1 at Art. 90. Sa hindi pagbayad ng overtime, nilabag rin nila ang Art. 98. Tungkol sa accomodation nilabag nila ang Art. 147.

      Tungkol naman sa allowance, basahin mabuti ang kontrata kung ano ang nakasaad doon.

      Puwede kayong magreklamo direkta sa Saudi Labor Court. Pero bago ninyo ito gawin, dapat lamang humingi na muna ng payo or guide ng ating POLO. At kung mag desisiyon kayo na lumaban, dapat bukas ang inyong puso at alam ninyo or tanggap ninyo ang risk na maaari ninyong masasalubong sa inyong daraanan.

      Bong

  30. magandang araw po sa inyo.. isa po akong nurse dito sa riyadh.. 3 buwan na po akong naninilbihan sa amo ko pero ngkaroon po ng isang mallit na insidente na natuloy sa pagteterminate nya ng kontrata ko.. pinaghihinalaan po niya na ako ay mayroong relasyon sa isa sa mga receptionist namin.. nasamahan din po ang isyung ito ng mga maliliit na gawa gawang kwento tungkol sa kalidad ng aking trabaho.. ngayon po ay pangalawang araw na mula ng pinatitigil na niya ako sa trabaho… gusto ko lang po sanang malaman ang karapatan ko sa kasong ito? wala pong katotohanan ang alin man sa mga bagay ng ibinibintang niya sa akin… gusto ko lang po sanang makauwi ng maayos sa pilipinas at kung sakali ay makahanap uli ng bagong trabaho dito sa uli sa KSA. Maraming salamat po.

    • Aya,

      Receptionist ninyo, lalaki? ibang lahi?

      Ang termination ay dapat may basihan at hindi sa kuwento lamang. Maaari kang ma terminate kung ang artikulo na ito ay siyang maging dahilan ng iyong terminasyon – Article 80.3 : If it is established that the worker has committed a misconduct or an act infringing on honesty or integrity.

      Kung wala mang basihan ang mga alegasyon na ipinaratang sa iyo, puwede mong sulatan ang iyong employer at ibigay ang iyong kasagotan sa mga paratang na ibinato sa iyo. Kung handa kang lumaban at sa tingin mo hindi makatotoahan ang lahat ng mga ibinintang sa iyo, puwede mong kasohan ang iyong employer based on the following article. Article 77. If the contract is terminated for an invalid reason, the party who is harmed by such termination shall be entitled to indemnity to be assessed by the Commission for the Settlement of Labor Disputes, taking into account the termination circumstances and actual and potential material and moral damages sustained.

      However, kung alanganin ka sa iyong posisyon at takot lumaban, kausapin mo ng masinsinan ang iyong employer at humingi ng chance na makabalik ka sa iyong trabaho or pauwiin ka ng maayos na walang kapalit ng halaga.

      Good luck.

      Bong

  31. Good Day po s inyo sir,
    tanong ko lang po sir kung allowed po ang isang employee po ng companya na magdeduct ng sahod from a fellow employee just because na hindi nya kursunada ang tao or just lets say na galit lang yung superior s kanya?or just is it legal ang walang nilalabag na karapatan sya?or any advice sir?one more thing sir is that I’m fininshing my contract this coming July 2011,but the problem is most people say,my co-workers n hindi pinapauwi ng saktong araw ng file ng date na uwi.meaning pinapatagal nila kahit na nagabiso na ng advance,3 months before the due date.any actions for this kind of matter sir or advice?

    • Dick,

      Hindi malinaw sa akin. Sino ang nag pa -deduct, isang empleyado lamang? or ang kompanya?

      Upang may guide kayo kung kompanya ang nag deduct, ito po ang nakasaad sa Batas Paggawa ng kaharian.

      Article 92: No amount shall be deducted from the worker’s wages against private rights without his written consent, except in the following cases:

      1. Repayment of loans extended by the employer, provided that such deductions do not exceed 10% of his wage
      2. Social insurance or any other contributions due on the workers as provided for by law
      3. Worker’s contributions to thrift funds or loans due to such funds
      4. Instalments of any scheme undertaken by the employer involving home ownership programs or any other privilege
      5. Fines imposed on the worker on account of violations committed, as well as deductions made for damages caused
      6. Any debt collected in implementation of a judicial judgment, provided that the monthly deduction shall not exceed one quarter of the worker’s wage, unless the judgment provides otherwise. First to be collected is alimony, followed by food, clothing and accommodation debts, before other debts.

      Article 93: In all cases, deductions made may not exceed half the worker’s due wage, unless the Commission for the Settlement of Labor Disputes determines that further deductions can be made or that the worker is in need of more than half his wage. In the latter case, the worker may not be given more than three quarters of his wage.

      Article 110: 2. An employer may postpone, for a period of not more than ninety days, the worker’s leave after the end of the year it is due if required by work conditions. If work conditions require extension of the postponement, the worker’s consent must be obtained in writing. Such postponement shall not, however, exceed the end of the year following the year the leave is due.

      Good luck!

      Bong

  32. Gud day sir,

    nawork po ako sa jubail,saudi arabia nung may 3, 2009…nag emergency vacation ako nung october 2009 nag taong din un…kya lng po hndi n ako nkabalik…may reentry ako ng within 90 days.2 years po contract ko.nag end nga p ng may 3,2011…ang tanong ko po kung pwde pako bumalik sa saudi pero ibang company n po?

    salamat po ng marami.

  33. Good day Sir,

    Again its me.. tulong po… nakita ko na po ung contract ko ito po ung nakalagay..

    The duration of this contract is one gregorian year starting on the 17/04/2011 and ending on 16/04/2012. This contract will be automatically renewed for two successive equal periods, unless a written notice of term is provided by “secret co” 30 days prior to the termination date or provided by the employee in 90 days prior to the term date accordance 6-2 terms & conditions of this employment contract nevertheless “secret co” reserves the exclusive right to terminate the contract immediately without a notice period in the cases provided for in the labor law or in this contract or “secret co” policies and procedure.

    Ang offer po sa amin ay 2000 riyals. ito po ung nakalagay sa contract. pero sabi po at nagpromise ang director after 90 days evaluation pagmaganda ang performance tataas ang sweldo namin ng 5000 riyals. New contract po ito. na absorb kami ng same company pero ibang project. Di pa nila alam ung skills namin kaya binigyan kami ng 90 days evaluation. Pwede po ba mangyari yun? na after 90 days mababago ang sweldo namin? or mapapako na talaga kami sa 2000 riyals offer until the end of contract.

    And then ano po dapat ang nakalagay sa contract if talgang tataasan kami after 90 days.

    Again many thanks…. sana masagot po ninyo agad para di kami maluko.

    Regards,
    Amir.

    • Amir at mga kahanay,

      Dapat po ninyong malaman na ang kontrata ay ang pinaka importanteng dokumento na dala ninyo sa kaharian. Huwag po kayong maniwala sa matamis na mga pangako ng agency dahil mas matimbang sa kanila ang pera kaysa kating apakanan. Kaya siguradohin po ninyo na bago kayo mag submit ng dokumento or pumirma ng kontrata alam po ninyo kung anong klaseng kompanya ang inyong madatnan pagdating sa kaharian. Dahil wala po tayong magagawa sa kadahilanang nasa kanila ang ating pasaporte.

      Malinaw po sa iyong sulat Amir, na automatic po ang inyong renewal of contract, ibig po sabihin 3 taon kayong hawak ng inyong employer whether you like it or not. Huwag kayong umasa na taasan ang inyong sahod ngunit nasa sa inyo po ito kung karapatdapat ba kayong bigyan, kung sila ay seryoso sa kanilang mga pangako.

      Kung tama ka na the same company but different project, ibig sabihin wala pong “absorb” na tinatawag sa inyong situwasyon, sila parin ang inyong employer kaya ang kontrata na napagkasundoan noong una ay siya parin ang dapat sundin. Ngunit sa 90 days probationary period, hindi po ito tama, dahil ang worker ay isang beses lamang po maging probationary sa iisang employer. Dito sa KSA ay bihira po ang maglagay ng kondisyon tungkol sa pagtaas ng sahod at wala po itong amount na dapat ilagay kung meron man ito ay nasa desisyon ng employer kung tataasan ka or hindi.

      Hindi ko po kayo dini-discourage pero hintayin po natin kung talagang may word of honor ba ang inyong employer after 90days. Pero gaya po ng sabi ko, iisang beses lamang po magkaroon ng probationary period ang worker in one particular employer.

      Keep me posted.

      Bong

  34. Sir,

    Good day po. Question po ito po ung sitwasyon. Natapos po ung contract ng company sa RSAF noong apri 4, 2011. at natapos din ung Contract namin sa kanila. Kaya naghintay kami ng 13 days sa villa without work. Naghintay kami kong papauwiin ba, bibigyan ba ng release or itatransfer sa ibang project. meaning ayaw pa namin umuwi gusto pa namin mgwork dito sa kingdom. Humanap ng paraan ang company na maretain kami. Noong nakahanap na sila. itong company na ito ililipat kami sa ibang project nila. Sa project na un may contract under probation within 90days lng. Ang nakalagay Contract mgstart ang contract sa 18 april 2011. Now my question sino po ang mgbabayad ng 13 days namin ng hindi kami ng work?

    Thank you Sir…

    Regards,
    Amir

    • Mir,

      Kung natanggap na po ninyo ang mga benepisyo, ibig po sabihin konsiderasyon na lang po ang ating hingin upang maibigay sa inyo ang 13 araw na pahinga. Pero kung titingnan po natin ng maayos, hindi po ninyo kasalanan na magpahinga ng 13 araw. Ibig sabihin dapat lamang po na bayaran ito ng inyong dating employer.

      Bong

  35. salamat po sa information ofw empowerment.. this will guide me what to do… more power to your blog site…

  36. sir,
    gusto ko lang po malaman kung anung pwedi naming gawin sa employer namin na hindi nag bibigay ng copya sa contract at sa iba pang papipirmahan nila…
    salamat po…

    • Please read related Articles about your question.

      Article 51: The work contract shall be in duplicates, one copy to be retained by each of the two parties. However, a contract shall be deemed to exist even if not written. In this case the worker alone may establish the contract and his entitlements arising there from by all methods of proof. Either party may at any time demand that the contract be in writing.

      Article 55: 1. The fixed-term contract shall terminate upon expiration of its term. If the two parties continue to implement it, it shall be deemed renewed for an indefinite period of time, subject to the provisions of Article (37) of this Law for non-Saudi workers.

      Article 37: The work contract for non-Saudis shall be written and of a specified period. If the contract does not specify the duration, the duration of the work permit (iqama) shall be deemed as the duration of the contract.

  37. Sir,

    tanong ko lang po sana kung pwede nyo ako bigyan ng link or file about sa HOUSING allowance kc ang usapan nmin ng employer ko is 3x ng basic salary ngaun gingwa nilang 2 months nlng kc nga daw un daw ang batas dito sana po makakuha ako ng copy sir salamt po

    • Jeff,

      I don’t have copy of the official copy of the rulings about housing allowance but all I knew is that housing allowance is equivalent to 3 months salary at lump sum po ito na ibinibigay every year. Kung ginawang dalawang buwan salary ang iyong housing allowance, hindi po ito naaayon sa regulasyon ng Saudi government, lalo napo ngayon na nag announced ang Hari ng Saudi na may dagdag ang housing allowance na lahat ng mga kwani ng gobyerno, aalamin ko palang kung kasama ang private companies dito.

      Bong

      • Hi Sir

        I am Mr. Jayson Villa, I am about 1 month here in Damam working under the segia gulf contracting company. I have a problem dealing with them because the contract that I have signed is that I will work here in KSA as a medical staff because I am a nurse by profession with 2 years of hospital experience in the philippines but I am working here as admin clerk under saudi aramco, I have complain to the coordinator which is also a filipino but he said he can do nothing about it..I am calling the agency in the manila but instead gave me the number of the employer here..I called the employer so many times but he is just hanging his phone and never answered..I cant go to the main office of segia gulf because I was sent to the oil drilling rigs wich is in the middle of the dessert near abqiq…please help me because I dont know what to do..I am very much frustated and depress about what is happening right now…I cant go home because I already spend a lot of money and time.

        Please help me.

        Jayson Villa

        • Jayson,

          What is really your complain, the work which is your line of work? or working in Saudi Aramco drilling rigs in the middle of the dessert.

          Kasi ang pagkaintindi ko, ang Segia ay subcontractor ng Saudi Aramco. Ibig sabihin, local supplier po ng manpower ang Segia sa Saudi Aramco which is para sa akin okay lang basta ang pinirmahang kasunduan like salaries and other allowances ay ibigay sa akin. Pero kung labag talaga sa iyong kalooban ang mga nangyayari sa iyo dito, you must contact your recuitment agency sa Pinas para sila ang gumawa ng paraan tungkol sa iyong reklamo.

          Regards.

          Bong

  38. maaraming salamat Sir Bong, ang totoo nyan ako na lang natitirang Pilipino rito sa companya ko, umexit na rin kc iba, ang iba naman nagbakasyon di na bumalik, sinadya ko talagang matili rito Sir ng ganito katagal dahil inaasahan ko na may makukuha akong End of Service benefits kung akoy eexit na, itatanong ko po sa POLO gaya po ng sinabi nyo, God Bless you Sir, at maraming salamat ulit…

  39. Magandang umaga Sir,
    correction lang po doon Sir sa unang sulat ko, dalawang taon at walong buwan yon Sir. ang tanong ko pa Sir, yon bang binibigay na isang buwan na sahod sa bawat dalawang taon iyon na ba Sir ang sinasabing benepisyo o End of Service benefits? antayin ko po ang inyong sagot Sir maraming salamat ulit…

    • Ger,

      Ang natanggap mo nong ikaw ay nagbakasyon ay ang tinatawag na “prepaid annual leave”. Please read pertinent provision of this law.

      Article 109. 1. A worker shall be entitled to a prepaid annual leave of not less than twenty one days, to be increased to a period of not less than thirty days if the worker spends five consecutive years in the service of the employer.

      Bong

  40. Magandang araw Sir,
    minsan na po akong nagtanong sa inyo kung may karapatan po ako sa End OF Service Benefits na wala po akong penermihan na contrata dahil lipat lang po ako dito sa companya ko, at maraming salamat po sa inyong Reply agad.
    Year 1997 po ako rito lumipat, tapos year 2008 bininta ng Employer ko ang planta pero ssya pa din Employer namin, dalawang taon at walong taon kaming nasa pamamahala ng nakabili ng planta, wala kaming reklamo sa kanyang pamamaha, nagpapasahod sa tamang Oras.
    Noong nakaraang walong buwan may nakikipagsusyo sa nakabili nitong planta at gustong ilipat kami ng sponsorship, ako ayoko nang magpalipat dahil gusto ko umexit nitong buwan ng april bago matapos ang aking Iqama nitong buwan ng May, Last monht Sir, pinatawag kami ng Emploer namin sa opisina niya tungkol sa benefisyo namin, may pinakita silang dalawang perasong papel kung saan nakasulat ang amin mga pangalan at ang benefisyo na aming makukuha, at ang computation nila ay magmula lamang doon kung kailan kami huling nagbakasyon hanggang sa bininta ang planta, nagtanong ako sa kanila kung bat doon lang magsisimula ang computation ng Benefisyo namin, sabi nila, iyong binibigay daw sa amin na isang buwan sa bawat dalawang taon yon na daw benefisyo namin, totoo ba yon Sir? at kung tutuusin sa unang walong taon ko rito isang beses lang ako magbakasyon, at may mga taon pa na kami nagbabayad ng Iqama namin.
    Ang benefisyo ko na makukuha na nakasulat sa papel na pinakita sa amin ay dalawang libo lang mahigit, di halos maabot ng isipan ko kung anong klaseng computation ang ginawa nila.
    ang tanoong ko Sir, tama ba yong computation nila at yon lang ba matatanggap kong benefisyo sa loob ng humigit 14 years na pagtrabaho ko rito sa companya ko? hihintayin ko po ang inyon sagot maraming salamat po…

    • Roger,

      Hindi po tama ang kanilang computation, not unless may pinirmahan kayong iba na nakasaad doon na natanggap na ninyo ang inyong end of service benefits. Pero kung wala puwede kayong magreklamo or humingi muna ng payo sa ating POLO upang ma guide kayo sa dapat po ninyong gawin. Sa ngayon huwag muna kayong magpakita ng kilos na mayron kayong gawin or tutol kayo tungkol dito.

      Dapat lamang na ibigay nila ang para sa atin ayon sa batas paggawa ng kaharian.

      Good luck.

      Bong

  41. Sir,
    pacensya po kala ko po ksi kailangan pa ng visa.ok na po ung impormasyon na binigay niu..ngayun ko po na malalaman ang systema ng transfer of sponsorship.Salamat sa impormasyon ulit sir.Ang gagawin ko nlang po e kausapin ung ngayun employer if talagang kukunin po ako d2.salamat ulit at mabuhay ka po dahil malaking tulong po kau sa lahat ng mga ofw d2 sa abroad…salamat!!!

  42. Sir:
    Salamat po ulit sa impormasyon..ksi po ung sulat na natanggap ko sa employer ko sa arabic nun pero pinabasa ko sa mga kaibigan kong arabo na pinapayagan nya ako magwork sa iba at un nga po na nailagay nya na clear na ako sa companya nya.pwede po ba un na indiksyon na release paper po? ngayun po nakausap ko na sya na kailangan nya raw ng insurance at ngayun ay meron na ako..hinihintay ko lang po ung card.ksi hindi makakarenew ng iqama pag walang insurance..sana po na sa susunod bigay na nya sa akin ang release ko.salamat po sa impormasyon.Ito po ay sobrang makakatulong sa akin d2.Problema lang po ksi d2 sa pinagtatransferan ko na wala clang visa available sa akin.instead na magpalit ng position as labor.ksi po sa medical side po cla..paano po ba un sir?

    • Marlon,

      Alam po ng papasokan mong bagong sponsor ang dokumento na kailangan para ma-transfer ka at sila ang maglakad ng iyong papeles kaya alam nila kung ano ang dapat na kailangan na dokumento.

      SLL Article 40.3: An employer shall bear the fees of transferring the services of a worker who wishes to transfer his service to him.

      Service to HIM, – HIM is referred to your new sponsor.

      Kaya lang bakit nabanggit mo ang visa? Marlon, malinaw po na transfer of sponsor ang maging status mo, ibig sabihin, transfer lang po ng iqama at sponsor wala na pong visa na kailangan. Medyo nagugulohan napo ako sa status mo. Pakilinaw mo lang.

      Bong

  43. Sir,

    Thanks po sa advice.sa ngayun po ung govt relation officer na pinagtatrabahuan ko e sya na ang nagbayad sa iqama at insurance ko tru internet po.so hinihintay ko lang po kung nairenew na po ung iqama ko, sasabihan ko na rin na bigyan nya po ako ng release paper.ask ko lang po sir kung anu po ba ang mga kailangan ko sa dati kong amo mga papeles para sa transfer..kung sakaling lolokohin pa nya ako sir ano po bang dapat ko ng gawin..ksi naibigay ko na lahat ng kailangan nya para mairenew ung iqama ko..thanks po sir sa informasyon.

    • Lon,

      Binasa ko uli yong previous mo na sulat. Medyo, nagkamali ako ng sagot dahil naka 2 years ka na pala sa iyong employer so ibig sabihin kung papayag siya na ma release ka ok lang.

      Pero kailangan mo ang black and white or dokumento na may approval ng employer na papayag siya na ma-release ka sa kanyang poder at malipat sa ibang employer or sponsor. Isa ito sa mga importanteng requirement. Pangalawang requirement ay ang sulat ng kompanya/employer na iyong lilipatan na interesado siya na mag serbisyo ka sa kanyang kompanya. Kasama na rito ang paghingi ng release or pagsang-ayon sa iyong unang employer. Kung wala namang pagtutol ang iyong unang employer, dapat lamang na bigyan ka niya ng release papers na sumang-ayon siya sa iyong kagustohan na lumipat. Ang lahat ng mga dokumento na ito ay dapat mapasakamay ng iyong bagong sponsor dahil siya ang magsumite nito kasama ang aplikasyon para sa paglipat ng sponsorship at iqama sa mga kinauukulan.

      Please note that transfer of sponsorship is still in the hands of your present employer whether he will release you or not. Ibig sabihin kung ayaw niya wala tayong magagawa.

      Regards.

      Bong

  44. sir magandang araw po!.sir ask ko lng po kung hindi ba illegal recruiter yung 1 agency satin s pinas!ngapply po kasi dun ung sister ko as CLEANER para sa bansang qatar.ngayon po nakapirma na sya ng contract @ paalis n sa tuesday,january 18..nung chineck ko po ung status ng agency sa internet is ok naman po @ til 2014 p ung licensed nila!kaya lang po nagtataka ako dahil chineck ko ung available na mga job offers nila is isa lamang po kundi DOMESTIC HELPER lang po @ s hongkong pa ung bansa!.wala po dun ung ClEANERS pra sa qatar!.natatakot po me baka mpahamak ung kapatid ko dun kapag nakaalis na sya!.nandito po kasi ako ngayon sa saudi!sana po sir mkreply kau agad!maraming salamat po & more power!….

    • James,

      Relax lang.. baka naman updated na ang ang job orders nila kaya wala na sa listahan ang cleaners sa kanilang website. Pero dahil may doubt ka at para naman maka-sigurado ka, dahil gahol na tayo sa panahon, sa 18 na ang alis ng kapatid mo, instruct someone to visit POEA office (kung nasa probinsya-Regional POEA office) at mag-inquire doon kung talaga bang merong job orders na cleaner ang agency na ito patungong Qatar. Makikita naman nila yan sa computer records nila.

      Good luck!

      Bong

  45. hi sir,

    happy new year!!!!!!!!

    tapos na po ung 2yr contract ko sa kompanya ko bagong balik lng ako ngayun galing bakasyun at nagtratrabhu naman ulit sa kompanya ko ngunit wla po akong penirmahan ulit na kontrata ngayun po gustu ko po sanang mag resign at mag file ng exit dahil hindi po sinunud ng bos ko ung mga kasunduan namin bago ako nagbakasyun pwidi po bang mangyari yung gustu kng mag resign at mag exit. payuhan nyu po ako maraming salamat.

    • Maximuz,

      Puwede kang mag resign pero mag expect ka na may hihingiin na kaukulang halaga ang iyong employer dahil nong time na pumayag kang magbakasyon at nag renew ng iqama, automatic na po na ni-renew mo ang iyong kontrata into unspecified period. It means your end of contract is the expiration date of your iqama.

      Regards.

      Bong

  46. magandang araw po sa inyo.

    sir na pondo na po namin ang sahod namin for the month of january and febuary 2010 and now we have again an unpaid salary for the month of november and december. sobra tiis npo nming mga pinoy dito sa kumpanya nmin dahil nga po sobrang delays nlng lagi ang sahod nmin. wala po silang exact date for our salary. parang lagi depende kung meron po sila pera pampasahod smin. i am a engineer here en have a family already, for me it ruins my family budget monthly. marami po kami pinoy n nagwowrk dito en sana po masulosyunan npo ang hindi nila pagpapasahod ng ontime..

    thank you soo much… hope u can give us advice for this.

      • Good Day again Sir Bong,

        where here now po in khamis mushayt, asir region po en we still never get into polo/owwa coz we have conflict of schedule, and my agency sir bong is ANCHOR INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES INC., if there’s any step that we must take first sir, where willing to do it po.

        • Ronald,

          Sayang, nagpunta diyan noong 8-10 December 2010 ang Philippine Consulate General in Jeddah, conducting Consular Mobile Services (CMS) in the area of Abha and Khamis Mushayt.

          Ganito na lang gawin natin habang inaantabayanan ko ang susunod na CMS ng PCJ. Sulatan ninyo ang inyong recruitment agency, pirmahan po ninyo lahat at ilahad ninyo sa kanila ang inyong mga hinaing, tingnan natin kung ano ang kanilang kasagotan. Kung may email address ka sa agency, mas maganda kung scan copy at bigyan mo ako ng kopya, sa loob ng isang linggo kung walang sagot ang ahensya ninyo, ako naman ang mag follow-up.

          Pag may CMS naman, bigyan ko kayo agad ng schedule nila para at least isa man sa inyo makapag paalam at makausap ang POLO/OWWA or kung sino man ang nandoon upang maipaabot sa kanila ang sulat ninyo sa agency at mga hinaing.

          Keep in touch.

          Bong

          • magandang araw po sa yo sir Bong

            may ask po about your email address and contact no. na rin po para po ma copy ko kayo upon sending my letter to our agency… we are hoping for a good result on our concern..

            maraming salamat pong muli sa iyo…

  47. GANDANG ARAW PO SIR!
    1. Bale po nong august 2010 inoperahan ako kc my appendicitis po ako..
    Tapos po after ko maoperahan nagbigay po ako sa aming boss ng sick leaved noticed galing sa aking doctor.Bale 3 weeks po ung binigay na araw ng doctor para makapagpahinga ako ng maayos.After 3 weeks blik na po ako sa trabaho khit hindi ko pa kya.
    Sir,itatanong ko lang po sana sa inyo kung ano po iyong dapat kong gawin sa pangyayaring hindi ako nabigyan ng eksaktong sahod khit nagbigay naman ako ng sick leaved noticed galing sa doctor ko.Sinabi nila aayusin nilayung nangyari ngunit hanggat ngayon eh wala parin ung kulang sa basic salary ko.Naghintay na ako ng 3 months ngunit at lagi akong update ng update sa opisina kaso puro sila pangako.
    ano po ba ang dapat kong gawin sa pangyayaring ito?
    2. Tsaka hindi rin po ako pti yung mga kasamahan ko nabibigyan ng tamang bayad sa overtime khit nagtratrabaho kami ng sobra sa regular hours na dapat naming itrabaho.Kaso wala pong proper time sheet or time card.Pero alam ng aming boss kung anong oras kmi araw araw.Hanggang pangako lng po sila na isasama sa susunod na buwan pero hindi nila tinutupad.
    Sir,gusto ko rin po sanang itanong kung mahahabol pa po ba namin ung mga overtime namin.

    • Alvin,

      Karapatan mong hingin ang kabuoan ng iyong sick leave, malinaw po sa SSL Art. 117 : “A worker whose illness has been proven shall be eligible for a paid sick leave for the first thirty days, three quarters of the wage for the next sixty days and without pay for the following thirty days, during a single year, whether such leaves are continuous or intermittent. A single year shall mean the year which begins from the date of the first sick leave.”

      Dapat mo lang na i-follow up ito dahil may karapatan kang kunin ang dapat sa iyo ayon sa batas paggawa ng kaharian. Kung sakaling hindi parin ito ma-aksyonan, dumolog sa POLO upang matawagan ang iyong employer.

      Tungkol sa overtime, dapat lamang na bayaran kayo sa inyong serbisyo at ito ay dokumentado, from the official notice to work overtime to the exact overtime hours in the record such as: time sheet or time card or a weekly/monthly overtime time sheet printed from the office of the company’s accounting department – you have the right to ask for it.

      Malinaw sa Art. 107 na ang employer ay magbabayad sa mga manggagawa para sa overtime na pinag trabahoan nito o karagdagang halaga kapantay ng oras na pasahod plus 50% ng kanyang basic wage. Kung ang mga kompanya ay pinamamahalaan sa batayan ng lingguhang mga oras ng paggawa, ang mga oras na labis ay dapat ituring na oras overtime. Lahat ng mga oras ng paggawa ginanap sa panahon ng bakasyon at Eids ay maituturing na oras overtime.

      Isangguni ang problema sa Phil. Overseas Labor Office upang opisyal na masulatan nito ang inyong employer.

      Bong

  48. Sir:

    Assalamalaykum! Ask ko lang po ksi po ako ay isang empleyado ng construction establishement at ako po ay hindi pinasahod ng 2 bwan ng amo ko.Ngayon nag-usap kami dalawa na magpatransfer nalang ako sa ibang companya tapos may kasulatan kami na magbabayad ako ng halagang 4300 plus binayaran ko po pati ung 1750 na iqama at medical insurance ko po.binigyan po ako ng kasulatan na narecieve nya ung pera sa tulong ng govt relation d2 sa dispensary kasalukuyan na nagtatrabaho na aking nahanap na pinagtransferan.Ang problema po ay hanngang ngayun hindi pa po ako tinatransfer ng dati kong amo at hindi binigay ang aking passport at iquama na aking ibinayad.Sabi po nya na ung pera na binigay ko sa knya nagamit nya sa pagrenew ng registration ng kanyang kumpanya.Sa ngayun po marami syang pangakong nabibitawan hanngang ngayun wala pa po akong natatangap na tawag mula sa knya or transfer manlang.Overstay na po ako d2 tapos na po ung 2 years contract ko sa knya..Ang tanong ko po lamang pwede po ba ako maitransfer sa dispensary kasi galing po ako ng construction company at kung anu pong karapatan ko sa dati kong amo po para masampahan ko ng kaso kung sakali po…

    • Hi Lon,

      Mukha yatang mabigat ang problema mo. Medyo malaki na rin ang gastos mo dahil medyo naloko ka ng iyong amo.

      Una, wala kang dapat bayaran pero dahil matalino nga siya, nadali ka parin niya. Bakit? Dahil hindi pa puwedeng ma-transfer ang isang expat sa ibang employer kung hindi pa ito lumampas ng 2 taon sa kanyang kasalukuyang sponsor. Dahil nga hindi ka pa nag 2 years, kaya siya humingi ng kabayaran at ipalabas na kagustohan mong mag resign kaya ka niya siningil ng ganoong halaga.

      Puwede ka namang malipat kahit anong kompanya, depende lang yan sa kooperasyon ng iyong bagong employer. Dapat mong gawin ay mag pakumbaba na lang at tawagan o hanapin mo ang iyong amo para mabigyan ka ng release. Pag may release kana, ang kasalukuyan mong employer ang siyang mag asikaso sa transfer of iqama or sponsorhip at hindi ang dati mong sponsor.

      Regards.

      Bong

      • Sir, nakasaad sa new saudi labor code Article 88:

        Upon the end of the worker’s service, the employer shall pay his wages and settle his entitlements within a maximum period of one week from the date of the end of the contractual relation. If the worker ends the contract, the employer shall settle all his entitlements within a period not exceeding two weeks. The employer may deduct any work-related debt due to him from the worker’s entitlements.

        exit na kasi kami at malapit na kaming maging isang buwan na standby, dahil sa settlement ng accounts namin, at ang last na natanggap na sahod ay month of August 2010 pa dahil sa pondo, sa construction po kami malaki ang companya kaso mabagal ang sistema @ kilala dito sa KSA, sir entitle pa ba kaming mag claim ng standby namin na oras dito sa Kingdom

        Sir need namin ang inyong legal advice, salamat po sir at maligayang pasko sa lahat.

        • Rex,

          Kung ang batas ang masusunod, dapat lamang na sa loob ng isang linggo matatangap nyo na ang inyong benepisyo maliban lamang kung ang mangagawa ang nag terminate sa kontrata, babayaran siya ng employer or kompanya sa kanyang benepisyo sa loob ng 2 linggo. Wala ring karapatan ang employer na magkaroon ng pondo sa sweldo ng mga workers. Ngunit pinapahintulutan ng Ministry of Labor ang 2 buwang pagkabinbin sa sweldo KUNG may sapat na rason kung bakit.

          Kung sa employer nanggaling ang order upang kayo’y mag stop work habang inaayos ang inyong exit papers at benepisyo maaari kayong magreklamo sa Labor upang makuha ang standby time na hindi naman ninyo kasalanan na umabot sa tagal na panahon ang inyong paghintay. Ngunit sa tanong mo Rex, ikaw rin mismo ang makakasagot dahil ikaw ang mas nakakaalam sa situwasyon ng kompanya. Kaya kung sakaling magreklamo kayo, dapat lamang na pag-isipan muna ng mabuti bago mag desisyon.

          Ngunit kung kayo ang nag stop work, ang computation ng inyong benepisyo ay hanaggang sa huling araw ng inyong pagtrabaho.

          Salamat sa pagbisita.

          Bong

  49. Sir, magandang umaga po… Ako po ay 2 years ng nagtatrabaho dito sa Kaharian sa isang Government company under the ministry. Gusto ko lang po sana itanong ang ilang mga bagay-bagay tungkol sa sitwasyon ko sa aking employer gaya po ng mga sumusunod:

    1. They hired me as an Admin. Assistant pero sir ang VISA ko ay janitor pero ako po ay nakabilang sa Maintenance Staff, nang itanong ko po sa kania kung bakit ganun ay ang sagot po nila ay dahil sa yun daw po kasi ang madaling ikuha ng VISA at para daw po mabilis akong makapunta d2 sa Saudi. Ang tanong ko po ay WALA PO KAYANG MAGIGING PROBLEMA SA COMPUTATION NG SERVICE BENEFIT KO KUNG SAKALING AKO PO AY MAG-EXIT NA?
    2. Ang offer po nila sa akin nang ako’y tanggapin nila d2 para magtrabaho ay 1,000 (basic salary) + 300 (food allowance)… Ang panagko po ng employer ko ay bibigyan ako ng adjustment after 1 year pero hnd po nila ibinigay un. Sa pagkakaalam ko po kasi kapag ang empleyado ay sa opisina (secretary) ay my minimum salary na dapat ay 2,000 up… Pa’no po ba un at ano po ba ang maitutulong nyo sa aking sitwasyon?
    3. Sa yearly increment po namin ay nakakatanggap kami ng +50 SR. (Janitor) at +75 (Maintenance), dahil po sa ang visa ko ay janitor at ang sweldong ibinigay sakin ay rate ng janitor, sa loob po ng 2 years ko d2 ay 50 lang ang ibinigay nila sakin. Nag-complain po ako at sinabi nila na ibibigay nlang daw po ung reimbursement ng reamining amount na nawala sakin at the end of my 2 years pero nang dumating po ang end ng contract ko ay wala ni Halala ang naibalik sa akin sa loob ng 2 taong hnd nila naibigay, my laban po ba akong habulin at ibigay ang sana’y nararapat sa akin sa sitwasyong iyon?

    Maraming salamat po and God Bless!

    • Bert,

      1) Kung ikaw ay mag exit, dapat lamang na ang computation ng LMW (Last monthly wage mo) + allowance ang maging basihan ng ESB computation, kahit janitor man ang iyong visa.

      2) Nasa discretion ng employer mo kung bibigyan ka ng increase or hindi at hindi po totoo na ang may minimum wage na SAR 2,000 ang nag work bilang Admin Asst.

      3) Kung napabilang ka sa Miantenance staff at admin asst. ang naging trabaho mo mula ng dumating ka, hindi dapat maging SAR50 lamang ang increase mo kada taon kundi SAR 75.

      Hintayin mo lang ang takdang panahon upang malaman natin kung may word of honor ang iyong employer tungkol sa reimbursement.

      Regards.

      Bong

  50. ok sir bong,pro wat if gumawa ako ng letter 4 non renewal b4 2mons tpos hnd nla aq pauwiin 2lad ng mga ksamahn ko d2 n umabot n ng 4mons..extention..khit ng pasa sila ng letter b4 6mons wat po ggawin ko..i mean wats d next step..
    sna po ay m2longan nyo po aq..
    more power
    sir bong..

    • Mike,

      Puwedeng sampahan ng kaso ang employer kung binibinbin nito or hindi pauwiin ang worker sa tamang panahon na kung saan natapos na ang kontrata nito sa kanya. Nakasaad lamang sa batas na magbigay ng 30 days notice ang worker specified or unspecified contract man ito. Ngunit, mas mabuti na ring 2 months in advance para at least makakita sila ng kapalit sa loob ng 60 days na notisya. Isama mo na rin sa sulat na 60 days advance notice for non-renewal of contract ang sulat mo upang mabigyan sila ng sapat na araw upang maghanap ng kapalit sa mababakante mong posisyon.

      Ipa-receive mo sa iyong supervisor or manager or human resources/ personnel dept. ang iyong sulat notisya na may pirma kung kailan ito nila na receive. Kung ayaw nilang tanggapin, ipa-registered mail mo ang sulat at itago ang registration slip or resibo nito upang magamit ito sa korte as evidence kung ayaw ka parin nilang pauwiin. Again, put the subject “Notice for Non-renewal of Contract” or “Contract Completion re: Notice of Non-renewal of Contract.”

      Pakisabi na rin sa lahat ng mga kasamahan nating kahanay diyan, na ang mga nabanggit sa itaas ay ang kanilang gawin kung gusto na nilang taposin ang kontrata.

      Good luck.

      Bong

  51. sir, maitanung ko lang po, dumating po ako sa saudi ng july o4, 2007, at natapos ko po ang 2 years contract at umuwi po ako sa pinas ng july 25, 2009, ni-renew po nila ang iqama ko bago ako magbakasyon after 45 days po bumalik ako sa saudi sept. 12, 2009 para po sa re-contract ko. ALIN PO BA ANG BABASIHAN NILANG DATE OF CONTRACT YUNG JULY 04, PO BA O” YUNG SEPT. 12 NA PO? at ito pa po ang ang isa ko pang tanung, PWEDE PO BA AKONG MAG EXIT BAGO PO MAG EXPIRE ANG IQAMA KO?kasi po kung babasihan nila ang simula ng bago kong kontrata ay sept. 12, 2009 na matatapos ang 2 years sa sept.12, 2011, pwede po ba akong mag exit ng august 05, 2011 bago ma-expire ang iqama ko?
    sana po ay matulongan po ninyo ako, maraming salamat po.
    more power and God Bless.

    • William,

      First, take a look of the provisions below written in the SLL.

      Article 55: 1. The fixed-term contract shall terminate upon expiration of its term. If the two parties continue to implement it, it shall be deemed renewed for an indefinite period of time, subject to the provisions of Article (37) of this Law for non-Saudi workers.

      Article 37: The work contract for non-Saudis shall be written and of a specified period. If the contract does not specify the duration, the duration of the work permit shall be deemed as the duration of the contract.

      Now, look at your contract, more particularly the Article about “Duration of Contract“, If ever it is written there that “it maybe renewed for similar periods” – it means your contract is still in an “specified term” and specific date should be observed.

      However, if the two parties continue to implement it without any specified dates or terms, then the contract shall become an indefinite term contract in which the duration or the end of the contract will end upon the expiry date of the work permit or iqama.

      Regards.

      Bong

  52. sir ask ko lng po,feb 8 2011 po ang end of contract q..pro ang iqama ko is may 10,2011 gs2 klng po taposin ang cintract q,at umuwi n po ng file n po aq ng exit nong b4 6m0ns kopa…

    • Mike,

      Kung ito ang una mong kontrata sa iyong employer, ibig sabihin “specified period” pa ang iyong kontrata at magtatapos ito sa date na nakasaad sa iyong kontrata pagatapos ng 2 taon. Please make a new letter or notice of non-renewal of contract 2 mos. before the end date of your contract.

      Article 74 : 2 A work contract shall terminate in the following cases: “If the term specified in the contract expires, unless the contract has been explicitly renewed in accordance with the provisions of this Law in which case it shall remain in force until the expiry of its term.”

      Regards.

      Bong

  53. Sir;
    pwede po bang magtanong po tungkol sa iquama ko kasi mag expire na sa march 2011 pero ang plano ko po na mag exit na sa february 2011 wala na po bang problema kung mag exit ako na hindi ko na renew 3 days pa bago mag expire kasi wala po bang problema dito sir.

    salamat po at more power sa pag sagot ninyo sa tanong ko po.

    • Marlon,

      Mag notice ka ng at least 2 months sa iyong employer na ayaw mo ng mag renew ng kontrata. ibig sabihin hindi na nila i-renew ang iyong iqama. Siguradohin mo lang na at least 5 or 10 days pa ang iyong flight sched bago mag expire ang iyong iqama. Kung kompleto lahat ang iyong mga exit documents at maka depart ka any day before expiration of your iqama, wala naman itong problema. Not unless kung may problema ang iyong iqama katulad ng traffic violations, bank loans, etc etc. – you need to clear everything first prior to your departure. At kung hindi maayos ang lahat (exit visa) before your sched at ma expire na ang iyong iqama, wala kang choice kundi mag renew ng iqama worth SAR 500 charge to your account.

      Para walang problema, ayosin lahat ang mga kinakailangan para nasa ayos ang iyong pag-uwi.

      Bong

  54. magandang araw po! ksama po ba sa right namin na makapag file ng 10 days emergency leave.gusto ko po kasing umuwi ng pilipinas para sa napakaimportanteng bagay.Maari po ba yun? maraming salamat po…

    • Hi Amor!

      Depende po sa kompanya or establishment or hospital or employer kung magbigay ng 10 days emergency leave. Hindi rin ito nakasulat sa kontrata, ito ay isang pribilihiyo na ibinibigay ng employer sa kanyang worker in emergency situation but the worker should shoulder the cost of the ticket and exit-re entry visa fees.

      Katulad sa pinaglilingkuran kong government institution, meron kaming nakalaan na 15 days para sa emergency leave. Ibig sabihin anytime kaming umuwi pag may totoong emergency sa atin. Pero ang ginagawa namin dito ay idinagdag namin ang 15 days sa 30 days annual vacation namin. Ngunit hindi na ito magamit kung sakaling may totoong emergency na darating dahil ito ay nagamit na namin.

      Ang alam ko lang mayrong tinatawag na leave benefit na nakasaad sa Saudi Labor Law where you can avail leave credits with pay like the following:

      LEAVE BENEFIT

      1)Annual Leave
      No. of Years in Service = 10 yrs
      No. of Leave Credits = 15 days every year
      Rate: Full Pay

      No. of Years in Service = Above 10 years
      No. of Leave Credits = 21 days every year
      Rate: Full Pay

      2)Sick Leave
      No. of Leave Credits = 1 st 30 days
      Rate: Full Pay
      No. of Leave Credits = Next 60 days
      Rate: 3 / 4 of monthly pay

      3)Maternity Leave
      No. of Years in Service = 3 years below
      No. of Leave Credits = 4 weeks before delivery and 6 weeks after
      Rate: 1 / 2 month pay

      No. of Years in Service = above 3 years
      No. of Leave Credits = 4 weeks before delivery and 6 weeks after
      Rate: Full Pay

      4)Marriage Leave
      No. of Leave Credits = 3 days
      Rate: Full Pay

      5)Death of Spouse
      No. of Leave Credits = 1 day
      Rate: Full Pay

      6)Death of Ascendant and Descendant
      No. of Leave Credits = 1 day
      Rate: Full Pay

      Regards.

      Bong

  55. Good day po! Gusto ko lang pong itanong sir kung ang Saudi Labor Law regarding vacation after 1 yr of service ay applicable sa lahat ng ofw dito sa Saudi. Mayron po kasi kaming hawak na kontrata at stated po duon na 21 day paid vacation after 1 year of service,sa pagkakasabi po ng aming boss sa amin,yun daw po ay hindi gift kundi isang right.pero nitong malapit na ang aming vacation,yun po ay sa darating na january sana,sabi nya po sa amin na ang pinirmahan daw namin na contract ay 2 yrs. contract at makakapagbakasyon daw po kami after 2 yrs. Ang sabi ko po sa kanya,aanhin pa namin ang vacation,finish contract na po namin at wala naman kaming balak na mag renew ng contract.
    Ang kontrata po pala na hawak namin ay iba sa contract na nasa boss namin,dun po ay 2 years samantalang itong nasa min ay after 1 year.Alin po ang dapat masunod dun?
    Nun pong nagdidiscuss kami regarding vacation,after few days may bago pong contract na pinapipirmahan sa amin,come to think that we almost finish 1 year.Tama po ba na pirmahan namin yun? dun po sa bagong contract na pinapipirmahan,sinasabi dun na after 2 years nga raw po ang bakasyon at syempre po,maraming binago. Ang final ko pong tanong,RIGHT PO BA NG BAWAT OFW NA MAGBAKASYON AFTER 1 YR, O DEPENDE PO YUN SA PINIRMAHAN NAMING KONTRATA. ANG AMIN PONG TRABAHO AY PROFESSIONAL JOB.BAKIT PO YUNG IBA,MGA BLUE COLLAR JOB PWEDENG MAKAPAGBAKASYON.

    MARAMING SALAMAT PO AT MABUHAY KAYO!

    • Lin,

      Depende sa kontrata ang tungkol bakasyon. Kung ang kontrata mo ay 1 Year at nakasaad doon na 21 days vacation after 1 Year – dapat lamang na magbakasyon kayo kung i-renew ninyo ang inyong kontrata.

      Pero kung ang kontrata ay 2 years at nakasaad doon ay puwede kayong magbakasyon ng 30 or 45 days vacation, ibig sabihin taposin nyo muna ang 2 taon bago kayo magbakasyon kung kayo ay mag renew ng kontrata. Pero kung Exit kayo, you must give at least 1 to 2 months notice for non-renewal of contract.

      Ang bakasyon ay hindi naka categorize sa job ng worker. Ma laborer man or manager may karapatang magbakasyon at walang nakasaad sa Batas Paggawa ang ganitong policy.

      Alin ang masunod? Bakit magkaiba ang hawak ninyong kontrata? Kung sakaling papirmahin kayo ng panibagong kontrata, saibihin ninyo na pirmahan lamang ang mga ito pag kasama ang taga POLO/OWWA or embahada.

      Stay cool lang at idaan ang lahat sa mahinahon na paraan.

      Ingat.

      Bong

  56. wa alaykum salam Sir Bong, maraming salamat for your immediate reply Sir, matagal na kc akong naghahanap ng malalapitan upang magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa End Of Service Benefit naming mga OFW lalo na sa mga trasfer sponsorship na walang penermihan na kontrata gaya ko, maraming maraming salamat Sir…. pagpalain po kayo ng maykapal. God Bless you and to your family..

  57. sallam. .magkano po ba ung tamang pagkokwenta ng ESB? at may karapatan po ba kaming kunin e2 sa tamang pagkokwenta? at nkasaad din po ba e2 sa saudi law? pwedi po bang malaman kng saan article un?

    tanx po. .

    • Hi Jamira,

      Pasensya na ngayon ko lang nasagot ang katanongan ninyo. I’m currently outside the Kingdom for a very important matters. Pero hindi ko nakaligtaan na dumaan sa ating blog.

      Sa iyong katanongan, dapat lamang na sa tamang pagkwenta ang ESB ayon sa Batas Paggawa at karapatan mo itong hingin dahil ito ay malinaw na nakasaad sa kanilang batas.

      Ang Artikulo ng ESB ay makikita sa Article 84 and 85 ng Saudi Labor Law. Sa bandang itaas ng ating blog paki pindot nalang ang Saudi Labor Law para makita ninyo ang nakasaad doon.

      Bago kita bigyan ng simpleng kalkulasyon nais kong malaman ng mga readers na hindi sakop sa ng SLL ang mga ito: a) Domestic helpers and the like b) Sea workers working on board of vessels with a load of less than five hundred tons c) Agricultural workers d) Players and coaches of sports clubs and federations.

      Bibigyan kita ng kalkulasyon ayon sa Artikulo 84:

      Years of Working: 7 Years
      Sweldo: 1,000
      Allowances:
      Food = SR 200
      Housing = 200
      Tranportation = 200
      Total SAR = SAR 1,600

      SAR 1600 divided by 2 times 5 years = SAR 4,000 ( ESB para sa unang 5 taon)

      SAR 1600 times 2 = SAR 3,200 ( ESB for 6th and 7th years)

      SAR 4,000 plus 3,200 = SAR 7,200 ( ang pangkalahatang ESB sa loob ng 7 taon)

      Sa Artikulo 85 nakasaad doon na kung natapos ang kontrata dahil sa resignation ng worker, babayaran siya ng 1/3 sa kanyang serbisyo na hindi bababa ng 2 taon at hindi lalagpas ng 5 taon.

      2/3 naman doon naman sa mga worker na nakapagserbisyo ng mahigit 5 taon na hindi lalagpas ng 10 taon.

      1 month kung nakapag serbisyo siya ng 10 taon.

      Paki note lang na ang amount na basihan sa kalkulasyon ng ESB ay ang pinakahuli mong sahod.

      Salamat.

      Bong

  58. Sir maitanong ko lang po, transfer lang po ako rito sa companya ko ngayon, almost 15 years na po ako rito, wala po akong penermihan na kontrata, may karapatan po sa End Of Service Benefit ko? balak ko na po kasing eexit this year. salamat po..

    • Hi brother Abdul!

      Assalaamu ‘alaykum!

      A contract shall be deemed to exist even if not written as per SLL Article 51 and you are entitled to ESB the first day you work with your new sponsor.

      Regards.

      Bong

  59. ask ko lang po..umalis po ako ng pinas noong feb 2009 at nakapirma ng 2-year-contract sa isang agency..after 9 months,nagpaalam po ako na uuwi at magpapahinga muna kasama ng aking pamilya dito sa pinas..totoo po ba na hindi ako pedeng mag apply na ng abroad hanggat hindi ko natatapos ang dalawang taon na napirmahan ko agency or kelangan kong magstay sa pinas ng 15 months bago makaalis ulit ng bansa..pede daw po akong makasuhan dahil kabilang ang agency ko sa mga legal agencies sa POEA..totoo po ba un??wala po bang kinalaman un sa pagkuha ng visa??

  60. Good day po.gusto ko po sanang itanong kung may babayaran po ba talaga kung magreresign ka from your work.hinihingan po kasi ako ng 7000 riyal ng boss ko at sagot ko rin po ang aking pamasahe.nasa saudi labor law po ba yung ganun? 11 months lng po bale ang naging period ng trabaho ko,2 yrs po ang contract ko. may hawak po akong documents dito na basta mag submit ka lng ng resignation letter 1 month before,ang employer ang magbabayad ng pamasahe mo.naguguluhan po ako..pls help me.
    thanks and more power.

    • Cynthia,

      Natural lamang na hingan ka ng pambayad sa mga nagastos nila sa iyo sa pagkuha galing sa Pilipinas DAHIL hindi mo tinapos/tataposin ang iyong kontrata. Pero hindi ko alam ang amount na puwedeng nilang hingin sa iyo. All I know is – your employer have to right to compensate their expenses in bringing you here in KSA such as: Visa Fee and other expenses for acquiring your iqama, and the cost of the ticket.

      Bong

  61. Sa loob ng 7 years na pagtatrabaho dito sa kumpanyang pinapasukan ko ay ngayon lamang ako nakapag-desisyon na mag-exit. Gusto ko naman masubukan mag-trabaho sa ibang kumpanya.

    Ang problema ko po ngayon ay ayaw ako bigyan ng release letter. Natapos ko naman ang aking kontrata ng maayos nung August 23, 2010 pa. At naka-schedule na po akong umuwi this coming 15th November.

    Gusto sana ng lilipatan kong kumpanya na huwag na ko umuwi ng pilipinas at dito na manggaling sa Saudi. Subalit ayaw pumayag ng pinapasukan kong kumpanya. Diretso daw ang exit ko sa Pilipinas.

    Ano po ba ang dapat kong gawin?

    • Manny,

      Ang release or transfer of iqama ay nasa diskresyon ng employer at hindi ito nakasaad sa batas na puwedeng hingin pag kinakailangan. Ang nakasaad lamang sa batas ay kung pumayag ang employer na mai-release ang worker dapat lamang na ang bagong employer ang mag shoulder sa gastohin sa pag transfer ng permit or iqama. Not unless, na nakasulat sa iyong kontrata na sumang-ayon ang employer pagdating ng araw if you need a release or transfer of employment. One more thing, there is a new regulation about transfer or release, it says transfer should only be made if the employee has already completed two years from his current employer. In your case, pasok ka na dito.

      Ito ang puwede mong gawin, maki pag-usap ka sa iyong current employer and bargain some of your end of service benefits. Meron kasing mga employer na gahaman sa pera na puwede mong gamitin ang pera in exchange for a release. Ngunit nasa iyong desisyon parin ang tungkol sa usaping ito.

      Kung ayaw talagang pumayag, then try to ask for an NOC and talk to your new employer na dalhin mo na lang ang iyong visa and you work out the necessary procedures in processing your papers with their agency in Philippines. Iyan na lang ang pinaka magandang option na maari mong gawin.

      Salamat sa pagbisita tukayo!

      Bong

  62. hindi po siya pinapauwi ang nangyari po ay pumunta po siya ng jeddah nung bakasyon ng ramadan at nagdeliver po ng kanyang pangarga. nung nasa jeddah na po siya pilit po siyang pinapahanap ng makukuhang pangarga pabalik ng dammam (backload) pero dahil nga po bakasyon ng ramadan wala po siyang nakita. un pong mga kasamahan nya ngang mga driver e pinauwi na ng mga amo sa dammam nung bakasyon kahit walang karga para daw po makapagbakasyon. siya po ay hindi pinauwi at pinipilit na maghanap daw ng makakargahan. naghanap po siya at ng makakita at umuwi na ng dammam ang sabi po ng amo nya ay cucut daw siya ng 100 dahil di agad siya nakakita ng pangarga. sabi nya bakit nyo ako icucut. toz tinaboy na po siya ng amo nya ang sabi umalis at magkarga. nagaayos po ng gamit si vicente para bumiyahe ng dumating ang dalawang amo nya sa accomodation na tinutuluyan nya( wala po si vincente sariling accomodation nakikibahay lang sa katabing kumpanya na kamaganak ng kanyang amo) tinulak p osiya at sinaktan dahil pilit kinukuha na ang kanyang iqama, licensya at iba pang mga gamit sa trabaho. tinanong nya po kung bakit. pinagtulungan po siya ng magkapatid nyang amo para makuha ang mga gamit (iqama lisence ) sa kanya. at pagkatapos po nun sinabi na lang sa kanya na tapos na daw po siya magtrabaho sa kumpanya. lagi po nya pinofolow up ang paguwi nya pero di po siya pinapansin o pansinin man sisigawan at tatawanan pag sinasabi ni vicente kung tapos na ang kanyang passport. tapos nung nakipagusap siya sinabi sa kanya na bayaran nya muna lahat ng nagastos sa kanya sa pagpnta nya dito sa saudi (ticket, visa, iqama, lisence, etc) at sagutin nya ticket nya paguwi sa pinas aayusin daw po ng amo nya ang kanyang papeles. pero tatlong buwan na lang po naman sya magsstay sana sa kumpanya at finish contract na siya. nahingi po kami ng advise what po sana maganda namin gawin maraming salamat po

  63. Sir bong,

    magandang umaga po ano pa po ang maganda naming maging aksyon sa ginagawa po ng amo ni vicente dullas sa kanya. kinausap po nya ang amo nya at sabi sa kanya na kelangan nya bayaran lahat ng nagastos sa kanya at pati ang plane ticket na paguwi nya. ang mga babayaran nya ay ang visa, iqama, licence, plane ticket nung nagpnta dito at plane ticket na paguwi nya. e kung tutuusin naman po e tatlong buwan na lang ang kontrata nya e tapos na siya. at hindi po siya bumaba pinababa po siya. isang buwan na pong nakatengga ung tao dito… ano po kaya ang pwede namin gawin? pwede din po ba namin makuha ang number nyo thanks

    • Vince,

      Linawin po ninyo kung bakit siya pinapauwi. May termination notice ba sa kanya ang kompanya? Nag resign ba siya? Kung sakaling puwersahan siyang pinapauwi, ano ang pruweba ni Dullas? Alamin mo kung ano talaga ang rason bakit bigla siyang pauwiin. O siya ba ang gustong umuwi.

      Hintayin ko ang iyong sagot.

      Bong

  64. Sir,

    ask ko lang po if ano gagawin ko sa pag file ng Final exit kasi nung nag bgay ako ng notice para sa final exit ko sabi nila di raw sila nagbbgay ng Final exit at Vacation at exit re entry lng pagpipilian ko..marami napo sa amin ang ganyan ang nangyari…kaya di sila makabalik kahit pa may magandang offer sa kanila sa ibang company….pakibgay nmn po yung article na nagsasaad na pag natapos mo yung 2 yrs contract mo ay may karapatan ka na di mag renew ng contract at huminga na ng final exit..waiting for your reply

  65. sir bong,

    magandang araw po. pasensya po sa late na reply. mas maganda po ba na saka na lang ako magrereklamo pag tapos na contract ko? kasi po madami po kami ako po at mga driver. ano po ba ang legal na aksyon para po sa aming pagbaba pagtapos ng kontrata? gaano po katagal dapat ang maiistay namin dito pag kababa mismo namin? iilang buwan na lang din naman po kami dito at tapos na ang kontrata. mas malaki po ba ang laban namin pag di agad kami pinauwi pag tapos na po ang aming kontrata?

    eto nga po pala ang c.p number ko -0548861350
    sir may isa po akong kasama dito na nagtratrabaho sa katabi naming kumpanya. siya po ang lubos na nangangailangan ng inyong payo at gabay. ang problema nya po ay ang sumusunod:

    – salary – hindi pagpapasahod ng 3 hanggang apat na buwan

    – penalty – siya po ang sumasagot at nagbabayad ng lahat ng huli ng pulis maging ito ay dahil siya ay walang trapal o kaya naman ay sira ang ilaw. at siya rin po ang nagbabayad ng doble ng kanyang penalty pag ito ay nalipasan ng buwan at di nabayaran. paano nya po mababayaran ang mga penalty nya if wala nga po siyang sahod. at bakit po pati pag sabog ng gulong ng truck ay icucut sa kanila.

    – rights – siya po ay pinababa ng kanyang amo ng wala man lang na kahit na anong abiso. sapilitan pong kinuha sa knya ang kanyang lisensya at iqama. ngayon po parang balewala na lang siya sa kanyang amo at di siya pinapansin at di inaayos ang kanyang papeles.

    – trip money – madalas silang pabyahihin ng walang trip money na hawak sila pa ang pinaghahanap ng panggastos nila at pag balik nila ng office galit pa ang amo at sasabihing wala daw pong pera.

    ang kanya pong pangalan ay Vicente Dullas isa rin pong batangunyo. siya po aya lubos na humihingi ng inyong gabay at tulong. eto po ang kanyang contact details

    VICENTE DULLAS – 0566155717

    • Boy,

      Dapat humingi kayo ng payo sa ating POLO tungkol dito kaya kung may panahon ka, tawagan mo si Labor Attache Des Dicang or mas maganda kung personal mo itong pasyalan para mabigyan kayo ng tamang payo. Kasi para sa akin dapat talagang ma report ang mga employer na ganyan ang ginagawa sa ating hanay.

      Kung nandiyan lang ako sa Al Khobar, sasamahan ko na si Vicente kasi medyo mahirap rin ang ganyang sitwasyon. Tawagan mo na rin siya at isama sa opisina ng POLO para narin mabigyan ng agarang aksyon ang knayang sinapit sa kanyang employer.

      Salamat.

      Bong

  66. sir tanong ko lang po,makakabalik rin po ba agad ako dito sa riyadh kapag nag-exit ako by february next year?balak ko po kasi lumipat ng company dito kasi di ganun kaganda ung company ko ngayon!.kaya lang nung nag-exit ung dati kong katrabaho dito sa company,sabi nya may pinirmahan daw syang waiver na sinsasabi dun na hindi raw makababalik dito sa saudi after 2yrs kapag same category ng work ung papasukan!totoo po ba yon?may ganun na po bang batas yong saudi?sana po masagot nyo eto!maraming salamat po & more power to you sir!

    • Bernie,

      Hindi po batas ng KSA ang pag papirma ng waiver na hindi na babalik sa KSA in a certain period of time ang worker kung ito ay mag exit. Ito po ay company policy, sa kadahilanan na baka babalik ang worker sa KSA at sa ka kompetinsya na company ito mag work. Or di kaya ito ay napag initan dahil sa hindi magandang relasyon ng kanyang amo.

      Sa aking experience, isunumite ng employer ko dati sa immigration ang mga promissory note or waiver na napirmahan ng ating mga kasamang pinoy na nag exit. Ibig sabihin naka timbre sa immigration ang mga ito. Ngunit karamihan sa kanila, nakabalik naman na walang problema, kaya lang medyo pinatagal muna nila ang pagbalik dito sa KSA. Para sa akin pag na stampahan ang passport ninyo ng Saudi Royal Embassy sa Pilipinas, itoy walang problema. Ito ang dahilan Kaya humingi ng NOC ang Saudi Royal Embassy sa Pilipinas sa mga balak bumalik na OFWs dahil na rin sa mga reklamo ng mga employer.

      Regards.

      Bong

      • sir maraming salamat po s mbilis na reply nyo!…pero kasi po hindi rin nagbibigay ng NOC ung company namin eh!mga gano po kaya katagal dapat bago ako bumalik dito s saudi after me mgexit!.balak ko po kasi after 4 months lang balik na ulit ako dito!sayang din po kasi ung job offer sa 1 magandang company dito!.muli po maraming salamat po talaga sa inyo!Godblaess!…

  67. Sir,

    Isa po akong data encoder dito sa dammam saudi arabia, tanong ko lang po if ano po gagawin namin sa mga nakasulat sa baba:

    1. iqama- ang iqama ko po at ng mga kasama ko ay four months ng expired at di pa nirerenew ng kumpanya.

    2.salary- ang sahod po namin ay sobrang delay. 4 months na po kami walang sahod ngayon at kami pa pinagagalitan ng amo pag nahingi kami ng sahod.

    3.Driver – ang mga driver po namin d2 ay pinapabyahe nila kahit walang iqama, stimara ng truck ay expired at walang insurance ang mga truck.

    4. benefits – hindi po nakukuha ng buo ang benipisyo na dapat ay para sa mga taong uuwi na at tapos na ang kontrata.

    5.Vacation – pag pauwi na po ang mga tao dito sa aming kompanya ay napepending po sila ng humigit kumulang isa hanggang dalawang buwan bago pauwiin.

    sana po ay matulungan nyo po kami at mabigyan ng magandang advise para po alam namin ang dapat na aksyon na aming gawin

    maraming salamat po.

    • Boy,

      Malinaw na napunta kayo sa isang employer na mababa ang kalidad. Malinaw rin na lumabag sila sa batas paggawa ng kaharian.

      - Dapat lamang na ma renew ang inyong iqama dahil pag masita kayo ng Saudi authorities ay sigurado po na makukulong kayo bilang isang illegal alien.

      -Masyadong delay ang inyong sweldo dahil sa batas paggawa ng kaharian ay 2 months lamang maaring ma-delay ang pagbigay ng sahod sa worker with justifiable reason.

      -Sus maryosep, kung maaksidente or maka aksidente ang inyong driver, wala po itong lusot kundi at sa kulungan ang bagsak. Dapat na lahat ng sasakyan ay may kaukulang insurance at istimara.

      - Dapat lamang na buo ang ibigay na benefits sa mga manggagawang natapos ang kontrata ayon sa Saudi Labor law.

      -Puwedeng ma delay lamang ang bakasyon ng isang worker kung kinakailangan sa kanyang trabaho. Mahaba na po ang dalawang buwan na extension mula sa nakatalagang araw pag-uwi ng worker.

      Boy, I will forward your letter sa ating Labor Attache Des Dicang at padalhan nyo rin siya ng formal na sulat at idetalye ang inyong mga problema gaya ng nasa itaas. Kalakip sa sulat ang employer contact numbers, email address, name ng may ari at manager, mas maganda kung meron kayong mobile number sa may-ari ng kompanya para ito makausap agad ng ating POLO OWWA Al-khobar. Pirmahan po ninyong lahat ang sulat at tawagan ang POLO sa mga numerong nasa ibaba at hingin ang Fax number nila at e-fax ang sulat. Kung magkaroon kayo ng oras, mas maganda kung perosnal ninyong dalhin ito sa ating mabait na Labor Attache Des Dicang. Pakilagay narin ang aking pangalan (Referred By: Manuel “Bong” Amora / OFWEmpowerment BLog).

      DAVID DES T. DICANG, Labor Attache I (055-860-5765)
      Address: POLO Communication Center, Al Khobar
      Email: polo_alkhobar@dole.gov.ph, polo_ero@yahoo.com
      Tel. No.: 897-9515, 894-1846, (9663) 899-5714, 894-1846, 897-6105

      Huwag muna kayong gumala na walang iqama at mag-ingat po kayo lahat diyan. Pakibigay narin sa akin ang iyong Mobile Number para makausap ka at mapuntahan kayo ng mga kaibigan kong mga FilCom leaders sa Al-Khobar/Dammam.

      Salamat sa pagbisita sa ating munting tahanan.

      God Bless!

      Bong

  68. Sir,

    I just want to ask your assistance or any help by your own opinion regarding the following questions;

    1. Breach of Contract agreement
    – The contract agreement coming from the agency
    Philippines there is no written of Basic Salary Rate
    but they write only the 200.00 SR Allowance

    – There are some contract agreement having a
    written basic salary on the contract from the
    Philippines but when they come to saudi,
    they received different RATE – down rate

    – When the workers arrived in KSA, the employer/
    management ask them to sign again a new contract

    – Down rate / change of the BASIC SALARY received
    of the workers

    – The agency in the Philippines did not allow the
    workers to open the envelope which is all
    documents of the workers is inside and it for the
    company

    2. VISA PROFESSION – most of the workers are handling heavy equipment
    such as Dump truck driver but the visa is not a
    driver visa ( laborer / painter / etc. )

    3. PAYMENT OF VISA – charge to the workers and cut to their salary

    4. NO PAY SLIP issued – IS THERE ANY labor law that the company will
    not provide the pay slip to the workers?

    5. TERMINAL FEE – Collected by the agency in the Philippines upon
    departure schedules of the workers

    6. VISA CHECK – collected by the agency in the Philippines upon
    departure schedules of the workers

    7. PROCESSING FEE – the agency collected the processing fee amounting
    of 20,000.00 Pesos and the AGENCY is charging
    to the workers of 400 US dollars then when the
    workers arrived in his work site / company the
    company management cut to their salary 500 SR
    every month untill the workers completed the
    400 US dollars credit from the agency Philippines

    For now, there are more than 450 Filipinos estimated working in the same one company and there are more Filipinos are coming

    I am looking forward for your unconditional support and assistance regarding on this matter

    waiting your reply

    Thank you very much

    BONGBONG
    Western region

    • Bongbong,

      Sorry for late reply.

      1) BC
      - Dapat lamang na nkasaad sa pinirmahan ninyong kontrata ang basic salary na inyong matatanggap pagdating ninyo dito sa KSA. Huwag pumirma ng contract agreement or anomang papel kung hindi nakalagay doon ang inyong basic salary.

      - Dapat lamang na kung anong halaga ng sahod ang nakalagay sa contract agreement na pinirmahan sa Pilipinas ay pareho sa pipirmahang kontrata dito sa KSA.

      - Yes, there should be a contract to be signed when you arrive in KSA. It is an English and Arabic, usually it is written in a company letterhead, half of it is in English and the other half is the Arabic translation (written in an A4 paper). If it is in Arabic language only, just make sure that the Arabic translation is the same in English. Do not sign a contract written in Arabic without English translation. It should be signed by both parties with company stamp on it. The contract is in duplicate copies or 2 copies, one for the employer and one for the worker. If you dont have copies of it, please request for a copy. It is in the Saudi Labor Law that the worker should be given a copy of the contract.

      Note: In case of Labor dispute, the contract with an ARabic translation is a legal document to be presented in court. In case your contract is in English language only, it can not be submitted in court as evidence.

      - Downgrading of salary is against SLL, if there should be a downgrading of salary, the workers consent is necessary.

      - Yes, the agency give instruction not to open the envelope addressed to the employer in KSA but you should know beforehand what is the contents of the envelope before it is going to be sealed.

      2) VP – Usually Visa category does not coincide wit hthe exact work when the worker arrive at site. The reason is Saudi Government is now very strict in issuance of Visa. So the employer will use their unused visa avaialble. But the worker should know or have the consent to work as Driver with a different visa category upon arrival at site. Sa Pilipinas pa lang na explain na sa inyo ng agency kung bakit iba ang visa ninyo at hindi angkop sa inyong tunay na trabaho pagdating sa kaharian.

      3) Payment of Visa – Saudi Labor Law states that the employer should pay the workers visa and iqama or reseidence permit.

      4) No Pay Slip – The SLL is silent with regards to this issue but you shaould have a copy of the salary slip in which deductions or overtime pay are written in the slip for the workers record.

      5) Terminal Fee – OFWs are exempted in paying Terminal Fees. ( Sobra pa sa BUWAYA ang agency ninyo, please give me name of the agency)

      6) Visa Check? ( What is this Visa check?) Pera ba ang kinolekta nila dito. There is no such thing as Visa Check Fees?

      7) Processing Fee: Workers only obligation is the Placement Fee equivalent to 1 month salary of the worker as per POEA order other than that no more fees should be collected. However, passport issuance fee, medical exam, philhealth and POEA misc fees if ever, are to be shouldered by the worker.

      Note: USD 25.00 OWWA membership should be paid by the employer but until now OFWs are paying on the mentioned fees. However, some agency will not ask for the USD 25.00, sa ating unang pag-alis, pero pag tayo ay magbabakasyon ito ay sinisingil sa atin.

      The USD 400 you mentioned is the processing fees/service fee to be collected from the employer and not from the worker.

      Please visit Philippine Consulate in Jeddah, go directly to the office of the Consul General Ezzedine Tago, tell the good ConGen that I instructed you to visit him for you to report your problem. He will then refer you to POLO. The important thing is that he knows first about it. Tell the other workers who are still in the Philippines, not to come to KSA or don’t sign any contract for deployment. Kindly, mentioned to ConGen Tago my name and our blog.

      Good Luck and God Bless!

      Bong

      • Sir, Maraming salamat sa inyong tulong ito ang mga AGENCY na pinangalingan ng mga kababayan natin:

        MHHR MANPOWER RECRUITMENT & PLACEMENT AGENCY CORPORATION
        tel. No. 521 – 9584 / 523 – 9372 / 521 – 9584 loc 2
        Representative Name: VIRGINIA A. WAGAN
        Rms: 202 – 203 Jepco Bldg. 2118 MH Del Pilar Malate

        MAYON INTERNATIONAL TRADING CORPORATION
        Tel. no. 536 – 7971 / 536 – 4580 / 536 – 4609
        Representative Name : Ma. Conception Victorio
        2F & 3F Bldg. 1 # 2075 MH Del Pilar Malate Manila

        HORUS MANPOWER & RECRUITMWNT RESOURCES INC (FORMERLY HORUS International )
        Tel. no. 526 – 4286
        Representative name: WINILITA L. WAGAN
        R 201 & 205 jepco Bldg. # 2118 MH Del Pilar Malate Manila

        MARAMING SALAMAT SA INYONG TULONG…. KAMI AY UMAASA NA MATAPOS NA ITONG MGA GINAGAWA NG ATING IBANG MGA KABABAYAN ….

        UMAASA KAMI DITO SA RABIGH, K.S.A.

        LUBOS NA GUMAGALANG

        BONGBONG
        RABIGH, K.S.A.

        • Sir,

          For now, we had visited the POLO office and we look forward for the positive result, we follow all the advices from our POLO jeddah of what to do and what we had to provide….

          We keep on watching about this issue, and also your great assistance… we KEEP ON HOPING … na hindi nyo kami pababayaan

          SALAMAT PO NG LUBOS

          BONGBONG
          RABIGH, K.S.A.

          • Bong,

            Just don’t forget to give me an update. Susulatan ko rin ang mga nabanggit na mga ahensya kalakip ang inyong sulat at kopyahan ko na rin ang POEA.

            Malayo man ako sa inyo pero sa paraan ng gamit ang keyboard at sa mga kaibigan natin sa Konsulada at POLO-Jeddah, sana naman matugunan kaagad ang inyong mga hinaing.

            Payo ko lang na huwag kayong gumawa ng mga hakbang na maaring magpalala ng situwasyon. Pagisipang mabuti at humingi ng gabay sa itaas bago mag desisyon.

            Ingat kayo diyan at salamat sa tiwala.

            Bong

          • Sir,

            Good morning,… sa ngayon may natangap na kaming kopya galing sa POLO Jeddah sa kanilang conclusion tungkol sa ginawang affidavit ng mga nag representatives sa mahigit kumulang 251 workers may iba pang hindi na-isali dahil natatakot baka ilipat sa ibang site tangalin dito sa RABIGH

            Yong MEMO na ginawa ng POLO Jeddah ayon sa secretary ay ipinadala na daw sa PILIPINAS – POEA naka attention kay galang-galang na Director

            At habang ako ang nag bibigay ng up-date sa lahat ng mga workers na nag complaint.. kung ano yong sinabi sa akin ayon din ang mga sinasabi ko sa mga kababayan natin… I knew it’s hard to take the “RISK” responsibilities dahil may mga nag aadvice na rin sa akin na mag iingat daw ako dahil malaki raw ang mga naka-harap namin….

            But still, do I believed and TRUST in GOD NO MATTER what happened I let my security to GOD ALONE and of course SA IYO…even though through KEY PAD lang you knew happened some of our KABABAYAN HERE IN Rabigh

            Kahit hindi tayo nagkikita sa personal but DAMA namin ang inyong taos pusong pagtutulong na walang kapalit yon ay sulit na para maging matatag ang bawat PILIPINO na umaasa na ma solve na nila ang problema kahit gaano man sila kalayo sa syudad ( city proper ) nasa bundok kasi sila na assign

            Dahil sino ang tutulong sa kanila? at ang karamihan sa kanila ay mga DUMP TRUCK DRIVER, BULDOZZER, ROLLER OPERATOR, HELPER , MECHANIC, at iba pa…sabi ko naman na I do my best na maipa-abot ko ito sa mga kina-uukulan

            Sa ngayon ang lagi ko lang na sinasabi sa kanila na MAG TRABAHO ng maayos para wala silang makikitang problema sa nga PINOY kahit na may ginagawang tayong solution sa mga problema nila

            Once again.. we would like to give thanks to you because you are there for us para sa ating mga KABABAYAN… lahat na kopya na ito ay binabasa ko sa harapan nila para mag karoon naman sila ng inspiration at update sa mga ipinapaabot na mga problema nila

            Ulitin ko po… MARAMING SALAMAT SA IYO sana we had to kept in touch about this matter… soon if we will succeed.. we try our best to see you in person just to give you THANKS

            Lubos na gumagalang

            BONGBONG
            RABIGH

            • Bong,

              Mahirap nga ang ginagawa mo ngunit dapat lamang na ako at lahat ng mga tinotulongan mo ay taos pusong nagpapasalamat sa iyong mga ginagawa para sa kapakanan ng ating hanay. Dapat lamang na mag-ingat ka at idaan sa discreet na pamamaraan ang iyong mga hakbang. Rest assured kami ay nagdarasal sa inyong lahat diyan na nawa maayos ang lahat sa pakikipag-usap at hindi mapunta sa alanganing situwasyon at maituwid ang lahat na kabaluktotan na ginagawa ng inyong employer.

              Mamaya taposin ko ang sulat para sa ating kaibigang Minister ConGen Ezzedine Tago at kay Vice President and OFW Presidential Adviser Jejomar Binay tungkol sa inyong hinaing. Pag napadala ko na, bibigyan ko po kayo ng kopya.

              Sa ngayon, konting hinahon at huwag idaan sa init ng ulo ang pakikipaglaban para sa ating karapatan at kagalingan ng ating hanay.

              Salamat rin sa inyong tiwala.

              Bong Amora

          • Sir,

            if you want our contact number we will provide or any copy of their complaint we will furnish with you if it is needed for your references

            Thanks

            BongBong
            Rabigh

  69. Mr. Bong,

    thanks po..

    Sir, I never signed any contract upon my arrival here, pero ung mga nakasabay ko po dito na mga nurses ay last week pa lng pumirma ng contract.. ako po ay hindi pa, I mean, bibigyan nila ako ng exit visa without signing any contract.. Meron akong pinirmahan pero sa pinas pa un..

    godspeed po and more power!!!

    • Baka naman ikaw na ang kasunod na papirmahin. Kung wala parin, itago ang kontratang pinirmahan mo sa Pilipinas. Hindi naman requirement sa jawasat ang kontrata para mabigyan ka ng exit visa.

      Bong

  70. Mr. Bong,

    Thanks for the immediate response.. I already to talked to my employer and he admitted that its really hard and takes time for now to change my visa. So, he told me that he will give me an exit visa for now so i can have my vacation and get me back maybe with the right visa…

    Is it possible, the fact that I have no iqama? You know before he told me that I have to pay only half of the ticket, but now he said i should shoulder the whole ticket fare because according to him that’s the saudi law.. He will not also give my salary for not staying here.. Its school vacation now, that’s why i wanted to go home coz i have nothing to do here.. The school will open on the second week of September.

    What’s the benefit if i am going to use the exit visa.. (if there is..)

    thank you so much and godspeed!!!

    • hi darlene,

      tama siya dahil na experience ko rin ang tugkol sa change of employment category visa. hanggang ngayon hinihintay ko pa rin. and the company also advice me the same what they told you. i need to exit and wait for the new visa. but i decline because maybe it will take long to wait in philippines na wala akong income. so nag re-entry lang muna ako sa ngayon. if he can apply exit visa without your iqama, maybe he can do it, alam naman siguro nila kung ano ang gagawin.

      about, ticket, tama sila kung hindi mo natapos ang iyong kontrata, ikaw ang mag shoulder nito. tingnan mo ang iyong kontrata tungkol sa ticket, nakalagay diyan from country of origin vice versa upon completion of contract. siyempre naman, wala ka dito so walang salary not unless nakalagay sa kontrata mo na may salary ka kahit walang work. how about if dika uuwi, may salary ba? kung wala, right mo na mayroon dahil walang pasok o meron may sahod ka.

      bong

  71. Mr. Bong,

    May the Lord bless you.

    Gusto ko lang po na itanong kung gaano katagal mag change ng visa.. Isa po akong teacher ngunit ang visa ko po ay nurse. 6 months na po ako d2 ngunit wala pa ako iqama.. Bakasyon na rin po ng school d2 kaya i plan to have my vacation this July, sabi po ng employer ko makakapagbakasyon po ako sa Pilipinas pagdating ng iqama ko kaya lng binabago pa daw po.. Hindi po ba pede magbakasyon ng walang iqama?

    Pwede din po ba ‘yung twice sa isang buwan lng kmi lumalabas tapos 3 oras lng?

    Thank you and more power!

    • Darlene,

      Hindi ko alam kung gaano katagal ang proseso sa pag change ng employment catagory sa iyong visa. Pero para sa akin matagal na ang 6 mos. mo sa paghihintay ng iyong iqama. Yes, kailangan ang iqama sa iyong pag bakasyon dahil dito sa KSA ang work permit/IQAMA ang siyang nag papatunay na lehitimo kang OFW. Kung ang iqama mo ay expire dapat itong ma re-renew para ka makapagbakasyon. Ganon ka kahalaga ang IQama. Kung meron kang dating iqama, gaya ng sabi mo, na nurse ang catageory ng working permit, puwede mo itong gamitin muna para ka makapagbakasyon.

      May mga kompanya na may internal policy tungkol sa pag labas lalo na sa mga kababaehan. Dapat lamang na sundin ito, ngunit wala naman sigurong masama kung kausapin ninyo ang inyong employer tungkol dito.

      Regards.

      Bong

  72. Mr. Bong,

    Taos puso kaming nagpapasalamat sa inyong pagsagot. correction lang po ako po’y babae.. eto na po yung mga informations..

    Name of Agency: Princess Joy Placement and General Services Inc.
    Address: G/F vermont Tower J. Nakpil Corner Dr. A. Vasquez St. Malate, Manila
    Contact No.: 5266756
    Fax No.: 5233160

    God Speed.

    • Hi! I stand corrected.

      Gaya ng payo ko sumulat sa POLO/OWWA at kokontakin ko rin ang inyong recruitment agency.

      Salamat.

      Bong

  73. sir/madam,

    tanung lang po namin tungkol sa sitwasyon po namin dito 2yrs contract po ang pinirmahan namin sa Pilipinas. At wala po nakalagay dun na kailangan po namin magbayad ng kung anuman. Dumating po kami dito last dec’09 sa inaakala na may trabaho po kami na maabutan. sinabi po nila samin bago kami umalis na opening daw po ng bagong hospital dito sa riyadh. Ngunit kami’y nabigla nang wala kaming pinasukan na hospital. kagagawa pa lang at wala pang kalaman-laman. Its almost 6 months na po kami andito and up to now wala pa din po kaming hawak na iqama. Gusto na po sana namin magresign at umuwe na sa pinas. Ano po ba ang kailangan namin gawin at meron po ba kaming dapat bayaran? Sa pagkakaalam po namin tanging ticket lang ang aming babayaran, ngunit kami’y hinihingian ng pera ng aming employer sa kadahilanan na alam po nila na hindi namin kaya maglabas ng ganun kalaking halaga. Lubos po kaming humihingi ng tulong sa inyo. Gusto na po talaga namin makauwe ng pinas. maraming salamat po.

    • Mr. Biz,

      Puwede po bang ibigay sa akin ang pangalan ng inyong recuitment agency sa Pilipinas at lahat ng contact details. In the meantime, please contact the following POLO/OWWA officials and give them the details of your problem:

      Welfare Officer/ Asst. Labor Attache Atty. Cesar L. Chavez Jr. = 0509963502
      Welfare Officer/ Asst. Labor Attache Odin T. Abdula = 0552453308

      gumawa ng sulat, ilahad ang lahat ng inyong problema pati mga contact numbers ng inyong employer, pangalan ng employer, pangalan ng recuitment agency sa Pilipinas, name ng manager at I-FAX sa POLO/OWWA address to Welfare Officer/ Asst. Labor Attache Atty. Cesar L. Chavez Jr., sa numerong ito: 00911-1 ( 4832204). Paki cc. ako sa sulat at email sa akin ang kopya.

      Salamat.

      Bong

    • Hi Dan! Kung may balak kang bumalik na may Re-entry Visa ng kasalukuyan mong employer, ang sagot ko wag nalang, magka problema ka pa.

      May tatak na ba ang passport na re-entry? kung wala pa, kausapin mo sila na ayaw mo ng mag work at magpahinga ka muna with your family at home. Mabuti na yong legal at maayos ang pag-alis mo sa iyong pinagtrabahoan.

      Kubng andito ka sa Riyadh, please read below:

      WHO : KALIPUNANG KAAKABAY NG MANGAGAWANG PILIPINO SA IBAYONG DAGAT (KAKAMPI-KSA) in coordination with the New Islamic Center-Industrial Area – Riyadh and GUARDIANS NewHope Brotherhood Int’l., Inc. (GNBII)

      WHAT : OFW Forum “Know your Rights and Obligations as an OFW in the Kingdom”

      WHERE: New Islamic Center Auditorium, 2nd Industrial Area, Riyadh (near Saudi Ceramic Employees Compound)

      WHEN: 22 JANUARY 2010 / FRIDAY (8:00 AM to 5:OO PM), Lunch and Snacks will be served (Whole Day Event).

      Note: “OFW Forum” is under the auspices of Philippine Embassy, Philippine Overseas Labor Office (POLO) and (OWWA) Overseas Workers Welfare ADministration

  74. i was finish my contract last june 2009 i told my company that i want to go home but they still renew for my iqama and untill now they still now processing for my exit visa..i have flight booking and i told them to buy the ticket so i have assured that i can go back to philippines at january 10,2010 but tha manager refused to buy it…please i need your help..i really need to go to philippines.

    • Hi Mig!

      They renew your iqama dahil hindi ka puwede lumabas kung wala yon baka mamaya mahuli ka na walang work permit, but they process your exit visa. Good if they really process it. You have the right to go home, your contract expires already and you inform them that you don’t wish to renew your contract before the expiration date. Talk again to your manager, explain your side and your right, just do it accordingly. If no action, call our POLO OWWA for them to talk to your employer. Good Luck!

      • Sir Bong

        Good Day !

        Ask ko lang po may pinaka malapit na POLO/OWWA d2 sa areas ng Jubail City K.S.A at hihingi po ako ng contact name and number kung meron para maka pag inquire . . .

        Salamat po Godbless .

        • Chard,

          Wala po.

          POLO Eastern Region 050 126 9742 For labor-related complaints and welfare issues in the Eastern Region:Dammam, Jubail, Al-Khobar, Hofuf, Ras Tanura, Hafr Al-Batin.

          Bong

Comments are closed.