Philippine Consulate General in Jeddah – Press Release


Press Release

23 August 2010

In light of various media reports on the status of repatriation of Filipinos from Jeddah, especially those who stay at the Seaport Hajj Terminal as arranged by the Philippine Government, we wish to provide the public the following information and update.

  • The repatriation of Filipinos is neither an amnesty nor is it mass repatriation.  Those who enlist are voluntarily surrendering for deportation. 
  • From middle of June to the first week of August a total of 1125 enlisted for voluntary deportation.  The breakdown is 341 males, 597 females, and 187 children.
  • All adults are interviewed by the Philippine Overseas Labor Office in Jeddah (POLO Jeddah) prior to admission to the Seaport Hajj Terminal.
  • Not all of the Filipinos stay at the Seaport Hajj Terminal.  Some choose to stay out.
  • For those who choose to stay at the Seaport Hajj Terminal, the Philippine Overseas Labor Office in Jeddah (POLO Jeddah) shoulders their accommodation at 10 Saudi Riyals per day and provides 2 meals.
  • The Seaport Hajj Terminal is being offered by the Saudi Government to curtail the practice of overstaying foreigners loitering at public places like under the Kandara Bridge to seek deportation. 
Voluntary listing Male Female Children Daily Total
10-Jul-10 0 133 37 170
11-Jul-10 0 59 24 83
12-Jul-10 97 50 23 170
13-Jul-10 22 0 0 22
14-Jul-10 16 33 11 60
15-Jul-10 15 35 13 63
16-Jul-10 0 0 0 0
17-Jul-10 11 31 2 44
18-Jul-10 14 13 6 33
19-Jul-10 0 0 0 0
20-Jul-10 10 27 5 42
21-Jul-10 0 0 0 0
22-Jul-10 71 93 30 194
23-Jul-10 0 0 0 0
24-Jul-10 0 0 0 0
25-Jul-10 0 0 0 0
26-Jul-10 0 0 0 0
27-Jul-10 0 0 0 0
28-Jul-10 0 0 0 0
29-Jul-10 0 0 0 0
30-Jul-10 0 0 0 0
31-Jul-10 54 106 29 189
1-Aug-10 0 0 0 0
2 Aug-10 0 0 0 0
3-Aug-10 0 0 0 0
4-Aug-10 0 0 0 0
5-Aug-10 0 0 0 0
6-Aug-10 0 0 0 0
7-Aug-10 30 0 0 30
8-Aug-10 0 0 0 0
9-Aug-10 1 17 7 0
10-Aug-10 0 0 0 0
11-Aug-10 0 0 0 0
12-Aug-10 0 0 0 0
13-Aug-10 0 0 0 0
14-Aug-10 0 0 0 0
15-Aug-10 0 0 0 0
16-Aug-10 0 0 0 0
17-Aug-10 0 0 0 0
18-Aug-10 0 0 0 0
19-Aug-10 0 2 1 0
20-Aug-10 0 6 0 0
21-Aug-10 0 0 0 0
22-Aug-10 0 0 0 0
23-Aug-10 0 0 0 0
Total 341 605 189 1134

 Admission into Deportation Center

  • To be admitted into the Deportation Center, the Saudi General Directorate for Passports requires that the overstaying national must have a travel document [with his/her real name] and a one-way return ticket with confirmed booking.
  • The Philippine Consulate General in Jeddah issues the Filipinos with travel documents waiving any of the normal requirements for the issuance of a passport or Travel Document.  Those who enlist for deportation only have to file an application and do not provide any of the normal required supporting documents.  This also applies for their children.  The travel document, which normally costs 80 Saudi Riyals, is issued free of charge.
  • Due to the big number of deportees from various nationalities, the Saudi Government requires that the deportees have a confirmed flight one or two days after their admission into the Deportation Center.
  • Admission into the Deportation Center is determined by the Saudi Government, and only after the names are given to them with complete travel documents and tickets.  The General Directorate for Passports (Jawazat) decides when it will admit Filipinos from the Seaport Hajj Terminal into the Deportation Center, and they decide how many to admit based on space availability at the Deportation Center.
  • Inside the Deportation Center, the Saudi authorities conduct an investigation including taking fingerprints and biometric data.

 

Admission into Deportation Male Female Children  
Jul 25, 2010 50 127 38 215
Aug 1, 2010 0 147 51 198
Aug 2, 2010 0 110 21 131
8 Aug 2010 169 0 0 169
21 Aug 2010 0 57 22 79
22 Aug 2010 0 10 3 13
Total 219 384 110 805

 Schedule of Outbound Repatriation Flights

  • The Philippines is one of only few countries who have made an arrangement for the use of the Seaport Hajj Terminal, and one of only two countries that shoulders the plane ticket of their nationals for deportation and assists for their eventual repatriation.
  • If anyone looks at the record of admission into the Deportation Center and compares it with the schedule of flights, it is easy to deduce that the length of stay at the Deportation Center is very short.  Under Saudi laws, any overstayer or worker who absconded from his/her employer is subject to penalties and detention.  Clearly, these penalties are waived for those who undergo this procedure.
  • However, if the Jawazat authorities do not clear an individual for departure during the investigation stage, that person stays longer at the Deportation Center. It is the Saudi authorities that determine who is cleared and who is not.
  • There are also instances that those who are cleared are not able to make their flights for various reasons, such as the breakdown of the fingerprinting and biometric machines or simply because the Jawazat authorities failed to bring them to the Airport.
  • Consistent with practice in the voluntary deportation in September 2009 to March 2010, plane fares of overstaying hajj and umrah pilgrims and children of OFWs are not shouldered by the Government as per instructions received by the Consulate and the POLO Jeddah.

 Schedule of repatriation flights

  Male Female Children Total
27-Jul-10 0 48 8 56
29-Jul-10 0 31 8 39
29-Jul-10 0 40 21 61
30-Jul-10 35 0 0 35
3-Aug-10 0 46 14 60
5-Aug-10 0 56 26 82
5-Aug-10 0 19 11 30
8-Aug-10 0 34 0 34
9-Aug-10 0 30 16 46
10-Aug-10 0 28 5 33
12-Aug-10 86 0 0 86
23-Aug-2010 17 0 0 17
TOTAL 138 332 109 589

 Summary as of 19 August 2010

  • From 10 July to 19 August, POLO Jeddah has repatriated 562 Filipinos or 121 males 332 females and 109 children

 As of 23 August 2010, there are no Filipinos at the Seaport Hajj Terminal seeking deportation. 

  • POLO Jeddah continues to monitor on daily basis the status of Filipinos at the Deportation Center, to ensure their timely departure upon completion of the investigation by the Saudi authorities.

 

  Male Female Children Total
Enlisted for deportation 341 597 187 1134
Admitted into the Deportation Center 219 384 110 805
Still at the Seaport Hajj Terminal 0 0 0 0
Repatriated 138 332 109 589
Inside Deportation Center & awaiting deportation (still be under investigation) 81 119 26 206
Did not show up during pick-up (living outside or still working) 122 152 52 326 

 **  Thanks to Consul General Ezzedin Tago (Philippine Consulate – Jeddah) for this detailed report.

52 comments on “Philippine Consulate General in Jeddah – Press Release

  1. Magandang araw po sa inyo Sir Bong,

    Nahihiya na po ako mag post dito dahil po ang haba na po ng aking mga posts ukol sa problema ng aking ina. ikinalulungkot ko mang pong sabihin na hanggang ngayon po ay hindi pa nakakauwi ang aking ina. paiba iba po ang sinasabi ng ating embahada. sa aking huling post ang sabi nila ay 1 week nalang po at makakauwi na sya subalit, nung kalaunan ay may sinabi na naman silang may kulang pa daw po sa papeles at tatak sa Jawasat (hindi po ako sigurado sa spelling) . ang sabi po sa amin ay ayaw daw pong tatakan ang visa ng aking ina. ito ay sa kabila ng pagbabayad ng Agency ng mga kaukulang bayarin.
    lumipas ang isang buwan sa kakafollow up ang aking ina sa ating embahada. (kapag po kasi ang number ng aking ina ang tumatawag or nagtetext kay Elsa Masa eh hindi po niya sinasagot pero kapag ibang numero ang ginagamit at ibang tao ang pinakikiusap kay Elsa eh sinasagot naman ) sinamahan nila ang aking ina at pinsan sa Jawasat upang mag tatak or mag thumb mark po ata. ang gusto po ng jawasaf eh makulong daw po dapat muna ang aking ina at pinsan subalit pinagpilitan po ng ating embahada na hindi na sapagkat nagbigay naman ng kaukulang pambayad ang agency at nakipagareglo dun sa employer ang agency. nakapag patatak naman po ng exit visa sila nanay sa tulong ng embahada.
    Ang sabi ni Elsa Masa eh booking nalang daw po ang aasikasuhin nya . ang sabi po niya ay peak season daw po nuon kaya medyo matatagalan po. naghintay na naman po ng mga dalawang linggo ang aking ina at tumawag din si Elsa sa kanila. ang sabi po niya ay meron na naman daw pong kulang na papeles at ayaw daw muna pa exitan ng Jawasat ang aking ina at pinsan. baka daw po sa JULY pa daw sila ma proseso .

    Sir pasensya na po subalit hindi po lingid sa kaalaman ng ating embahada ang kalagayan ng kalusugan ng aking ina at wala po siyang trabaho duon. halos mag limang buwan na po buhat ng isinugod sa hospital ang nanay ko at nangangailangan ng follow up opera dito sa pinas pero sir ala po ba tayong considerasyon sa mga may ganung kalagayan? kailan pa po kaya nila i rurush ang pag uwi nya kapag mo may nangyari nang masama sa kanya? (wag po sanang pahintulutan ng dyos)

    sir matagal napo ako di nag update dito dahil po nagpapasensya po ako sa ating embahada, pinaniniwalaan ko po ang kaninlang binibigay na timeline pero sir hindi ko po alam baka po pagdating naman ng July e may iba na naman
    silang rason. or baka may mga papeles na mapaso na ang aking ina. natatakot po ako na baka kapag natapos na ang kontrata dapat ng nanay ko eh bibitiwan na sya at hindi na tulungan ng agency.

    kami po ay gulong gulo ngaun. sana po ay kami’y inyong mapaliwanagan sir.
    lubos na gumagalang

    -Shep

    • Latest update Sir,
      I just received email from Sir Usec re: mothers casel. he forwarded me an email coming from Acting Principal Officer of the Philippine Consulate General in Jeddah concerning my mother. it is indicated there that they will be returning to Jawazat on saturday April 16 to take further the exit clearance of my mother and hopes that by that time she gets clear.
      Ako po ay nakahinga ng maluwang kasi po hindi po kami naghihintay ng hanggang July po tulad ng nabanggit nila sa aking ina.

      ill keep you posted sir.

      Thanks

      • Shep,

        Ano ang update ngayon?

        Habaan mo pa ang iyong pasensya at huwag kang mag-alala dahil naka timbre na ito kay USEC Seguis.

        Siyangapala, paki bigyan mo nga ako ng number ng nanay mo para matawagan ng mga FilCom leaders na kaibigan natin sa Jeddah at kahit papaano mabigyan ng gamot pang-arawa sa kanyang karamdaman. Cool ka lang.

        Regards.

        Bong

        • Ala pa po update sir, sa kabila ng sabi nila sa email na sa 16th po eh bakasakaling makuha na ung exit visa eh hindi pa po nila kinokontak ang aking ina. ito po ang numero ng aking ina +966547028026

            • Update Sir,

              Hindi daw po napatatakan ng ating embahada ung exit visa ni nanay kasi po expire na daw po ung kanyang Iqama kailangan daw mo magbayad para dun. 1,200 daw po. ung daw pong 500 eh i shoshoulder ni Ms. Masa at ng aking pinsan pero ung 700 nanay ko daw po magbabayad. kinontact na po ng aking ina ang agency para makiusap na pwedeng sila ang magbayad dahil ala po pera nanay ko dun. titignan daw po ng agency ang kanilang magagawa tungkol duon.

              update lang po sir.
              salamat

              • Shep,

                Tama po ang sabi ng konsulado, dapat ma renew muna ang iqama before mabigyan ng clearance ang iyong ina. Sana naman, i-shoulder ng agency ang kulang para maayos na lang lahat.

                Bong

                • Update po sir Bong,

                  Naparenew na po nila ang Iqama ng aking ina. Ginamit po nila ung pambayad ng ticket ng nanay ko na binigay ng agency. baka daw po magpadala ulet ng pambayad ng ticket ang agency. sabi po ng embahada ipapa sked ng ticket si nanay 1st week of May. sana po ay magtuloy tuloy.

                  Salamat po sir.

                  Thanks

                  • Shep,

                    Salamat sa iyong update.

                    Nakausap ko na rin ang iyong Nanay at sabi ko huwag mag-alala dahil hindi naman siya pinabayaan ng agency at inayos naman ng konsulado ang kanyang problema.

                    Patuloy tayong magdarasal upang maayos na nag lahat.

                    Bong

                    • Ok po sir,

                      Sa first week of May daw po i papareserve ng ticket ng embassy si nanay po.
                      Ung pong bayad sa Iqama di po shinoulder ng Agency. bale po ung 500 riyal eh sasagutin daw po ni Ms. Masa at ng aking pinsan. tapos po ung 750 sasagutin po ng aking ina . (1250 po ang kabuuan) . hahanapan nalang po namin ng paraan ng sa ganon po ay makauwi na po ang aking ina.

                      Maraming salamat po sa inyo sir Bong.

                    • Update po sir,

                      Pumunta na po sa Embassy si nanay ko and binigay po ung 750riyal pangkumpleto sa pambayad ng ticket. pinareserve na daw po siya baka daw po May7 or May8 ung flight nya. hinihintay pa po namin ung ticket.

                      sana po ay ito na ang pinakahihintay po natin.

                      Thanks po

                    • Update po Sir,

                      Naemail na po kay nanay ung copy ng eticket nya sa May8 po sya alis sa Jeddah 13:10 tapos po darating ng Hongkong 6:00 tapos po from Hongkong 9:10 darating po sya ng Manila 11:15.

                      napakasaya po namin ngaun. Maraming maraming salamat po sa inyong pagpapasensya at pag gabay sa amin hanggang makauwi po ang aking ina.

                      Salamat po sir at naway marami pa po kayong matulungan. More Power

  2. Dear Usec Rafael Seguis and ConGen Ezz Tago,

    Sir, would it be possible to extend our thanks and commendation to ANS staff, Attache Elsa Masa (PHILCONGEN, Jeddah) for her untiring effort and dedication in work for the resolution of the case re: OFW Priscilla M. Pilares.

    Maraming salamt rin po sa inyong patuloy at walang sawang suporta sa aming hanay.

    See you po Sir, tonight.

    Bong Amora
    SecGen
    OFW COngress-Riyadh

    ==========
    Shep,

    Wala pong anoman.

    Ang lahat po ng problema ay may solusyon kailangan lamang po ng pasensya at dasal.

    Hindi kita masisisi sa bugso ng iyong damdamin. Ngunit sa puntong usaping problema ng OFWs, dito po sa Middle East ang pinaka problematic at wala po tayong ibang mapupuntahan kundi ang ating Embahada at Konsulado. Sila lamang po ang authorized entity na makakatulong sa atin. Kaya noong nawalan ka ng tiwala sa ating pamahalaan or Kunsalada, ang tanong ngayon, “SAAN TAYO HIHINGI NG TULONG?”

    Sa iyong hiling, may kaparaanan po kung paano po natin mapapasalamatan ang mga kawani ng ating pamamahalaan na walang sawang tumulong at patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkolin bilang taga pangalaga ng aming hanay.

    Salamat rin Shep at sa muling pagkikita dito sa ating munting tahanan.

    Regards.

    Bong

    Shep
    shanjo2003@yahoo.com
    66.90.104.166 Submitted on 2011/02/21 at 11:22 am | In reply to ofwempowerment.
    Hi Sir Bong!

    Meron po akong magandang balita. salamat po sa inyo, sa agency at sa ating Embahada, mukhang makakauwi na po ang aking ina at pinsan within this week. nagtungo po sila sa embassy at nakausap po nila si Elsa Masa. trinabaho po ng husto ni Ms. Elsa ang kaso ng aking ina at talagang ginawa ang kanyang makakaya upang makipag areglo duon sa employer.
    nagpapasalamat po ako sa inyo at sa ating embahada at nanghihingi na rin po ako ng paumanhin kung meron po akong masamang nasasabi nung panahong akoy nagsusumamo dahil parang walang direksyon ang kaso ng aking ina. pero ngayon po ay napatunayan ko na na HINDI PO NAGWAWALANG BAHALA ang ating embahada at kumilikos po sila ng ayon sa legal na paraan upang matulungan ang ating mga kababayan. sa ating mga kababayan sa Jeddah, wag po kau mag atubiling lumapit sa ating embahada wag po kau maniwala sa mga sabi sabi, dahil sa Jeddah ala po kau ibang kakampi kundi ang ating embahada.

    maraming salamat po sir Bong. and let’s pray na makauwi na po sila w/in this week.

    mayroon po sana ako huling kahilingan sa inyo . tulungan nyo po sana ako ma i commend si Ms. Elsa upang sa ganon po eh mabura po ung pangit na impresyon ng dahil sa aking naunang email. sa kadahilanan lang po iyon na nagpapanic na po ako para sa nanay kong may sakit.

    salamat po and more power!

  3. Magandang araw po sir/mam;

    nais ko po sana ipaghingi ng tulong ang nanay ko na 48 yr/s old sa Jeddah. nung Oct 2009 namasukan silang DH sa jeddah kasama niya ang pinsan kong babae nasa early 30s. ito ay sa kabila ng nakalagay sa contrata nila na dapat ay sa hospital sila magtatrabaho bilang file keepers. ngunit wala pa pong isang taon tumakas po sila sa kanilang amo dahil po pinagtangkaan po niyang gahasain ung pinsan ko at ang nanay ko naman ay hindi na kayang magtrabaho ang katawan, na hospital po siya sa tulong ng mga kasamahan nating pinoy. dinudugo po sya. sabi ng doctor duon kailangan pa nya ng operation para matangal ang matris. nais nya po sana na dito nalang sa pilipinas magawa ang operasyon at kahit ano pong mangyari talaga eh hindi na po nya kayang magtrabaho duon dahil konting kilos lang eh dinudugo po siya. lumapit po siya sa ating embahada. sinabi po nila na hindi daw po nila makita ang kanyang record sa immigration nang i search ung kanyang passpport # kaya hindi sya matutulungan. after new year po bumalik ulit ang nanay dala ang certified copy ng kanyan departure document galing po sa POEA dito sa pinas. sabi po ng embahada iba pa po iyon sa immigration record na hindi po nila mahanap. sabi po nila kailangan daw po magkaharap si nanay ko tsaka ung kanyang amo para po makuha sa kanyang amo ung kanyang passport at (sedula sa jeddah) para daw po ma search ung kanyang files.
    subalit natatakot po ang nanay dahil marami pong nagsasabi at nakasaad po sa internet, na kapag pinagkikita ng embahada ang takas at empleyado, almost 100% sure na makukuha ulet nung employer ung takas at maibabalik sa kanila. mayroon pong nagsasabi na nagbabayad daw po ang employer sa embahada para “matubos” and takas. pero baka po ikalala na po ng sakit ng nanay ko un pag nagkataon kasi po hindi na nya talaga kayang magtrabaho.

    may katanungan din po ako, kasi dun po sa kontrata, hindi po ung employer nila ung nakalista duon kungdi pangalan ng isang hospital. bale po hindi po siya ang legitimate employer nya . may way po ba para mabawi ung mga documents ng nanay ko galing dun sa employer?

    maraming salamat po, napakalaking tulong po talaga nitong ganitong website. at nakahinga po ako ng malalim dahil may mga katulad nyo pong nag kakawang gawa para po sa mga kababayan po natin.

    • Shep,

      Una sa lahat, nais ko pong ipaalam sa inyo at sa iba pa nating mga kahanay na malinaw po sa REPUBLIC ACT No. 10022 (Migrant Workers Act as amended – Section 1. Paragraphs (e), “Free access to the courts and quasi-judicial bodies and adequate legal assistance shall not be denied to any person by reason of poverty. In this regard, it is imperative that an effective mechanism be instituted to ensure that the rights and interest of distressed overseas Filipinos, in general, and Filipino migrant workers, in particular, whether regular/documented or irregular/undocumented, are adequately protected and safeguarded.”

      Ibig sabihin Shep, na obligasyon ng ating Embahada or Konsulado na tulongan ang distressed OFW, dokumentado man ito o HINDI. So walang karapatan ang mga kawani ng Konsulado na magsabi na hindi nila matutulongan ang kahit sino mang OFW na dumulog sa kanilang tanggapan. Pag mga ganitong situwasyon, dapat handa ang inyong lapis at papel sa pagsulat sa pangalan ng kahit sinong kawani ng ahensya ng Gobyerno na taga pangalaga sa kapakanan at kagalingan ng aming hanay upang mabigyan ng kaukulang reklamo ang kawaning ito.

      Pangalawa, kung trabahoin ang isang reklamo or mga pangunahing dapat gawin para mabigyan ng kaukolang solusyon ang problema ng isang OFW, katulad ng alamin ang record nito, NAPAKADALI kung ito ay bigyan ng agarang pansin. May record ang iyong Nanay at kung alamin ito mismo sa tanggapan sa Pilipinas, malalaman or ma trace ito kaagad.

      Kaya lang siguro nasabi ng Konsalado na hindi iyon ang hinahanap ay dahil sa iba ang nasa record nito at ang pangalan ng employer ng iyong Nanay. Ikaw na nga rin ang nagsabi na iba ang naka record sa POEA at iba naman ang pangalan ng amo niya pagdating dito. Assuming na may problema ang papeles ng iyong Nanay, dapat umpisahang hanapin ang hospital na siyang nakalagay sa kanyang dokumento bilang employer. Siguro naman, magkaroon ng konting linaw kung bakit napunta sa individual employer ang iyong nanay at bakit hindi sa Hospital.

      Sa kabilang dako tama ang Konsulado, dapat makuha ang kanyang passport dahil importante ito para sa kanyang repatriation at dapat rin na magkaharap ang iyong Nanay at kanyang employer upang mabigyan siya ng clearance. Pag meron ng clearance tsaka lamang magkaroon ng travel documents ang isang takas.

      Huwag kang maniwala sa tsismis, maraming namatay sa maling akala. Pag ang iyong nanay ay nasa custody na ng ating Konsulado, hindi na makukuha ng employer ang OFW. Maliban lamang kung sang-ayonan ito ng OFW. Huwag ka ring maniwala na may ganoong transaksyon na mangyari between Consulate and the employer. Kung sakaling payohan ng Konsulado ang iyong nanay na bumalik sa kanyang amo sa kabila ng kanyang situwasyon or sakit, sumulat ka agad sa ating blog at ibigay mo sa akin ang pangalan ng kawaning ito upang ipagbigay alam sa kanilang head office sa Manila at mapa-imbestigahan.

      Sa ngayon, dapat lamang na matawagan or makita ang iyong employer upang kausapin at ma-mediate ng Konsulado ang problema at mapakiusapan na mabigyan ng clearance ang iyong Nanay para sa kanyang pag-uwi sa atin upang mabigyan ng agarang lunas ang kanyang karamdaman.

      Pakisabi na mag follow-up siya palagi sa Konsulado tungkol sa kanyang problema at higit sa lahat humigi tayo ng gabay sa poong Maykapal.

      Happy New Year!

      Bong

      • Dear Sir Bong,

        Maraming salamat po sir sa impormasyon at kalinawan na binigay nyo sa amin, dahil po dito naliliwanagan na po kami sa mga susunod na hakbang para sa aking inay. naway wag po sana kau magsawang tumulong sa ating mga kababayan at patuloy po sana tayong pagpalain ng ating poong Maykapal! maligayang bagong taon din po!

        Shep

      • Ang nakakausap po pala ng nanay ko sa ating Embahada ay si (xxxx). siya po kasi ang nagsabi sa nanay ko na kapag hindi pumayag ung employer na pauwiin si nanay ko, eh makukuha daw po siya ulet. and siya din po ung nagsabing hindi po matutulungan si nanay ko hangga’t ala po syang mga dokumento at hindi nahahanap sa immigration ung kanyang record. sinabi rin po nya sa nanay ko na possible daw pong pinabura ng employer ung record ng nanay ko if maimpluensya ung employer.

        binabanggit ko lang po ung mgka salitang nag turn down sa nanay ko po na naghihingi ng tulong sa kapanahunang may sakit siya sa ating embahada. na depress po sya nung narinig nya po ung ganung feedback nuon . buti nalang po at pinabasa ko po sa kanya ung inyong sagot sir sa aming commento , nabuhayan po ulit sya ng luob.

        i will keep you posted po sir Bong.
        God Bless

        • Shep,

          Pansamantala ko pong inalis muna ang pangalan na iyong binanggit pending clarification of your nanay’s case. Ngunit kung totoo man ang kanyang sinabi, ito lang ang masasabi ko, WALANG KAHIT ISA SA MGA KAWANI NG EMBAHADA AT KONSULADO NA MAGSALITA Na HINDI PUWEDENG TULONGAN ANG ISANG OFW IN DISTRESSED, DOKUMENTADO MAN O HINDI DOKUMENTADO.”

          Just keep in touch.

          Bong

          • update po sir, Nagbunga po ang aming pakikipag usap sa Agency nila nanay na nagpaalis sa kanila dito sa pinas. mag poprovide daw po sila ng ticket at exit visa para sa nanay ko. at sa pinsan ko na kasama nyang umalis. sila na rin daw po ang bahalang makipag usap dun sa employer nila nanay. sana po ay tuparin po nila ang kanilang mga sinabi sa amin. ill keep you posted po.

            Thanks

            • Hi Shep,

              Good to hear about the new developments. Dapat lang talaga na asikasohin or ayosin ng mga recruitment agency ang problema ng kanilang mga dini-deploy. Katulad ng Mayon Recruitment Agency na nakausap ko kagabi sa Phil. Embassy na talagang pumunta rito sa Jeddah, KSA para maayos ang gusot ng kanilang mga dini-deploy na mga mangagagawa sa Al Rabigh.

              Keep me posted at huwag basta basta maniniwala sa mga TSISMIS at mga hatid hatid na balita. Let the other side explain or hear the other side para maayos ang problema ng matiwasay. Sa mga TSISMIS diyan sa Jeddah na ginagamit daw ang aking pangalan – masasabi ko lang po sa inyo – hindi na po magagamit ang aking pangalan DAHIL GAMIT NA GAMIT NA – DITO PA LANG SA ATING BLOG, WALANG HINDI NAKAKILALA SA AKIN AT KUNG GUSTO NYO AKONG MAKILALA – JUST GOOGLE MY NAME, I’M JUST A CLICK AWAY!

              Regards and sorry for late reply.

              Bong

              • Hi Sir Bong!,

                Update po . kanina po nagkausap sa loob ng ating embahada sa Jeddah, ang nanay ko, agency(TRANSNATIONAL SVRS), atsaka ang employer. nagfile daw po nang parang kaso ung employer sa immigration at hindi daw po makakauwi sila nanay ko pag hindi na paalis iyun. nagpapabayad po siya nang 2,000 riyals para matanggal daw po sa immigration ung finile nya. Bukod pa duon, nagpapabayad po siya ng 10,000 riyals para sa gastos daw po nya sa deployment, atsaka mga personal na gastos kila nanay ko. sabi nya hindi na daw niya papabayad ung mga un if babalik ung nanay ko sa kanya. pero talagang ayaw na po ni nanay ko, may sakit po siya at hindi na po talaga kayang magtrabaho. kailangang kailangan napo talaga nyang maoperahan dito sa pilipinas.

                ang sabi ng agency, ticket lang daw ang kaya nilang i provide, kami naman po ay wala pong mapagkukunan ng kabuuang 12,000 riyals para mabayaran ung amo nya kung legitimate na kailangan talaga syang bayaran.

                ano po ba ang inyong maipapayo ukol dito sir.

                Thanks po and God bless po sa inyo!

                • Additional info po sir,

                  Ung mga pinapabayad nya po ay 1.) Responding Report 2k riyals
                  2.) Deployment fee (Entry Ticket, Visa, Iqama, permit etc. . )
                  3.) Personal expenses daw po 10k riyals

                  sa part naman po ng ating embahada, nag request daw po sila sa DFA ng funds subalit nasa 2-3 months pa daw po ung reply at hindi pa sigurado if approved or hindi. ok lang po un if ala po sakit ung nanay ko pero habang nagtatagal po kasi ay baka magka kumplikasyon.

                  ano po ang inyong maipapayo?

                  salamat at God Bless!

                  • Shep,

                    Mukhang, ito na ang medyo problema pag pera na ang pinag-usapan. Gaya ng sabi ko sa iyo, wala kang babayaran sa Konsulado natin pero sa employer ng iyong Nanay puwedeng puwede.

                    Ganito yon, sa pagtakas ng iyong Nanay at sa mga araw na nagdaan na walang pag-uusap na nangyari between your nanay and her employer, nagawa ng employer na ipa-blotter ang iyong Nanay which is puwede niyang bawiin na may katumbas na halaga. Ito yong 2K (Responding Report). Dahil kung naka report kaagad ang takas sa Embahada at may pag-uusap or mediation na nangyayari kaagad, ang blotter na ito ay naiiwisan sana.

                    Sa # 2 and #3 naman. Ito ang nakasaad sa Saudi Labor Law or Batas Paggawa ng Kaharian, makikita ito sa Article 40: 1 and 2 (below).

                    Article 40: 1. An employer shall incur the fees pertaining to recruitment of non-Saudi workers, the fees of the residence permit (Iqama) and work permit together with their renewal and the fines resulting from their delay, as well as the fees pertaining to change of profession, exit and re-entry visas and return tickets to the worker’s home country at the end of the relation between the two parties.

                    Article 40:2. A worker shall incur the costs of returning to his home country if he is unfit for work or if he wishes to return to his home country without a legitimate reason.

                    Article 77: If the contract is terminated for an invalid reason, the party who is harmed by such termination shall be entitled to indemnity to be assessed by the Commission for the Settlement of Labor Disputes, taking into account the termination circumstances and actual and potential material and moral damages sustained.

                    Maaaring pakiusapan ang employer ng ating Konsalado, kasama ang iyong Nanay na puwede bang alisin na lang ang # 1 and # 3 condition at hanapan na lang ng paraan na mabayaran gastos sa Visa, Iqama at iba pang legal na papeles. Tungkol sa tiket, sabihin na lang kamo na kayo na ang bibili nito kasi puwede nating gawan ng paraan yan, baka puwede kung lapitan ang KASAPI CONGRESS sa Jeddah para sa tiket ng iyong Nanay.

                    Pina ka the best na gawin ay ang pakiusapan ang Konsalado to exert their best effort para ma-convince ang employer ng iyong Nanay to give her a clearance to go home kasi may sakit na nga ito at huwag na kamong isama ang # 1 at # 3 sa mga hiningi niyang kabayaran.

                    Regards and keep me posted.

                    Bong

                    • Sir Bong,

                      bale po ang sabi ng agency sila daw po bahala sa ticket. maari po kaya natin ipakiusap sa KASAPI CONGRESS na i assist po si nanay sa ibang bayarin kung sakaling hindi po pumayag ang employer na i draw ung mga charges na sinisingil nya.

                      sa part naman po ng agency, hindi po ba dapat sagutin nila ung settlement sa employer? nagbayad po ang nanay ko sa agency nuon as salary deduction ng may ilang buwan. ano po ang inyong opinion? salamat po

                    • Shep,

                      Lets hope for the best. Let your Nanay convince the employer to lift the blotter and release her without monetary consideration. Hintayin muna natin ang pakipag-usap ng Kunsolado at ng employer ng iyong nanay baka naman lumambot ang puso nito.

                      Bong

                    • Sir Bong,

                      Ayaw pa rin po pumayag nang emoployer ni nanay na iurong ung mga charges sa kabuuan po ay 12,000 riyals po ang kanyang hinihingi. ang gusto po nya ay bumalik po ang nanay ko sa kanya kahit 3 months lang daw po. kaso po may sakit po si nanay ko at talagang hindi na po kayang magtrabaho baka po ikamatay nya kapag bumalik pa sya sa amo nya. hindi rin po tau nakasisiguro sa maaring gawin nung employer sa loob ng three months. im playing the devils advocate pero baka gawan nya or pagbintangan nya si nanay ko habang nagtatrabaho sya duon na maari nyang makulong. nababasa ko po sa internet ang mga experience ng mga kapwa nating pinoy na nakukulong sa jeddah.

                      sa huli ang hinihingi ko po ng payo sa inyo is ano pa pong ahensya ng gobyerno ang maari ko pong lapitan para po matulungan po kami , kung sakali mang hindi na talaga mapakiusapan ung employer nya . ano pa po ba ang maari kong gawin ? anong mga ahensya ang maaari kong lapitan dito man sa pilipinas or sa Jeddah.
                      Maraming salamat po

                    • Shep,

                      Ibig mong sabihin walang nagawa ang magigiting natin na mga diplomat sa POLO-Jeddah. Alam naman nilang walang maibabayad ang iyong nanay.

                      Okay, kung nasa Manila po kayo, bisitahan nyo po ng personal si VP Jojo Binay pero bago po kayo makipag-usap sa kanya, lapitan nyo po muna USEC Benjamin E. Martinez Jr. at dalhin mo ang kung anong dokumento na meron ka tungkol sa deployment ng iyong Nanay, name of agency at manager at contact numbers. Sabihin mo na lumapit ka kamo sa OFW Congress-Riyadh tungkol sa problema ng iyong nanay. Sabihin mo rin na hindi mo ginamit ang aking pangalan or pangalan ng OFW Congress, kundi ni-refer po kayo ng OFW Congress sa inyong tanggapan upang matulongan ang iyong Nanay. Gawin mo sa mas madaling panahon.

                      Keep me posted.

                      Bong

                    • Sir Bong,

                      Nais ko po sanang maniwala sa inyo at magtiwala sa ating magigiting na diplomat sa ating embahdada sa Jeddah, ngunit sa takbo ng mga nangyayari sa nanay ko ngaun eh parang nakakawala po ng kumpyansa lalo na po sa ating mismong embahada.

                      Sa haba ng dumaang araw sa nanay kong may sakit na pabalik balik sa opisina ng embahada hanggang ngaun po ay wala paring usad ang kanyang kaso. wag naman po sanang pahintulutan ng dyos baka may mangyari nang masama sa nanay ko ay siguro duon lang AAKSYON and mga Kawani ng embahada na pinasasahod galing sa mga Taxes ng mga Pilipinong gaya ko, ng nanay ko, ng mga OFW.

                      ngaun po ay Baha sa Jeddah at sa kasulukuyang tinutuluyan ng nanay ko ngunit sa kabila ng peligro at kahirapan sa pagkilos (dahil nga po sa kanyang sakit) at peligro na mahuli sya ng polis dahil ala po siyang Iqama,
                      Pumunta na naman po ang nanay ko sa Embahada. nakapag usap po sila ng Agency, at ang tao natin sa embahada na si Elsa Masa (sya po ang humahawak sa kaso ng nanay ko) . Ang sabi nung Agency, kailangan daw sila nanay ko at ang pinsan ko (silang dalawa ang magkasamang kasambahay na tumakas) ang mismong kumuha ng passport sa kanilang Amo. sila daw po ang kailangan mismong personal na pumunta duon. Ala daw po tutulong sa kanila sa Agency. Nanghingi ng tulong si nanay ko sa ating Embahada , kay Elsa Masa . ang sabi niya sa kasong iyon ay hindi daw po sila maasahan. wala daw po mibibigay na tulong ang embahada natin sa ganung kaso.

                      kung susumahin, kung pupunta ang nanay ko at ang pinsan ko sa kanilang dating amo na walang tulong sa embahada or sa agency, nangangahulugan na bumalik sila or pwede pagdating duon eh gawin ng kanilang amo ang kung anong maisipan nya na wala man lang makakaalam. marahil sarcastic ang kwento ko po ngunit ganun po talaga ang ugali ng kanilang dating amo.

                      kung ganun din lamang ang salitang bibitawan ng ating embahada. simula sa umpisa eh wala naman pala talaga silang mitutulong. mali po palang magtiwala sa ating embahada ? sana po ay kahit sa ganitong pagkakataon eh matulungan nyo po ako.

                      paumanhin po kung nadadala po ang aking pananalita dito subalit kung hindi ko po ito gagawin eh wala po seseryoso sa kaso ng aking ina.

                      maraming salamat po ,
                      Shep

                    • Shep,

                      I sent you an email asking the full details of your mother’s name, etc, but I haven’t got reply from you.

                      Anyway, your complaint was sent to DFA in Manila particularly the office of Undersecretary Rafel Seguis and hopefully it will be addressed accordingly.

                      Thank you.

                      Bong

                    • salamat po sir,

                      ala po ako natanggap email galing po sa inyo asking sa pangalan po ng nanay ko. Priscilla M. Pilares po ang pangalan nya . maraming salamat po.

                      Shep

                    • Sir Bong,

                      tama po kau sa Spam folder po bumagsak ung mga email ninyo pasensya na po kau dahil ngaun ko lang po nabasa ung mga email. nag reply na rin po ako sa inyong email.

                      taos puso po akon nagpapasalamat sa inyo sir sa pag tulong nyo pong maiparating ang aking pagsusumamo sa mas nakakataas. more power po sa inyo sir !

                      maraming maraming salamat po

                    • Hi Sir Bong!

                      Meron po akong magandang balita. salamat po sa inyo, sa agency at sa ating Embahada, mukhang makakauwi na po ang aking ina at pinsan within this week. nagtungo po sila sa embassy at nakausap po nila si Elsa Masa. trinabaho po ng husto ni Ms. Elsa ang kaso ng aking ina at talagang ginawa ang kanyang makakaya upang makipag areglo duon sa employer.
                      nagpapasalamat po ako sa inyo at sa ating embahada at nanghihingi na rin po ako ng paumanhin kung meron po akong masamang nasasabi nung panahong akoy nagsusumamo dahil parang walang direksyon ang kaso ng aking ina. pero ngayon po ay napatunayan ko na na HINDI PO NAGWAWALANG BAHALA ang ating embahada at kumilikos po sila ng ayon sa legal na paraan upang matulungan ang ating mga kababayan. sa ating mga kababayan sa Jeddah, wag po kau mag atubiling lumapit sa ating embahada wag po kau maniwala sa mga sabi sabi, dahil sa Jeddah ala po kau ibang kakampi kundi ang ating embahada.

                      maraming salamat po sir Bong. and let’s pray na makauwi na po sila w/in this week.

                      mayroon po sana ako huling kahilingan sa inyo . tulungan nyo po sana ako ma i commend si Ms. Elsa upang sa ganon po eh mabura po ung pangit na impresyon ng dahil sa aking naunang email. sa kadahilanan lang po iyon na nagpapanic na po ako para sa nanay kong may sakit.

                      salamat po and more power!

                    • Shep,

                      Wala pong anoman.

                      Ang lahat po ng problema ay may solusyon kailangan lamang po ng pasensya at dasal.

                      Hindi kita masisisi sa bugso ng iyong damdamin. Ngunit sa puntong usaping problema ng OFWs, dito po sa Middle East ang pinaka problematic at wala po tayong ibang mapupuntahan kundi ang ating Embahada at Konsulado. Sila lamang po ang authorized entity na makakatulong sa atin. Kaya noong nawalan ka ng tiwala sa ating pamahalaan or Kunsalada, ang tanong ngayon, “SAAN TAYO HIHINGI NG TULONG?”

                      Sa iyong hiling, may kaparaanan po kung paano po natin mapapasalamatan ang mga kawani ng ating pamamahalaan na walang sawang tumulong at patuloy na ginagampanan ang kanilang tungkolin bilang taga pangalaga ng aming hanay.

                      Salamat rin Shep at sa muling pagkikita dito sa ating munting tahanan.

                      Regards.

                      Bong

  4. assalamu alaikom,gusto ko po humingi ng advice sa sitwasyon namin…march 2008,nagsara ang aming kumpanya na progressive construction limited.pinapili po kami kung exit or release..nag pa release po kami at kumpleto naman po ung release paper at nag apply po kami sa factory ng tubig dito sa jeddah.natanggap po kami at nag bigay sila ng demand letter sa previous company at acceptance letter..ang problema po,inabot na kami ng 2yrs dito sa factory pero di pa rin na transfer iqama namin.pinababalik kami sa previous company pero ala na po sila kasi tuluyan na nagsara.sa ngayon po expire iqama namin at gusto na naming umuwi..ano po dapat naming gawin?kumunsulta na rin po kami sa consulate pero deportation nalang paraan para makauwi kami.may pananagutan po ba ang present company namin? ako po ay umaasa sa inyong tugon at mabigyan linaw ang aming sitwasyon…maraming salamat po..

    • Bro Faisal,

      Assalaamu ‘alaykum.

      Considering that Year 2008 nag close ang inyong kompanya at isama na natin ang bilang na 2 years kung saan nag work kayo sa bago nyong employer, lagpas na ito ng 2 years na kung saan isa sa mga requirement ay dapat maka 2 years muna kayo sa unang employer bago kayo puwedeng ma transfer.

      Sabi mo kompleto kayo sa release papers at may acceptance letter pa ang dati nyong employer sa request or sa demand ng bagong employer. It means you have all the documents needed para kayo ma transfer. Ang kasunod nito ay ang aksyon ng inyong bagong employer para masumite ang mga dokumento sa kinauukulan, kasama ang aplikasyon for transfer of sponsorship and iqama for approval and change of sponsorship. The fees for transfer of sponsorship should also be shouldered by the new employer as per SLL Art. 40.3.

      Tingnan muna kung kompleto ba talaga ang inyong papeles or requirement para kayo ma transfer. Kung kompleto ito, walang rason kung bakit hindi pa ito inaasikaso ng inyong bagong employer. Secondly, try to obtain photo-copies of the documents and present it to the Consulate para matingnan kung tama or may kulang.

      Maasalama!

      Bong

  5. gud day po sa inyo mam/sir? gosto klang po mag patulong sa ating mhal na pangulo ng philipinas.ako poy ng sumurinder sa ating embahada dto sa jeddah.sa kagustohan ko pong makauwi na sa pinas.kya lang po hnd nla ako tinangap dhl ang sabi sarado ang haji terminal hnd daw cla tumatangap ng mga gostong umuwi dhl sa me amnesty daw dto pro ang problma hnd daw ksali ang mga ofw. ako po ay hrap na dhl wla nkong trbaho dhl ayw n ng pina partyman ko skin dhl bka maka molta daw cya pag nhuli na ang tulad kng tnt sa kanyang bhay.kya po sir mam tulongan nyo po ako.gostong gosto knang umuwi jan sa pinas.me anak po ako dto.tumakas ako sa amo ko sa dhlan n hnd nla ako pinasahod.2003 pa ako tumakas sa amo ko.at pinalad ako n mkakuha ng trbaho kaagad.kya lang nglumipat ang mga amo ko sa oman dun na ako ng hirap.pro ayw kpang umuwi dhl mdami akong utang sa pinas ng akoy mag abroad dto sa ksa.pro ngayon po humihingi ako ng tulong n sana makauwi na ako at matulongan ninyo.lubos n gumagalang dorina.at slmat sa tym ninyo sa sulat ko

    • Dorina,

      Hindi po kasali ang mga takas na katulad mo sa amnesty ng kaharian at sarado rin po ang hajj terminal sa ngayong bakasyon dito sa kaharian.

      Tama po ang ginawa ninyo na sumorender sa ating konsulada. Sila lamang po ang makakatulong sa inyo para maka uwi. Kaya nga lang po, medyo may dadaanan na proseso ang pag pauwi sa mga takas. Kaya konting tiis lamang po dahil hindi naman po nagpabaya ang ating pamahalaan para maka uwi kayo. May sinusonod lamang po tayong proseso at ito ay patakaran ng Saudi govt kaya medyo matagalan talaga sa pag-uwi ang mga katulad mong takas lalo na po pag hindi makipag coordinate sa konsalada ang inyong legitimate mo na employer.

      Ang importante, may pangalan na po kayo sa ating konsalada at ikaw ay isa sa mga napakaraming kababayan natin na maaring makauwi sa darating na panahon. Hayaan po ninyo i-follow up kopo ang inyong pangalan sa ating konsalada.

      Ingat.

      Bong

  6. magandang araw po!
    naisko lng po mag tanong sa mga bagay na nais kong malinawan. isa po ako sa nagtatrabaho bilang waiter dito sa jeddah, ang kompanyang aking pinapasukan ay nagsagawa ng pananakot sa aming mga pilipino, 4 po kami na pinagbabayad ng humigit kumulang sa 5-16 thousand riyals sa kadahilanang nagnakaw daw po kmi sa kniulang kompanya na wala namang basehan at ebidensya. kinasangkot po ng may ari ang isang kitchen helper na isa ring pinoy na kinakasama ng kapatid ng asawa ng may ari na isa ring pilipina.. nahulihan po kasi ang pinoy kitchen helper na nagkaw ng supply galing sa kitchen, at itinuro nmn ng pinoy na ito ang ibang kasamahan.
    nagulat nlng po kmi at lumabas ang pangalan namin na nagnakaw din kmi ng pera.
    ito poy gawa gawa lng, at wala po kaming nagawa ng inutos ng may ari na magbayad kmi at pinapirma ng isang agreement sa araw ding iyon na magbabayad kami o kung hindi ay darating na agad ang pulis para kamiy ikulong.
    dahil po sa takot ay pumirma kmi, at binalaan na wag kaming magsuplong.
    hannggang ngayun po ay nagbabayad kmi sa pera na hindi naman nmin kinuha.
    nag tatanong po lng kmi kung anu ang dapat nain gawin.?
    nais din po nmin malagay sa ayos at kung pwedi po ba makauwi kmi kahit di pa tapos ang kontrata.

    ang huli po ay ang 6 na pinoy na uuwi na, nagtapos na ang kontrata 2 weeks na nakalilipas pro wala pa pong signal na makauuwi ang pinoy naito.
    sana po matungunan niyo ang mga bagay na aming tinatanong. muli poy magsasadya kmi sa embahda para sa kaukulang impormasyon at sanay makatulong kayo.
    salamat.

    • Boy,

      Muntik ko ng makalimutan ang sulat mo.

      Napakahirap tanggapin na sa Saudi Arabia, ipagkakanulo ka lang ng kapwa mo Pinoy, magkaiba man ang pananampalataya, TAYONG PINOY ay iisa ang pinanggalingan, iisa ang lahi, kadugo at kakulay. Maraming nangyayari dito sa KSA katulad sa kaso ninyo. Buti na lang, pagnanakaw, dito kasamahan at kaibigan ko ipinagkanulo ng kapwa pinoy na nagtulak daw ng droga. Masakit isipin na sa maliit na halaga na binigay sa isang informant in exchange for a tip off at frame up – ang pamilya ng biktima ang nagdurusa ngayon.

      Wala akong maiibigay na ibang payo sa inyo kundi lapitan ang ating POLO sa Philippine Consulate in Jeddah. Hintayin lamang ang aking separate email together with the Complaint Form where you and your fellow workers in the restaurant will fill it out and write in a separate paper kung hindi magkasya sa form all the details of your complain and attach the said paper in our KAKAMPI-KSA Complaint Form.

      Wait for my email.

      Regards.

      Bong

  7. assalam alaikom,,sir just want to ask advice alam ko po sa pamamagitan nito e matutulungan nyo ang isang katulad ko…i am an engineer ranaway po ko sa employer ko sa kadahilanang..nag resign po ako subalit sinisingil po ako ng mataas at kasabay nito e iblock list daw po ako dito saudi arabia…nag decide po ako na magresign kasi..aaminin ko po kasalanan ko rin po kasi dahil sa mahigpit na pangangailangan,,pumayag po ako na mgkaroon ng trabaho sa ibang kumpanya sa alok din ng isang pilipino,,later on ngdecide po ako na ihinto n ang kamalian n ito,,,subalit kasabay nito e ung panggugulo po ng kumpanya n kinasangkutan ko…..dahil po rito kaya ngdesisyon ako na tumakas..ano po ang dapt kong gawin sir,,,please advice…mpre power po sa inyo

    • Bro. Abdul,

      Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh’

      Bro, ang status mo ngayon ay absconder. Dapat lamang na ikaw ay makiusap sa iyong original employer na ikaw ay pauwiin na lamang dahil walang ibang makapagbigay sa iyo ng clearance upang makauwi kundi ang iyong legal na sponsor. At kung hindi ka makiusap sa kanila, maging absconder ka or tnt sa kaharian habang nandito ka.

      Sa ngayon na nabago ang announcement ng kaharian tungkol sa amnesty ng mga absconder, wala tayong magagawa kundi makiusap sa iyong sponsor na bigyan ka ng clearance upang makauwi na lamang sa Pilipinas. Remeber bro na minsan ang ating pride ay naging daan sa kapahamakan.

      Maasalama and God Bless.

      Bong

    • Glo,

      You know well that you are not the only one waiting to be deported. Ang proseso ng deportation papers sa mga katulad ninyong runaway ay may dinadaang proseso\requirements rin na dapat sundin. Ang importante kayo ay naka lista sa bilang ng mga inaasikaso ng ating Philippine mission sa kaharian upang maka uwi sa atin at makapiling muli ang mga minamahal sa buhay.

      Gaya ng sabi ko sa blog natin, hindi ako taga Embassy or taga konsulada, narito ako bilang isang OFW na katulad ninyo at handang tumulong o magbigay ng payo sa abot ng aking makakaya.

      Hayaan mo at makakasa kang kausapin ko ang ating mga kaibigan sa konsulada upang malaman ang status ng iyong deportation. I’ll get back to you as soon as I have the concrete answer regarding your status.

      Ang maipapayo ko lang, dagdagan mo pa ang pasensya at haba ng lubid na hawak mo. Ang lahat ng problema ay may solusyon. Manalangin sa poong maykapal at umasang may bukas pa.

      Bong

      • greetings,
        sir bong magandang araw po nais ko lamang pong humingin ng tulong o advises tungkol sa aking sitwasyon ako ay isang runaway sa amo ko simula pa noong febuary 2008,gusto ko na po sanang umuwi ano po ang maari kong gawin para ako makauwi na,may proseso po ba? sana po mabigyan nyo ako ng mga advises salamat po.
        god bless..

        • Zette,

          Siguro nakaligtaan ko itong sulat mo. Pasensya na po at medyo naduling na ako sa dami po ng ating mga kahanay na may problema.

          Saan kaba? Riyadh or Jeddah? May proseso po ang lahat pero sagotin mo muna ang tanong ko kung saan ka.

          Bong

Comments are closed.