Open Letter from Ex-OFW Marge


An Open Letter from Ex-OFW Marge

I’ve been an OFW before in Saudi Arabia who experienced the worst thing that can be happened to a woman with their employer, and i thank God na nakauwi pa ako ng buhay by the help of our POLO Jeddah / Riyadh and Phil. Embassy and now I’m working in a Fully Public Service Program in Radio and TV. As of now, isa ako sa mga concern citizen na gustong iparating sa inyong tanggapan ang mga hinaing ng ating mga kapwa OFW’s na may mga anak o nagka anak,mga babae at lalaki na nasa Malaz Jail, Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.  Nakatanggap ako ng mga tawag at mga text messages mula sa ating mga kabayan na nasa loob ng Malaz.  Oo,nagkasala sila sa batas ng Saudi,pero sapat ba iyon upang doon na lamang tayo babase o titingin at hayaan na lang sila sa sitwasyon nila? Kaya tayo mayroon mga kinatawan sa kahit saang bansa upang tulungan at i trato ng maayos ang kapwa natin Filipino. Pasensya na,kaya nasasabi ko ito dahil naranasan ko at nakita ang pagtrato ng ating ibang kinatawan sa mga kapwa natin ofw na nanghihingi ng tulong sa kinauukulan ng Embahada. Isa lamang akong daan upang maitawid sa inyo ang hinaing ng ating mga kabayan na bigyan sila ng pansin at nawa ay matulungan natin sila sa kanilang matagal ng hinaing. Pakisuyo po basahin ang kanilang mensahe na pinadala sa akin..

Pasko na naman, andito pa rin ako

from: 00966543605398- kami mga presong OFW dito sa Riyadh Malaz Jail ay nanawagan sa Pangulo ng Pilipinas at sa lahat ng mga kinatawan sa pagtulong sa amin. sana po inyong bigyan ng pansin ang aming mga kaso,sa pangatlong taon po namin dito magpapasko na naman sana po makasama na namin ang aming mga mahal sa buhay. Tulungan ninyo po kami.

from: 00966543605398- gud am po,sa pamamagitan ng telebisyon ng mamamayan ng bansang Pilipinas,..muli, kaming mga nakabilanggo dito sa Malaz Jail, Riyadh, Saudi ay nanawagan sa ating Pangulo Benigno Aquino lll at Bise Presidente Jejomar Binay.  Huwag lang po sana ang mga nasa labas at mga sosyalan ang mapagtuunan ng pansin.  Higit pong kailangan ng mga nakakulong ang tulong ninyo.  MAGPAPASKO NA NAMAN PO, ANDITO PA RIN KAMI. NAGMAMAKAAWA PO KAMI SA INYO AT SA LAHAT NG KINAUUKULAN NA TULUNGAN NINYO KAMI NA MAKAUWI NA. Udyukan nawa kayo ng AWA ng DIYOS na tumulong sa amin.. Kung saan na lumapit ang aming pamilya sa lahat ng ahensya ng gobyerno sa Pilipinas ngunit walang nangyari. Muli, bigyan nyo kmi ng pansin.

Mula po sa amin na OFW’s JESIE SUMEJO, MAURO DUATIN, VICENTE NIEGOS, ROMEO ALIT at iba pang Filipino na andito sa loob ng Malaz Jail.

Lubos puso ko pong itinatawid sa inyong tanggapan ang mga hinaing ng ating mga kabayan na mapag aralan at mabigyan ng katugunan ang kanilang mga kaso.

 

From: EX-OFW Marge

About these ads

4 comments on “Open Letter from Ex-OFW Marge

  1. assalu alaikom, sir 4years and 7 months po ako nagtrabaho sa company..3 years and 7months bago me nagbakasyon kasi po 3years ang contract namin.sir napakaliit po ng sweldo namin ilang beses na po kami humingi dagdag sahod kahit man 100 sa 700 naming sweldo which including na po ang food namin,sir sa 700 na yon buwan buwan po binabawasan ng 100sr..hindi rin namin maintindihan kong ano ang kinkaltas samin sabi plane ticket minsan visa wala pong makapagsabi ng exact detail kong ano talaga ang ikinakaltas samin kahit iqama po namin kami rin po nagbabayad ikinakaltas din po samin,3years and 4months bago po natapos ang pagkaltas sakin ganon din po sa mga kasamahan ko,sir marami na po kaming na forward na complaint pero wala rin pong action,sa isang kwarto maliit na po ang 10 person siksikan po kami,hirap na hirap po kami pero wala po kaming magawa..sir ngayon isang taon na po me takas, tumakas po ako sa dahilang bukod sa liit po ng sweldo namin,ilang beses na po akong nagpaalam na gusto ko pong mag umrah pero hindi ako pinayagan,samantala yong mga kasamahan ko pong mga ibang lahi ay pinapayagan,sir dala ko po yong iqama ko ng tumakas ako pero expired na po noong july,sir ang gusto ko po kong puwede po gusto ko pong magparelease,may pagasa pa po bang ganoon? sir please advice po kong paano,ayaw ko pa pong umuwi dahil hindi ata nakakabalik ang takas at both my parents are seriously sick kelangan po nila ang support ko, sir ng malamn ko po itong site nyo labis po akong natuwa dahil alam kong may sasagot na sa mga katanungan kong walang makapagbigay linaw..Arabian Gulf company po ang company ko. thank you very much sir at pasensya napo sa haba ng email ko. sana po sir malaman ko po agad ang sagot at sana magkaroon po ako ng idea thank you po.

    • Mai,

      Sensya na at medyo delayed ang response.

      Una, ako ay nanghinayang bakit ka tumakas, puwede ka naman mag work at the same time magsampa ng kaso sa iyong employer. Iyan kung buo ang loob mong ipaglaban ang iyong karapatan. Ngunit sa situwasyon mo na tumakas ka wala na tayong laban kundi makipag-ayos sa iyong employer upang mabigyan ka ng clearance para makauwi sa atin or humingi ng release kung iyan ang gusto mo. Pero depende sa employer mo kung pagbigyan kang ma release dahil na rin sa ikaw ay tumakas na kanyang poder. The best option is to ask clearance nalang para ka makauwi sa atin sa kabila ng kagustuhan mo na ayaw pang umuwi.

      Mai, sa pagbawas pa lang ng sahod na walang pahintulot or hindi ninyo alam, lumabag na ang inyong employer sa SLL Art. 92. Tungkol sa iqama, visa at iba pa, nilabag rin ng inyong employer ang Art. 40.1. that says: “An employer shall incur the fees pertaining to recruitment of non-Saudi workers, the fees of the residence permit (Iqama) and work permit together with their renewal and the fines resulting from their delay, as well as the fees pertaining to change of profession, exit and re-entry visas and return tickets to the worker’s home country at the end of the relation between the two parties.”

      Tungkol naman sa Umrah, karapatan mo itong hingin sa iyong employer dahil naka tatlong taon ka ng nanilbihan sa kanya . Ang Artikulo tungkol dito ay makikita sa SLL Art. 114 which says “A worker shall be entitled to a paid leave of not less than ten days and not more than fifteen days, including Eid Al-Adha holiday, to perform Hajj only once during his service if he has not performed it before. To be eligible for this leave, the worker must have spent at least two consecutive years of service with the employer. The employer may determine the number of workers who shall be given this leave annually in accordance with work requirements.”

      Kagaya ng sabi ko sa itaas, wala pong ibang makatulong sa iyo kundi ang employer mo lang kung tungkol sa release ang pag-uusapan. Payo ko sa iyo, pumunta muna sa POLO at kausaping samahan ka sa iyong employer para hingin ang iyong release.

      Salamat sa pagbisita.

      Bong

  2. Sir maligayang pasko po,
    may karapatan po ba kaming manggagawa alamin o hingin ang detelyado d2 sa aming pinapasukan pribadong kompanya khobar,ksa? Na malaman ang aming pinagpaguran sa pagkatapos po ng sampung oras na tinakda,kami po ay nag tatrabaho pa rin ng higit pa sa sampung oras.Ipinapasa po nman nmin bilang overtime at binabayaran lng po ng di nmin alam kung kailan po ito nakapetsa at ilang oras lng ang ibinigay.May batas po ba ng saudi labor law para sa mga kompanyang kagaya nito? kasi po sa loob ng limang buwan pa namin nakukuha ang aming painagpaguran kundi nman po ay kulang pa sa inaakala nming halaga ang aming natatanggap.
    Sana po ay matulungan nyo kmi sa pamamagitan ng internet na ito ay asahan nmin ang inyong tugon ……Lubos na Gumagalang po, “PEEJAY”

    • Deo,

      Merry Christmas rin!

      Malinaw sa Batas Paggawa PART VI WORK CONDITIONS AND CIRCUMST ANCES, Chapter One: Wages, Article 90:1.1 “Workers paid on a daily basis shall be paid at least once a week. (1.2) Workers paid on a monthly basis shall be paid once a month.”

      At walang karapatan ang employer na ibinbin ang suweldo ng worker, makikita ito sa Article (61): In addition to the duties provided for in this Law and the regulations and decisions issued for its implementation, the employer shall be required to: (1) Refrain from using the worker without pay and shall not, without a judicial instrument, withhold the worker’s wages or any part thereof.

      May kaukulang parusa, kung mapapatunayan na ang employer ay lumabag sa Article 61 at ito ang nakasaad sa Batas Paggawa, Article (235): An employer who violates the provision of Article (90) of this Law shall be subject to a fine of not less than five hundred riyals and not more than three thousand riyals. The fine shall be multiplied by the number of the workers subject of the violation.

      May karapatan kayong kunin ang accounting records upang malaman ang tamang oras na inyong napagtrabahoan sa overtime.

      Hingin ang record sa tamang proseso at mahinahong pamamaraan at kung ayaw nilang mbagbigay, magreklamo sa Saudi Labor Office or humingi ng kaukulang payo sa POLO kung ano ang dapat gawin.

      Regards and please don’t forget to cast your vote, online poll at our homepage on the left side bar of our blog.

      Thank you.

      Bong

Comments are closed.