Open Reply to my Reader re: OWWA


Paano itinataguyod ng OWWA ang tinatawag na nasyonalismo sa aming hanay ayon sa 1987 Phil. Constitution?

Sa totoo po, wala po akong personal na hinanakit sa OWWA. Ngunit bilang isang lider komunidad ng mga mangagawang pinoy sa ibayong dagat, hindi ko po naramdaman ang tinatawag na nasyonalismo or patriyotismo ng OWWA sa aming hanay. Sa kadahilanang napakaliit lamang po ang nai-ambag ng OWWA sa pangkalahatang pakinabang ng isang OFW. Meron man, maramdaman lamang po namin ito kung kami ay nadisgrasya dahil sa karampot na benepisyong makukuha namin kung kami ay wala ng daliri, paa at hindi na makalakad. Yong iba naman po nating kahanay ay hindi napo naramdaman ang tulong ng OWWA kung nasa kahon na itong darating sa ating bayan. Iyan kung hindi po paso ang aming membership status, dahil wala kang matatanggap sa OWWA kung hindi ka nakapagbayad ng membership fee nito or expire na ang iyong membership.

Patriotism & Nationalism: 12-year old Janella Lelis of Albay after this picture of her was taken by Francisco Pena Lozano while she was saving the Philippine Flag & braving the flood waters brought by Typhoon Juaning.

Nasaan ang Nasyonalismo para sa mga OFWs na dugo at pawis ang pinuhunan para mabigyan ng kinabukasan ang pamilyang naghihikahos sa bansang sinilangan? Nasaan ang pagmamahal ng OWWA sa mga OFWs na naging bayani “kono” sa mga mata ng pamahalaan upang isalba ang ekonomiya ng bansa?

1987 Constitution Section 29.(3) All money collected on any tax levied for a special purpose shall be treated as a special fund and paid out for such purpose only. If the purpose for which a special fund was created has been fulfilled or abandoned, the balance, if any, shall be transferred to the general funds of the Government.

Nasaan ang Nasyonalismo ng OWWA, at ng mga Board of Trustees mismo noong sila ay pumayag o sumang-ayon na mailipat ang milyon-milyong peso ng OWWA Medicare Fund sa Philippine Health Insurance Corporation?

Malinaw po na ang paglipat nito ay illegal at hindi po para sa kapakanan at kagalingan ng OFW ang rason ng paglipat nito. Ayon sa Section 29 ng Saligang Batas: Lahat ng pera na nakolekta sa anumang buwis para sa isang espesyal na layunin ay dapat na itinuturing na isang espesyal na pondo at ang perang ito ay dapat gastosin lamang para sa inilalaan nito.

Sa talumpati ni Pangulong Noynoy nitong nakaraang Bagong Bayani Awards 2011 aniya “Manalig po kayong tinitiyak ng gobyerno na ang pinaghihirapan ng ating mga OFWs ay may pinatutunguhan at hindi nababalewala”. Sana ang namumutawi sa kanyang bibig ay hindi po ningas cogon lamang dahil simula ng kanyang panunungkulan ay hindi pa po namin naramdaman ang totoong serbisyo ng OWWA which is to addressed the needs and concerns of distressed OFWs documented or undocumented ayon sa nakasaad sa Magna Carta R.A. 8042 as amended.

Panghuli, dapat pong magkaroon ng pampolitikal na representasyon o partisipasyon ang aming hanay upang mapakinggan ang aming boses at mabigyan ng pagkakataong makasali sa paghimok at paggawa ng batas o polisiya ayon sa aming tunay na pangangailangan, tungo sa isang makatotohanan, kapakapanibangang serbisyo para sa OFW at sa pamilya nito. Kabilang kami sa sektor ng lipunan at dapat lamang na may karapatan kaming magsalita tungo sa iisang mithiin pangkabutihan para sa aming hanay. -end- By: BongA

About these ads

6 comments on “Open Reply to my Reader re: OWWA

  1. Mayroon pong kahanay natin na nag-email sa akin direkta at tinanong po na mayron po ba akong mga information tungkol sa mga benepisyo ng isang OFW OWWA member. Dahil wala po daw silang alam kung ano ang kanilang mapapala bilang member nito.

    Salamat po sa inyong email, meron po akong posting dito sa ating blog PAGE under OFW Guide. In fairness naman po OWWA sa posting ko na ito, meron pong mga programa ang OWWA para sa mga member nito, NGUNIT napakahaba at napaka hirap po ng mga requirements. Madidismaya po ang mag-loan dahil sa kapiranggot na mautang. Pangalawa, kulang po sila ng mga information campaign sa mga OFWs. At saksi po ang ating blog dahil napakarami po ang humihingi sa blog na ito ng information tungkol sa OWWA.

    Ito po ang link sa mga dapat ninyong malaman tungkol OWWA: http://ofwempowerment.wordpress.com/ofw-guide/what-an-ofw-should-know-about-owwa/

  2. DOLE to review PHL policy on undocumented workers
    February 6, 2012 4:50pm
    GMAnews

    Philippine Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz said the government will review the policy that prohibits illegal overseas workers from becoming legal overseas Filipino workers (OFWs).

    The policy was initiated by former Labor chief and now Supreme Court Associate Justice Arturo Brion.

    Baldoz said she intends to meet with officials of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to study the department order.

    “I’ll be setting a meeting with POEA and OWWA board to review this policy issued introduced by Secretary Brion which disallows irregular or undocumented workers from becoming regular or documented workers,” she said.

    Baldoz made the announcement after the Philippine government recently signed bilateral agreements with Jordan and Lebanon to protect OFW rights, among others.

    During her recent visit in Beirut, Filipino community leaders there sought help for undocumented OFWs who went to Lebanon after the total deployment ban there was imposed in 2007.

    “Majority of Filipino workers here would like to go home and see their children graduate. We want them to be given passes to allow to visit their families and return here later,” said Gerald Cabautan, a Filipino community leader.

    Cabauatan said there were some 35,000 OFWs in Lebanon in 2007 but the number rose to 50,000 due to the continued influx of undocumented OFWs. – VVP, GMA News

  3. Sir Bong,
    magandand gabi po! gusto ko po malaman ang tungkol sa membership status, ano po ba ang dapat na pinanghahawakan o patunay ng isang OFW para masabing siya ay miyembro ng OWWA at ang membership status ay aktibo pa? ang OFW Electronic Card po ba at pagbabayad ng OCE ay mga patunay po ba,at kung meron pa ano po ba ang mga ito?

    • Ang isang OFW na bagong salta sa abroad ay magbabayad ng USD25.00 bilang membership fee. Ang membership fee na ito ay shouldered po ng employer (kaya usually makikita po sa resibo na hindi ikaw ang pangalan na nakalagay doon kundi name of your employer) at ang duration po nito ay ang expiration ng contract. Ibig pong sabihin kung 2 years or 1 year ang iyong kontrata ito po ay magtatapos sa expiration period na ito.

      Members are issued an Official Receipt upon payment of contribution (itago mo ito). Minsan kasama na po rito ang certificate of membership. OFW shall likewise be issued an OWWA e-Card. Ang OFW Electronic Card na ito ay may expiration period (ex: my electornic card was issued Year 2003 and it will expire Feb. 2012). Hindi po nangangahulugan na member ka ng OWWA till the expiration date of your Electronic Card. Ang membership ng OWWA ay nagtatapos sa expiration ng iyong kontrata. Kaya kung 2 years ang contract mo at nag-renew ka ng kontrata at babalik ka uli sa iyong employer after vacation, dapat po mag-renew ka ng OWWA membership. Ito ngayon ang isang requirement para magkaroon ka ng OEC.

      But please note, if your contract is yearly and your vacation is also every year, you should renew your OWWA membership – kasi nga po ang OWWA membership ay depende po sa duration ng iyong kontrata.

      Another issue you should note, if your contract is two years and you declare it in your first OWWA membership payment – but YEARLY po ang iyong bakasyon – ibig po sabihin nito, hindi ka dapat mag-renew ng OWWA membership dahil covered ka pa sa una mong binayaran based sa iyong deklarasyon na ikaw ay OFW with a two year contract (makikita naman ito sa iyong kontrata kung hihingiin ng OWWA). Kaya sa tuwing pupunta ka ng POEA para magbabayad ng OWWA, dapat kompleto ka sa bala, your contract and the OWWA receipt. MASALIMUOT DI PO BA?

      Another thing, this OWWA membership fee must be shouldered by your employer HOWEVER, in the next renewal of your OWWA membership, IKAW na po ang nagbabayad nito. (MASALIMUOT DI PO BA?)

      Malalaman mo na ikaw ay updated member ng OWWA kung nagbabayad ka ng renewal fee of USD 25.00 every time na ikaw ay nagbabakasyon or nag renew ng kontrata with your present employer (specified or unspecified contract for KSA OFWs). Kaya kung walang bagong kontrata sa mga unspecified contract, dapat may kopya ka sa una mong kontrata kung saan doon makikita kung ilang taon ang iyong kontrata.

      Lastly, if you goes home for good or exit – you are not a member of OWWA.

  4. This is so true. Tutulong lang sila kung may madisgrasya ang OFW o di kaya uuwing nasa kahon na. Worst scenario conditional pa ito depende sa membership at status mo. What a disaster. It should be non preferential and in the spirit of “pinoy tayo”. Indeed I dont hear any community driven activities in Saudi spearheaded by OWWA. Maski social gathering man lang para mapulsuhan ang pangangailangan ng mga OFW’s. I hope the president makes true to his words. I wish the directives mentioned in the constitution be followed.

Comments are closed.