OFW Voice: Atin pong pakinggan


In  our latest post survey below titled “Survey para sa mga OFW at kanilang pamilya”, please allow me to paste below replies from  our  Ten OFW respondents on question No. 10  in particular.  

Question No. 10:

Anong mga serbisyo at benepisyo ang gusto mong makita mula sa pamahalaan ukol sa usaping pangkalusugan ng mga OFW at pamilya nito?

Respondent No. 1:  Sana mayroong OFW Hospital sa Pinas para naman tumaas ang tingin ko sa sarili ko bilang OFW. (From: Sergio)

Respondent No. 2: MOBILE HOSPITAL OR HEALTH FACILITY NA PRA SA KAPWA FILIPINO NA MAY NURSE AT DOCTOR NA FILIPINO. (From: Arish)

Respondent No. 3:  Bigyan nila ng halaga ang OFW kasi malayo kami sa family at dapat lang tulungan kami ano mangyari kasi kami ay ngbabayad ng tama sa ating pamahalaan. Ang dapat pansinin nila ang bayan natin maitama muna ang bansa natin bago sila hihingi ng anumang pera sa OFW. (From: Andy)

Respondent No. 4: BILANG O.F.W. DAPAT MERON TAYO SAPAT NA SUPORTA SA PAMAHALAAN NA BIGYAN TAYO NG SARILING MEDICAL CARD PARA SA AKIN (O.F.W.) AT SA AKING SARILING MEMBRO NG PAMILYA NA DI NA TAYO DAPAT MAMROBLEMA PAGDATING SA LAHAT NG HOSPITALIZATION FEES. KASI NAPAKABIGAT PARA SA ATIN ANG MA OSPITAL DYAN SA PILIPINAS. KAGAYA HALIMBAWA DITO SA SAUDI ANG MERON TAYO SARIL NA MEDICAL INSURANCE CARD. YOON SANA ANG DAPAT GAWIN NG PAMAHALAAN AT YOON LANG ANG AKING MASABI NA KAILANGAN GAWIN NG ATING GOBYERNO SA KAPAKANAN NATIN BILANG MANGGAGAWA DITO SA IBAYONG DAGAT AT PARA DIN SA ATING MGA NAIWANG PAMILYA NA UMAASA SA ATIN.  (From: Marcelo M. Ubina, Jr.)

Respondent No. 5: Health Insurance at retirement benefits. (From: Fernan Lopez)

Respondent No. 6: Medical benefits, insurance kahit saan magpunta.   (From: Tonirose Junio)

Respondent No. 7: Maging maganda lang ang serbisyo nila para sa aming mga OFW kasi alam naman nating lahat na OFW ang tinaguriang bagung BAYANI ng bayan, kaya sana kung maganda ang serbisyo nila ngayun, sana pagandahin pa,, at sa benepisyo naman, maging maayus lang pamamalakad nila, lalo na sa pag claim ng kahit ano,,minsan kasi pagod na at tao wala pang nangyayari sa kung anu mang gusto nyang i claim, may pangyayari pa na sa pag kuha ng pera sa banko,, nababalewala ang sinasabi nilang power of attorney. sana maging maayos lahat,, para naman maging sulit ang lahat ng pera na ipinapasok ng OFW na tinagurian bagung BAYANI ng bayan sa pilipinas.

Respondent No. 8: Insurance (From: Nestor Habib)

Respondent No. 9:  Katotohanan at di namimili ng tao maliit o kilala. (From: Roel Pino)

Respondent No. 10: “Really? our government has a lousy strategies as I’ve said expect less. I will not waste my opinion, it’s useless even we share ideas very less percentage we get in return from them. So I prepare not to just rely or depend on them. I just hope so maybe they can help us. (From: Calther Lao )

You can also participate the Survey (below post) or read all the respondents reply,  just click >>>>>here>>>>>> .

About these ads