Open Letter to: Testman General Services, Inc.


To: Testman General Services, Inc.

Dear Sir/Madame,

Ang sulat po na ito ay tungkol po sa sulat-hinaing na pinadala ng isa sa mga reader ng ofwempowerment blog na naging isa rin po sa mga dini-deploy ng Testman General Services, Inc., na mga OFW sa bansang Saudi Arabia. Itinatago po namin ang aming kahanay sa pangalang “Sabel”.

Malinaw po sa sulat ni Sabel na ang Testman General Services, Inc., ay nakipagsabwatan sa employer upang palitan ang nakasaad sa napagkasunduang kontrata sa Pilipinas. Kung ito po ay mapapatunayan, malinaw po na ito ay isang panloloko sa atin pong mga kawawang OFW na nagtiwala sa serbisyo ng  Testman General Services, Inc., bilang lisensyadong ahensya na nag su-supply ng mga Filipino workers sa bansang Saudi Arabia.

Kaya po sa sulat na ito, kami po ay nakikipag-ugnayan sa inyo bilang isang “lehitimong recruitment agency” sa Pilipinas na gumawa ng kaukulang aksyon upang ipa-abot sa employer ni “Sabel” ang mga hinaing na nabanggit sa kanyang sulat at ito ay ma-itama at ibigay ng NAHJ ALTAKWA DENTAL CENTER ang napag-kasunduang buwanang suweldo at ilipat sa maganda, malinis at makataong “accommodation” at bagong uniporme ang mga empleyado nito.

Pangalawa, ibigay ang “Work Permit” ng mga workers upang magamit bilang requirement sa pagpadala ng pera sa Pilipinas at bigyan ng isang araw na pahinga ang mga kawani nito upang makalabas at makabili ng mga personal na mga gamit para sa pang araw araw nilang pangangailangan.

Kami po ay sumulat sa inyo upang humingi ng pabor na sana bigyan po ninyo ng pansin ang liham ni Sabel at aksyonan ang mga reklamo ng mga kawawang OFW na kasalukuyang naninilbihan sa NAHJ ALTAKWA DENTAL CENTER.

Kung wala po kaming maririnig na aksyon galing sa Testman General Services, Inc., kami po ng OFW Congress-Riyadh ay pormal na makipag-ugnayan sa ating POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac, Thru: Licensing and Adjucation Acting Deputy Administrator Jaime P. Gimenez upang magsampa ng kaukulang pormal na reklamo laban sa inyo.

Maraming salamat po!

Manuel “Bong” Amora
Secretary General
OFW Congress-Riyadh

*****************************************************************************
Hi sir Bong.. Ako po si “Sabel”, 23y/o..isa pong nurse..1st timer po ako..nag apply po ako sa agency namin sa pinas as staff nurse, dumating po kami ng kasama ko dito nung June 16..laking gulat po namin na dental center ang pinaglagyan samin..kasi nung nasa pinas palang po kami ay kinlarify na namin sa agent at sa employer kung talagang polyclinic at hindi dental clinic ang pagdadalhan samin..they insist po na hindi..but when we got here, confirmed po na dental center nga po..at purong dental works ang trabaho ng mga nurse dito.. ang matindi din po sa agency namin, ang pinirmahan namin na kontrato doon ay NAJID TAHWA CLINIC..ang sabi po ng agent namin gagawin daw pong ALJAZEERA process yung amin kasi naubusan daw po ng job order..ang nangyari po, pagdating namin ng airport..ang kontrata na pinirmahan namin bago umalis ng pinas ay ALJAZEERA HOSPITAL at ang agency namin ay IDEAL PLACEMENT, wherein TESTMAN GENERAL SERVICES po ang agency namin..then pagdating po namin dito, NAHJ ALTAKWA DENTAL CENTER po ang pinasukan namin…ang pinakamasaklap pa po dun, ay para kaming preso na ipinagsiksikan sa isang napakaliit na accomodation. sa isang maliit na kwarto ay 8-10 ang natutulog..at puro double deck..as in sobrang liit po..2 kwarto na maliliit ang pinaghahati-hatian naming 18 pinay..iniipis pa po ang buong accomodation namin at sira sira ang mga double decks na hinihigaan namin, kahit uniform po ay hindi sila nagbibigay..yung mga iniwan na ng mga umalis ang ginagamit ng mga bago na uniform…ang sabi pa po nila dito ay hindi din po nagbibigay ng certificate of employment ang amo namin..mahilig din po sila sa cutsalary, yung tipong konting bagay na magawa mo, kaltas agad sa sweldo mo..palibhasa po ay ……ang mga amo namin ay hindi makaintindi ng ingles, wala po kaming boses dito.. ang salary ko po ay 1500sr + 200sr food allowance,,masyado pong maliit para sa isang nurse..tinanggap ko po ito kasi di naman po ako after sana sa sweldo kundi sa experience po, pero ang nangyari,,hindi kami napunta sa medical clinic kundi sa dental..nagulat din po ako nung sabihin sakin ng mga kasama ko dito na sila ay 1400sr + 200sr lang..

Hindi po ba sir Bong, bawal na po ang ganitong accomodation sa KSA? pati po ang sweldo ng nurse yung amin po ay hindi abot sa minimum..sabi pa din po nila dito..kahit tapos na contract mo ay hindi ka nila pauuwiin hangga’t di sila nakakahanap ng kapalit..kahit magfile ka pa ng resignation 6mos before mag end of contract, deadma lang po sila…hindi rin po namin nahahawakan ang iqama namin dito..kaya talagang para kaming preso na hindi pwedeng lumabas kung need namin..at ultimo pag savings di pwede dahil nga wala kami hawak na iqama..Sir Bong please help me po na makawala sa malakulungan na apat na sulok ng NAHJ ALTAKWA DENTAL CENTER at maipasara ang TESTMAN GENERAL SERVICES..1st time ko po ito sa Riyadh at di ko po talaga alam kung ano ang dapat gawin para sa sitwasyon namin dito..THANKS IN ADVANCE Sir Bong..sana matulungan nyo po ako at ang mga kasama ko dito..More power..

OFW Sabel

About these ads