Handa ka na ba?

In the depths of isolation and loneliness an Overseas Filipino Worker in Saudi Arabia struggles to find a compromise between holding on to his dreams and keeping his family together.

Is the promise of a better life worth the price he’s paying?

Malumbay ang puso

Ikaw ay nasa malayo

Ngunit  baonin mo mahal…

Pangako, kailan man

Hindi mawawalay

Pusong naghihintay…

Happy Father’s Day! To: All OFW  Father in the Middle East

Angat ka nga Pinoy!

ANGAT KA NGA PINOY!

Habang naglalakad, tumitingin tingin, ng aking mabili
Nang maipadala, sa aking pamilya, sapagkat nawili
Habang namimili, tanong ng tindero, ‘ko daw ba’y nepali
Sa arabong wika, sagot ko sa kanya, ”ana Pilipini”

Tinderoy nag”thumbs up”, ibig na sabihin, ayos daw ang pinoy
Sa bargain na damit, sa paghahalungkat, akoy nagpatuloy
Habang nagka kalkal, may pagmamalaking, sa isip sumibol
Sapagkat ramdam ko, at napatunayang, ANGAT KA NGA PINOY

Isa dalwa tatlo, apat lima anim, marahil ay walo
Mga dominanteng, mga manggagawa, sa bansang arabo
Sa ganda ng papel, na ating ginampang, mga pilipino
Nasumpungan tayong, lagi sa listahang, nag numero uno

Hindi bat yay dahil, sa tayo ay tapat, sa ating tungkulin
Ano mang iatas, bastat makakaya, ay ating gagawin
Kayat ang tiwala, sa ating sarili, ay pana tilihin
Isiping tayo ay, mga pilipinong, may talento’t galing

Imahen ng ating, lahing dinadalay, ating pag ingatan
Papel na kayputi, ni kahit, gatuldok, huwag dudungisan
Nang di man dumating, ganda nitong bukas, sa Lupang Hinirang
May matatakbuhang, mainit na bansang, naghihintay lamang

By: Briggs Napicog

Father’s Day Sticky Post: “Dahil Ako’y Tatay”

DAHIL AKO’Y TATAY

by: Brigido “Briggs” Napicog  (OFW-KSA)

Pitong tatauning, batang sumisigaw, tatay,tatay, tatay
Patakbong yumakap, sa amang dumating, galing hanap buhay
Sa mukhang kay amo, ay masasalamin mo, ang ligayang tunay
Sabik na kumalong, sa amang sang linggong, di niya nasilay

"Kalong"

Kahit na nga pagod, sa sanglinggong gawa, yaring kanyang ama
Anak na kaylambing, buong pagmamahal, niyakap din niya
Kasunod ng kanyang, malalim na hugot, ng buntong hininga
At nang kumawalay, napalis ang hapong, kanyang nadarama

Ito’y isang tagpo, ng ikot ng buhay, nang akoy naron pa
Nang akoy naron pa, sa sariling bansat , kasamay pamilya
Subalit nang dahil, sa pamilyang mahal, tumulak mag isa
Lumayo sa bansa, sapagkat pag asay, hindi ko makita

Sino sa atin ang, mulat mula pa ay, inibig malayo
Sa sariling bayang,kinasanayan na, ng isip at puso
At sino rin ba ang,ninais mawalay, higit pa nga lalo
Sa’ting kaibigan, kaanak kadugo’t, pamilyang binuo

Ikaw ako’t sila, di bat isasagot, wala kahit isa
Ngunit nagaganap, upang ang pangarap, mabigyang pag asa
Paanong di gayon sa sariling bansa, ay di nga makita
Liwanag sa daang, nilayong tahakin, nitong bawat isa

Dal’wang taong singkad, nagtiis naghirap, sa bansang kay init
Ngayon akoy lulan, ng isang sasakyan, na pang himpapawid
Habang naglalakbay, lumilipad din ang, diwa ko at isip
Di ko maitago, para sa pamilya, aking pagka sabik

Kung nooy sang linngo, kung akoy umuwi, galing hanap buhay
Ngayoy dal’wang taon , ano sa tingin nyo, tagpong masisilay
Anak kong kaylambing, ramdam ko na noon, mahal akong tunay
Hindi bat mas higit, dapat kong itugon, DAHIL AKOY TATAY.

Dear FFBP

Dear FFBP (Filipinos For Better Philippines),

ffbp

Isang munting tula ng aking paghanga
sa lahat ng nangangasiwa sa katipunang FFBP.

Ako’y natutuwa,
Ang samahang ito’y nalikha,
Sapagkat aking napagalamang,
Kay dami pa palang nagmamahal sa ating bansa.

Sari-saring paksa’y,
Sinasaliksik tinatalakay,
Kanya-kanyang pananaw ipinaglalaban;
Ang nakakalungkot lamang kapag nagkasarapan,
Humahantong sa di inaasahang personalan.

Talas ng isipa’y nabibigyan ng buhay,
Mapa-wikang sarili o mapadayuhan,
Mayroong tonong maka-bayan,
May himig maka-banyaga; nangag-tutungayawang
ipangtanggol kanya-kanyang diwa.

Lahat sana ng ikagagaling,
para sa bayan nating ginigiliw,
Talas ng isipan ating ng pagsama-samahin,
Mag kaisa-isa na sa i-isang layunin,
Maging isang bansa sa isang diwa at gawa,
Sa ilalim ng isang bandila.

flag

Mabuhay po ang samahang FFBP!
litocabrera

Note: Please be informed that FFBP today is the United Filipinos Worldwide for Community Development – UFWCD. 

“White” in memory of AJG

Angel and Me in 2030

A young girl was looking through the family album and asked her mother

, “Who’s this fellow on the beach with you with all the muscles and curly hair?” the mother replied “That’s your father.”

The little girl look at her mother and said Then who’s the old, thin,  white haired man who lives with us now?”

The story above made me remember of a friend,  the late Dr. Alfred Ganapin’s poem. Here it goes..

White

 ALFREDGANAPIN A genetic ghost waiting for its time
to come out of the dark,
A weed sprouting, one by one,
at first, unmenacingly;
But, then, like an army or
that great white shark,
Circling my crown of youth, invading
every space, not sparingly.

I look in front of the mirror and
cry out in dismay,
“Ah! Youth, are you leaving me?”
White hairs coming out not like
the ‘darling buds of May*’
I have to ask someone to pick them
or dye them, even for a fee!

But I guess they’ll win someday
and I have to give them the crown,
For even now, they have already
invaded my nostrils!
I can’t help but look at myself
with a foolish frown,
That day may come, white hair and all,
Well? Am I thrilled!

by Alfredo Ganapin, August 21, 1996

** 

ALFRED GANAPIN passed away peacefully on 20th December 2004 at King Faisal Hospital, Riyadh, KSA.

He was admitted to the hospital almost a month before and courageously fought his illness day by day until his last hours.

Alfred was 43 years of age and had worked in veterinary medicine for the Ministry of Agriculture in Saudi Arabia where he lived since 1991.

Despite his busy schedule, Alfred was a passionate, committed advocate for the rights and welfare of migrant Filipinos. He campaigned for the enactment of the Philippine Absentee Voting Law and was a co-convenor of the International Coalition on Overseas Filipinos Voting Rights (ICOFVR). Dr. Alfred Ganapin was a pioneer member of the Progressive Times Group, and an original moderator of eLagda-Riyadh and proponent of e-Ladga’s Erap Resign Movement, and a Namfrel volunteer during the absentee voting exercise in May 2004.

One of Ganapin’s pet advocacies was making the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) more responsive to the rights and needs of overseas Filipino workers.

Happy Birthday my Angel

A Poem for my daughter “Angel”  10th Birthday

July 13, 2006, July 13, 2007, July 13, 2008, July 13, 2009

Angel and Kitty

Angel and Kitty

 “A Daughter Through The Eyes of a Father”

By: V.P. Hale Johnson

 A daughter is beauty at its finest.
Heart of an angel, soul so pure, and sweet.
Daughters are one of God’s most precious gifts

that he has bestowed upon the world.

Angels in Heaven do not compare to thine beauty,

and grace my ever so beautiful, and lovely daughter.
Seeing you at birth brought more joy to me
than all the money in the world could ever do.

You are morning, bright, and shining,
you are noon, you reside at the highest point in my heart,
you are the dew kissed night.
You are my daughter, heart, and soul.

 To  my dear “Angel” I LOVE You & Happy Birthday!

FROM: PAPA

Bisayan BLoggers

Today I have plenty of time surfing the net and I decided to look for something new, like surfing bisayan bloggers in the world of  blogosphere. I found many, to name a few in my link, Bisayang Dako, Leon Kilat, Butik Binisaya, Ms. B, Lapu Lapu Times. Lastly, I found an interesting blog “bisdakobenieta”  that features bisayan poems (balak).

With all due respect to Michael Obenieta, permit me to paste below the poem I like most. Mabuhi Ka! Mike.

Dili ko

Makauuwaw

Kiyud Sa Balod

Kiyud Sa Balod

ang imong hangyo.

Bisa’g hapsay ang imong
pag-uraray, wala ako
magtiaw: Dakong sala
ang gisangon nimo nako karong gabhiona
samtang kita galawig, gitugnaw ibabaw
niining bapor.

Por dios, por santo. Ayaw
intawon. Dili ko.

Basi’g bakak, basi’g
bahakhak ang mahimong tubag
sa hangyo mong balak. Sama kana
nianang dagat: Sa matag kiyud
sa balud nagpabudlat sa nagpahipi
ug naamang nga buwan. Pastilan!

Pagkalawom sa gilapdon
sa atong pagpadulong.

Happy Father’s Day To ALL

 

What Makes a Dad

God took the strength of a mountain,
The majesty of a tree,
The warmth of a summer sun,
The calm of a quiet sea,
The generous soul of nature,
The comforting arm of night,
The wisdom of the ages,
The power of the eagle’s flight,
The joy of a morning in spring,
The faith of a mustard seed,
The patience of eternity,
The depth of a family need,
Then God combined these qualities,
When there was nothing more to add,
He knew His masterpiece was complete,
And so,

He called it … Dad

Sayang!

 Sayang!

Mahal, kumusta ka? Ngayon ko natanggap
Ang liham mo sa ‘kin…Maraming salamat!
Paulit-ulit kong binasa ang sulat
Di ko mapigilang maluha sa galak.

Tuwang-tuwa ako sa iyong balita
Lalo na yung tungkol sa dalawang bata,
Si Neneng ko pala’y honor sa eskwela
At si Toto naman ay nasa kinder na.

Sayang! Dapat sana, ako’ng magsasabit
Ng ribbon kay Neneng pag siya’y gumradweyt.
Araw-araw sana, ako’ng maghahatid
Kay Toto sa klase, papunta’t pabalik.

Kalakip ng liham kong ito sa iyo
Ay isang birthday card sa kaarawan mo.
Sayang! Dapat sana ay magde-date tayo
At magdya-Jollibee pag gutom na, ano?

Ikakasal pala ang kababata ko
Sayang! Kung pwede lang, ibig kong dumalo.
Ang ninong ko pala ay kakandidato
Sayang! Hindi ko man lang maiboto.

Lumipat na pala’ng ating kapitbahay
Sayang! Di na ako nakapagpaalam.
Naospital pala nu’ng Linggo si Inay
Sayang! Ni hindi ko nadalaw man lamang.

Pinataob pala ng Shell ang Ginebra
Iisa ang lamang, muntik pang magtabla
Graduate si Jaworski, suspended si Calma
Sayang! Dapat sana, ako’y nasa Ultra!

Tuyo at galunggong at inalamangan,
Nilaga, pinakbet, sarsyado, sinigang,
Bibihira ko nang dito ay matikman
Sayang! Nami-miss ko ang luto mo, hirang!

Di sapat ang ganda ng kinabukasan
Kung ngayon ko nama’y waring nasasayang!
Kahit na ang s’weldo sa abroad ay dolyar,
Di kayang ibalik ang nagdaang araw!

Hanggang dito na lang ang liham kong ito
Sagutin mo agad pagkat sabik ako
Na makabalita ng tungkol sa inyo
Laging nagmamahal…Rafael Pulmano.

Ni Rafael Pulmano

Paglaki Ko

A friend of mine texted me yesterday night and suggested that a separate poem category that relates OFWs must be included in this blog for others to share.  

 

He also requested me to post PAGLAKI KO,  an entry to OFW Music Festival a couple of years ago, sung by Michelle Ann Torrefranca whose lyrics touches every ones heart. The song was composed by an OFW in Saudi Arabia in the person of Mr. Federico Franco. Allow me to share it with you.

 

 

PAGLAKI KO

 

Wala akong AMA na kasa-kasama

Sa aking madalas na pag-iisa

Sabi ni Nanay nasa malayo ka raw

Yamay iyong dala pag-uwi mo balang-araw.

 

Kaming mag-ina laging magkasama

Sa tuwat ligaya kami ay iisa

Bakit ang iba mahigit sa dalawa?

Higit ang saya nila

Dahil ba sa may TATAY sila?

 

Sa paglaki ko, AMA sa larawan

Pipilitin kong maintindihan

Paglaki ko, paglaki ko, paglaki ko.

 

Sa mura kong isipan

Hindi ko maintindihan

AMA sa larawan hinahagkan-hagkan

Hindi mayapos kapag kailangan.

 

Pagmamahal mula sa malayong bayan

Laging pinaabot sa mga liham

Sabi ni TATAY, 

Anak, sana sa paglaki mo

Maintindihan mo ang paglayo ko.

 

Sa Paglaki ko, AMA sa larawan

Pipilitin kong maintindihan

Sagot sa tanong ko kailan makakamtan

Paglaki ko, paglaki ko, paglaki ko.

Patawad Bayan at Kitay Nilisan

Patawad Bayan at Kitay Nilisan

 

Ipagpatawad mo Bayan at kitay nilisan,
Upang baloy dukalin sa Gitnang Silangan
Ang mabangong Riyal. Libong katanungay
Bakit pa umalis kung talagang minahal
Ang sariling bansang may ginto ring lantay?

Huwag maghinanakit kung saang lupalop
Ako ay lumayo. Hayaang hanapin ang bilog
Na pag-asang hindi nakita at sanay nasaklot,
Upang ipamugong sa kalam ng tiyang makirot;
Ay! Banyagang bansay gustong ipagbantog.

Hindi mo ba alam na ang inihuntay lumang
Aparador na ang nasa loob ay tudyong salita?
Manangis ka Bayan! Dahil ang nagpapasasa
Ay ang malalapit sa nililok na gintong banga!
Na hugong-balitang isang birhen ang gumawa.

Bayan ko! Akoy patawarin sa aking pag-alis,
Hayaan  magsanga ang landas ng binging daigdig
Bago ko balikan ang lantay mong gintong kinupit,
Inumit, isiniksik sa kaban ng tipan sa sariling silid
Nitong mga gunggong na sa pamahalaan ay ganid.

Sakaling mapugto ang hininga ng yutang gahaman
Doon sa palasyo, uuwi rin ako o mahal kong Bayan.
  
NI RAUL FUNILAS
Inilathala ng Bulatlat

10 May 2006

Posted by Nicanor “Tatang” Salvador at OFW-Saudi egroup