SUB-Pages of ETCETERA are as follows:
- AMERICA’S YOUNGEST BILLIONAIRES
- PILIPINO AKO! TAAS NOO!
- SAMPLE PRESENTATION
- TOP TEN MISCONCEPTIONS ABOUT ISLAM
- WHAT IS A BLOG
All you have to do is point your cursor to page named ”ETCETERA” and choose any of the sub-pages and click it.
Enjoy reading!
by: empowement

Ako po si Edwin M. Salvador na kasalukuyang nagtratrabaho dito sa Jubail, KSA. Gusto ko lang po sana magtanong kung paano po ako maiguide about sa lagi kong problema sa Airport sa atin tuwing dumarating at umaalis. Lagi po akong nahohold dahil sa may kapangalan po akong naka “hold departure” na may mabigat na kaso. May kapangalan din po ako na kasalukuyang nasa Dubai at uuwi din siya sa Marso, gayun din ako, ay palaging ganito ang aming dinadanas sa Airport.
Kung matutulungan po sana nyo kami kung paano at saan kami pwedeng humingi ng advice o tulong para po sa maayos at mapayapang pagdating at pagalis sa Pilipinas.
Ed,
Pagdating mo sa atin, bisitahan mo ang NBI, sila lamang po ang natantanging ahensya na makatulong sa iyo sa pagkuha ng dokumento na maaari mong dalhin everytime paalis ka ng bansa.
Bong
GUD DAY SIR BONG.
D2 NPO ULI AKO 1 MONTH NPO,MUSTA NPO TYO JAN,MUKANG BISING BISI PO A.!!!MAY ILALAPIT PO SANA AKONG PROBLEMA ULIT.D PO S AKIN KUNDI SA FRIEND KO.INIWAN PO SYA NG MISTER NYA,SA DUBAI PO CLA,isang buwan napo sya iniwan.may serbisyo po ba ang polo para sa mga ganitong case?may kinaksama daw pong iba ung mister nya.gusto nya po kc isuplong.kya lang po d nya alam ang kanyang gagawin.bale hingi lang po muna sya ng advice mula sa inyo,kung ano ang magandang gawin.
Briggs,
Welcome back!!! ANGAT KA NGA PINOY!
Briggs, papuntahin mo siya sa OWWA regional office dala ang affidavit at contact details ng asawa niya. Isumite ito sa OWWA, at ipadala sa OWWA ang sulat na ito sa POLO/OWWA na kung saan nag work ang kanyang asawa. Kung kompleto sa mga contact numbers, ipapatawag ng OWWA ang kanyang asawa at tanongin kausapin ito tungkol sa sulat at affidavit na kanilang natanggap. Kung sakaling walang mangyari, humingi ng payo sa isang abogado kung ano ang nararapat gawin.
Bong
Tula na naman sir,sabi mo e!!!
ANGAT KA NGA PINOY
Habang naglalakad, tumitingin tingin, ng aking mabili
Nang maipadala, sa aking pamilya, sapagkat nawili
Habang namimili, tanong ng tindero, ‘ko daw ba’y nepali
Sa arabong wika, sagot ko sa kanya, ”ana Pilipini”
Tinderoy nag”thumbs up”, ibig na sabihin, ayos daw ang pinoy
Sa bargain na damit, sa paghahalungkat, akoy nagpatuloy
Habang nagka kalkal, may pagmamalaking, sa isip sumibol
Sapagkat ramdam ko, at napatunayang, ANGAT KA NGA PINOY
Isa dalwa tatlo, apat lima anim, marahil ay walo
Mga dominanteng, mga manggagawa, sa bansang arabo
Sa ganda ng papel, na ating ginampang, mga pilipino
Nasumpungan tayong, lagi sa listahang, nag numero uno
Hindi bat yay dahil, sa tayo ay tapat, sa ating tungkulin
Ano mang iatas, bastat makakaya, ay ating gagawin
Kayat ang tiwala, sa ating sarili, ay pana tilihin
Isiping tayo ay, mga pilipinong, may talento’t galing
Imahen ng ating, lahing dinadalay, ating pag ingatan
Papel na kayputi, ni kahit, gatuldok, huwag dudungisan
Nang di man dumating, ganda nitong bukas, sa Lupang Hinirang
May matatakbuhang, mainit na bansang, naghihintay lamang
Ibalita ko lang sir,sa 15 napo ng nobyembre ang alis ko,SALAMAT PO ULI…
Nagtatanggal homesick lang po!!!!gusto ko lang i share, TULA PO PARA SA MGA TATAY….
DAHIL AKOY TATAY
Pitong tatauning, batang sumisigaw, tatay,tatay, tatay
Patakbong yumakap, sa amang dumating, galing hanap buhay
Sa mukhang kay amo, ay masasalamin mo, ang ligayang tunay
Sabik n kumalong, sa amang sang linggong, di niya nasilay
Kahit na nga pagod, sa sanglinggong gawa, yaring kanyang ama
Anak na kaylambing, buong pagmamahal, niyakap din niya
Kasunod ng kanyang, malalim na hugot, ng buntong hininga
At nang kumawalay, napalis ang hapong, kanyang nadarama
Ito’y isang tagpo, ng ikot ng buhay, nang akoy naron pa
Nang akoy naron pa, sa sariling bansat , kasamay pamilya
Subalit nang dahil, sa pamilyang mahal, tumulak mag isa
Lumayo sa bansa, sapagkat pag asay, hindi ko makita
Sino sa atin ang, mulat mula pa ay, inibig malayo
Sa sariling bayang,kinasanayan na, ng isip at puso
At sino rin ba ang,ninais mawalay, higit pa nga lalo
Sa’ting kaibigan, kaanak kadugo’t, pamilyang binuo
Ikaw ako’t sila, di bat isasagot, wala kahit isa
Ngunit nagaganap, upang ang pangarap, mabigyang pag asa
Paanong di gayon sa sariling bansa, ay di nga makita
Liwanag sa daang, nilayong tahakin, nitong bawat isa
Dal’wang taong singkad, nagtiis naghirap, sa bansang kay init
Ngayon akoy lulan, ng isang sasakyan, na pang himpapawid
Habang naglalakbay, lumilipad din ang, diwa ko at isip
Di ko maitago, para sa pamilya, aking pagka sabik
Kung nooy sang linngo, kung akoy umuwi, galing hanap buhay
Ngayoy dal’wang taon , ano sa tingin nyo, tagpong masisilay
Anak kong kaylambing, ramdam ko na noon, mahal akong tunay
Hindi bat mas higit, dapat kong itugon, DAHIL AKOY TATAY.
sensya napo sa nakayanan…
Briggs, napakaganda. Ilagay ko sa OFW Poem catagory natin ha! More poems Briggs! Bihira ang katulad mong may ganitong talent! Mabuhay ka!
Sa ating mga readers, kung mayron kayong original poem or tula composition, please share it with us!
Thanks for appreciate it sir,I’ll try all my best ,for our co-ofw.Di ko akalain na ipopost mo ito sa main blog part.Dalang kasi post sa ETCETERA part,saka sabi ko,pwede cguro ito d2,dahil etcetera naman.
Cge po salamat uli.
Welcome Briggs! Kahit ano basta tungkol sa ating kahanay, no probs… More poem please..