GCC LABOR LAWS

THE GULF COOPERATION COUNCIL-GCC

On 21st Rajab 1401 AH corresponding to 25th May 1981, Their Majesties and Highnesses, the leaders of the United Arab Emirates, State of Bahrain, Kingdom of Saudi Arabia, Sultanate of Oman, State of Qatar and State of Kuwait met in Abu Dhabi, United Arab Emirates, where they reached a cooperative framework joining the six states to effect coordination, integration and inter-connection among the Member States in all fields in order to achieve unity, according to article 4 of the Gulf Cooperation Council charter. Article 4 also emphasized the deepening and strengthening of relations, links and areas of cooperation among their citizens.

    The underpinnings which are clearly provided for in the preamble of the GCC Charter, confirm special relations, common qualities and similar systems founded on the creed of Islam, faith in a common destiny and sharing one goal, and that the cooperation among these states would serve the sublime objectives of the Arab nation.

    The decision was not a product of the moment but an institutional embodiment of a historical, social and cultural reality. Deep religious and cultural ties link the six states and strong kin relations prevail among their citizens. All these factors, enhanced by one geographical entity extending from sea to desert, have facilitated contacts and interaction among them, and created homogenous values and characteristics.

    Therefore, while, on one hand, the GCC is a continuation, evolution and institutionalization of old prevailing realities, it is, on the other, a practical answer to the challenges of security and economic development in the area. It is also a fulfillment of the aspirations of its citizens towards some sort of Arab regional unity.

    The GCC Charter states that the basic objectives are to effect coordination, integration and inter-connection between the Member States in all fields, strengthening ties among their peoples, formulating similar regulations in various fields such as economy, finance, trade, customs, tourism, legislation, administration, as well as fostering scientific and technical progress in industry, mining, agriculture, water and animal resources, establishing scientific research centers, setting up joint ventures and encouraging cooperation of the private sector.

    The structure of the GCC consists of the Supreme Council, the Ministerial Council and the Secretariat General:
 
The Supreme Council (the highest authority of the GCC) comprises the Heads of State of the six member countries. The Supreme Council meets once a year in ordinary session. Emergency sessions can be convened at any time by the heads of any two Member States. The chairmanship of the Supreme Council is held by each Member State in turn. Resolutions are carried by majority vote. The Supreme Council is responsible for determining the overall policy of the GCC and for ratifying recommendations presented to it by the Ministerial Council or the Secretariat General.
 
The Ministerial Council comprises the Foreign Ministers of the six member countries. The Ministerial Council meets once every three months in ordinary session. Emergency sessions can be convened at any time by the Foreign Ministers of any two Member States. The Ministerial Council draws up policies and makes recommendations on means of developing cooperation and coordination amongst Member States in the economic, social and cultural spheres.
 
The Secretariat General prepares reports, studies, accounts and budgets for the GCC. It drafts rules and regulations and is charged with the responsibility of assisting Member States in the implementation of decisions taken by the Supreme and Ministerial Councils. The Secretary General is appointed for a three-year period (renewable) by the Supreme Council on the recommendation of the Ministerial Council.

The Secretariat is based in the city of Riyadh. The GCC headquarters are located in the Diplomatic Quarter, where a substantial complex, financed by a gift from King Fahd, has been built to meet the Secretariat’s present and future needs.

The constitution of the GCC precisely reflected King Fahd’s own view of the importance of seeking ways to make the unity of Arab States a reality. The constitution required the organization to provide “the means for realizing coordination, integration and cooperation” in economic, social and cultural affairs. Specifically, the GCC aimed:

  • to achieve coordination, integration and close ties leading to unity between the Member States;
  • to deepen the ties, relations and all aspects of cooperation between the peoples of the region;
  • to adopt similar systems and laws in: economics and financial affairs; commercial, customs and transportation affairs; education and cultural affairs; social and health affairs; communication, informational, political, legislative and administrative affairs;
  • to encourage progress in the sciences and technologies involved in industry, mining, agriculture, water and animal resources, and to establish scientific research centers and to undertake joint projects. 

Source: http://www.gcc-envoy.gov.ph/aboutgcc.asp

 

 Note:  Below the Flag, please click corresponding caption for the full text of their respective

LABOUR LAWS

BAHRAIN LABOR LAW

 Bahrain-Labour-Law

OMAN LABOR LAW

Oman_Labour_Law 

QATAR LABOR LAW

 Qatar_Labour_Law

 

UAE LABOR LAW

UAE_Labour_Law 

SAUDI ARABIA LABOR LAW

Saudi-Labour-Law

KUWAIT LABOR LAW Y.available)

Employment and Salary Trends in the Gulf

 

About these ads

307 comments on “GCC LABOR LAWS

  1. tanung ko lang sa abu dhabi ba pag trabaho ka sa govt at 6months ka palang pero 2 years contract pwede ka mag hanap at mag walk in sa ibang company at mag reresign ka sa work mo at lilipat ka

  2. sa qatar [po ba di gaya ng saudi na strict sa mga tao na walang middle name. wala po kasi ako middle name minsan na po ako nag apply ng saudi at nasayang lang po pagud ko dahil sa issue ng middle name na wala po ako mabibigyan nyo po ba ako ng list ng mga countries na may batas na di pde ang mga walang middle name pls help po sir

    • Depende po sa bansang inyong pupuntahan pero mostly other countries requires their foreign workers to have a full name and middle name. Middle East countries are more strict oo this requirement.

  3. Greetings Sir.
    I would like to know kung pwede to.
    I’ll be working soon sa Riyadh. Actually as housemate – aside para makapagsave I’m trying to cross another country after ng 2years contract or 3. Possible po ba na makapag demand ako as employer KO na I allow ako after my contract if mag succeed sang applications ko sa Canada instead umuwi ng pinas. Thank you

  4. Good day po! i find your site very informative and helpful as well..ask ko lang po what if an ofw sa KSA po may bank loan and in almost 2 mons. time finish contract na po cya, need niya po bang mabayaran lahat yung loan nya before having a clearance from his workplace? what if the person does not have sufficient amount in hand, can the person ask for the indemnity and use to pay out the bank loan? how will be the procedure accordingly? thanks alot

    • Hindi po kayo ma isyohan ng EXIT visa kung hindi po mabayaran ang inyong financial obligation sa banko. Lahat po ng ating galaw dito ay kadikit ang iqama at makikita ito na may obligasyon ka pang dapat ayosin.

      Depende po kung ano nag nakasulat sa loan agreement, basahin po ninyo ang kontrata tungkol dito.

  5. good day po… ask ko lang po kung ano dapat kong gawin sa asawa kong di tumupad sa pinagkasunduan nming kasulatan. ganito po nangari. nkipaghiwalay xa skin year july 2012 pagbalik nia dito ng pinas ng wlang sapat na dahilan, kinasuhan q xa ng abandonement at nskin ang costidy ng isa nming anak,nagkasundo kmi na pgbalik nia ng saudi ay mgpapadala xa ng 10k a month. pumayag na ko sa halaga na un ksi pra nman sa bata un eh kahit ang sinasahod nia dun ay 30k+. di ok na po.. pgbalik nia dun Sept. 2012,ngpadala na xa Nov.2012 unang pdala 7k.. ok lng. gang paliit ng paliit pdala nia my maririnig p kong di mganda pg ngppadala! my ilang buwan p xang di ngpadala, hinayaan ko nlng. then pgbalik nia dito pinas pinatawag ko uli xa sa abogado ko. di sumipot,nagtago! neto lang sinubukan ko xang kausapin kung meron p xang pakialam sa anak nia,ang sagot nia wala nrw akong aasahan sa kanya.ang kapal! ngmamalaki na eh kung di dahil sa magang ko di xa makakaalis ng bansa. 3years n xang regular sa trbaho nia sa saudi. gusto ko lng po mlaman kung anong nrrapat pra sa kanya. at gusto kong makuha ang karapatan ng anak ko at ung npagkasunduan Ay tuparin nia sna ,di ung iiwan nia kmi ng ganito. kasal po kmi kya hhabulin ko ang nrrapat pra sa anak ko! sana po ay matulungan nio ako .maraming salamt po. more power

    • Huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Malay mo sa susunod na GAMCA examination wala na po silang makikitang scar. Kaya nga lang gagastos ka pa just to try your luck. Prayers can move mountains. Good luck!

      • sir ung papa ko po kase eh natanggal sa trabaho dahil po ung pinapasukan po nila eh may na food poison na bata 10 po silang filipino na papauwiin pero yung manager po ung may mali sabi ni papa kase nasa department lang na un sila parang nadamay po.. ganun ung nangyare ngaun po gusto kong itanung kung sdi na ba sya pwede dun sa bansa na un? kase po pinauwi nalang sdaw po sila terminated kung baga ..

  6. Nadeclared po ako na unfit and not recomemded to gcc states dahil s calcifications s upper left lungs k.pro never po akong ndiagnosed n may ptb.ibig sabihin po b nito ay ban nko s lht ng bnsang nsskupan ng gcc?kung sakaling may job oppurtunity po s dubai, gamca p rn b ang mggng medical clinic pra s medical check up pra mlmn kung fit o unfit to work.ang dubai po b ay part ng gcc states?

    • Sabi po ng GAMCA guidelines “If a person had lung disease, pneumonia, past TB which left scar on his/her lungs, no matter he/she is healthy now, have no health issues or disease, he/she is medically UNFIT.” Marami nga po ang galit sa GAMCA, isa na rin po ako sa mga hindi sumang-ayon sa kanilang guidelines. Wala pong magagawa ang Pinas dahil ang GAMCA po ay binubuo ng mga bansa sa Gulf namely: Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia and UAE.

  7. sir hingi lng po aq ng tulong ano po ba ang dapat ko pong gawin kung ang employer ko po ay di po magbigay ng exit, tapos na po ang 2 years contact ko po at tapos na rin po ang iqama ko,

      • hi sir! question lang po, ung sister ko po kc blacklisted siya sa singapore dahil sa may ginawa ung manager niang kaanumalyahan kaya silang lahat nadamay. now she have a job opportunity in kuwait, i just wonder kung makaka-affect po ba ung pagiging blacklisted nia sa singapore in terms of her visa application?

        • Hindi ko lang po sigurado na magkaroon ng problema o walang problema. Maliban na lang siguro kung may pending criminal or civil case ang iyong sister na may court decision na siya ay nagkasala, maaari pong magkaroon ng problema.

          • tanong ko lang po na hire kmi sa dubai then naasign kmi dto sa qatar tanong ko lang po kung hindi ko tatapusin ung contract ko and babalik ako sa dubai mababan ba ako sa dubai or dto lang po? ksi ang main office kasi nasa dubai. ska kung ano ung mga gagawin or reemburshments na sisingilin sakin? salamat po/

            • Ang ban naman po ay depende po sa employer at kung mayroon kayong nilabag sa batas or sa kontrata na nakasaad na ma-ban kayo kung hindi tataposin ang kontrata. Usually po ang may ban yong may mga kaso at nahatulan.

              Usually rin po, like in KSA pag hindi mo natapos ang iyong kontrata humihingi po ng kabayaran ang employer sa kanyang nagastos sa pagkuha sa iyo sa Pinas.

  8. Magandang hapon po. Itatanong ko lng po sana kng pwd po ba ako umuwi sa pinas po kahit new pasport po ako. Pero wala.pa po un passport ko wait ko pa po ng two months bago makuha pagkatapos makuha ko pwd na po ba ako makakauwi. DH po ako pero.dko.pa natapos contract ko miss kon po kasi fam ko. Plis sana po masagot. Ty much po :)

    • Kailangan na taposin mo muna ang iyong kontrata. Pero kung papayag naman ang iyong employer na maka-uwi ka kahit di pa tapos ang iyong kontrata, makakauwi ka gamit ang bago mong passport. Pero dapat nakadikit ang lumang pasaporte mo sa bago mong passport pagdaan sa Immigration. Ang dahilan nito ay ang iyong Visa ay nakatatak sa luma mong pasaporte.

  9. Sir:
    May tanong po ako. Last 23 Dec 2010 I was declared by a GAMCA accredited clinic that I am ‘unfit to work’ for hypertension of BP of 130/90 a prehypertensive stage, I am now in my early 40’s. I ask for re-medical after a week but was denied. I forgo that job offer and applied again for another job for Saudi, before medical exam I manage my blood pressure through diet and exercise and maintain a BP of 120/80 for more than a month. I went for Medical exam some time 3rd week of March 2011 and I was declared ‘fit to work’ and went to Saudi. I went home after finishing my contract. At present I have an employment offer for Qatar I was advice by the agency to wait as to which medical clinic to go as my paper is forwarded to the GAMCA for them to assign my name to which medical clinic. My worry and question now is ‘ My name was forwarded to GAMCA two days past now and no reply yet, it is possible that the first medical exam that declared me ‘unfit is in their files and causing the delay or possible perpetual disqualification to work in the GCC countries.’? Do they maintain such files and how can I check if my name in in such files? Thanks very much

  10. Gud eve po sir
    dati po kme ofw ng saudi govt hosp then nag exit po kme at bayad lahat ng loan maliban sa credit card. Nakakuha po kme ng proper doc tulad ng police clearance.. at exit po ako ng pinas then asawa ko exit ay dumeretso ng bahrain para magtrabaho s military hosp. Dito n rin po ako same hosp ng asawa ko. Kasisimula ko lng po nung oct 2012. Kaso lagi po delay ang sahod kaya naisipan ko po magaply ulit sa govt hosp dyan sa saudi at pinaporocess ng yung papers ko at pati ng asawa ko….. Meron pong current loan ang asawa ko dito s bahrain at balak po sana nya mag vacation at d na bumalik … pro ako ay blak magre AWOL dahil ayaw akong payagan magresign dahil kulang daw po s tao…magkkaprob po b kme pag pupunta n kme ng saudi?dahil 1- credit card unpaid nung 2012 hsbc at 2- unpaid loan dito s bahrain standard chartered…

    by the way naisipan din po sana namin n gumawa ng kasulatan na tuloy namin ang bayad ng loan kahit nasa saudi kme … if ok po yun…

    wat makes us worried us also yung naiwan namin hibdi bayaf ng credit card sa saudi…pls help us

    • Hi! Marami po sa ating mga kababayan na nagsabing madaling pagtagoan or iwasan ang mga unpaid bank loan at unpaid credit cards kung ikaw ay isang OFW. Sabi magbakasyon ka lang daw at dina babalik tapos napo daw ang problema at hindi ka naman daw hahabolin ng banko.

      Ito lang ang masasabi ko, ang mga bansa po especially in GCC countries ay may tinatawag na Treaty or kasundoan na namamagitan sa mga bansang ito na nagbibigay daan upang isuko ang isang dayuhan sa ibang dyurisdiksyon dahil sa pang-ekonomiyang pagkakasala nito. Ang tinutukoy po natin dito ay ang pang-ekonomiya, kasama na dito ang unpaid loans and credit cards. Maliban dito, ang may unpaid (default)credit and bad loans ay mahihirapan pong mag open ng bank accounts sa kahit saang banko or makapag pag loan muli sa kahit sinong banko sa buong mundo. Iyan ay posible kung nakatimbre na po ang ating pangalan sa lahat ng banking institutions. Na hindi malayo dahil sa modernong teknolohiya sa panahon ngayon.

      Ang tanong dito ay puwede bang habolin ang isang taong may default or unapid credit card or unpaid bad loans na kasalukuyang nasa ibang bansa? Ang sagot po ay “Puwede” depende rin po sa laki ng amount at sa naatasang collection agent or collection office ng bankong napagkakautangan. Nakasanayan na po na ang collection agent or collection office ay hihingi ng kalahating kabayaran sa total amount na kokolektahin kung ito ay makokolekta. Natural, kung ako ang agent, tatatrabahoin ko ito dahil sa malaki ang return na walang kapawis-pawis at laway lang ang puhunan.

      Ang payo ko po ay makipag reconcile sa banko or gumawa ng promissory note or ano man ang dapat gawin under the circumstances bago lilipat ng ibang bansa na kung saan babangitin sa kasunduan na e-continue ang pagbabayad nito sa bansang lilipatan. Sa puntong ito, makakahinga ka na hindi naninikip ang dibdib (daga sa dibdib kakabog kabog) at walang kinatatakotan na anino saan mang panig ng mundo kayo naroroon.

      Regards.

  11. Dear sir,

    May tanong po ako sir im here in malaysia sir..almost 6 months na po ako dito nag work as a dh.. I did not expect po sir na always ako nagkakasakit sir…home sick ako lagi..weak na po yung katawan ko to do my reponsibilities here sir. So thats why i decided to stop my work sir.nagpa alam ako sa amo ko. Kaso ayaw nila akong payagan umuwi.kaso sir d na po kaya ng katawan ko ang mga trabaho sir. Dinala nila ako sa agency ko po sir for counsiling kaso sir ayaw ko na po mag work. Sinabihan ako sir mkakauwi lng daw ako pag nagbabayad ako ng 5000 ringgit sir.. How come po natapos ko na po ang salary deduction ko po sir bakit pa ako kailangan mag bayad ng ganon kalaki sir.pwedi nyo po ba akong tulungan sa problema ko sir? Dko na po kaya sir..ano po ba ang dapat kung gawin? May kontrata po ako 2 years pero dko na po kaya mag work sir..help me sir

  12. dear sir,

    sir my tanong po ako nandito po kame ng father ko sa saudi arabia…
    pero balak po namin dalawa is mag exit kame d2 and umuwi ng august 2013 kaso yung expiration date ng passport ng father ko is November 2013
    wala po bang magiging problema yun kahit malapit n mag expire yung passport ng father ko??/
    thanks

  13. Hello po sa admin,sana po may makatulong sa amin kung ano po ang best solution sa prob na to:

    First time po mag abroad ng kapatid ko,nsa Abu Dhabi po sya ngayon. 2weeks palang sya.Nung first week nya po dyan (w/c is last week) nalaman nya na hindi sya pde lumabas ng bahay at kinukulong po sila.Private Nurse po ang naging work nya dyan.HIndi po nilinaw at ng Agency nya sa pinas ang magiging status nya dun kaya nagpaalam po sya sa employer nya na pwede bigyan ng day off pero hindi sya pinayagan.At nananakit din daw po ung amo nya.In short po nag resign sya at di nya tinapos ang contract nya. Sa ngayon po ay hawak sya ng agency nya dyan sa Abu Dhabi at ikinulong sya kasama ng ibang nationalities.

    Ano po ba ang the best solution para sa situation ng kapatid ko?Kung po ba babayaran namin ang multa na DH10,000 (para ma release ung passport nya na nsa previous employer nya) eh pwede pa po kaya sya makapag work dun? Magkakaron po ba sya ng ban fee? Ang sabi kasi sa amin eh may DH5000 ban fee daw dahil breaching of contract. Pauuwiin nalang po ba sya? SIno po ang magbabayad ng plane ticket?

    pls po sana po may makatulong sa amin ng dapat gawin.nakakaawa po ang lagay ng kapatid ko dun wla po silang pagkain.

    • Siguro naman po may cellphone siyang magagamit para tawagan ang mga numerong ito at humingi ng tulong or ipaalam ang kanyang situwasyon:

      OWWA/Welfare/Household Service Workers or Helpers Cases 02 639 0023/0561085459/055-2220613.

      Puwede nyo rin pong sulatan ang Embahada, Email address: auhpe@philembassy.ae *Please leave your full name and mobile number.

      • Thank you so much po sa responce. Tanong po sana ulit,kung un po bang multa/tubos sa passport nya n nsa previous employer nya,ang sabi po eh DH10,000..may possibility po ba na mapababa yun or yun na po talga ang fixed amount?magkaka ban po ba ang kapatid ko kahit 2weeks plang sya dun?

        • Ang multa or pagtubos ng pasaporte na nasa custody ng employer ay hindi po makatarungan. Kung sakali mang may paglabag sa kontrata idaan po ito sa tamang proseso na kung saan hingan ng kabayaran ang worker ayon sa nagastos ng employer pagkuha sa kanya sa bansang pinanggalingan. Dumulog sa ating embahada at humingi ng payo kung ano ang nararapat gawin tungkol sa sinasabi mong multa or tubos ng pasaporte.

          Maaaring ipa-ban siya ng kanyang employer for breach of contract or sa hindi niya pagtapos ng kontrata.

  14. Dear Sir
    Good day
    Currently working ako ngayon sa KSA and I still have 8mnths to complete my contract. And its so happen merong offer sa akin ang Kuwait Direct employment po and im planning to file a vacantion to my current employer para maka uwi ako ng Pilipinas and ma process ko ang sa kuwait and im planning to abandon my current employer without thier consent. Mag kaka problema ba ako sa future application kO if exit and re-entry ang stamp ng Visa ko.

    Thank you

      • Sir salamat po.
        Matanong ko lang sir if ano yung processo sa pag resign madali lang bah and ano ang rights ng employer and employee? And sir ano po dapat ang reason para ma grant ang resignation.

        Thank you po

        • RESIGNATION

          Can either party (worker or employer) terminate the Work Contract without valid reason?

          A: Yes, either party may cancel or terminate the contract for no valid reason but “the party who is harmed by such termination shall be entitled to an indemnity to be assessed by the Commission for the Settlement of Labor Disputes, taking into account the termination circumstances and actual and potential material and moral damages sustained.”(Art. 77, SLL)

          Is acceptance by the employer needed in case of resignation?

          A: Legally, there is no need to get the acceptance of the employer provided that the 30-day advance notice has been complied with. However, to preserve harmonious relation with the employer, it is advised that the worker should talk things out with the employer. The employer cannot force the worker to continue his work or duties against his consent or will, but the latter may however be made to indemnify the employer for the consequence of his act or non compliance of his obligation in the Work Contract. (Art. 77,SLL)

  15. magandang gabi sir Bong, Expiry po ng passport ko sa jan 2013 pauwi po ako ng pinas sa july 26 kaso po sa 25 pa po last day of duty ko kaylangan ko na po bang i exten ang passport ko o pwede ko pa itong magamit palabas ng pinas… dito po ako sa uae salamat po… in one day po ba makaka kuha ako ng oic at extension ng passport ko salamat po ulit

    • Before 6 Months kasi Ace ng expiration ng passport ang advise ng DFA at mismong immigration ng mga bansang ating pinagsisilbihan. Siguro mas maganda kung sa Consular Section ng Embahada ka na lang diyan sa UAE mag inquire para sigurado po tayo, ok. Take care.

  16. June 17, 2012
    abdu_201076@yahoo.com
    Riyadh, K.S.A.

    Sir,
    Gud am po sir, matanong ko lang sa inyo, kung ang pinagkasunduan sweldo sa contrata ay tinupad, binawasan, anong ang dapat kong gawin? under provisionary period pa ako for the concluding three months.please lang reply asap.

    Thanking you to hear from you the sooner in this regard.

    Thanks and more power to your good office.

    respectfully yours,

    abdu,

    • What is probationary period of employment under the Saudi Labor Law?

      A: Probationary period of employment is not required under the Saudi Labor Law. However, if the worker is subject to a probationary period the same shall be expressly stated and clearly indicated in the Work Contract. Such probationary period shall not exceed 90 days exclusive of Eid-al Fitr and Eid al Adha holidays and sick leaves. Each party shall have the right to terminate the contract during this period, unless the contract embodies a clause giving the right to terminate the contract to only one of them. (Art. 53, SLL)

      Can the employer unilaterally reduce the salaries of the worker during the contract period?

      A: It is illegal for the employer to reduce the salaries of workers with no valid or justifiable reasons during the contract period and without the worker’s consent.

      When contract substitution is considered illegal?

      A: A contract or document cannot be as such per se without the consent of the other party freely or voluntarily given, be it the employer or the worker. Hence, if the worker’s consent or signature to the contract was taken by force or under duress, deceit, fraud or other means that vitiates consent, the contract is deemed invalid or void ab initio. A substituted contract is also deemed null and void, in whole or in a part, if the terms and conditions thereof are contrary to law, even if the worker has voluntarily given his consent thereto. (Art. 8, SLL)

  17. hi sir bong, i am not related to MAc escober po.nicjkname ko po yung ginamit kong account name…anyway, maraming salamat po sa reply…sa lists po ng GAMCA disease,mukhang malabo na ako makapagwork sa GCC..pero sana,hindi naman ganun kahigpit, para kasing may discrimination na..being one eyed is not a total disability..sana marecognize and iconsider pa din ung ability and experience ng tao..yunlang sa mata ko ang nakikita kong may problema sa medical, the rest exam kc,pasado ako sa mga previous employment ko..sana makapagwork pa din ako sa GCC..

  18. sir bong, may tanong lang po..nung 7yrs old pa lang ako, naaksidente ako,naoperahan yung isang mata ko,unfortunately, nabulag ng tuluyan yung isang mata ko..i am now 32, and nasanay na ako in one eye,almost 10yrs na rin ako nagwowork sa office.graduate ako ng accounting.. pwede po ba ako makapagtrabaho sa GCC or any country kahit isa lang mata ko? merun na rin ako MC dun sa doctor na nag opera sa akin,kakukuha ko lang kc nag aattempt ako magwork sa abroad kc may isa na ko anak.di kayang pambuhay ang sahud d2 sa pinas..please let me know sir,kc may inaantay na din akong tawag for medical pa lang.thank you po.

    • Hi Mac,

      Before ko sagotin ang tanong mo, matanong rin kita, are you related to someone whose also MAc Escober? He was one of FilCom leaders based in Riyadh. All of a sudden, hindi na po namin siya nakasalamuha sa komunidad, we assume he went home for good. Kung anak ka niya, pakikumusta po sa kanya at pakisabi na rin na miss na namin siya dito sa Riyadh.

      Regarding your inquiry. The Gamca or Gulf Cooperation Council-(GCC) Accredited Medical Clinics Association has render overseas Filipino workers (OFW) unfit to work in GCC countries with Physical Disabilities but they specifically mentioned “color blindness and deafness” among the list example of physical disability. I think, you need to ask your recuitment agency on this regards.

      The following are the GAMCA list of diseases and other related sickness that render OFWs Unfit to work in GCC.

      Infectious category• HIV/AIDS reactive
      • Hepatitis B surface antifgen, HCV reactive
      • Microfilaria positive and malaria blood film positive, known leprosy patients
      • Tuberculosis – any type, X-ray showing active PTB, past evidence of PTB or healed • Pulmonary scar, including minimum fibrosis, calcification (granuloma) pleural thickening, pleural effusion, tuberculosis lymphadenitis
      • VDRL/TPHA reactive

      Non-infectious category
      • Chronic renal failure
      • Chronic hepatitis failure
      • Congestive heart failure
      • Hypertension
      • Diabetes mellitus
      • Known case of cancer
      • Psychiatric disease and neurological disorders
      • Physical disabilities, i.e. color blindness, deafness

      Thanks for dropping by.

      Bong Amora

  19. hello sir bong.ako po ngaun ay nagtratrabaho sa ksa riyadh first time ko po umalis ng bansa.dto po sa dinatnan kong office ay mag isa lng po ako na pinoy.ung contrata kopa ay natangap ko sa airport na sa pinas pag dating ko dto sa riyadh knuha agad sa akin ung contract na hindi manlang ako nakapag copy,at sa kasalukuyan hind pa nila ako binigyan hangang sa ngaun.mag 1 yr na po ako ds may 18 ,2012..ito po ung sitwasyon ko: ung contact salary kopo ay 3750 sr,pero ung ibinibigay niya sa akin ay 2000 sr lng po kasi daw po hind pa raw sapat ang kakayahan ko dto sa saudi.registerd architect po ako sa atin kaya sinasabi ko my alam ako sa trabahong ito.ginagawa ng niya napalusot ung pagsasabi lagi na hnd maganda ang gawa ko para maka tipid sya sa worker niya.kahit ipakita kopa ang gawa ko mga designer na andito..may pinag aplayan po ako dto sa ksa na mas mataas pa nga ang bigay nila ng makita nila ang gawa ko.ang tanong ko pwd po ba ako mag resign at lumipat sa ibang ofice? ung contrata kopa sa kanya ay 2 yrs,pro ung cntract na un hindi sya pumirma at hindi niya sinusunod kung anu ang laman.at sabi niya ung contract daw dapat sya ang gumawa..sir bong tuungan niyo nmn po ako.gusto kolang po magtrabaho para sa pamilya ko.

    • May karapatan po ang employer na bawasan ang iyong sahod after justifiable evaluation on your work or reason na dapat talagang bawasan ang worker ng sahod dahil kulang nag kanyang kakayahan sa trabahong binigay sa kanya. Pero dapat po itong sang-aayonan ng worker. Kung hindi ito sinang-ayonan ng worker may right po siyang magreklamo sa Saudi LAbor Office.

      Kung bibigyan kayo ng release ng employer, puwede po kayong lumipat pero kung wala ito dapat taposin mo ang iyong kontrata at mag file ng exit.

  20. sir, nagtatrabaho ako dito sa saudi at end of contract na po ako malapit na, nag re-entry visa po ako para pumayag amo ko magbakasyon ng dubai.. may visiting visa/tourist visa po ako sa kapatid ko na nagtatrabaho sa dubai ngayon.. wala na po akong balak bumalik ng saudi at doon nalang sa dubai magtrabaho.. tanong ko lang po kung wala bang problema kung makahanap na ako ng trabaho sa dubai at kukuhanan na ako ng employeer para sa working visa ko at iqama ko.. salamat po sir. God Bless!

  21. nais ko lng po sanang humingi ng advice gling po ako ng dubai mag 1 yr na po ako nkakauwi,may naiwan po ako na loan at credit card,dpat po tpios n cya this april kung na continue ang hulog,naiwan ko po asawa ko sa dubai,ngyun nagplano po kmi na bumalik ako aplay nya po ako ng husband visa gusto po nmin continue yung payment ng loan ko natatakot po kc ako na bka nka ban na ako sa immigration yun nga lng po d nmin kya kung ipa full payment nila,mkablik po kya ako ng dubai ano po ang dapat nmin gawin pra makabalik ako sa dubai bigyan nyo nman po ako ng advice kung ano dpat nmin gawin..salamat po at god bless.

    • Delikado po ang mga unpaid loans ngayon sa bansang GCC. Ito ay sa kadahilanang napakaraming expats ang tumakas sa kanilang obligasyon kaya may network na po ang lahat ng GCC countries na pag black list ang expat na ito dahil sa utang sa banko or credit card, siya po ay ma-hold sa immigration at hindi po makapasok sa GCC countries.

      Kung ang asawa mo ay nandoon, dapat lamang po na ayosin niya ito upang makabalik ka sa Dubai na walang problema.

  22. Hello po. tinapos ko ang contract ko sa Saudi last July 2011. Panu ko ba malalaman na ntatakan tlaga ng exit and passport ko? kc nung nag aplay ako puntang qatar, sabi ng employer ala daw tatak na “exit” passport ko. Eh pinakita ko sa kanya meron nman, nakalagay “entry” tas sa isang page “exit” naka paloob sya sa hugis square tas may drawing na eroplano. Hndi ko alam kung eto na ba yung “exit” kc chineck ko yung mga visa ko sa past GCC countries na napuntahan ko, bukod sa “entry” at “exit” na tinatatak nila eh meron pang nakakatatak na “Cancelled”. Worried ako, kc naghihintay ako ng visa ko sa Kuwait, baka mamya nasa kuwait airport ako tas hndi ako papasukin ng immigration.

      • Kuya tanong ko lang po, i filed a complaint to emara regarding my employer. They forwarded my letter to the saudi labor office last april 9, 2012. When will i be able to hear a reply regarding my complaint or do i have to go to the labor office personally and follow it up? Thank you!

        • B)Steps/Procedure in Filing Complaints

          1)OFW files complaint against Employer at Saudi Labor Office
          Timetable (Day 1)

          2)Saudi Labor Office issues subpoena to employer the day after filing
          (Timetable (Day 2)

          a)Subpoena directs employer to appear at Saudi Labor Office on the scheduled hearing.
          b)OFW/POLO serves subpoena to employer.

          3)1st Hearing – Timetable ( A Week Later)
          a)OFW should be present during hearing to be assisted by the POLO Case Officer.
          b)Saudi Labor Office Judge arbitrates claims and counter claims of OFW and Employer and exerts efforts to settle case amicably.
          c)If parties agree, case is resolved.

          4)2nd and 3rd Hearing – Timetable (Another Week Later)
          a)If employer fails to attend first hearing. SLO issues subpoena thru police.
          b)During the day of hearing parties are given the chance to settle the case. If not, SLO will elevate case to Primary Commission for trial.

          5)SLO Elevates Case to Primary Commission
          a)After a week from last hearing at SLO. OFW should pick up Case Referral No. and personally submit it to Primary Commission Office. OFW should then get a copy of Info Sheet to be filled up with the assistance of his POLO Case Officer.

          6)Primary Commission Issues Subpoena
          a)Upon submission of Info Sheet, Primary Commission issues Subpoena on the same day requiring employer to appear on the date of hearing normally set after 2 months.
          b)Worker should go back to Primary Commission 2 weeks before scheduled hearing to accompany Sheriff in serving the copy of subpoena to employer.

          7)1st and Subsequent Hearings
          a)Judge will hear the parties, present their claims and counter claims as well as supporting documents/evidence.
          b)Case may be set for several hearings after which the case will be considered submitted for decision.

          8)Appeal to Higher Commission
          a)Each party may appeal to Higher Commission 30 days after receipt of
          decision by the Primary Commission.

  23. gusto ko po malaman kung may utang ako sa creditcard sa pinas at nag migrate ako ng ibang bansa.at gusto kong magbakasyon sa pinas.di po ba ko magkaka problema sa pag alis ko uli sa pinas?

    • Kung na-report po ng credit institution sa immigration or NBI na ang taong ito ay may unpaid bills, maari pong ma hold kayo for questioniong. Kaya kung ako – ikaw, pasyalan ko na ang credit institution na ito at mag reconcile kung paano mo ito mababayaran ayon sa iyong financial capacity to pay. KAsi kung meron ka ring dala-dalahin na problema, para ka naring may kinatatakotan or tinatakasan.

  24. good day sir!

    tanong ko lang po sana kung d maging sagabal ung scar sa xray ko kc may visa na kami as dependents ng husband ko sa saudi. mahigpi pa rin ba cla sa medical pagdating sa dependents? natatakot po kc ako na d makapasa matagal na po kc ganun ung sa xray ko d na makuha kuha. maraming salamat ppo sir!

    • Magka problema po kayo dahil mahigpit po sila tungkol sa scar. Bago ka bigyan ng iqama as dependent, mag medical exam ka rin uli pagdating mo dito sa KSA as required before issuance ng iqama.

  25. sir bong may kunting katanungan lng po ako wla pa kasi ako alam sa labor law sa qatar? meron po akong uncle sa spain, pero ang pagkaalam ko ay hindi pa open country? at agency lng po ako sa pilipinas, nagbabalak ako na mag cross country sa spain? thanks matutulongan nyo po b ako? sir bong….

  26. Ask ko lng poh… this is my situation.
    d2 poh ako sa bahrain since august 2010 naka more than 1 year na poh ako d2. Nag resign na poh ako nung dec 27,2011 base sa contract ko once na mag resign ako need ko sila bigyan ng 3 months notice bago ako umalis. and ang ginawa ko poh binigyan ko sila ng 3 months notice the nagsend ako ng resignation thru registered mail at na receive ko na din ung pink copy na katunayan na nareceive nila ung resignation ko thru post. at the same time nag apply ako ng Mobility intention sa LMRA. tinatapos ko na lang ung 3 months notice ko d2 sa company ko.

    Ang tanong ko lng poh pano poh kung di nila icancel ung visa ko kahit nag resign na ko at sinunod ko nmn ung 3 months notice base dun sa contract ko?
    Meron poh ako offer sa Qatar pwede poh ba ako pumunta ng Qatar kahit di cancel ang visa ko d2 sa bahrain? Kasi may nakapag sabi sakin na once na di pa nacacancel ung visa ko d2 sa bahrain di ako pwede mag work sa qatar. Ano poh ba ang pwede gawin kung sakali? kasi kinausap ko na amo ko ayaw nya pumayag na umalis ako ng walang kapalit, eh 2 months na wala man lang sila iniinterview man lng, mukhang wala nmn silang balak hinahanap na magiging kapalit ko. ano poh ba pwede ko gawin. sinunod ko na lahat ng alam kong legal na paraan.

    • Ano ba ang nakasaad sa iyong kontrata? Kung 1 year po ang iyong kontrata ibig sabihin hindi po ito resignation kundi finish contract. Kung finish contract ito, wala po silang magagawa kundi bigyan ka ng exit. Kung resignation naman ito, may karapatan po ang employer na humingi ng kabayaran sa lahat ng kanilang nagastos for non completion of contract bago ka bigyan ng exit visa. May karapatan rin po silang e-extend ang iyong employment habang hinihintay ang iyong kapalit. Ito ay nakasanayan na sa lahat ng GCC countries.

      Tama ka sa pagsunod sa proseso ayon sa iyong kontrata. Ngunit kung may valid reason ang iyong employer sa pag-antala ng iyong exit, sila ay may karapatang humingi ng palugit or e-hold ang iyong pag-uwi ayon sa batas ng paggawa ng Bahrain (please read Baharain Labor Law in this regards).

      Kung sa tingin mo ay nasunod mo ang proseso at invalid po ang rason nila na mananatili ka work kahit inabisohan mo na sila sa iyong exit, sulatan mo sila uli at e-remind tungkol dito at kung magpumilit pa rin sila na hindi pauwiin, dumulog kana sa ating POLO sa bahrain upang ma-guide ka sa tamang gawin.

  27. SALAM sir bong, bakit ngaun ka lang dumating?hehe sana matagal na kitang nakilala, eh di sana wala akong problema ngaun, dati akong may exit re entry visa at di na nakabalik sa saudi ulit..kung alam ko lang na ma ba banned ako sa saudi pati sa GCC, eh di sana bumalik na lang ako sa dating employer ko na govt hospital..sayang talaga balak ko po sanang mag apply saudi kc nasa saudi rin ngaun asawa ko pero dahil sa mga nabasa ko sa blog na ito, eh na discourage na ako..salamat po sir bong sa mga payo ninyo halos lahat po ng comments sa blog na ito ay nabasa ko na sa kakahanap ng kasagutan…

    • Ang GCC, ay binuo at tinatawag na konseho, at ang mga layunin nila ay magtutulongan at magkakaisa sa lahat ng mga usaping pangkalakalan na may kinalaman sa anim na estado sa Arab Gulf. Kasama na po dito ang pang-ekonomiya at panlipunang layunin, kabilang ang pagbabalangkas ng mga regulasyon sa iba’t-ibang usaping pang-seguridad, ekonomiya, pananalapi, kalakalan, customs, turismo, batas, paggawa at pangangasiwa.

      Kung isipin nating mabuti, natural lamang na ang mga bansang ito ay sasang-ayon sa anumang polisiya na in favor sa kanilang mga interest. Kasama napo dito ang shared information sa mga expats records na may mga pending cases, mga expats na may mga pending warrant of arrest, mga expats na may pagkakautang sa kanilang financial institutions or tinakasan na mga financial obligations, kasama na dito ang mga expats na may mga exit re-entry na may balak bumalik sa kanilang bansa with a new employer.

      • Need advice po sir, more power to this helpful site.
        I work in a one of the gulf state from 1998 to 2001.
        Went home did not finnish 2nd contract.

        My delimma

        Heard from my co workers that I have a police record about forgery. I recalled that I have used a purchase order form previously signed by the terminated manager. When the new manager took office he noticed this; thus the filing of police record followed against me.
        My question is; can I work again in the gulf council countries?
        2nd question; If I will land on gulf council countries for my connecting flight going to Russia; will they arrest me?
        Your help is highly appreciated.

  28. Sir Bong,

    Good day po. Sir, sa kontrata sa Pilipinas, nakasaad doon po na “17. In case the employee is required by the employer to perform cross-border assignment in whatever capacity, he shall be covered by work hazard premium pay, which will not be lower than 100% of the basic salary, and additional insurance coverage in the amount of not less than US dollars 35,000.” Ako po ay na assign sa Sharja, UAE, at tumagal po ako dun ng 86 days, applicable ba itong term ng contrata na cross-border sa UAE galing ng Saudi? Pwede ko bang singilin sa employer ko? Ang trabaho ko po ay 12 hours a day walang patid po yun ng 86 days, na damay pa po ang buong buwan ng Ramadan (July 26,2011- October 22, 2011) Ano po magandang gawin para po mabawi ito given na pasok sya sa “across-border”?
    Salamat ng marami…

    • Karl,

      Malinaw naman po na bayaran ka kung mag perform ka ng cross border assignment. All you have to do is to inform your employer in a formal letter request to compensate you the hazard premium pay as prescribed in your contract.

      BY the way, sabi mo kontrata sa Pinas? Bakit? May pinirmahan ka bang ibang kontrata?

      Bong

  29. Hello sir bhong,mgttnung poh sna ako,kung tma po bng ako ang bumili ng plane ticket q pg uwi ,ako po tpos ng kontrata ng 2yrs,3yrs n nga po aq dito at gusto q n poh umuwi ang sgot nla ako ang bibili ng ticket ko,pinttpos nla skin ang 4yrs gusto ko n po umuwi anu po b ang dpat kung gwin

    • Ang batas po ayon Art 40 paragraph 1 ng SLL, “the employer should bear the cost of the return plane ticket to the worker’s home country at the end of
      the relation between the two parties
      .” Ang end of relation po ay ibig sabihin “end of contract”.

      Ngunit kung ikaw ay hindi umuwi nong natapos mo ang iyong kontrata (2 years), malinaw po na ni-renew mo ang contract ng sinag-ayonan mong ipa-renew ang iyong iqama. Therefore you are now in an unspecified term of contract. Kaya dapat mong taposin ang kontrata na ayon sa iyong employer na taposin mo para ma-libre ang ticket mo pabalik sa Pinas.

  30. sir, ask ko lng. My nakalagay sa contract nmn sa Pinas na susundin ang labor law ng Oman and all the things na mas makakabenefit sa worker. Pagdating nmn sa Oman, marami kme nakita na difference mula sa contract nmn sa Pinas and sa labor law. Inask nmn employer ko kng bkt ganun, ang sbi is di daw nila sinusunod ung labor law kse di daw kme omani and may pipirmahan daw kme bago contract maliban sa pinas. legal po b n di kme ksali sa labor law ng country na to?

    • Mali po at paglabag sa batas ng Labor Law ng Oman ang kanilang ginagawa kung sakaling totoo ang napanapansin niyo. Una po ninyong gawin, sulatan or tawagan ang inyong Agency sa Pinas at kausapin ang inyong employer at ayosin ito. Liable po sila dahil, sila ang nag deploy sa inyo. Keep me update.

      • good day bong,

        Dito po aku nagwowork sa bahrain ng military institution as a nurse, ngayon nakahanap aku ng bagong work sa hospital na under din sa management ng military peru hindi ung current na pinagwoworkan ku.Gusto ku nalang tapusin ang contract ku sa kanila at umuwi ng pinas para makansel ang visa ku at mavisahan ng kabila.Ngayon,ang sabi ng opis na baka hindi aku makabalik ng bahrain sa loob ng dalawang taon.Ang tanong ku po, ay totoo po yan kahit tapos ang contract ko at wla naman akung bad record dto? Anu ang puyde kung gawin para makabalik aku.?maraming salamat po.

        • Huwag manilawala sa bali-balita not unless may hinahawakan tayong official memo na galing ng ating embahada or Bahrain authorities. Just make sure na exit ka sa iyong employer at wala kang kasong naka-pending or unpaid accounts sa mga banking institution ng Bahrain. Basta huwag po kayong pumirma ng undertaking or promissory note na hindi muna kayo babalik sa Bahrain.

  31. good day po,

    nag tatarabo po ako ngayon sa Kuwait for more than a year na. ask ko lang po, kc noong ng apply pa kami sa pinas yung pangalan ng companya na naka lagay sa contrata namin even doon sa job order ay hindi po yung compaya na pinapasukan namin although pareho sila na isang medical center. napasin ko din na yung letterhead na ginamit nila sa paggawa ng contrata namin is iba doon sa first na penirmahan namin. yung first na contract ang panaglan dun is ***** medical center then yung second contract po is nagiging **** international holding company although same lng yung first world. yung question ko, kung kunwari talagang sa ibang companya kami naka register at hindi dito sa company na ito and after one year ni renew kami sa companya na nila then maybe naitransfer nila kami ngayon sa company nila and since na transfer kami technically hindi na sila yung original sponsor namin and any time pwde na kami maka hanap ng ibang employer. tama po ba?

    • Igs,

      Kung sakali man na tama kayo sa inyong hinala at kayo ngayon ay na-transfer na sa pangalan mismo ng inyong kasalukuyang employer, ibig pong sabihin naging legal na ang kanilang pag-hawak sa inyo. At dahil nga sila na ang legal ninyong sponsor, mas mahirap pong lumipat sa iba not unless humingi kayo release at ito ay kanilang sinang-ayonan.

      Bong

  32. Sir good day po!

    Ask ko lang regarding sa problema ko. Dito po ako ngaun sa bahrain, nagstart po ako nung Dec 1, 2011. Ngayon po gusto ko po sanang umalis ng kumpanya sa kadahilanang di na po gnun ka safe sa bahrain at isa pa po di po maganda ang management. Balak ko pong magresign this week bago po ako mag 3mos. march 1 po saktong 3 mos po ako. Ngaun po ang may kaibgan po akong willing tumulong regarding dito. Ang mangyayari nga lng po pumayag ang company nya na mag bgay ng dummy letter pra magamit ko po na dhilan upang umalis sa employer ko. Nakasaad po dun n my work po silang bbgay sa kin sa qatar. Pero ito po eh dummy lng. Pero willing po ang company nya na tulungan ako makipagusap sa kumpanya na pinapasukan ko ngaun. Ang mahalaga po eh makansel ung visa ko po dito sa bahrain at makuha ko po ang mga papeles ko. Ang ggwin ko po kasi pag nakuha ko po ang mga papers ko mag visit visa po ako sa qatar at dito po ako sa bahrain manggaling magexit papuntang qatar. Pede po ba un? ang isa pong iinisip ko bka po ipitin ako ng employer ko dhl sa kontrata my pinirmahan po kami na bbyarang 1500 pag di po nmn ntapos ung kontrata. Sir ano po bang dapat kong gwin? mas ok po bang umuwi po ako ng pinas at dun ako magapply ng visit visa? o pede po ba ung sitwasyon na if sakaling ikansel ang visa ko dito po ako sa bahrain magapply ng visit visa pra sa qatar?

    Isa pa pong problema namin pinagbbyad po kami ng 1500 pag aalis po kami eh wla nmn po un sa bahrain law. Pede po bang malaman kung anong dapat ko pong gawin pra po sa sitwasyon ko po? .Salamat po!

    • Anne,

      Sorry for late reply. Medyo busy lang ako sa trabaho at gusto ko man na masagot agasd ang mga sulat ng ating mga readers, talagang mahirap mahanapan ng timing.

      Anne, kung ako ang tatanongin mo, hindi ko na susubukan pa ang ganitong paraan, alam mo naman na pagsisisi ay nasa huli. Kung gusto mo talagang lumipat sa Qatar gawin mo ito sa makatotohanang paraan.

      Tungkol naman sa gusto mong mag visit visa sa Qatar, mukhang hindi rin ako sang-ayon sa ganitong arrangement, hindi po natin alam ang mga mangyari sa iyo na kung saan hindi ka ma-protekatahan ng ating gobyerno sa kadahilanang undocumented worker ka. At palagay ko walang employer na magbigay ng exit sa worker at hihingi pa na magbakasyon muna sa Qatar.

      Tama ka, lahat ng employer mapa-bahrain man or saudi arabia, kung hindi mo tataposin ang iyong kontrata, natural lamang na baayran mo ang employer sa nagastos niya sa pagkuha sa iyo sa Pinas.

      Pag-isipan mong mabuti at huwag padalos-dalos ng mga desisyon.

      Bong

  33. gud day sir bong…
    Magtatanong lang po ako kung makakabalik pa po ba ako ng ksa pra magtrbaho final exit po ako nung january 22 2012 , natapos po kontrata ko noong dec 19 2011 nagfile po ako ng non-renewal noong oct 2011… Sa kadahilanang gus2 ko na po makauwi nagreklamo po ako sa labor noong january 10 2012 dahil hindi po tumupad sa kontrata ang employer ko. nakauwi nmn po ako sa pinas na ang tanong ko po sir bong makakabalik pa po ba ako ng saudi arabia kc po cnabihan ako ng employer ko na d daw ako makabalik for atleast 1 year.. wala nmn po akong kaso sa saudi or bad record… gaano po katotoo ito kc natatakot po ako na baka maharang po ako sa imigration.. sana po ay mabigyan nyo ako ng kasagutan sir, maraming salamat po

    • May pinirmahan ka bang undertaking na galing sa iyong dating employer na nakasaad doon hindi muna babalik sa KSA sa loob ng isang taon? Kung wala, at wala ka ring kasong nakabinbin saan mang hukuman sa KSA – ANYTIME po kayong makabalik sa KSA.

      • salamat po sir bong… wala nmn po akong pinipirmahan ganung mga kasunduan sa dati kong employer… ang sabi lang po sa akin na yun daw po ang bagong batas at karapatan daw po nya na d ako pabalikin sa ksa lalo na daw sa kaparehong trabaho ko sa kompanya nya..

        • Kung ang babalikan mo na employer ay kapareho ang trabaho mo sa dati mong employer, TAMA PO SIYA pero dapat ito ay nakasaad sa kontrata or undertaking for this condition to be valid, it shall be in writing and specific in terms of time” Kung ito ay nakasaad sa kontrata or isang undertaking or promisssory note, 2 taon po ang iyong hintayin bago ka makabalik sa KSA.

          Article 83. If the work assigned to the worker allows him to get acquainted with the employer’s customers, or to have access to his business secrets, the employer may require the worker in the contract not to compete with him or reveal his secrets upon expiration of the contract. For this condition to be valid, it shall be in writing and specific in terms of time, place and type of work and to the extent required to protect the legitimate interests of the employer. In all cases, the duration of such agreement shall not exceed two years from the date of termination of the relationship between the two parties.

          • may apply na po ako sa isang kompanya dyan sa saudi arabia sir if magpalit po ako ng passport y ok lang po ba iyon? mahaharang po ba ako sa imigration if ever natuloy po ako? ano po ang dapat kong gawin sir pra makabalik agad ako sa saudi? kc may employer na po na kukuha sa akin dyan sa kaparehong field ng trbho ko po dati..

      • sir magandang araw sa inyo maitanong kolang kasi dito kolang malaman sa qatar ang stilo sa mga egency sa pinas.gusto kolang maliwanagan ako tongkol dito sa aking pinirmahan na contrata.sir. bakit ang contrata na pinirmahan ko sa pinas ang pangalan ng companya ayDDDDDat sa PDOS ko ay ganondin na companyaDDDDD sa philhealt koDDDDD pagdating ko dito sa qatar ay iba na nacompanya ang aking napasokan XXXXX na. sir tama ba ito ang ginagawa ng egency sa manila. na ito ang dahilan sa pagkasira sa aking kinabukasan sa aking pamilya.at puedi ba na ipaglaban ko ito kong akoy makauwi sa pinas.sir sana mabigyan mo ako ng liwanag tungkol dito.maraming salamat po sir.

        • Amel,

          Hindi po tama ito kung kayo ay indi inabisohan noong nasa Pinas pa lang. Malinaw po na ito ay panloloko ng agency, makakuha lamang ng placement fee sa inyo. Puwede po kayong mag file ng kaso sa NLRC pag nasa Pinas na kayo.

          Bong

  34. Michael B. Managili feb.06,2012
    sir magandang araw po sa inyo….
    gusto ko lang po humingi ng tulong patungkol po sa kompanyang napasukan ko dito sa riyadh. noon pong march 2012 nag file po ako ng exit sa kompanyang ito ZAHRAN OPERATION AND MAINTENANCE.tapos na po ang kontrata ko ng mga panahon na yon ang sabi po saakin nong secretary sa office kelangan daw munang e renew ang IQAMA ko bago nila ako pauwiin e binigay kopo ang IQAMA ko sa kanila tapos pinagbayad nila ako ng 1350riyal para daw po sa renewal binayaran korin po sa kagustuhan kong makauwi kasi namatay po ang nanay ko nong time na yon. e ang problema po hanggang ngayon po ay diparin daw po ako makakauwi kasi daw hindi parin daw narerenew yong IQAMA ko antagal na po non malapit ng mag isang taon di parin na renew. kaya sana po matulongan nyo ako kasi gusto kona pong umuwi sa pilipinas mahigit apat na taon napo ako dito sir.maraming salamat po sir sana matulongan nyo ako -MICHAEL

    • One of the largest operations and management companies in Saudi Arabia offering a diverse array of services ranging from operation of hospitals and universities to maintenance of military bases and city streets.” – ZAHRAN HOLDING http://www.zahranholding.com/about/

      Napakagandang company kung dimo alam ang totoong KULAY. Ang ganda pa ng website.

      Chie, sa iqama pa lang, hindi na po tama ang ginawa nila na pagbayarin kayo.

      The employer shall bear the cost for Iqama. Pursuant to the Council of Ministers Decision No. 90 dated 14/5/1418H (September 15, 1997) or Royal Decree M51 dated 1415H, IQAMA or residence permit shall be borne by the employer.

      Huwag kang maniwala na hindi pa na-renew ang iyong iqama, dahil ang renewal po ng iqama ay madali lamang at hindi po ito aabotan ng isang buwan kung wala itong problema. Not unless rin po kung nasa Red category ang Zahran, pero sa tingin ko marami itong mga Saudi na empleyado kaya baka nasa Green category ang ZAHRAN.

      Ano ang iqama number mo Chie, ma-check na rin ang status ng iqama mo at ng company nyo.

      Sino nga pala ang recruitment agency ninyo? or ng Zahran?

      Wait for your reply.

      • sir magandang araw po!nais ko po sana ipaabot sa inyo na ang agency ng zaharan na ito ay dapat ng banned AL AHRAM po yan lahat ng employee nila. halos kada linggo maraming dumarating n pinoy na niloloko,sa contrata pa lang po pagdating dito baguhin nila at sa AL AHRAM nag papirma sila ng blank paper.isa po ako sa employee nila na pauwi na hanggang ngaun wala pa ticket exit na yan ha.mahal daw po ang ticket 3mons palang nag paabot n po ako ng exit letter. sir nais ko rin po malaman kung ano paba karapatan ko gs2 ko napong umuwi kaso wala pong ticket. gs2 ko malaman kung ano nararapat kong gawin.

        • Obligasyon po ng employer ang mag secure ng ticket sa mga workers nila na tapos na ang kontrata, ito ay ayon sa batas ng KSA. Ngunit kung ito ay taliwas sa pinirmahan ninyong kontrata maaaring ikaw ang mag shoulder nito. Ano ba ang nakasaad sa original contract ninyo? Pangalawa, kung nag papairma sila ng blank documents, maaring gamitin nila ito upang ma forfeit ang pag shoulder nila ng ticket. Bait po naman kayo pumirma ng blanko na dokumento? Please to all our blog readers, “HUWAG PO KAYONG PUMIRMA NG BLANKO NG DOKUMENTO” wala po kayong laban kung anoman ang nilagay nila doon sa papel na iyon pagdating ng araw.

          Puwede po kayong mag reklamo sa Saudi Labor office, just seek asssitance with our POLO office how to formally file a complaint.

  35. Goodmorning po!..Ask ko lang po..ung fiance ko po eh me exit re entry visa sa abu dhabi…sa hirap po ng work nag emergency leave po cya para mkauwi ng pinas..nagkataon nmn po n nagkaroon ng linaw ang apply nya sa saudi..Sa tingin nyo po,magkakaroon po ba ng conflict ung apply nya sa saudi though me re entry visa pa cya ng abu dhabi..kc po me naririnig po ako about sa gcc law na sobrang nakakabahala po..salamat po!

    • Wala pong konkretong kasagotan ngunit maaaring magkaroon ng problema dahil po sa kasalukuyang pag-uusap ng mga GCC countries regarding restrictive labor migration policies dahil ikinababahala napo nila ang pagdami ng mga expats sa kanilang bansa.

  36. hello po. nagpunta po ako ng dubai as tourist visa, taz after a month nagka-work po ako sa isang company dito. pumasok ako ng walang offer letter at kung ano man ang proceso ng company, napansin ko rin na mejo pa pending pending ang pag process ng visa ko, kasi maliit na company lang ang napuntahan ko. 2 lang kaming empleyado, wala kaming PRO, dun lang kami nagpapa-process sa typing center. Sinagad po halos ng company ang tourist visa ko bago pinarocess ang employment visa ko. days na lang ang bibilangin, ma i-expired na ang tourist visa ko. Laking tuwa ko na rin na na process na eung entry permit ko at kina-ilangan kong mag exit at mag re-entry ulit sa dubai. Nagawa ko naman po. Pero after nung re entry ko sa dubai. pinagpaliban na ulit ng company ang visa ko, hindi nila kinuha ang mga documents sa akin. hangga’t dumating sa punto sa ilang araw na expired naman ang trade license namin. Isang buwan bago naasikaso ang trade license namin sa company. feeling ko na walang growth ang company, na decide na lang po akong mag resign. wala po kasi ako lahat, naka pending ako at hindi ko alam kung vi-visahan pa ako ng residence visa. nag submit ako ng resignation letter effective immediately at di na pumasok. Nung nagpapacancel na ako, hinihingi nila ang passport ko, wala pa naman naka sulat dun o ano man para stampan ng cancelled. Taz hinihingian ako ng pera ng dati kong employer para daw maka cancel ako, nung sinabi ko na wala akong pera, nag text skin na ico-collect daw nea ang pera hanggat sa mamatay ako. ang tanong ko po kailangan bang ibigay ko sa kanila ang passport ko? para ma cancel lang ako? kasi sbi po ng kilala kong HR di na raw po kailangan kasi di naman nila na process ang residence visa ko. sa kabila ng mga threat skin ng boss ko, hindi ko na po tlaga kayang ipagkatiwala sa kanya ang passport ko.

    • Kate,

      Medyo kailangan mo ang POLO natin diyan sa Dubai sa iyong problema upang mabigyan ka ng tamang kasagotan at maalalayan ka sa tamang gawin. Ito ang contact numbers ng Konsulada diyan sa Dubai at ang POLO/OWWA location map. Salamat sa Pagbisita.

      PLO DUBAI Location MAp

  37. Sir Bong,

    sir dati akong ofw sa dubai umuwi since 2007 to 2009 3 years ang contract ko, nagbakasyon ako after 2 years, tinawagan ako ng employer ko na wag ng bumalik sa dubai kc sarado na department namin cancel na nila visa ko, ang problema ko may naiwan akong utang sa credit card, ngayon nagaplay ako sa saudi at naghihintay na lang ako ng visa. ang tanong ko sir magkakaron ba ako ng problema sa imigration ng pinas at saudi kc ang sabi pag may utang ka sa gcc nagiisue sila ng ban sa lahat ng gcc member,
    tnx

    • Ang banko ay isang business entity na matakot malugi sa kanilang negosyo sa dahilan na hindi binabayaran ng mga kliyente ang kanilang mga loan. Kung totoo na may ban, ibig sabihin hahayaan na lang ba nila na malugi sila? Para sa akin mas masaya pa nga sila malaman na nasa isang GCC country ang may atraso sa kanila at may trabaho pa, ibig sabihin mababayaran na ng may atraso ang utang nito.

      Ang banko ay may mga kasunduan sa kapwa nila banko (magkaiba man ang may ari nito), ibig sabihin po pag mag loan ka uli or mag apply ng credit card or mag open ng account sa isang banko na may kasunduan or kaanib ng bankong pinagkakautangan, malalaman po nila na ang kliyenteng ito ay may outstanding loan sa kaanib nilang banko. Sa puntong ito, mahahabol na nila ang kliyenteng may naiwang loan or pagkakautang sa kanila.

      SEcondly, please note na doon sa mga hindi nagbayad ng bank loan, wahatever reason – you will be blacklisted in all bank transaction in the future, more particularly application for bank loan and credit card.

      Kung ako ikaw, pagdating sa KSA, at kaya mong bayaran ang outstanding loan mo – makipag ugnayan sa kaanib na banko nito at makipag reconcile ayon sa iyong kapasidad kung paano mo ito mabayaran.

  38. Good day!

    Merry christmas and happy new year.

    Sir bong, exit re entry po ako from saudi last september and my job offer po sa akin sa qatar. D po kaya ako magkaka problema dahil GCC country rin po ang qatar?

    Thank you and more power!

    Ulrich

    • Ang KSA ay isa sa mga member lamang po sa tinatawag ng Gulf Cooperation Council or GCC. Sa ngayon po wala pa pong information na may mga areas of cooperation ba sila when it comes to Labor policy. Kaya po hindi po natin alam na pagdating mo sa ibang bansa na sakop ng GCC maharang ka dahil sa kadahilanang may exit re-entry ka sa KSA. Ito ay malaman lamang po natin kung ikaw ay ma port to port.

  39. Sir,

    Pwede b ako magwork sa ibang GCC country kng exit reentry po ang visa ko d2 sa saudi. Kc plano ko po sanang d n po bumalik d2 sa saudi at sa ibang GCC country nman po ako pu2nta hope you could answer my question sir.

    Jeff

    • Wala pong konkretong kasagotan sa iyong tanong dahil wala pa po mga memos or nabasa man lang tungkol dito. Ngunit may mga tsismis na kumalat na ang ibang worker na may exit re-entry visa pero hindi bumalik sa bansang dapat babalikan instead lumipat ng ibang bansa na sakop ng GCC countries ay hindi po nakapasok at hinarang ng immigration at pinabalik sa country of origin. Maaaring ito ay totoo dahil ang GCC countries ay mayroong cooperation agreement when it comes to Labor policies na kanilang pinoprotektahan bilang isa sa mga kasunduan.

  40. Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po ay isang nasa Qatar sa ngayon, 1 year po ang kontrata na pinirmahan ko na pwede i-renew depende sa agreement between employer and employee.Ang nakasaad po sa kontrata galing labor ay unlimited contract. February 5, 2011 po nung nagstart ako ng trabaho ang kaso ay hindi ko na kayang paabutin ng isang taon dahil sa ginagawa ng general manager namin na isa rin sa may ari ng kumpanya, which are; salary cutting, no overtime pay, at hindi pa nakuntento basta pa binawasan ang basic salary ko. Ang problema ko po ngayon ay nagbigay po ako ng resignation letter last september 17, 2011 at sana ay last day ng work ay October 17, 2011 which was 1 month noticed pero nagtrabaho pa ako hanggang October 30, 2011. Sabi ng general manager ko ay huwag na daw akong pumasok ng October 31, 2011, hintayin ko na daw na i-provide nila ang exit permit at airfare ko, pina-follow up ko kaso wala silang aksyon. Madami ng violations na ginagawa ng kumpanya at gustong gusto ko na sanang pumunta ng labor office pero ang problema ako lang mag isa at isa pa ay hindi ako dumaan sa agency at POEA dahil direct hired nila ako sa tulong ng recommendation ng kababayan din. Ngayon po ay andito lang ako sa tinitirhan namin. Kung sino man po ang makapagbigay ng sugguestion or advice kung ano ang nararapat ay lubos po akong magpasalamat sa inyo. God Bless us all. Salamat

  41. goood day po

    me itatanong lng po ako

    yung kinakapatid ko po kase ang asawa nya nasa qatar tapos meron silang 6 na anak college na po yung panganay the rest bata pa po, Yung asawa nya po hindi sa kanya pinapadala ung pera kundi sa nanay nya po. Hindi po sila binibigyan kung hindi sila manghihingi. to the point na pag me sakit yung mga anak walang pang gamot man lang. kahit sa budget for basic commodity wala sila bigas lng binibigay pag ng hihingi hindi po nagkukusa.

    tanong ko lng po na possible po ba na yung sahod ng asawa nya e iderekta sa kinakapatid ko at hindi dun sa nanay nya through the help of owwa office?

    salamat po

    sana matulungan nyo po sila kung anong dapat gawin.

      • Hello Sir bong!Gaano po katotoo ang narinig ko na balita na simula january 1,2012 may bago na daw na law ang GCC na kung may re-entry kana daw sa isang bansa at hindi mo e2 binalikan banned kana daw sa lahat ng bansa under GCC,gusto ko lng po e confirmed kung totoo nga ba or panakot lng nila.

        • Wala pong konkretong kasagotan sa iyong tanong dahil wala pa po akong nabasa na official statement tungkol sa iyong katanongan.

          Ang pagkakaalam ko dito sa KSA, ang mga expats na may exit re-entry at hindi na nakabalik ay magkaroon ng problema sa immigration kahit nabigyan sila ng visa na makapag travel from Pinas to KSA. Pangalawa, ang mga deportees or mga na-deport na mga expats through immigration deportation proceedings ay hindi na po puwedeng makapag-trabaho sa KSA.

  42. Good Evening Sir,

    Ask ko lang, nag work po kasi ako kasi ako sa isang international company dito sa Pilipinas, usually po kasi pinadadala yung ibang empleyado sa Dubai to visit out head office there. I was schedule to visit Dubai kaso nga lang po nung kinukuha nila ako ng Visa ay black listed daw po ako, pero hindi pa ako nakakarating sa Dubai o kahit makalabas ng Pilipinas. Ano po ang pwede kong gawin para maputunayan na hindi ako yung tayo na yun na black listed.

    Thanks,

    Dennis

  43. good day po sir bong,legal po ang visa ko sa uae,hire po ako ng agency sa pilipinas,lahat po ng mga papeles ko ay legal,2 yrs contract po ako.ang ginawa ko po ay di na ako pumapasok sa work ko(awol) noong malapit na ako mag’isang taon sa kontrata ko,kasi ayaw nila ako payagan na umuwi sa pinas.nagalit po ang amo ko,at ipinasasama ako sa p.r.o namin na sryano at sumama nman ako,sa pagaakala ko ay ipapa’cancell na ako at papayagan na ng umuwi ng amo ko.kaso pagdating namin sa immigration ng p.r.o namin ay may binigay syang sulat sa officer at iniwan na lng ako bigla na hindi ko alam sa loob ng immigration opis.dinala po ako sa malaking kulungan ng immgration sa sharjah at kinulong po ako doon ng 2days at ibinalik sa immgration opis at nag’eye scan po ako bago nila ako pinauwi sa tinitirhan ko doon sa sharjah at ibinigay na sa akin ang passport at tiket ko na may skedule po na 2 weeks ang flight ko sa pinas.ang totoo po nyan ay hindi ko talaga alam kong ano ang ikinaso ng amo ko sa akin,at bakit nila ako pinalabas after 2 days at pinaubaya pa sa akin ng immgration officer ang passport at tiket ko at pinauwi ako sa bahay ko sa sharjah na mag’isa/kong tutuusin pwede po ako mag TNT sa time na yon kc nasa sa akin na ang passport ko,pero diko po ginawa yon kasi nakaperma po sa immgration ang kasamahan ko at kaibigan ko bilang garantor ko..forever na po ba ung eye scan ko sa immgration opis sir bong?natatakot po kasi akong bumalik sa u.a.e at mag’work doon ulit baka pagdating ko sa airport may makikita pagnag’eye scan ako ulit sa airport?pasensya na po sir bong kong nakukulitan na po kayo sa akin,kilangan ko pa po ang malinaw na kasagotan na galing sa inyo about sa kaso ko.hindi ko po talaga alam kong ano ang ikinaso ng dati kong amo sa akin sa immgration opis,at kong mabigat man yon,dapat ikinulong nila ako ng matragal at hndi na ibinigay sa akin at ipinaubaya ang aking passport at tiket at hindi ako pauuwiin mag-isa sa bahay ko sa sharjah..aantayin ko po uliit ang kasagutan nyo..GOD BLESS…

    • Jay,

      The best option is to visit UAE embassy sa Pinas at doon ka mag inquire. Kung wala ka namang nagawang malaking kasalanan hindi ka matakot mag punta sa embahada nila at tanongin kung blacklisted kapa ba or puwede ka ng bumalik sa UAE.

      Thanks sa pag bisita.

      Bong

  44. Good day sir!

    ask q lng po kung meron country dyan middle east na wlang restriction s medical such as PTB..Hindi po kasi pinalad na mkaalis noong 2009 dahil meron po aq scar and I was already cured last 2007..May mga options pa ba para makapag work abroad despite of my conditions.

    thanks

    toti

  45. good day sir bong!may gusto lng sana akong itanong sayo about blacklisted in u.a.e?naka
    alis po ako 2005 sa u.a.e to work as a cook sa restoran sa sharjah uae.bago po ako mag 1 year sa company ko,nagdecide ako na wag na taposin ang kontrata ko at uuwi na lng ako sa pinas dahil sa sobrng hirap ng sitwasyon ko sa company ko.nag
    awol po ako ng 1month sa work ko at bihira na akong pumasok,dahil doon,napilitan ang amo ko na ipa’cancel ako,at isang araw isinama ako ng p.r.o nmin na siryano sa immgration office at may pinasa ang p.r.o nmin na mga papers doon,after noon iniwan na lng ako bigla ng p.r.o nasmin doon sa immigration office,mayamaya ay tinatawag ako ng immgration police at pinapapasok aq sa loob sa maliit na kulungan,after 5 hrs,isinakay kami sa bus at inilipat kami doon sa malaking kulungan ng immgration.nag stay po ako doon ng mga dalawang araw,at ibinalik ako sa office ng immgration ng sharjah at pina eye scan po ako ulit kc nag eye scan narin po ako nong dumating ako sa airport ng dubai nong 2005.after ng eyescan namin,pinaiwan na po ako doon sa immigration opis at ung iba kong mga kasama ay ibinalik na doon sa malaking kulungan ng immigration sa sharjah.pagkatapos noon,tinawag ako ng police immigration sa loob ng opis nila at tinatanong ako kong ilang days or ilang weeks daw gusto ko mag’stay pa sa u.a.e bago ako ipa deport,sa sobrang gulat ko at tuwa nasabi ko na after 1 week po ang gusto ko,kaya after noon cnabi sakin ng police na tumawag daw ako ng kaibigan ko na pwede pumirma na nagpapatunay na uuwi ako sa ganong araw kaya tinawagan ko ang kasamahan ko sa work na bestfriend ko,at pumirma sya at kinuha ang pataka nya at binigyan sya ng temporary pataka at makukuha nya lng daw ung pataka nya sa airport kaya sumama sya sa akin sa airport pag’uwi ko kc para makuha nya na ang oroginal pataka nya at may pepermahan daw sya doon sa loob ng airport. after ng perma nya pinauwi na sya at naiwan ako sa immgration opis para antayin ang tekit at passport ko,pagkalipas ng ilang oras,ibinigay na sa akin ang passport at tiket ko at umuwina daw ako sa bahay ko sa sharjah kc naka leave out na po ako noon.sa tingin ko hndi naman po cguro mabigat masyado nag ikinaso ng amo ko sakin kc ilang 2 days lng nman ako sa kulongan at ipinaubaya pa sakin ang passport at tiket ko pauwi.noong nasa pilipinas na po ako,year 2008,na hire po ako ulit sa dubai,kaso di po natuloy kasi nong vivisahan na po ako ng bago kong employer,di po lumabas ang visa ko at sinabi ng employer ko na hndin a daw nila ako makukuha kasi nalamn nila na blacklisted po ako sa u.a.e,at doon ko po nalaman na na blacklisted nga po ako doon sa u.a.e..nagyon po ay andito na po ako sa riyadh nagwowork,at naka tapos na po ako ng isang kontrata sa dati kong company d2 sa riyadh at final exit po ako doon,kaya nakabalik kaagad ako after 2 months dito sa iryadh galing vacation sa pinas kasi na hire po ako ulit ng panibago kong company dw ngaun sa riyadh.sa ngaun po ay mag.1 year na ako this comong dec 24 d2 ngaun sa bago kong company.may offer kadsi sa akin ngaun sa dubai uae,na ibang company,at balak ko sana na bumalik ulit doon sa uae,ang tanong ko po ay na wala na po ba ang blacklisted name ko doon sa uae?kasi po 5 years na ang nakalipas mula nong 2006,ano po ba ang status ko doon,naka blacklist parin ba ako doon sa dubai??please sir bong,gusto ko po malaman ang buong detalye about sa status ko doon kong makakabalik pa ba ako or hindi na??salamat po,GOD BLESS…

      • sir bong,di po malinaw sa akin kong ung sinasaad na first ban ay iba po ba sa blacklisted?blacklisted po kasi yong sa akin,ayon sa email sakin ng employer na nag’hire sa akin ulit na ibang company noong 2008.bali noong 2006 po kasi ako nadeport ng immigration ng uae..ibig sabihin,more thaN 1 year na po yong blacklist ko..pwede po ba pakilinaw sa akin ang tungkol sa kaso ko,maraming salamat po sir bong at andyan kayo na handang tumugon sa katanongan at mga problema ng mga kapwa ko ofw..aantayin ko po ang kasagotan nyo..GOD BLESS..

        • Jay,

          Ikaw lamang ang makakasagot sa iyong tanong, kung gaano ka bigat ang nagawa mo against your previous employer.

          What is a “ban”? How do I get banned?

          A ban is a legal mechanism that prevents a resident or an employee from re-entering the country or from accepting a position with a new employer for a fixed period of time.

          A permanent residency ban may be imposed on serious labour offenders, such as illegal or absconded workers, illegal aliens or convicted felons. Fingerprint samples and retina scans of banned individuals are kept on file by the Federal Department of Immigration.

          A labour ban is mandatory. You get banned when:

          1) Your contract expires and no action pertaining to your employment has been taken by your current employer, or no new application by a different employer is filed for you.
          2) You terminate an unlimited labour contract before completing one year of service.
          3) You terminate a limited labour contract before its expiration

          BLACKLISTED

          It is illegal to work on a visa other than a valid employment visa in Dubai. However, you may come on a visit or tourist visa and actively search for jobs in Dubai. Under recent legislation pertaining to employment visas, successful candidates who are hired by Dubai employers are required to exit the UAE pending release of their Employment Visas.

          Clearly, any employer asking you to start work immediately or without a valid employment visa is not in compliance with legal requirements. If you choose to begin work without a valid employment visa, you:

          1.give up you chances of using the Labour Code or having the Labour Ministry to mediate your case in the event of a dispute with your employer;

          2.run the risk of being caught, fined and deported. You will also be blacklisted such that you may never return on an employment visa to the UAE. In many cases, illegal laborers spend jail time prior to deportation and their retina scans are kept active to effect the blacklisting.

          Hope the above will help you determine whether you are one of those BLACKLISTED or BANNED to enter UAE.

          Bong

  46. good day po sir bong.

    magtatanong lang po kung pwede ako maharang sa airport just in case na may connecting flight ako sa Qatar wherein meron ako credit card na di na nabayaran since 2009? im currently working here in KSA. thanks!

      • Dear Sir,

        Good day!!!!

        binigyan na po ako ng final exit ng company ko. but ang problema po kasi is may dues ako na hindi ko pa nababayaran. gaya po ng trafiic violation ko. at yung sa naging utang ko sa credit card.

        na terminate po ako sa company gawana politika ako ng ibang lahi. last year pa po ako na terminate. sinubukan ko po kasi na makipag usap sa kanila na i release na lang nila ako. pero ayaw naman nila pumayag. kaya naman ako nanghihingi ng release sa company ko dahil release lang din naman ako yung time na mag trabahao ako sa kanila.

        but the issues is uuwi na po ako ng pinas. pero ang pala isipan po kasi sa akin eh yung mga bayarin ko sa credit card at saka sa traffic violation ko. gawa nga po na one year po ako nahinto sa trabaho at the same time wala po akong pambayad na sa mga bills na yun. ask ko lang kung pagdating ba sa airport eh baka ma hold pa ako ng dahil lang doon sa hindi ko pagbabayad sa mga fees ko.

        kailangan ko po payo ninyo regarding this matter.

        Thanks

        • Robert,

          Kung hindi ka sana Exit, puwede pang makalusot dahil hindi ito naka-timbre sa immigration. Pero matanong nga pala kita, totoo bang binigyan ka ng Final Exit ng company? Kasi ka puwedeng maisyohan ng Exit Visa ng Jawasat kung may mga pending finacial obligation ka lalo na po sa banko. Automatic kasi itong mag appear sa pag check ng Iqama bilang blacklisted expat ng KSA sa mga hindi nakapag-bayad ng Credit Loans sa banko or other financial institutions.

          So kung lumusot ka sa Jawasat in the issuance of Exit Visa baka sa ariport immigration magka-problema ka.

          You must find ways to solve this problem asap or otherwise ang billing mo maging lagpas leeg na.

          Regards.

          Bong

  47. Sir bong 4 years po akong nag trabaho sa Qatar at cancell po yong visa ko, may kukuha po sa akin pabalik nang Qatar. meron po bang hadlang sa aking applikasyon sa pagkuha ulit nang panibagong working visa sa Qatar. sa ngayon po nasa Al khobar ako 5 months palang, plano kopo pag nasa Qatar na asikasohin yong legal documents ko para sa pilipinas requirements.Binago po nang company yong position ko at yong sahod ganoon pa rin so kaya ko binalak na umalis dahil din po hindi ko kaya yong position at kong e declain kopa balak nilang e terminate yong contract ko….tnx

      • Sir Bong,

        Dati pa po ako nagtrabaho sa Qatar, ngayon po nasa Al Khobar na ako. Meron pong kukuha sa akin ulit papuntang Qatar. Nagdecide po akong tanggapin yong contingent offer nila 3X po ang sahod sa sahod ko rito sa Al Khobar at isa pa po may problema din ako sa companya ko rito, pinalitan nila nang mataas na position yong aking position na ino offer nila sa pinas, yong sahod ganoon pa rin which is very unfair. kaya nag decide akong lisanin sa pamamagitan nang early resignation para formal.

        Salamat Po

        Bert

  48. sir bong ,

    gud day po sayo…tanong kulang sir kong mag cross country ako galing Saudi to Oman kailangan pa bang mag pa medical uli ako sa pilipinas o d na ,kasi ang bagong employer ko kasi sa Oman sabi nila dretso na daw ako galing Saudi to Oman.

    rex

    • Rex,

      Hindi po pupuwede na mag cross country ka from KSA going to other country for employment. Dapat po babalik ka sa Pinas para mag exit muna from KSA going back to Pinas. Wala pong employer na papayag na mag cross country ka. Kung may mangyari man na makapag cross ka from KSA to Oman, pagdating mo doon, ikaw ay isang undocumented OFW at kung anong mangyari sa iyo doon, mahirapan ang ating gobyerno na ma-assist ka or matulongan ka sa iyong problema. Payo ko, gawin mong legal ang iyong employment status.

      Kung gusto mong alamin kung puwede or ind ba talaga puwede, pumunta po kayo sa Embassy ng Oman dito sa KSA at alamin kung paano makapasok sa Oman via KSa ng legal at maging isang documented OFW.

      Bong

  49. gud day po sir bong may ilan katanungan lng po ako regarding sa brother in-law ko n nsa dubai ngayun.finish n po ung 3 years contract nya nung august 27,2011 pati din po ung pataka nya august 30,2011 din ang expired pero according po sa amo nya sa oct 27,2011 p daw po ang finish contract nya kc pagdating po sa dubai may pinirmahan cyang contract pero wala po cyang copy kung oct 27,2011 po ang finish ng contract nya bkit po ung pataka nya eh aug 2011 ang expired?another problem po kc ayaw n po ng kua ko ng mag renew ng contract kc mababa po tlga ang offer sa knya ngayun po may gus2 pong kukuha s knya dun kaso po hinahanapan po cya ng released paper..nlaman po un ng current employer nya ngalit po umuuwi n lng daw kua ko kesa mag trabaho sa iba.ask ko lng po anu po dapat gawin ng kua ko ayaw nya po umuwi d2 dhil sa hirap ng buhay d2.may habol po b kua ko if pwersahan cyang pauwiin ng amo nya?car tint especialist po ang work nya dun..salamat po in advance

    • Ruby,

      Kung hindi magbibigay ng release ang kanyang employer, wala po tayong magagawa at kung papauwiin siya dahil tapos na ang kontrata, dapat lamang na uuwi siya sa Pinas dahil ito ay ayon sa kontrata.

      Bong

  50. Opo, sisingilin daw nila kami sa nagastos nila, pero ngayon lang namin nalaman na, hindi nakuha ng kasama namin ang kanyang vacation salary dahil hindi ibinigay po sa kanya, at saka ang cnasabing babayaran din namin ang visa, naisip din namin na dating bayad na ang Visa namin dahil pag dating namin d2 ay na cut salary na kmi ng 750 USD para daw yan sa one way ticket at Visa.. at saka sa pag kakaalam namin na responsibilidad ng employer namin ang eprovide ang ticket kahit anu pa ang halaga…

    Naalala nyo po ba c chin na nagcomment about sa bakasyon nya na denedelay ng employer kasi sa rason na Mahal ang ticket, nakauwi lng po sya dahil sa waver namin at sya po ang nadisgrasya,

    at saka may isa kaming kasama d2 na 4 deportation na na pilit itinatago ng employer, natuklasan ng ministry na inurong ang kanyang license para makakuha sya ng 2 years xperience at makapagtrabaho d2 kaya ang hatol lang sa kanya is deportation and termination of contract or work permit man yan..
    Gustong gus2 nya nang umuwi…

    My kasama rin kami d2 na nagkakasakit ng primary complex (The typical lesions of primary pulmonary tuberculosis, consisting of a small peripheral focus of infection, with hilar or paratracheal lymph node involvement.) mahigit isang taon na sya d2 sa trabaho ng nakuha nya ang sakit na yan, pero hindi sya sinu shoulder ng buo ng company, pa balik2 ang bukol sa leeg nya, nagpapacheck up nga sya sa hospital pero sariling pera nya ang ginagastos… pati pantaxi sya rin , mga gamot na maitainance nya…

    maraming diskripansi po kaming nakita sa company, hindi lang po ang mga ito..
    kaya po kaming mga pilipina d2 ay mismong ginigipit nila

    Sir, maraming salamat po sa lahat.. natatakot na po kami d2 sa possibleng mangyari sa amin…

    • Ann,

      Sorry for the very late reply. Nag scan ako sa mga sinagot ko at parang nakita ko hindi ko pa yata kayo na reply sa last sulat ninyo. Again am so sorry.

      Saan kayo? Riyadh or Jeddah? I will give you a number para makausap ninyo ang POLO Asap.

      Bong

  51. Ann,

    Unang tanong ko, ano nag nakasaad sa inyong pinirmahan?

    Yes, as a guarantor, pwede po kayong singilin ayon sa nakasaad sa dokumentong inyong pinirmahan. But try to talk and persuade your employer na huwag na lang kayong singilin dahil hindi naman po sinasadya na madisgrasya ang kasama ninyo sa Pinas. Payo ko, kumuha kayo ng medical at police report at ito ay naka attach sa isang sulat asking for consideration.

    Bong

  52. magandang araw po sir,

    magtatanong lang po ako sana about sa situation namin sa ngayon… kasi po yong kasama namin sa trabaho nag bakasyon at b4 sya makabakasyon is need pang may pumirma na tao para e grant yoong bakasyon nya, kaya pumirma ako at dalawang kung mga kasama..
    ehh sir ang nangyari ay yuong nag bakasyon ay nadisgrasya sya b4 nang flight nya pabalik d2 sa riyadh,,, at hanggang ngayon ay unconcious pa rn sya..
    kaya ang mga naka pirma ay sisingilin ng pinang gastos ng Visa, and babayaran din namin ang isang taong natira nya hanggang sa pag exit nya…
    at saka ang binayarang ticket po para sa kanya…
    paanu po ba e2? hindi nmn po kasi sinasadyang maaksedente ang kasamahan namin…
    need po ur advise kung tama po bah na elet go or ipaglaban po e2?

    maraming salamat po sir…

  53. good day sir bong!salamat po xa advice,ok po susundin ko po ang advice nyo xa akin…kayalang po ang problima ko ngayon paanu?kasi nandito na ako xa pilipinas.sino po ba ang maaari kung kausapin?or pwede lang po ba yan na magpapadala nalang ako nang sulat xa employeer ko na ipapacancel ko na visa ko?at ang pinangangamba ko pa paanu if hinde nila ipacancel visa ko?kasi nga po ayaw ako bitawan nang bos ko pro ayaw ko na po talaga bumalik don at isa xa mga rason kung ayaw ko bumalik ay hinde ko gsto ang patakaran nila at ang baba baba nang sahod…direct hire po kasi ako…may mga pinag usapan po kami bago ako umalis na hinde nila tinupad unang una ay ang sahod kaya ayaw ko na po talaga bumalik don…salamat po hihintayin ko po ang rply ninyo at wala po akong contrata na pinirmahan verbal lang po lahat…

    • Beth,

      Wala pong magawa ang isang worker kung hindi kanselin ng employer ang visa nito dahil na rin sa rason na ikaw ay naka kontrata pa sa kanya. Having a re-entry visa is just like you renew your contract or automatic renew ito pag mayron kang exit re-entry visa. Kaya wala tayong magawa kung negative man ang maging sagot nila for obvious reason na alam nila bakit gusto mong kanselin ang visa. All you have to do is to prepare a letter or call them via phone armed with convincing reason why your employer should cancel your visa.

      Regards.

      Bong

  54. Dear Sir,

    3 months n po ako d2 s doha…kkpirma ko lng po ng contract…s pinas po 1 year duration lng ng cntrct pero pgdtng po d2 indefinite n po pla…nbsa ko po un qatar labor law n ok lng n mgresign ng 1 year, bsta po my notice s employer..tama po b ang intindi ko? lm ko po ksi ang validity ng pataka nmin ay 1 year lng, alin po b susundin ko n expiry para ok po ang pgteterminate ng contract, un s start ng wrk ko d2 o yun date s pataka? 1st tym ko din po kc umbroad..ang blak ko po ksi umwi n after 1 year..tnx po and more power! mlaking tulong po tlga ang site nyo s mga kpwa ofws ntin…

    • Jon,

      May pinirmahan ka bang bagong kontrata pagdating mo sa Qatar? Ano ang nakasaad? Kung wala, ibig sabihin ang one year na kontrata mo ay nasa “definite duration” because it is stated in the contract. If you wish to renew the contract after one year and sign a new contract, it will be still in “definite or limited duration” but your contract should not exceed more than 5 years.

      However, if you renew your contract in the absence of a new signed contract, it means you are in “unlimited duration”. Then the expiration of your contract will be the end date of your PATAKA.

      Please read QLL Article 40. If the service contract is of a limited duration, the duration thereof shall not be more than five years. This period may be renewed for a similar period or periods by agreement of the two parties.

      If the contract has not been renewed and the parties thereto continue to abide by it after expiry of its duration without an explicit agreement, the contract shall be considered to have been renewed for unlimited duration on the same conditions provided for therein.

      The renewed duration shall be considered to be an extension of the previous duration and the period of service of the worker shall be calculated as starting from the date of his entering the service of the employer for the first time.

      Article 23 also stated that: The validity period for the work permit shall be limited to the permitted residence period so that it may not exceed five years unless the approval of the Department is obtained.

      Regards.

      Bong

          • sir,hi po ulit..nkklngkot nman po tlga mga ngiging klgyan ng mga kababayan natin d2 s GCC..sir,nag-message po ako ulit kasi po plano ko n po umuwi ds november..ika-6months ko po nun..sabi po ksi s cntrct n bago kong pinrmhan d2, bsta may 2 months notice pde iterminate contract, pno po kung d ako pygan??..ska my bbyrn po b ako s knila, o bsta sagot ko lng po tiket puwi s pinas.ty po and Godbless!

            • Jon,

              Same in KSA, depende kung papayagan or aprobahan ang iyong resignation, may karapatan sila na hindi ito aprobahan. Pero kung aprobahan, ikaw ang mag shoulder sa iyong tikeet pauwi at puwede kang singilin sa kanilang nagastos pagkuha sa iyo sa Pinas.

              Bong

              • sir,tnx po s reply..gnun po ba yun..ksi po d nman nila ako nhire through agency,name hire po ako..kung hndi po nila ako pygan, no choice n po b ako o ask ko sila if kelan nila ako ppygan ksi nga po indefinite n naging contract ko d2..ung bbyrn ko po b ksma po b ung sa visa processing d2 qatar?thank you po and Godbless!

                • Jon,

                  Ibig mo bang sabihin sa name hire ay hindi ka dumaan sa POEA?

                  For now, please read some provision found in Qatar Labor Law:

                  Article 3. The service contract may contain a provision subjecting the worker to a probation period to be agreed on between the two parties provided that the probation period shall not exceed six months. The worker shall not be subjected to more than one probation period with the same employer.

                  The employer may terminate the contract within the probation period if it has been proved to him that the worker is not capable of carrying out the work provided that the employer shall notify the worker thereof before at least three days from the date of termination.

                  Article 4. If the service contract is of an indefinite duration any of the two parties thereto may terminate it without giving the reasons for the termination. In this case the party intending to terminate the contract shall notify the other party in writing as follows:

                  1. In respect of the workers who receive their wages annually or monthly, the notification shall be given not less than one month prior to the date of the termination. If the period of service is five years or less. If the period of service is more than five years, the notification period shall be at least two months prior to the date of termination.

                  2. In all other cases the notification shall be given in accordance with the following periods :

                  • If the period of service is less than one year the notification period shall be at least one week.
                  • If the period of service is more than one year and less than five years the notification period shall be at least two weeks.
                  • If the service period is more than five years the notification period shall be at least one month.
                  If the contract is terminated without observing these periods, the party terminating the contract shall be obligated to compensate the other party for an amount equivalent to the wage for the notice period or the remaining part
                  thereof.

                  Bong

                  • sir,tnx po s fast reply..dumaan po ako s poea kya wla nman po cla bnyran except s ticket ko ppnta d2 at visa processing d2 qatar..un po b ung mga pdeng singilin skin ng employer ko? dpo ksi mlinw s qatari law ung mga bbyran in case n mgresign (ang sbi lng po sagot un tcket puwi) nbsa ko po ksi ung cntrct ko d2 qatar ang sbi nga po pde iterminate bsta my 2 months notice (dahil indefinite po un duration-it means 5 years above ung icoconsider ko for d ntfcation period?)..Pero d po pla assurance n ppygan nila ako, so pno nga po kung di nila ako pygan ano po pde ko gwin,ipkita ang qatari law sa knila n pde nman iterminate? tnx po in advnce!

                    • Jon,

                      Payo ko sa iyo isangguni mo ang iyong problema sa ating POLO diyan sa Qatar. Hindi ko kasi pa kabisado ang Qatari Labor Law. Mas maganda kung konkreto ang mga kasagotan sa iyong mga katanongan.

                      Bong

  55. good afternoon po sir,may problima ako ngayon magtatanung lang po sana ako kasi sir tungkol xa visa ko xa bahrain bali po nandito po ako ngayon sa pilipinas na umuwi ako sakto nang mag 1year akung nung march 27 kasi may emergncy xa bahay pro bago ako umuwi pinabayad po ako nang bos ko xa visa ko daw kasi nga umuwi ako na hnde pa tapus 2years contract ko…ako din po bumili nang ticket ko…so ngayon problima ko nag apply po ako xa ibang country like dubai at ok na po ako xa employeer ko don ang tanung ko po kung ok lang po ba na umalis ako papuntang dubai na hnde pa cancel visa ko xa bahrain?march 2012 pa po xa matatapus…anu po ang ma e aadvice nyo akin pls po…thanks

    • Beth,

      Siguro lahat naman ng GCC countries ganyan ang polisiya nila, once na nag emergency leave ang expats na hindi pa tapos ang kontrata ay shoulder nito ang tiket at visa pauwi sa kanyang bayan. Walang pinag-kaiba sa KSA, ganyan rin ang patakaran.

      Beth, para sa akin dapat lamang na ipa-kansel mo ang visa para at least naman maganda pa rin ang paghihiwalay ninyo ng employer sa Bahrain. Puwede mo naman itong tawagan at wala naman siyang hahanapin sa iyo dahil ikaw naman ang nagbayad ng visa at tiket mo pauwi. Siguradoin mo lang na ang rason mo ay matibay. Iyan nga lang, hindi mo pa natapos ang kontrata. Huwag po nating kalimutan na ang Bahrain ay kasama sa bansang GCC at sila ay may kooperasyon kasama na ang labor cooperation na kung saan maging ikapahamak mo pa kung andoon ka na sa Dubai.

      Regards and good luck.

      Bong

  56. Good Day Sir,
    may inquiry lang sir ako, ask ko lng po, kasi umalis ako ng saudia arabia for may annual vacation and went to UAE, nag apply po ako ng work here, and after 3 weeks ng pag hahanap ng trabaho, ntanggap nman po ako, ang contract ko po sa company na pinanggalingan ko sa saudi arabia ay matatapos na po this july 29, 2011, sa inyo pong palagay ano po ba ang magiging concequence kung mag sesend ako ng letter sa company ko sa ksa na hindi ko n renew yung contract ko n magtatapos ngaun buwan? masasama maba ban po ba ako? or magkakaroon po ba ako ng problema dito sa bago kong employer?
    maraming salamat po in advance

    max

    • Max,

      Kung iyan ang mas magandang move para sa iyo, do it kaysa naman may daga palagi sa iyong dibdib. Hindi kita masagot ng diretso, sana naman hindi nagtampo or mag rekalamo ang dati mong employer dito sa KSA.

      Bong

  57. sir bong gandang araw po. katatapos lang po marenew ng iqama ko at ang expired nito sa arabic calendar 1434. at for the english calendar 2013 bali valid po sya hanggang two year. at yung ginamit na sponsor ko po sa visa at syang nakalagay sa iqama ko ay cemco na ngayon ay may redtag. posible po ba na maitransfer yung sponsor ko sa cepco na syang talagang employer ko?

  58. sir bong salamat po sa mensahe nyo sa akin na malaki ang maitutulong, sya nga po pala meron po ulit akong tanong tungkol d2 sa saudization kasi po ng magtrabaho ako dito saudi sa taong 2007 bali yung ginamit ng employer ko na visa ay sa sister company nila. bali ang company ko ngayon ay Cepco dito ako nagwowork pero yung visa ko hanggang ngayon ay Cemco. at ngayon po ay nabigyan ng redtag yung Cemco na syang naka visa sa akin. magkakaron po ba sa akin ng problema ito lalo na sa aking pagbabakasyon? na maging dahilan para hindi na ako makabalik dito at makapagtrabaho.

    alecx

  59. magandang hapon po sir…ako si max isa po akong driver dito sa riyadh magtatanong lang po ako tungkol po dito sa problema namin ng kasama ko kasi po tapos na ang contract namin last june 19 2011 at nagbigay narin kami ng notice last april 03 2011 at two weeks before matapos ang contract namin pumunta ako sa opisina at pinaalala ko sa kanila na kailangan kong umuwi pagkatapos ng contract ko at stop work na ako ng june 20 ang sabi nila no problem. at june 20 ng ako ay pumunta at ibigay ang iqama ko hindi po nila tinanggap at magtrabaho daw po muna kami at tatawagan nalang daw kami para kunin ang iqama at nangako sila na maximum 15 days makakauwi na kami. hanggang sa kasalukuyan po hindi pa naiprocess ang papel namin ang sabi nila sa saturday pa kasi mahirap daw ngayon ang maglakad ng exit paper manual daw ang saudi ngayon kaya saudi lang daw po ang pedeng magprocess ng mga papel namin.. ang employer po namin ay syrian at tumigil narin po ako magwork last june 07 ano po ang maganda naming gawin at sa article 88 po pag hindi po yun masunod ano ang dapat naming gawin pede po ba n kami pumunta sa saudi labor at ireklamo sila at kung sakali po mag reklamo kami sa saudi labor gaano po katagal ang proseso pls sir pakireply po maraming maraming salamat po at GOD BLESS YOU ALWAYS….

    • Max,

      Hindi ka ba pinabalik sa trabaho? Ibig sabihin stop work ka na at ok lang sa kanila? KAsi kung kailangan pa ang iyong trabaho, puwede nilang ma extend ang iyong pag-uwi pero kung wala naman silang aksyon na kailangan kapa sa work (Art. 109.2 and Art. 110.2). Ibig sabihin dapat inaasikaso nila agad ang iyong pag-uwi. Puwede kayong mag-sumbong sa Saudi Labor office anytime. Ngunit diko lang alam ilang days ang proseso. Magtanong muna sa Labor Office bago mag aksyon.

      Bong

      • opo di na nila ako pinabalik sa work ang sabi nila nasa sa akin nadaw kung mag stop ako at wala naman sila sinabi na magwork ako basta maghintay nalang daw po ako kung kelan maaayos ang exit papers namin…maraming salamat po sa payo sir GOD BLESS AND MORE POWER SIR….

  60. hi bong,

    my ask sna ako,umalis ako ng kuwait last march 23,2011 my residence visa dun mag eexpired pa ng nov,pero pag hndi nko bmalik within 6months auto cancel,den this june ngpunta ako sa doha as business visa,nag apply ako ng work dto,d ako mbgayan ng visa dhil need ko pa pla iptransfer ang kuwait visa ko,tnwagan ko kagad employer ko sa kuwait para ipcancel un,sbi icacancel daw,ung business visa ko ay maeexpired na sa aug1,pag po ba na cancel na ang kuwait visa ko d nko mgkkprob na mabgyan ng working visa d2 sa qatar? sbi kse baka daw mdeport ako dhil nag apply ako may visa pko sa kuwait..ano po ba dpat kong gwin? thanks ng marami..

  61. gud day po, ask lng ko po about sa issue of our company na matagal ko ng iniisip, first tym ko pong mag abroad at oo lng ng oo ako noong ng apply ako,,, is umalis kami ng pinas na ang company namin ay XXXX pero pagdating namin d2 sa saudi ay naging YYYY….
    den lately nalaman namin na ang company na YYYY ay naka ban sa pinas becoz of the previous records na hindi maganda, so ang ginawa nila is ginamit nila ang companing XXXX para makakuha cla ng empleyado sa pinas, so hindi ako mapalagay kasi baka magiging problema namin eto sa huli

    • Katya,

      Sana naman walang problemang mangyayari sa darating na mga araw. Itong mga kompanyang ito ay na ban sa POEA dahil sa mga napakaraming complaint na kanilang natanggap kaya nga ginamit nila ang ibang kompanya para ito makakuha ng manpower sa Pinas. Magmasid ka sa mga patakaran nila at tingnan mabuti kung may nilabag sila sa mga nakasaad sa inyong kontrata. Kung sakali man na may makita ka, huwag mong patagalin, isulat mo sa akin ang lahat ng detalye lalong lalo na po ang inyong recruitment agency contact details. Gagawa ako ng covering letter kasama ang iyong sulat upang ito ay maihatid sa kinauukulan.

      Below was my article in our blog regarding the same complaint we received from our fellow OFWs in distressed.

      Regards.

      Bong

      THE STORY BEHIND THE SCENE
      By: Bong Amora
      March 21, 2010 by ofwempowerment

      Imagine from establishment to a reputable number 1 group of companies in the Kingdom, now became a household name to Filipinos in Saudi Arabia and at home. This is because for its abusive, unprofessional conduct and mismanagement towards migrant workers in their companies.

      Why in decades of its operation this company became controversial among Filipinos and other nationalities in the Kingdom? Why it happens?

      Established in mid quarter of the 70’s, the company became a Group of companies. Then emerged as leading name in country’s operations & maintenance market during the construction “boom” in the Kingdom; and later one of the most reputable and trusted company in KSA with more than 12 thousand employees from various countries.

      In the early months of Year 2K the company’s good reputation as one of the best operations and maintenance service providers in KSA has changed when they get involved in hiring expatriates and share out these warm hot bodies to their subsidiaries and affiliates companies around the Kingdom.

      Maybe, unknown from the top brass of this multi-divisional organization, their recruitment arm become greedy that even their medical trading business (importers & resellers of various medical, surgical and other items) turned into hiring medical workers such as hospitals janitors/janitress, patient attendants, dental assistants and caregivers to various government-run medical facilities and rehabilitation centers all over the Kingdom. Worse, some of those recruits were dispersed out to clinics and hospitals not affiliated with the Group.

      What is the story behind the scene? According to a reliable source, this problem started as early as 1995-1998. There were already complaints filed at POLO (Philippine Labor Office) regarding unfair labor practices of this company. He added that there was a negotiation made between the company and POLO at that time which resulted into an amicable settlement. He narrated further that there was a friendly relation transpired between POLO and this company during the negotiation.

      Online news reported that it started Year of 2001 where OFWs lodged complaint against the company for delayed wages, illegal deductions, contract substitution, dehumanizing work and living conditions, harassments and divisive tactics during their employment.

      Year 2005, this company was barred from participating in the overseas employment program due to a number of complaints against them.

      Unknown to POLO or POEA, they were able to use the services of several recruitment agencies in Philippines to facilitate their manpower requirements. Upon arrival of the OFWs in Saudi Arabia this poor workers will then be employed to the company’s affiliates and subsidiaries around the Kingdom at dito mag umpisa ang kalbaryo ng ating mga kababayan. Ang hindi ko maintidihan lahat ng “job orders” dito sa Saudi Arabia ay dadaan muna sa POLO for verification and approval bago bibigyan ng go signal ng POEA sa Pilipinas ang recruitment agency sa pag recruit ng mga OFWs. Ang tanong, bakit lumusot? Bakit hindi ito napuna ng ating POLO?

      In 2008 the order was lifted after several complaints had been resolved and the agency had reformed its system of employing OFWs.

      Now, this company is facing a permanent delisting from POEA of hiring Filipinos citing numerous complaints of contract violations (contract substitutions) and unfair labor practices lodged against it in the past years. Maging permanente kaya?

      The alleged current report treating our fellow OFWs appallingly is unlawful in the eyes of men and the whole world and even violates certain provision in their own Labor Law (See SLL, Chapter 2 – Duties and Disciplinary Rules).

      Labor Attache Rustico Dela Fuente should do his best to clean and clear these issues once and for all dahil kung hindi ang mga walong daan pang natitirang pinoy sa kompanyang ito (nasa ibat ibang establishment) ay susunod na mag hunger strike para lamang maka-uwi. It means, this is a never ending story.

      Siguro naman Sir, matuloy na po ang nabibitin ninyong “new posting” kung bibigyan mo ito ng panahon at ma-tuldokan ang problemang ito para naman ma miss namin kayo! Good luck po! -end-

      read more article>>>>> HIT U HARD A LITTLE

      • gud day po sir,,

        e2 po mga napapansin kung hindi maganda sa company namin…
        delayed salary na kung sometimes umaabot pa kung minsan ng 2nd week ng buwan, then ang overtym fees, hindi agad nakukuha pag nag sahod, inaantay pa ng mga 6months at mahigit bagu makuha at maraming pang pagdadaanan bagu makuha..
        kung minsan naiisip din namin na mentally and emotionally tortured kami dahil po sa sobrang higpit po ng companya, accommodation namin nasa taas den working area ang nasa baba, sa isang buwan ay one tym lng kami lumalabas na may katagalan lng ng 3hrs and 30 mins para lng mag grocery, sa isang taon ay 12 lng na beses kami lumalabas…
        wala na kaming nakikita na iba kundi ang mga kalungkutan at pagiging homesick namin dahil sa wala po kaming outlet para d2, internet kain 2log trabaho lng ang pde naming maranasan sa buhay namin, para kaming mga ibong biglang pinutulan ng pakpak, hindi ko po alam kung tama po bah na sabihin ko ito or hindi pero e2 po ang aming nararamdaman.

        iyong nakasaad po bah sa job order namin na verified by POLO is iyong Annual leave namin ay prepaid after completion of 12 months or 1 year, anu ibig sabihin po yon????
        my laban hu ba yun para makamit namin ang annual leave pay na binibigay sa kabilang branch ng company namin, at samantalang kami’y walang natatanggap kahit halala lng po,

        at tapus sir pwede po ba kaming makahinggi ng list of companies na naka ?RED? or saan namin pwedeng makita iyon?

      • Opo, d2 po ako sa riyadh sir, pero as i know hndi nmn gani2 ang ibang company, ksi marami po akong clasemate na naga work d2 po sir pero maganda nmn ung treatment sa kanila, at nakukuha nila ang dapat sa kanila sir.Opo, d2 po ako sa riyadh sir, pero as i know hndi nmn gani2 ang ibang company, ksi marami po akong clasemate na naga work d2 po sir pero maganda nmn ung treatment sa kanila, at nakukuha nila ang dapat sa kanila sir.

  62. magandang araw po, tanong ko lng po sana kung possible na, sa dalawang branch ng isang company ay magkaiba ang mga binibigay na benefits kasi ang sa kabilang branch yung unused sickleave nila ay binibigay in terms of money sa halagang 1,100 Sr in 21 days sick leave nila na hindi nagamit, samantala yung nasa amin kahit sick kami hindi kami nakakapagsick leave at hindi nererefund ung mga expenses namin sa gamot at consultation and follow up kahit alam ng company na itoy nosocomial illness or acquired illness from the hospital or work place…
    at ung vacation leave d2 ay dadaan ka pa sa butas ng karayum at luluha ka pa ng dugo para lng makapagbakasyon at makuha ang vacation pay… at mostly reason nila is mahal ung ticket at aantayin pa nila mumura..

    • Jane,

      Sa Batas Paggawa ng kaharian, transfer of ownership man, merger at iba pa, malinaw po na dapat kung ano man ang mga benefits, salary at iba pang natatanggap ng worker sa dati niyang kompanya bago ito nilipat sa ibang kompanya ay dapat lamang na manatili or dapat sundin ang unang napagkasunduan. Ang tanong, BRANCH pa kaya, na halos iisang kompanya lamang? Check pertinent provision of the SLL below:

      Article 18: If the ownership of a firm is transferred to a new owner or a change takes place in its legal form through merger, partition or otherwise, the work contracts shall remain in force in both cases and service shall be deemed continuous. As for workers’ rights accrued for the period prior to the change such as wages or unrealized end- of- service award on the date of transfer of ownership and other rights, the predecessor and the successor shall be jointly and severally liable. However, in the case of transfer of ownership of individual firms, for any reason, the predecessor and the successor may agree to transfer all the previous rights of the worker to the new owner with the written consent of the worker. If the worker disapproves, he may request the termination of his contract and collect his dues from the predecessor.

      Tungkol sa tiket, wala pong batas na nagsabing hintayin kung bumaba ang presyo bago ito bilhin.

      Regards.

      Bong

  63. Sir,
    ako po ay isang electrical technician. ask ko lang maaari bang maging yearly vacation naba ako pag umabot na ako ng five years sa aking kumpanya? may batas na po ba tayo para dito. kasi nasabi ng kasamahan ko na may batas na daw dito agreement ng Saudi at OWWA. tuwing ikalawang taon po ako bago magbakasyon at ito rin ang aking job contract. at ano po ba ang mga makukuha kong benefit kung sa ako ay magresign. ako po ay 4 years and 6 months na. pero march 2012 po ang balak kong mag resign.

    salamat po ng marami.
    alecx_jeddah

    • Alec,

      Ang leave or vacation ay naaayon sa inyong pinag-usapan or kontrata. Kung ito ay 1 year or two years. Kung two years ka, nasa emloyer po ito kung kailan niya gustong gaeing yearly ang kanyang worker. Wala po sa batas ang sinasabing compulsory na maging one year ang isang worker pagdating ng 5 taon paninilbihan. Mayrong batas tungkol sa leave or bakasyon at ito po ang nakasaad:

      Article 109. 1: A worker shall be entitled to a prepaid annual leave of not less than twenty one days, to be increased to a period of not less than thirty days if the worker spends five consecutive years in the service of the employer.

      Malinw po na may salitang “ANNUAL” ito ay yearly na kung saan puwedeng magbakasyon ang worker ng 21 days every year. Kung ang worker ay umabot ng 5 taon na paninilbihan, ito ay maaaring dagdagan ng 9 or 10 araw upang maging 30 days evry yearly vacation.

      Wala pong provision na nagsabing ang worker na may 2 taong kontrata na kapag itoy umabot ng 5 taon sa kanyang employer, ang kontrata ay maging 1 taon.

      Wala rin po akong nakikitang agreement between OWWA and Saudi Government tungkol dito.

      In my experienced, umabot po ako ng 9 na taon sa dati kong pinaglilingkuran dito sa KSA pero hindi po nabago ang kontrata ko na 2 taon. Ngayon ko lamang po nararanasan sa loob ng 17 years dito sa KSA ang umuwi sa Pinas at makapagbakasyon ng 30 days after 1 year sa bago ko ngayon na employer.

      Regards.

      Bong

  64. elow po sir bong…ask ko lng po kung ang isang dependent po b n may exit re-entry visa pero wala ng balak bumalik tpos nag-apply s pinas n para mag-work pero hindi n as dependent ung working visa n pede p rin po b cya n ma-ban s kht anong bansa s middle east dhl hindi ng-exit?..thanks po..

    • Cath,

      Hindi kita masagot ng konkreto tungkol dito. All I know is that a dependent iqama is attached to the main residence permit of the principal worker. Wala ka naman sigurong nasagasaan na Saudi sponsor dahil dependent ka lang. Para sa akin huwag kang kabahan.

      Good luck!

      Bong

  65. Dear Sir Bong,

    from #23: but sir i dont have the clearance copy. just they deported me and bnigay yung passport ko with exit stamp. so it means sir they deported me in order to clear my case? now i already signed a contract to work in kuwait. so it means makakapasok ako sa kuwait ng malaya. please advise me sir bong… thanks & God bless you!

    • Hanz,

      Hindi kita mabigyan ng konkretong sagot. Pero huwag klang mangamba dahil kung sakali (huwag naman sana) na ma hold ka sa airport ng Kuwait, ibabalik ka naman kaagad sa Pinas. Pag makalusot ka, iwasan mo na ang magkaroon ng problemang uli.

      Bong

  66. Sir Bong,

    Ang katanungan ko po ay tungkol sa travel ban, ang isang bang dating OFW ay hindi na puwedeng makapagtrabaho at makalabas ng ating bansa Pilipinas kasi po nais ko po sa na mag-abroad at magwork ng ibang lugar not related sa GCC countries po. Ang Sudan po ba ay hindi na kasama sa GCC countries.

    Maraming pong salamat at mabuhay po kayo.

    Bobis

    • Bobis,

      Ang travel ban ay para lamang doon sa may mga dating kaso na mga OFWs na bumalik sa Pilipinas through deportation process. Secondly ang ban ay para lamang doon sa mga expats na umuwi na may exit re-entry visa.

      Ang Sudan ay hindi kasama sa GCC member countries.

      Bong

  67. sir bong,

    hihingi lng po ng inyong opinyon, actually, mey mga halos similar cases na rin akong nabasa sa mga previous comments.

    ganito po ka c, mar 2010 lng po ako nag start mag work sa saudi first time ko po abroad, 2 yrs po ang contract ko, pero allowed po ako magbakasyon, after 12 months, kaya inavail ko yung benefit na yun for vacation kaya andito na po ako sa pinas now. Actually ang plan ko po talga is not to go back anymore sa recent company ko. Eto po aking mga katanungan:
    1. Possible po ba akong i ban ng company ko sa saudi or to other middle east countries dahil sa breach of contract na gagawin ko?
    2. Pwede po ba ako maka pag work ulit sa saudi within the year pero sa ibang kumpanya, basta mey bagong passport lng ako? how bout other middle east countries like qatar and uae?
    3. Kung halimbawang na ban po ako, gano katagal po ba ma lift yung ban para maka pag apply ulit ng mey malinis na record ulit sa saudi or other middle east countries?

    ..mabanggit ko na rin po pala, mey naging kaibigan po ka c ako sa saudi, and parang nasa HR din sya, ibang company, and sinasabi nga po nya na tutulungan daw nya ako maka pasok sa company nila by august or sept this year, alam rin po nya yun sitwasyon ko, at ang sabi nya lng po ay mag palit lng daw po ako ng passport…. at d na ako magkakaproblema sa pag pasok ko ulit sa saudi… gano po ba ka reliable yung sinabi nya sakin??…sana po ay mabigyan nyo po ako ng karagadagang kalinawan …

    salamat po..and more power..

    ken:)

    • Ken,

      Hindi lang posible kundi automatic na po na may ban ang lahat na nagbabakasyon at hindi na bumalik at sigurado rin ako na Year 2010 ay naka pag fingerprinting kana rin.

      The new Saudi policy says: Employees convicted of any violations in any of the GCC countries which includes violations of any labor or immigrations rules, will not be permitted to re-enter ANY GCC Country and Employees going on vacation and not returning and then trying to re-enter another GCC country will be banned.الموظفين المدانون بإرتكاب أي مخالفة في أي

      من دول مجلس التعاون الخليجي و التي تتضمن مخالفة أي من قوانين العمل أو الهجرة , لن يسمح لهم بالعودة لأي دولة من دول مجلس التعاون الخليجي. على سبيل المثال : الموظفون المغادرون في إجازة ولايعودوا, وثم يحاولون العودة إلى دولة أخرى من دول مجلس التعاون الخليجي سوف يتم منعهم.

      Ken, nasa sa iyo ang huling desisyon. Ang papel ko lamang ay magbigay ng payo na abot sa aking makakaya at basi sa aking mga experience bilang isang OFW na katulad mo. Kung iyan ang payo ng iyong kaibigan at kung may tiwala ka sa kanya, nasa sa iyo iyon.

      Good luck!

      Bong

  68. dear sir

    ask ko lang po if tama po ba na gumawa ako ng action ukol sa modir ko egyptian.
    ginawa po kasi nya ako ng kuento na ako daw ang nagturo sa mga kasamahan ko na hindi mag overtime.gayung 1 araw lang naman pokami hindi ng o.t 1 pa po ang sahod namin na 1918 ay di akma sa kinuha nila mga bago driver na kalahi nila na sumasahod n ng 2libo na wla naman ginagawa.di katulad namin na all around ang work. sa school po kami pumapasok maganda company namin kaso ang mga modir ang mga hindi tumutupad sa mga usapan. ng kakaisa po kami 10 empleyado na mag sampa ng reklamo laban sa kanya.

    • Jonas,

      Ang taong walang ginagawang mali ay di dapat mag react, kung hindi totoo ang kanyang mga sinasabi, huwag mo ng patulan. Mas marami ka pang mga pagsubok na pagdaraaanan at ngayon pal ang matoto ka ng magpakumbaba at iwasan ang init sa ulo or madaling mag react sa mga kuwento kuwento lamang.

      Huwag mo ng pakialaman ang sahod ng iba, at huwag kaiinggitan ang iba na walang ginagawa, ganito rito sa KSA, paiba-iba ang ihip ng hangin. Ang importante, may sahod kang natatanggap tuwing kataposan ng buwan. Huwag pairalin ang pinoy pride, wala tayo sa ating bansa.

      Hindi kita masisi na nahirapan ka sa all around work, dahil kayo ay nasa isang eskuylahan pero kung hindi talaga ninyo matanggap na ito ang inyong trabaho sa KSA, puwede kayong magsampa ng kaso kung iyan ang inyong desisyon at kung nakikita ninyo na may basihan ang mag-reklamo. Ngunit dapat lamang na tanggapin ninyo ang maging kahinatnan ng inyong mga balakin sa darating na mga araw.

      Bong

  69. dear sir,

    magandang araw po…sir, 3 years na po ako ngayong dito sa pinapasokan kong company (Saudi). Bale 2 years po ang contrata ko at evey year ang vacation. May third year ay wala na po akong contract na pinirmahan. ang tanong ko po…kapag e-terminate ko na ang contract ko anong computation ng indemnity na makukuha ko, half month every year of service or 1/3 month every year of service…

    thanks,
    rod

    • Rod,

      Dahil 3 years kana sa kompanya, ang end of your contract ay ang expiration date ng iyong iqama at hindi na masusunod ang unang kontrata. Para matapos ang kontrata, dapat lamang na hintayin mo ang expiration ng iyong iqama. Payo ko sa iyo, huwag ka munang mag resign dahil maging daan pa ito upang masilipan ka ng kompanya dahil sa paglabag sa kontrata.

      ESB is calaculated on the last monthly wage (LMW), which is your salary plus other allowances. Kung sakaling ayaw mong magapapigil at inaprobahan naman ng inyong kompanaya ang iyong resignation, babayaran ka ng serive award na 1/3 kung nakapagserbisyo ka ng hindi bababa ng 2 taon at hindi alalagpas ng 5 taon.

      Salamat sa pagbisita.

      Bong

      • Dear sir,

        Maraming salamat po sa inyong kasagutan. sir, mayroon pa akong tanong kasi nalilito ako sa artikulo 84 “natapos ang kontrata at 85 “kapag nag-resign”. Dahil sa aking kaso ay wala na akong kontratang pinirmanhan at nabanngit niyo po na expiration ng iqama ko ang basis (may iqama expires on Jul2012.). ang aking tanong, kapag sa July 2012 ako magsabi na hindi ko na ipagpaptuloy kontrata ko, 1/3 pa rin ba ang basis ng EOS computation.

        Thanks,

        Rod

        • Rod,

          Kung matatapos ang unspecified contract mo sa July 2012, ibig sabihin hindi ka nag resign kundi kinompleto mo ang kontrata, in this manner your ESB should be calculated based on the SLL provision Article 84: Upon the end of the work relation, the employer shall pay the worker an end-of-service award of a half-month wage for each of the first five years and a one-month wage for each of the following years.

          Bong

  70. Salamat po sir Bong sa sagut nyo po. Ang kaso ko po noon nahuli po ako ng mutawa na may bitbit na maraming CD noon pong 2001 napakahigpit po nila, then nakulong po ako ng bale 2 araw, tapus dinala po kami sa passport office di ko po tanda tungkul sa clearance noonkasi tinubus lang po kami ng kompanya namin, mag 22 years na po ako this july sa kompanya namin.

    Sir Bong tulong po ikaw lang po pag-asa ko, ikaw lang nagpapalakas ng loob ko, natakut po ako baka po matulad din ako kay Cris sya yung sumulat last night sa yo, hayun tinuluyan na syang pina exit ng MOI di na ni renew iqama nya iyak sya ng iyak kagabi po, maawa po kayo sa amin. Sir Bong di ako makatulog ng mabuti sa kakaisip. Thanks in advance po sa sagut ninyo.

    Sir Bong kayo lang talaga pag-asa ko! A million thanks po ulit sa inyo! Ingat po kayo palagi!

    • Mar,

      Pasyalan mo ang inyong HR, alamin sa 201 files mo kung meron bang ini-issue noon na police clearance, or nagpapatunay na nakulong ka at nalakalaya. Kausapin na rin ang iyong kompanya na isumite ang police clearance na ito. Kapag wala, pasyalan mo ang police station at humingi ng police clearance at isumite sa MOI.

      Bong

  71. Salamat Sir Bong sa advise, pero Sir Bong, hindi po nag pa blotter ung SABB sa MOI, ung totoo po may problema po ako noon pa ten years ago na po, that was September 2001 nahuli po ako ng mutawa at nakulong, ang gumugulo po sa isipan ko ay baka di na ma renew iqama ko this July. Kasamahan po ako ni Cris sa kompanya last night lang ho sumulat din si Cris sa yo at heto lungkut na lungkut nga sya dahil tuloy na ang exit nya. Tanong ko po ulit is:

    1. Makakatulong po ba ang SABB para di ako ma exit ng MOI dahil ang MOI naman ang nag de-decide na wag ng i-renew ang iqama.
    2. May loan po kasi ako sa SABB at mag mature pa sa 2016 bale 5 years po yun. Wala naman po kami ESB sa kompanya namin dahil binibigay na sa amin in advance pag nagbabakasyun.
    3. Sir Bong sana ma renew na po iqama ko para tuloy tuloy ang pag bayad ko sa na-i loan ko sa SABB.
    4. Sensya na po nagkalituhan lang po tayo. Wait ko Sir Bong sagut mo please sa totoo lang Sir Bong ayoko talaga mag exit kasi po mahirap lang po kami sa pinas, tulong po sir Bong! Ingat po lagi and God Bless!

    • Mar,

      Ano ang kaso mo? May clearance bang binigay ang police sa iyo na makapagpatunay na pinagdusahan mo or pinagbayaran mo ang iyong nagawang kasalanan sa loob ng kulongan?

      Bong

  72. Gud AM po sir Bong,

    Salamat po sa advise. May follow-up question pa po ako, sensya na po talaga, kaw lang po cguro ang makasagut nito. This year February po tumawag ang SABB sa akin na i-continue ko po ung loan ko sa kanila dati na po akong customer nila, since i’m a good payer nag offer po sila ulit ng loan sa akin payable for 5 years at medyo may kalakihan po, tanong ko po ay:

    1. Haharangin po ba ng SABB ang MOI kasi nga may outstanding loan po ako, mas gu-gustohin ko po ang ganito para po sa ganun hindi nila (MOI) ako ma exit, kasi po sila naman (MOI) ang nag de-decide na mag exit ang mga may dating problema which is kung tu-tuusin eh 10 years ago na yung problema ko.
    2. Wala naman po kaming ESB sa kompanya namin, kasi tuwing magbakasyun po kami ay binibigay na ng kompanya namin.
    3. Kung sakaling pabayarin po ako lahat ng balance ko pa sa na i-loan ko sad to say po ay wala po ako ganun kalaking halaga.

    Sir Bong, hingi lang po ako advise sa yo, please po gulong-gulo na po ako sa ngayun.
    More power sa blog mo, marami kang natutulungan na OFW. Tek ker & God Bless!

    • MJ,

      Huwag mong guluhin ang iyong isipan, mas nakakapanghina ang sobrang pag iisip, relax lang. Ang lahat ng problema ay may solusyon, huwag mag panic at itama ang mali upang maisa-ayos mo lahat.

      Walang ibang makakatulong sa iyo kundi ang mismong financial institusyon na kung saan may atraso ka. Puntahan mismo ang SABB, kausapin mo na handa kang magbayad sa lahat ng iyong pagkaka-utang, yan nga lang makipag-reconcile ka kung anong paraan na ayon sa iyong kakayanan. Sigurado ako na ang SABB ay makipag-ayos dahil kailangan rin nila na maibalik ang dapat para sa kanila. Pag meron na kayong reconciliation agreement, mag request ka sa kanila na e-lift ang blotter ng SABB sa iyo sa MOI. Kaya ka lamang nagkaroon ng problema sa MOI ay dahil nae-report ng SABB ang iyong problema sa MOI.

      Find time to visit SAB main office at alamin kung paano mo mai-ayos ang iyong problema. Please note na bawal po sa islam ang mag interest sa kahit ano mang financial na pagkakautang. Kaya huwag mo munang isipin na ang atraso mo ay lagpas leeg na.

      Good luck and take a deep breath.

      Salamt sa iyong pagbisita.

      Bong

  73. Gud PM po Sir,

    Sensya na Sir,

    Kasamahan po ako ni Cris sa company kagaya po nya may problema din po ako wayback year 2001. Iqama ko po mag expire this year July, may kasama po ako sa opis na katutubu nag open po ako ng problema sa kanya baka sakaling makatulong kasi may kapatid syang nag wo work sa MOI for 25 years at retired na nga po, Heto po tanong ko if you dont mind.

    1. Pwede po ba ako matulungan ng kapatid nya, kasi nangako naman po sa aking you office mate ko sabi nya”DONT THINK OF SOMETHING I WILL DO MY BEST TO TALK TO MY BROTHER ABOUT YOUR PROBLEM.

    2. Sir Bong sa inyo pong opinion pede po ba ako matulungan ng brother ng office mate ko? Thanks in advance po sa reply nyo God Bless & Tek ker po!

  74. Gud PM po sir Bong,

    Sir tanong ko lang po, 1996 po nag kaproblema ako at nakulong years has past till 2010 nag labas ang balitang kahit matagal na ang kaso ay pina de deport ng MOI, hindi po ako nagbakasyun last year gawa ng balitang yun, June this year po kinuha ng company ko iqama ko para renewal, after 2 weeks, i was surprised ng sabihin sa akin na depoted ako at blackisted na daw sa kingdom. Sir help po pede po paki open sa embassy natin ang ganitong patakaran ng MOI dito sa Saudi, kasi marami po kami dito na mga nag kakaso noon pa ung iba po year 2000 yung iba naman year 2002 yung iba more than 5 years na po. Sir ayaw talaga namin na mawalan ng trabaho sa hirap ng buhay at sa ganitong edad po 40 above po mahirapan na kami maka pag apply. Sir tulong po sana po mapaki-usapan ng ating embassy ang MOI. Yun nga po schedule na ko for deportation sa 25 June 2011. Sir sa totoo lang depress na depress na ako sa problema ko ganun din po yung mga ibang kasamahan ko dito nalulungkut sa ganitong balita. Sir sana matulungan mo kami dito, lalo ako sir next month ho i dedeport na nila ako sana po sa tulong nyo maagapan po ang problema ko. Kayo po ang ginawang instrumento ng Dios para makatulong sa mga nangangailangan. More power po & God Bless to you and to your family as well!!!! Ingat po palagi.

    • Cris,

      Naintindihan ko po ang iyong concern, mahirap po talaga ang umuwi sa atin na walang laman ang bulsa or wala kang savings. Mahirap na rin po sa ating mga 40 + na ang edad ang makakita ng trabaho sa ating bansa. Ngunit, Cris, ang bansang Saudi Arabia ay may sariling batas na dapat po nating sundin dahil tayo po ay mga bisita lamang po dito. Kung meron man tayong ninlabag sa kanilang batas, kailangan pong nakahanda tayo sa mga consequences na mangyayari in exchange for the offense we have had committed.

      Wala po tayong magawa tungkol dito at maging ang embahada natin ay wala pong magawa dahil ito po ay batas na dapat pong sundin. Dahil kung hindi po nila ito ma-implement, wala pong kwenta ang batas o kautosan na ito.

      Noon po, pag gumawa ng paglabag sa batas ang isang foreigner dito sa KSA, at siya ay nahuli, kinasohan, nahatulan, nakulong at nakalaya, pag may police certificate na hawak na ang nagkasala na nagpapatunay na siya ay CLEAR(ed) na sa kaso, siay po ay maaaring makapagtrabaho bilang isang malayang mamamayan sa Kaharian. Pero nitong huli nabalitaan ko rin sa aming Personnel Dept ang kautosan na ito. Para sa akin ang rulings na ito ay isa sa mga kaparaanan ng bansang Saudi ARabia upang mabawasan ang mga expatriate alinsunod sa kanilang Saudization plan. Saklaw po sa kautosan na ito na ipinatutupad ng Ministry of Interior na ang lahat na lumabag sa batas ng kaharian, nakulong man ito or pinagdusahan na ang mga kasalanan or nahatulan sa ginawang paglabag sa kanilang batas ay kailangan na pong ipa-deport or bumalik sa bansang pinangalingan at hindi maaari pang bumalik uli sa kaharian.

      Ipinatutupad po sa lahat ng empleyado (expatriates) na nahatulan ng anumang paglabag sa batas sa kaharian at sa mga bansang kinabibilangan ng GCC or Gulf Cooperation Council, ito man ay paglabag sa usaping paggawa (labor), immigration rules or krimen ay hindi na pinapayagang makapsok muli sa anomang GCC Country. Isa na rito ang mga empleyado na nagbakasyon or may Re-entry Visa at hindi na bumalik sa KSA pagkatapos ng kanyang bakasyon.

      Masakit man po sa inyong kalooban, pero wala po talaga tayong mgagawa kung Batas ng kaharian ang pag-uusapan.

      Salamat sa iyong pagbisita.

      Bong

  75. Sir,

    Mag exit na po ako sa company ko . 2year contract po ako tapos na po itong May 30, 2011. nakapag pasa na po ako ng Exit paper nung MArch 16, 2011 pa. and nag reply po sila sa akin na kailangan ko daw pong pirmahan ung isang papeles “Declarationa and Undertaking” at ang nakasulat dun ay hindi ako pwedeng bumalik ng KSA in 2 year time. ito po ung content nung undertaking.

    “(Therefore, I guarantee not to return to the Kingdom on any Visa or work in any competing or non competing companies. I acknowledge that I will not go against the Council of Minsters Resolution no. (826) as of 05/07/1395 and amended by resolution no (795) dated 11/06/1397 AH and which does not allow m back only after two years from the date of Final Exit from Kingdom. In the event of Exit the Company may request deported directly to my account through the Department of arrivals.And I take responsibility for anything happens to company’s financial or moral damage or others as a result of my stay in the Kingdom and I know all work rules. And on this sign and I am full my powers of mental and Psychological.)”

    Gusto ko lang po sanang malaman kung ito nga po ba talaga ung nilalaman ng Res.no 826. at amended po ba ito ng 795 . ito po bay applicable sa EXIT?.

    Marami pong salamat….

    • Manny,

      Mali po ang sinasabi ng inyong kompanya tungkol sa Council of Minsters Resolution no. (826) as of 05/07/1395. Ang resolution po na ito ay tungkol sa transfer of Sponsorhip or transfer of iqama from one employer to another. Please read my latest posting “tidbits” about this issue.

      Kung pipilitin kayong pumirma, sabihin mo na ipakita nyo muna sa POLO/OWWA ang undertaking kung puwede ba itong pirmahan.

      Bong

  76. Dear Sir,
    Yung contrata ko 4 yrs. and hindi pa natatapos po yun, yung sabi mu po kasi dati na ang contract namin ng employer ko sa agency ang masusunud dahil wala nmn kaming ibang kontrata na iba.
    Nalilito po ako kasi sabi mu ngayon unspecified and contract namin kaya ang babasehan yung expiry ng iqama ko.
    Gusto ko pong malaman kung alin ba talaga ang susundin na expiry ng contract ko, yung 4 yrs contract ko sa agency o yung expiry ng iqama ko. Plano ko po kasing mgfile na ng non renewal of contract pagdating ng expiry ng contract ko sa agency(Oct.10,2011) dahil tapos na yung 4 years contract ko. Yung expiry naman ng iqama ko sa dec.29,2011 pa yun.
    Paanu po kung pilitin nila akong tapusin ko yung expiry ng iqama ko, pwede po ba akong tumutul, tutal tapos na rin contract ko sa agency(yun lng ang kontrata namin ng employer ko).

    Pasensya po kung naging makulit na ako, gusto ko lng po maliwanagan ang lahat. maraming salamat po, hintayin ko po ulit ang inyong sagot.

    Robert J.

    • Article 51 The work contract shall be in duplicates, one copy to be retained by each of the two parties. However, a contract shall be deemed to exist even if not written. In this case the worker alone may establish the contract and his entitlements arising there from by all methods of proof. Either party may at any time demand that the contract be in writing.

      Article 37 The work contract for non-Saudis shall be written and of a specified period. If the contract does not specify the duration, the duration of the work permit shall be deemed as the duration of the contract.

      Bert, nasa sa iyo naman kung gusto mong ipaglaban ang karapatan mo na ayon sa iyong kalooban ay tama. Mag sumite ka ng sulat na mag end ang kontrata mo sa October, (conract that was signed in the Philippines by both parties) at hingin mo na may pagkukumbaba na gusto mong umuwi sa October. Kung papayag sila, masaya tayo, pero pag hindi sila papayag at gamitin nila ang artikulong nakasaad sa itaas, wala po tayong magagawa kundi sumonod sa kanilang batas. Kung gusto mo talagang ipaglaban, humingi muna ng payo sa POLO/OWWA.

      Bong

      • Dear Bong,

        Maraming salamat sa mga payo mo, napalakaing tulong e2 sa ating mga kababayan lalo na yung my mga problema sa trabaho nila.
        Pagpalain ka nawa ng mykapal at sna marami kapang matulungan kababayan natin d2 sa KSA.
        God bless po.

        Robert J.

  77. Good day! I’m working in saudi arabia as secretary and still employed in Construction Company and will be completing my contract on November 2011. I just applied in another Company here in KSA and I got an offer and promise that they will give me Visa before I’m going back to the Philippines. Now, I’m planning to RESIGN in my current Company and submit 30 days notice resignation this week. Let’s say my Current Company give me Exit Visa. My Iqama will be expired on January 2012. Question: Is it possible to come back immediately to another Company in Saudi Arabia without any hindrance even I resigned and not finish my 2 years Contract. Is there any problem I’ll face if I come back in another Company in Saudi? Somebody was telling that i have to wait 6months in the Philippines before to come back again in Saudi. Please advice!!Tnx..

  78. sir bong,

    may nakasaad po b s saudi labor tungkol s mga dependent n nagtatrabaho?kung ano batas tungkol d2.. kung may benefits po b clang dapat matanggap? thanks po..

  79. Good day!

    Ask ko lng po kung may nakakaalam ba ng mga possible reasons na ibabanned ng Singapore na papasukin ang isanf Filipino? nagwork po kasi ako sa Singapore e illegal ung pasahod sa akin nung employer ko nung gusto ko na magresign dahil may ibang job offer sa akin ayaw nya ko paalisin unless magbayad ako ng 5000SGD sa knya nireport ko na din sa MOM ung incident pro hinahanapan nila ako ng matibay na proof na hindi nga ako pinapasahod ng maayos nung employer ko e wala nman ako mapresent kasi every payday dinedeposit nung employer ko ung correct salary para sa foreigner tpos magwithdraw kami ska nmin ibabalik ung pera sa kanya kaya no choice na ko kundi umalis na lng ng di nagpapaalam at umuwi ng pinas. pwede kaya na na-banned ako nung employer ko?kasi gusto ko sana pumunta ng singapore pro this time hindi para magwork,makapasok pa kaya ako ng bansa nila?hindi nman Singaporean ung employer ko indian national sya na naging PR lng dun..nag inquire na kasi ako sa Singapore Embassy d2 sa pinas wala din cla maibigay na sure na sagot..sana may makatulong po at salamat!

    • Joy,

      Medyo limitado ang kaalaman ko tungkol sa polisiya nila sa mga foreign expats.

      Ngunit, hindi malayo na ang situwasyon mo ay maaaring magdulot ng problema dahil nga sa ikaw ay indi nagpa-alam ng maayos sa iyong employer. Sana may mga readers tayo na makapag bigay ng tamang sagot sa iyong katanongan.

      Thanks for coming.

      Bong

  80. Dear Sir Bong,

    I just want to ask if I’m going exit this Oct.10,2011, because my 4 years contract will expire on the said date, what will I do to make sure that I’ll be given exit on the exact date of the expiration of my contract?
    How many months in advance will I file my exit letter or letter of request for non renewal of my contract because I want to go exit already.
    If I go exit because I already have finish my contract, can I go back here in KSA?
    What if they give me exit but they say again I can’t come back in KSA (Because they don’t want me to leave my company), what will I do?

    Please give me sir your helpful advise because I know my company management will make way so that I won’t leave them because they needed me so much).
    Thank you and god bless you for helping us.

    Sincerely yours,
    Robert Paul Jaucian

    • Bert,

      Kung 4 years ang contract mo para ka na ring nag work in KSA with unspecified contract duration, ibig sabihin ang expiration ng iyong iqama ang end of contract mo.

      Sa batas, 1 month notice okay lang pero mas maganda kung 3 months before ka mag exit, mag submit ka na ng notive of non renewal of contract para at least mahaba ang time para sa paghanap ng iyong kapalit.

      If you have exit clearance, you can come back to KSA anytime. But not in another company with the same line of business with your present employer. Especially the same line of job and you have access to the company’s confidential records.

      Bong

  81. sir,

    elow po..isa po akong dependent n nagtatrabaho s dammam s isang rehabilitation complex..nagstart po ako d2 magtrabaho last 2009 pumirma po ako ng kontrata nakasaad n may tiket ako yearly..pero nito pong 2011 ang sbi po s akin ay di n raw ako makakakuha ng tiket dhl daw nakasaad s saudi labor law n walang gnung benefits para s mga dependent at s new contract nla gnwa un pero ang contract ko ngyn ay for renewal n lng..pede po b nla basta tabggalin un at ano po ba ang batas s mga dependent..kung nagtatarabaho mga mga benefits din po b kmi n dpt matanggap s company n pinapasukan nmin?..kht po transfer ng iqama ayw din nla dhl dw sponsor ko n dw asawa ko..gusto ko po kc p transfer s knla para ma legalize nman ang pagtrabaho ko d2.. thanks po..

    • Cathy,

      Sa batas paggawa ng KSA ay hindi po malinaw ang tungkol sa tiket, ang nakasaad lamang po doon ay “the employer shall incur the fees pertians to… return tickets to the worker’s home country at the end of the relation between the two parties.”

      Usually po nakapaloob po sa kontrata ang usapin tungkol sa ticket. Hindi po dapat ito mabago not unless pumirma ka ng bagong kasunduan. Kausapin uli ang iyong employer.

      Bong

    • Dear Sir/Madam,

      Maari po bang magtanong tungkol sa travel ban, nagtrabaho po ako sa Dubai, ng United Arab of Emirates nang mahigit 3 taon at anim na buwan, nagkaroon po ako ng utang sa local bank doon sa Dubai, sa sobrang hirap sa trabaho at kadalasan po ako’y nagkakasakit dahil sa sobrang stress at di ayos na pagtrato sa kanilang mga trabahador kabilang na po ako roon. Nagpaalam po akong magbakasyon noon December 2, 2010 ngunit sa kadahilanan po na naging kondisyon ko sa health nagdecide na po ako na di bumalik sa job ko sa Dubai. Ngayon dahil wala na po akong work at di na nakakabayad sa aking utang doon sa bangko may natanggap na tawag ang aking asawa mula sa Dubai na may travel ban na raw po ako. Ngayon, iniisip ko rin po na magtrabaho ulit sa middle east kasi po wala po akong mapasukan trabaho dito sa Pilipinas. At gayun din po gusto ko kahit papaano mahulugan ang aking mga pagkakautang doon Dubai, willing naman po akong magbayad kung ako’y makakuha ulit ng trabaho sa abroad. At gusto ko po sanang malaman dito sa ating kung anong ahensya ang puwedeng tawagan at kung totoo nga pong may travel ban ako.

      Maraming salamat po, sana’y matugunan po ninyon ang aking katanungan.

      • Lito,

        Totoo po na may ban sa mga ganitong problemang pinansyal at maaaring ban ka rin sa ibang GCC countries dahil ang mga ito ay may mga international cooperation agreement tungkol sa usaping pang pinansyal. Kung creit card po o ano man na finacial facility or institution ay dadaan sa banko. Ang pinaka-maganda mong gawin ay alamin mo kung anong couterpart na banko or credit facility mayron sila sa Pilipinas at doon ka mag inquire kung papaano ma solusyonan ang iyong problema.

        Bong

        • Dear Sir Bong,

          Sir, maraming salamat po sa inyong kasagutan, may follow-up question po sana ako. Hindi na po ba ako puwede mag-travel abroad sa ibang lugar not related sa GCC countries? Kung magkaroon ng chance na makakuha ako ng job sa Asian countries puwede po ba ako makalabas ng bansa. Hindi po ba magkakaroon ng problema sa imigration. Thank you… Maraming salamat po ulit.

          Lito

  82. Sir Bong,

    Isa po ako sa OFW na working dito sa Saudi Arabia, Mag eexit na po ako sa present company ko itong taon 2011, pero sa sunod na taon pa po (2012) ang expiration ang iqama ko, kung sakaling papayag itong present company ko na aprobahan nila ang exit ko ng wlang problema maging okey rin po ba ang situation ko kapag isang buwan o isang linggo ay babalik ako sa ibang company dito rin sa Saudi? dahil andito rin ang family ko. May offer ang ibang company sa akin at ipapadala nila sa akin ang visa at referral na pupuntahan ko na manpower agency sa Pilipinas. Maging okey rin po ba lahat ng proseso sa pagbalik ko dito at lalo na sa immigration dito sa saudi may maging problema po ba ako?

    May gusto lang po akong linawagin sa mga sumusunod na katanungan:

    1. Isa po sa narinig ko sa balibalita ay kung mag eexit ka sa alin mang company dito sa Saudi ay kaylangan ba mag hintay ng dalawang taon bago makakabalik dito sa Saudi kahit na aprobado ng company ang exit pero ang iqama ay hindi pa expired.
    2. Kung sakaling tatapusin ko ang expiration ng iqama ko ngaun 2012 bago ako mag exit sa company at aprobado naman ng company ko ang resignation (exit) ko. kahit linggo lang ba ako babalik dito sa Saudi ay wala ba akong magiging problema?

    • Mhon,

      Maaaring payagan ka or hindi. Tingna muna natin pag may request kana. Pero kung sakaling papayag man at di mo pa natapos ang kontrata, mag expect ka na hihingi ng kabayaran ang iyong employer sa nagastos nila sa pagkuha sa iyo sa Pilipinas.

      1) Pag hindi pa expire ang iyong iqama, ibig sabihin may record ka pa sa immigration or jawasat na maaring maging dahilan sa problema.
      2) Palagay ko hindi ka agad makabalik sa loob ng dalawang Linggo, kung 2 or 3 months puwede pa. Pero siguradohin na malinis at maganda ang relasyon ninyo ng iyong employer dahil kung sakaling hindi maganda ang inyong relasyon maaari kang maipa-ban.

      Bong

      • salamat po sir bong sa inyong walang tigil sa pagsagot sa aming mga katanungan,…tatanong ko rin po kung sakali man na maging okey ang laht sa pag exit ko ipag palagay po natin na malinis laht at pinagbayad nila ako sa iqama ko at iba pa na may exit clearance na po ako sa pag uwi…at ngaun babalik ako sa ibang company dito rin sa saudi magkakaroon po ba rin ako ng problema kung ka line up ng business ng dati kung company ang magiging bago kong kompanya? lalo na kung wla akong NOC sa dating kong kompanya?

        • Mhon,

          Sensya na, matagal ang sagot ko.

          Mhon, may hawak ka bang sensistibong information sa kasalukuyan mong kompanya? Magkaroon ba kaya ng “conflict of interest” ika nga kung lilipat ka sa pinupuntirya mong lilipatan? Sa madaling salita, kakumpetinsya ba ng employer mo ang gusto mong lipatan?

          Kung sakali man na mag-kakumpetinsya ang dalawa at ito ay napansin ng Saudi Embassy, hahanapin sa iyo nito ang NOC.

          Bong

      • Sir Bong,

        Kahit po bang okey lahat ang exit ko with the exit clearance galing dito sa aking kompanya, at kung hnd nmn expire ang iqama magkakaroon din po ba ako ng problema sa visa stamping o dikaya saudi immigration? maging okey din po lahat pagpasok ko dito sa saudi ulit lalo na at hnd ka kompetensiya ng dati kung kompanya itong bago kung tutuluyang kompanya? …. salamat po.

        • Mhon,

          PAiba iba yata ang inquiry mo he he! Sa susunod isulat mo na with corresponding numbers para malaman ko na hindi iisa ang iyong concerns at masagot agad in one reply.

          Kung maganda ang inyong paghihiwalay ng iyong employer, with exit clearance kahit na hindi pa expire ang iyong iqama, at hindi pareho ang linya ng business, makakabalik ka agad sa KSA.

          Bong

  83. salamat bong so inaasahan ko isang linggo mula ng ako ay materminate hanggang wednesday ay dapat iprocess na nila ang exit visa ko kung hindi po ay lalabag po sila sa batas at pwede po akong magreklamo.

  84. sir nareceived ko po ang termination letter effectivity date po is april 6, 2011.until now po april 10 is hindi pa po pinaprocess nila ang pag uwi ko. meron po ba sa saudi labor law kung hanggang kelan dapat manatili ng empleyadong tinerminate ng kumpanya.diba dapat po pauwin na nila ako..salamat po.

    • Sol,

      Take note of this article.

      Article 88. Upon the end of the worker’s service, the employer shall pay his wages and settle his entitlements within a maximum period of one week from the date of the end of the contractual relation. If the worker ends the contract, the employer shall settle all his entitlements within a period not exceeding two weeks. The employer may deduct any work-related debt due to him from the worker’s entitlements.

      In your case, ikaw ang tinerminate ng kompanya at kung ating bigyan ng linaw ang nakasaad sa itaas, ang end of service mo ay April 6, sa dahilan na hindi naman ikaw ang nag resign kundi sila ang nag terminate ng iyong serbisyo.

      Thanks for coming.

      Bong

  85. hi!

    pag po ba nga final exit sa qatar, compulsory ba na sa PInas ( point of origin) o pwede ka ba dumaan sa ibang country ( ie, singapore) ?

    thanks!

    • Cat,

      Point of origin po ang pinag-uusapan pag mag exit ka na. It means kung saan ka nanggaling doon karin uuwi pag mag exit ka. Puwedeng dumaan sa Singapore, transit, ibig sabihin, 1 hour or 2 hours ka lang doon at hindi ka puwedeng lumabas sa airport. Pag lumabas kaman sa airport, dadaan ka sa singapore Immigration office at humingi ng pahintulot or approval kung puwede ka bang lumabas sa airport. Pero bihira po itong mangyayari dahil ito ay ibinibigay lamang sa mga may diplomatic passports.

      Bong

  86. Good day!

    Sir, what is the exact regulation as per SLL in terms of FINAL EXIT?

    Is one month grace period enough? I’m here in Kingdom for 7 years now and have decided to file final exit but my company is saying notice should be submitted at least 3 months?

    Do I have a right to fight for this? Exactly I have tendered one month notice.

    Please advise. thank you in advance.

  87. greetings sir!

    This is hanz & previously worked in saudi arabia. what i experience in that country is a nightmare and i promised to myself that i will never come back again to that kingdom…
    Imagine i was kidnap by saudians people and they about to rape. the bad thing is ako pa ang napasama at knasuhan ng prostitution. nagka2so nga ako at nakulong at paparusahan ng 3 months imprisonment & 200 slashes pero d natuloy kasi ramadan is approaching, pinalaya ako kasi ramadan pardon daw. i continue working in my company until my company advised me na ibabalik na ako sa pilipinas & they told me that my case was already clear. but nung pinauwi ako bakit sa deportation area ako pinasakay ng plane? pero ang tinatak sa passport ko is exit… my question is makakaapekto po kaya ang case na yun sa pag pasok ko to any gcc countries? thanks po sir! God bless & more power to you…

    • Hanz,

      Ipagpaumanhin po sa delay ng aking response. First 3 months of the year ang pinaka busy sa aking trabaho kaya late ang reply ko sa inyo at ating mga kahanay na may mga inquiry.

      Dapat sana may kopya ka ng clearance kung sinabi nilang your case is cleared. You were deported sa tingin ko dahil bakit sa deportation area ka nanggaling at hindi sa natural na proseso. Ibig pong sabihin paina deport ka ng saudi authorities dahil sa iyong nabanggit na kaso. Pero dahil ikaw ay na deport, it means cleared ka na nga sa kasong prostitution.

      Kung hindi ka babalik sa kaharian, walang problema, maka pag apply ka sa other GCC countries, kung sakali man na hindi sa Pilipinas pa lang malalaman mo na. Para sa mas konkretong kasagotan, tanongin mo sa iyong recuitment agency ang iyong concerns.

      Regards.

      Bong

  88. Sir,
    Galing po ako ng saudi at tinapos ko po yong 2 years contract ko,nagbigay po ako ng notice sa employer na for exit na ako,pero ayaw nilang magbigay ng final exit bagkus exit re-entry ang binigay sakin.Gusto ko pong mag-apply ng qatar.Ano pong maipapayo nyo?tnx

    • Keisha,

      Kung sa Qatar ka planong magtrabaho, subukan mong mag-apply at kung matatakan ng Qatar Embassy ang iyong passport ng working visa, ibig sabihin walang problema. Pero kung dito kayo sa KSA balak bumalik ay huwag mo ng ituloy kahit sa pag apply pa lang.

      Payo ko po sa mga gusto talagang mag-exit sa KSA, kung kompleto po kayo ng dokumento na nagpapatunay na kayo ay may aplikasyon for exit at ito ay ayon sa requirement ng batas paggawa, – ipaglaban po ninyo ang inyong aplikasyon for exit. Kung ang kompanya po ninyo ay may history or nakasanayan na ginagawa ito sa kanilang worker, huwag ng hintayin pa ang araw na makita ninyo sa inyong passport ang exit re-entry visa, dapat lamang na ngayon palang ireklamo na ninyo sa Jawasat or passport department or humingi ng assistance sa POLO or Embahada.

      Salamat sa pagbisita.

      Bong

  89. exit re entry po ang gagamitin kong uuwi pero di na ako babalik sa dating company dito sa saudi. babalik ako dito sa saudi pero ibang company na. i will just renew my passport at gagamitin ung bagong visa ng company na kukuha sakin. wala po bang problema sa immigration pag bumalik ako after 2 months kahit na valid parin ung re-entry visa ko doon sa lumang passport? paano po ung dating record ko sa jawazat kasi nagfinger print na rin ako doon. wala bang problema unless na di gagawan ng dating kompanya ng record ang pangalan ko..maraming salamat…

    • Frank,

      May problema dahil may re-entry visa ka at puwede kang ipa-black list ng iyong employer at maharang ka sa immigration dahil active pa ang iyong record sa immigration dahil ang mga OFW na may bagong employer ay subject of fingerprinting. Ibig sabihin malalamn na may active record ka with re-entry visa.

      Bong

  90. Dear Sir,
    Ngwork po ako sa saudi nung 2007 . natapos ko po 2 yr contract ko pero ayaw nila ako mg exit.pinaextend nila ako kc hihintayin ko dw replacement ko. umabot n ng 1 yr ang extension ko pero ni anino ng replacement ko sana e wla dumating.kya ngbakasyon ako nung march 2010 at d n bumalik. may possibility b n banned ako for employment sa other gcc countries? may offer kc ako ng work sa uae ngayon. d kya ako mgkakaproblema? yung passport ko kc may tatak pa nung work visa ko nuon sa saudi, pwede ko b gamitin un? sabi kc nila kuha n lng dw ako ng new passport.. thanks po sa reply.

  91. Bong,

    Actually ang nangyari ksi dpat ang destination ko muna eh s dubai at since naipasa ko na passport ko sa kanila nun knowing nga na dubai muna punta ko eh bgla ngbago at direct saudi n daw ako, tpos sbi nga ng agency dito hwg n daw ako mgpalit ksi underprocess n daw temp woring visit ko for saudi sbi p ng agency bsta wla k nman iniwan na problema sa dati employer eh ok nman daw. Kaya nagtatanong ako kng ok lng na bumalik ng dati passport sa saudi. Bong lulubos lubusin ko na pagtatanong sayo, sabi ng employer eh temp work visit ang bbgay saken, tingin month ba papayagan ako ng immigration dito sa pinas n makaalis? At kung kuwestyunin man ako ng immigration dito ano kaya pwde ko sbhin sa kanila. Meron bang such thing as temp work visit visa for saudi? Iba ba ito sa visit visa? May napagtanungan din ksi ako dito sabi pag visit visa daw at pag hindi relative ang nag sponsor sayo hindi k ppyagan umalis ng immigration officer, pero sa temp work visit visa possible ba ito? Maraming salamat bong. Godbless u and morepower!

    • Joey,

      Kung iyan ang advice ng agency, siguro alam nila ang kanilang sinasabi or payo para sa mga worker na pinapa-alis nila.

      There is no such thing as temporary work visa in the Kingdom, visit visa could be and it is renewable for a certain period of time like 3 or 6 months.

      Passport department can issue visit visa upon request of the company by way of an invitation letter. Meaning – an invitation letter adressed to you from the company requesting you to come to KSA. The letter should have a valid reason why the company needs’ you to come to KSA. Pag ma-convince ng company ang Passport Department, then they can issue a visit visa.

      Bong

  92. Hi Bong,

    Thanks for the swift response, tama ka na hindi ako protected ng ating gov’t, pero tingin ko naman eh gagawin nila ang lahat para maayos ang pag transfer to a working visa as what they’ve promised me in written and in verbal communication. Tungkol naman sa pag gamit ko ng passport ok lang ba yun kahit bumalik ako na the same ang passport at wala akong NOC though nag exit naman ako sa saudi without any pending obligation sa employer? Lastly, mayroon ka na bang nabalitaan na bumalik on the same passport but was held in the immigration dahil may pending dues sa credit card? Actually i just informed my friend to pay muna yung monthly ko sa credit card then send to me the proof of payment.

    Maraming salamat ulit bong this blog certainly is a big help to our fellow ofw’s.

    godbless.

    • Jo,

      Nakalimutan ko ang tungkol sa Passport. Kung dadaan ka ng agency, sila mismo mag advice sa iyo na kumuha ng bagong passport. Kung ako rin ang tanongin mo, mas mainam siguro na kumuha ng bagong passport total wala ka namang problema sa KSA. Ang credit card naman, kung sakaling ma trace nila ang fingerprint mo na ikaw iyon, wala namang problema dahil bayaran mo naman ito.

      So far, wala rin akong nabalitaan na nagkaproblema sa immigration dahil kung ako ang banko, mas magpasalamat pa ako na bumalik ka kaysa doon kita hahabolin sa Pinas. Pag nasa Saudi kana, at pag may iqama ka, mas madali ang pag trace sa iyo.

      Bong

  93. Sir,

    Hope you can give me advise…nag exit po ako sa jeddah lat oct 2010 wala naman po ako problema sa dati kung employer in fact nabigyan pa ako ng employment certificate, kaso may naiwan akong pending dues sa credit card ko, so mula ng umalis ako till present for about 3 months na hindi ako nakabayad. lately po meron akong offer sa isang company to work in jeddah again kaso ang visa ko daw muna is temp work visit tapos dun na daw nila aayusin ang visa ko dahil sa urgent ang requirement ok lang ba na hindi na ako magpalit ng passport knowing na nag exit na ako last year kaso ang tanong ko po eh pwede kaya ako mahold sa saudi immigration dahil sa credit card ko at ok ba na temp work visa lang ako? Nag finger print din ako nun so yun ang mga concerns ko. salamat po

    • Joey,

      If I were you, medyo alanganin ako sa visit visa kasi pag-alis mo diyan sa atin, hindi ka isang OFW na matatawag dahil wala kang dokumento bilang isang OFW. Pag may mga problema, maliban sa wala kang benipisyo na makukuha hindi ka protektado ng Phil. government. Ang tanong, may kasiguradohan ba na gawin nilang legal ang iyong status pagdating dito bilang expatriate worker? Kung meron, ikaw lamang ang puwedeng mag decide kung tanggapin mo ito.

      Tungkol sa credit card, usually po bago ka maka exit, dapat po at obligado pong bayaran mo ito ngunit kung hindi kapa nasingil, wala po itong problema dahil sila po ang may mali na hindi nakita sa record mo na may obligasyon kang dapat ayosin. Ibig sabihin po, singilin ka parin nila pero wala kang batas na sinuway tungkol dito. All you have to do is to promise to pay your obligation.

      Good luck.

      bong

  94. sir,

    Itatanong ko lang kung nagiissue ba ng lifetime ban ang U.A.E.?, kasi sir ako ay nagtatrabaho noon sa isang semi-goverment company sa dubai, at ako ay tumagal ng 9 na taon sa kumpanya, noong pumasok ako sa nasabing kumpanya alam ko na ako ay mayroong problema sa baga sinabi sa akin ng duktor na ako ay may minimal ptb ito ay nangyari noong ako ay nasa dati kong trabaho sa pilipinas taong 1997,- year Nov. 2000 ng ako ay nakapasok sa kumpanyang ito sa Dubai dec. last year ako ay nagmedical para makakuha uli ng panibagong visa na tatagal ng 3 taon, pero sa kasamaang palad nakita nila na may marka nga sa aking baga, tinanggal nila ako sa trabaho at pinauwi na dito sa pinas pero nakuha ko naman ang lahat ng benipisyo ko, dahil nga sa inakala kong bumalik uli ang sakit ko ako ay pumunta sa LUNG CENTER OF THE PHIL. para sa medikal ako ay sumailalim sa isang CT SCAN PROCEDURE upang malaman kung ang nasabing marka ay aktibong TB o hindi, Ang naging resulta ay negative naman ako sa TB, ang nakita nilang marka ay isang uri na lang na peklat sa baga at ako ay binigyan ng MEDICAL CERTIFICATE na nagsasabi na ako ay FIT TO WORK at walang anumang sakit.ngayong nakalipas ang isang taon gusto nila uli akong magtrabaho sa kanila at ang posiyon ko doon ay bakante pa, Ang tanong ko po ay: kung ang U.A.E goverment ay tinatanggap ang MEDICAL CERTIFICATE na galing sa pinas at ako po ba ay ban for life na sa DUBAI? at kung hindi naman po ano ang dapat kong gawin para muling makabalik sa DUBAI at muling makapagtrabaho? Walng ibinigay na ban sa akin ang aking kumpanya? Ang problema ko po sabi sa akin ng asawa ko na nasa dubai ngayon pinacheck nya sa kanyang kasama at napagalaman nya na ang aking pangalan daw ay may markang pula. ang ibig po bang sabihin nito ay ban na ako for life? yung lang po at salamat

    god bless po
    allen

    • Allen,

      Tested positive for TB would automatically ban anyone from attaining a residence permit in UAE but not for life. Those expats who undergo medication after tested positive can come back but be reminded that when you arrive UAE you will undergo again a medical exam that would be different from the test given to you in Pinas.

      I think you need to visit GCC accredited clinics or hospitals in Pinas and ask what are those procedure and tests acceptable to UAE. Sa ganitong paraan, pag nag negatibo ka, at pagdating doon ini-examine ka uli with the same procedure and testing methods sigurado ka na mabigyan ka ng Residence permit.

      Regards and good luck!

      • hello sir,

        i just want to know kung pwedepang bumalik sa dubai kahit deported ka na due to ptb. Same to allen nagwork din po ako dun sa dubai but unfortunately they categorized me as Unfit to work. Ayun po pinauwi po ako sa pinas, nagpunta pa po kami sa MOI ng PRO namin para macancel yung working visa ko, nagpa eye scan din po ako dun. Does it mean na forever banned na po ako sa UAE? This was happened November 2010. Sabi ng PRO namin pwede pang bumalik basta makakuha ako ng certificate and kung papayagan ako ng UAE embassy dito sa pinas. Nagpunta din po ako sa GAMCA clinic pero ayaw nila akong bigyan ng certificate kasi daw po may scar po ako. Is there any way para makabalik ako sa dubai? Please do reply… thanks

        Gail

        • If a person had lung disease, pneumonia, past TB which left scar on his/her lungs, no matter he/she is healthy now, have no health issues or disease, he/she is medically UNFIT according to GAMCA guidelines. – GAMCA

          Gail,

          MArami po ang hindi sumang-ayon sa patakaran ng GAMCA at isa na ako sa mga ito.

          Bong

  95. Sir Bong,

    Magbabakasyon din ako from KSA with exit/re-enrty visa, pero ayaw ko na bumalik. Ngayun may offer sakin sa Kuwait pero Visit Visa ang gagamitin nila. Makakapasok bko sa kuwait ng wlang problema?

    • Boris,

      Hindi ko masabi na walang problema pero sana nga po na wala.

      Matanong nga kita, visit visa ang dala mo sa Kuwait? Mag desisyon ng mabuti at huwag padalos dalos dahil kung visit visa ka, wala kang records sa POEA.

      Bong

  96. Sir,

    belated happy new year po sa inyo, ako po ay nagwork dito sa KSA at patapos na po aking contrata na 2years sa company ko. before po ako mag two years dito sa saudi na renew na po aking eqama and which is 2years validity na po. And im planning to go philippines this coming July 2011 which is 7 months extension to my 2years contact. Now im planning to file for final exit, Sir sa tingin po ba ninyo ay ma grant ang aking request while my eqama is mahigit 1year more or less pa ang remaining validity bago ma expire?

    In addition po, if my employer will not grant my final exit request im planning to transfer to Qatar. My second question is pwede po ba ako makapasok sa qatar legaly without filling an exit visa here in KSA? please help….thank you in advance and more power to you Sir…

    • Jessie,

      Muntik ko ng makaligtaan itong inquiry mo. Sa dami kasi ng mga kahany natin na nag-inquire medyo nahihilo ako he he!

      Jessie, hindi ka nagbakasyon pagkatapos ng iyong kontrata, may pinirmahan ka bang bagong kontrata? or nag exrtend ka ba? kasi po. iba ang renew of contract at extension. Linawin mo ito sa kompanya dahil kung extend ka, puwedeng puwede kang mag final exit anytime ayon sa inyong napag-kasundoan.

      Bong

  97. Sir Bong,
    Magawa ko lang na matanung kung ano ang mangyari sa akin kasi may exit re-entry ako pauwi pinas kaso ayaw ko nang bumalik dito sa Saudi. Sabi ng iba band na daw ako dito sa GCC country, totoo ba yun? At hanggang kailan ang pag ka band ko dito sa Saudi o sa mga ibang GCC country?

    • Dwin,

      Kung may re-entry ka medyo alanganin pero gaya ng sabi ko, humingi ng advice sa recruitment agency.

      Linawin ko lang, ang GCC ay isang organisasyon ng mga bansa sa Gulf countries kaya ang pangalan ay Gulf Cooperation Countries or Council. Ang samahan na ito ay may mga cooperation agreement sa usaping labor, trade, pang ekonomiya at iba pa. Hindi malayo na mayron silang pinag-usapan tungkol dito, pero wala pa akong nakitang black and white or dokumento tungkol sa iyong concern.

      Regards and good luck!

      Bong

    • Mrs. Lorna P.,

      Kung ikaw ay lehitimong asawa ng nabanggit mong nagloko, simple lang po, bisitahan ang OWWA office na kung saan kang lokasyon ngayon at ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang iyong problema. Dalhin mo lang lahat ang mga papeles na makapag papatunay na asawa ka ng taong ito at sila na po ang bahala na gumawa ng hakbang tungkol sa iyong hinaing. Ngunit, bago mo gawin ito, dapat lamang na may ebidensya kang pinanghahawakan para makumbinse mo ang OWWA na may basihan ang iyong reklamo.

      Good luck!

      Bong

  98. Sir. Bong,

    Warm greetings! Advance Merry Christmas! Heto po yung kaso ko may contract of 2 years dito sa Saudi Arabia po matatapos na na Mayo 2011. And I am decided na di na magcontinue. Ok ibabalik po ako sa point of origin sa Pinas butthe visa will be exit re-entry. Lagi ganito po ginagawa ng amo namin. Pero what if decided po ako bumalik sa Saudi Arabia ng ibang company na mas malaki offer sa akin? Di na ako nagreklamo nung una kasi apply ko sa Agency Acctg/ Secretary pero pagdating dito is sa Reception dinala, then yung visa ko sa po sa agency is labor visa cge ok lang but the problem is yung company alam ko dito ako papasok pero yung contract pinapirma sa akin sa agency is ibang Company as in sa riyad sya at labor ang work ko at 2 years contract. alin po ba valid ang contract yung dito sa amo ko? or sa pagprocess sa POEA na contract? pinipilit naman ng amo namin na 3 years contract ko sa kanya. If pagpipilitan ko 2 years makakauwi po ba ako? ano mga benefits? and besides may advance salary po sya kinuha sa amin yung first salary ko pending as in pondo daw po pag nagbakasyon dun nya ibibigay which is wala sa usapan noong mag conduct sya interview. Heto po yung problema ko may magagandang offer ng mga company dito kaya lang need ho ba yung NOC? if iba naman po position at ibang industry naman po yung company pwede po ba makabalik dito sa KSA?. May mga connection po amo namin sa Ministry of Labor dito at sa Jawazat inaalala ko kung babalik po ako baka i hold naman po ako dito….

    Please advice po.

    Thanks and God bless you po.

    • Mer,

      Dapat kung ano ang napagkasundoan sa Pilipinas ay dapat pareho rin dito sa KSA. Even if you need to sign a new contract it must be the same kung ano ang napag-usapan sa Pilipinas. The problem here in KSA with or without your consent mapipilitan kang pumirma sa bagong kontrata na hinahanda nila sa kadahilanan na nandito ka na. The worst thing is when you file a complaint to the Labor Office, the Arabic contract is the document required docs to be presented as evidence. And for the fact that you signed the contract – it means you have the consent and you agree to the terms and conditions stipulated in the contract.

      Basahin or ipa translate ang iyong kontrata kung ilang taon ang iyong kontrata 2 years ba or 3 years. Kung 3yrs man at kasama ito sa mga kondisyon sa iyong pinirmahang kontrata, malinaw na may consent ka.

      Mer, kung gusto mo pang bumalik sa KSA despite of all the bad experienced, you must tell your employer the truth that you don’t want to renew your contract. Mas maganda na rin kung magsabi ka ng totoo kaysa naman kabado ka.

      Visit POLO office kung ano ang dapat gawin.

      Bong

  99. sir,
    pag nag-exit po ako kc mattapos na po ang contract ko rights ko po ba na makuha ang original copy ng license ko as a nurse pra po magamit pang-apply ulit pabalik?paano po pag ayaw nila ibigay ang orig pwede po ba ang xerox? paano din po kung ayaw nila magbigay ng COE at NOC kahit nacomplete ko ang 2years contract ko? ano po ang gagawin ko para maibigay nila iyon sakin? tapos hanggang ilang months po pwde nila ako mahold kc they need my service kc wla pa po kapalit? pls po paki answer.. beacuse i’m planning to talk with my employer regarding on this matter.. thank you po and GOdbless…

    • Rose,

      Kung ang employer ay hindi magbigay ng NOC, hindi natin ito mapipilit na magbigay dahil ito ay nasa employer lamang kung magbigay or hindi. Ngunit sa iba mong katanungan, malinaw po na dapat lamang nilang ibalik ang iyong lisensya or diploma or mga original documents na iyong pag-aari. Ang batas tungkol dito ay ito:

      Art. Article (64):

      Upon expiration of the work contract, the employer shall be required to:

      (1) Give the worker, upon his request and free of charge, a certificate of work experience, indicating date of his employment, date of end of work, his profession, and the last wage received. If the certificate contains any remarks that are prejudicial to the worker’s reputation or likely to limit his employment chances, the reasons shall be given.

      (2) Return to the worker all certificates and documents he had submitted.

      Kung ayaw ibigay sa iyo, ipakita mo sa kanya ang provision ng SLL Art. 64.

      Regards.

      Bong

          • sir,
            i have another question po..ano po ang dapat kung gawin Sir main requirements po ng inaapplyan ko ngayon ay ang NOC..the problem is ayaw magbigay ng employer namin..at isa pa po ung Saudi license ko po as a nurse,ayaw po nila bigay ang original..i have only a xerox copy..indi din po nagbibigay ang employer namin ng COE kahit nacomplete namin ang 2 years contract.. minsan tinatakot po nila kami na kapag hindi daw po kami magrenew ibaban kami dito sa saudi.. kami po ang nagbayad sa Saudi license namin dahil kinaltas po nila un sa sahod namin..pero ni hindi namin ito mahawakan.. Sir what are some articles na nagsasaad po ng mga rights about this? can you please help me about my rights? pra nman po indi nya kami basta basta matakot about this.. yang mga sinabi ko po ay based on the experienced at mga sinabi ng mga other nurses before.. as I said before, malapit na po ako mag-end ng contract..i’m confused po Sir.. please help me.. thank you po Sir.. and it will really help me a lot.. Godbless and have a happy holidays…

            • Rose,

              Gaya ng sabi ko, puwedeng hingin sa kompanya ang NOC, ngunit hindi sila obligadong magbigay dahil wala po sa batas na ang kompanya ay dapat magbigay ng NOC sa kanilang worker.

              Ma ban lamang po kayo kung mayron kayong pinirmahan na Promissory Note or Undertaking na na hindi kayo babalik sa KSA for a certain period of time or within 2 years. The employer may ask you to sign an undertaking based on SLL Art. 83 ” If the work assigned to the worker allows him to get acquainted with the employer’s customers, or to have access to his business secrets……

              Huwag pumirma ng undertaking o dokumento lalo na po pag ito ay nasa wikang Arabic. Huwag magpatakot ngunit huwag rin kayong mainit ang ulo, idaan sa diplomasya ang pakikipag-uusap tungkol sa inyong hindi pag renew ng kontrata. Kung ayaw ninyo, walang makakapilit sa inyo na bagohin ang inyong desisyon. Tungkol sa mga Diploma at Certificates, malinaw po ang nakasaad sa batas ayon sa artikulo sa ibaba.

              Article 64: Upon expiration of the work contract, the employer shall be required to:

              1. Give the worker, upon his request and free of charge, a certificate of work experience, indicating date of his employment, date of end of work, his profession, and the last wage received. If the certificate contains any remarks that are prejudicial to the worker’s reputation or likely to limit his employment chances, the reasons shall be given.

              2. Return to the worker all certificates and documents he had submitted.

              God Bless too and Merry Christmas.

              Bong

                • Skidz,

                  We all knew that in KSA, when a worker agree to an Exit Re-Entry visa it means the worker automatically renew his/her contract even in the absence of a new contract documents (unspecified period). Ibig sabihin po – pag di kayo bumalik – “breach of contract” na po yon (KSA scene). So kung babalik ka sa KSA with new employer or lets assume to other GCC countries, medyo kabado ka dahil may obligasyon kang dapat taposin iniwanan mong employer. Siguro po naman naintindihan ninyo ang explanation. Pero hindi ko sinabing ban ka sa ibang GCC countries dahil wala pa po akong nakikitang batas or dokumento tungkol dito. Ngunit ang GCC countries ay may samahan or obligasyon na pangangalagaan ang kapakanan ng kanilang member countries, ibig sabihin puwede pong magkaroon ng ganitong usapan. So, if you want to take a risk, why not?

                  Ngunit kung ako ikaw, mag EXIT na lang ako, bakit ko pa bigyan ng problema ang aking isipan. Bakit hindi ko na lang idaan sa tama ang lahat para wala akong problema or pagsisihan sa huli?

                  Regards.

                  Bong

  100. Sir Bong,
    Dpo ba under sponsorship ang pgwowork sa kuwait or middle east ang ibig sbhin po ba ng sponsorhip ay ung contract na napirmahan dito halimbawa 2yrs. so dapat 2 yrs ka mgwork to a specific employer? pero pag na scrap na ang sponsorship pwede na mghanap ng another employer even if hindi pa tapos ang contract mo sa employer na naghire sau papunta sa middle east? thanks po

    • Leo,

      Tama ka, working in Kuwait or in KSA is under sponsorship system, may kontrata at mag work ka lang sa iyong sponsor. Kung sakaling ma scrap na ito sa Kuwait (February 2011 daw??), maaring makalipat ka na ng ibang employer na hindi ka sakal or naka kapit sa kanya. Kung sakali namang matuloy ito, for sure meron itong implementing rules and regulations at iyan ang hintayin natin kung sakaling matuloy ang pag scrap ngsaponsorship sa Kuwait.

      Sa KSA naman medyo may mga hakbang na para alisin ang sponsorship system. Sa ngayon sa KSA, dapat munang mag work ka ng two years sa isang employer bago ka makahingi or request ng release at depende ito kung i-release ka rin ng employer.

      Regards.

      Bong

  101. Good day Sir Bong,
    Thank you for replying to my concerns, i just made my research about this and its not really clear, i thought kuwait will abolish their existing rule about sponsorship. Anyway maybe ill try to ask and learn when i get to kuwait. Im already processing my visa and im expecting to leave the philippines by this month or next month. thanks again

  102. Dear Sir,
    I am planning to work in kuwait as waiter in palace actually the reason why i wanted to work as waiter although mas mababa ang offer compare sa salary ko dati sa taiwan is to apply as waiter in cruise ships pero wla pa kc akong experience as waiter but then im not sure if pwde na ang mkukuha kong experience sa palace kasi usually ang inaacept sa cruise industry ay galing sa hotels or fine dine restaurant. my question is, is it possible to transfer to another employer in kuwait sa restaurants or hotels sa kuwait? lets say maka 1 yr muna ako sa palace para at the same time eh mkaadopt muna ko sa culture nila.before transferring to another employer. hope u could help me. medyo bothered lang ako kc in taiwan hindi allowed ang pgtransfer sa ibang employer unless tpos na ang contract sa kanila. thank you and more power

    • Leo,

      I have limited knowledge about Kuwait Labor Law more particularly sponsorship transfer, however, Kuwait and KSA have the same in common.

      Foreign workers who come to Kuwait to work and when the contract is finish (for example 2 years), usually expats are expected to return to home. But in many cases an expatriate may transfer his residence to a new sponsor provided the current sponsor consent. Under the rule that the consent of his current sponsor is a must with the sponsor’s approval in form of a release letter.

      Take care and thanks for your visit.

      Bong

  103. Good Day Mr. Bong my name is numeriano maala im currently working here in saudi arabia may offer po sakin sa dubai pero 23 months p lang po ako dito sa emplyer ko nag file po ako ng resignation kaya lang po pag nag exit daw po ako ala po ako makukuha at ako ang sasagot ng ticket ngayon po ang plsno ko eh mag bakasyon n lang so atleast kahit ticket eh masagot man lang nila kailangan po kasi jan 8 makapag start n ako s dubai kung magbakasyon po b ako at hindii n bumalik dito at sa dubai n po ako bumalik eh mai ban po kaya nila ako,,,,

    • Ray,

      Alamin mo sa iyong kontrata ang mga karapatan mo katulad ng ticket at ilang taon ang iyong kontrata. Kasi kung natapos mo ang 2 years dapat lamang na sila ang mag shoulder ng tiket.

      Kung matuloy ka sa pag-uwi, alamin mo sa iyong agency na nag asikaso sa mga papeles papuntang Dubai kung ano ang dapat gawin.

      Ingat.

      Bong

  104. Dear Sir,
    Good Day!
    I’m working in Saudi Arabia for last 6 months in one company, contractual period is 2 years, in the mean time I applied another company they offered me just double salary with all allowance and facilities. No way to get exit visa from my current company even after my contract expires so I’m now planning to file an emergency leave to go to Philippines and come back to new company with another visa which I may get by hand before I leave KSA therefore can you please kindly suggest me to the following;
     Can I come back with another passport changing my name even though my fingerprint is already taken upon my arrival in airport?
     Can I come back after expiration of my current Exit / Re-entry visa with the same passport with new visa to another sponsor?
     What is the main reason of fingerprinting? Is this for security reason or to control sponsor changing as I’m planning to?
     I’m receiving form different person different advice on the same issue & I assume if I have not committed any illegal activities in my previous employment and so far as my reentry visa & Iqama are expired I must be welcomed to KSA, please advise me, I don’t know how reliable I’m guessing?
     Or what is the best idea you can provide me to grasp this golden opportunity offered by another sponsor “as it has limited time” without any problems?
    And my other nationality colleagues like Indian, Nepali, Pakistani & Shree Lankan also asking my favor to help them whether your suggestion applicable to them and covers all nationalities or different rules for these country’s?
    I would be very obliged if I have a possible prompt reply on this matter in detail which would be the decisive turning point of my happy life.
    God Bless You!
    Thanking you
    Allan

    • Lan,

      How can you be so sure that your company will not allow you to leave ksa for good after you finish your contract?

      I understand, each and every one of us is dreaming for a better job, good salary with all those glittering benefits. But, please be reminded that you are under contract with your present employer and for doing what you have in mind is a clear breach of contract. Anyway, let’s talk about your inquiry.

      1) Changing your name is a clear manifestation of your intent to come back KSA through illegal means and we all knew that doing illegal move is punishable by law. So, I am sorry to discourage you from doing it.

      2) Old passport bears the Visa Stamp (Saudi Royal Embassy) of your present employment status.

      3) Remember “No secret can be kept forever”. In a span of time, your employer will know the real score why you avail for an emergency leave and besides after your visa expires they will report to the passport department along with your iqama (as required) informing them that you did not come back from vacation. Then the so called “red tag” will be visible in your files or records in the immigration.

      4) The best idea is to finish your contract and file for an exit 30 days prior expiration of your employment agreement with your employer.

      Lan, I’m sorry If my reply is not what you expect, as I mentioned above, I discouraged you from doing move that might put you into trouble.

      Below excerpt taken from my previous entry about fingerprinting:

      The order from the Passport Department is to strengthen its internal security measures against terrorist activities and infiltration; crimes such as drug smuggling, manufacturing and alcohol use, visa forgery, immoral act and back door activities where undocumented expatriates were able to flee the country despite of police and court pending cases.

      Mandatory fingerprinting will help solve crimes and prevent those expats or foreigners with criminal backgrounds to return the country with false names or new identity. The system will uncover their presence upon entering the country’s air and sea ports. According to an Immigration official, “this could also prevent expatriates to leave the country using backdoor facilities”.

      http://ofwempowerment.wordpress.com/2009/02/07/massive-fingerprinting-of-expats-begins/

      Regards.

      Bong

  105. Dear Mr. Bong,

    Thanks a lot for the quick response. It made my hanged questions before answered right after reading it, however, I have some follow-up questions regarding your 2nd paragraph answer.. That it will be a problem and hard for an expats with exit and re-entry visa in the immigration office at the airport obviously having an active record such as his Iqama and fingerprint in the kingdom with the previous employment. Is it a violation? Kindly give the specific line of the policy violated. How about when the re-entry visa and Iqama expired, Is there hope for an expats to come back to Saudi Arabia with a different employer? Is there a specific time when an expats allowed to come back (no violations) like after expiration of the re-entry visa / Iqama? How about in the case where after re-entry visa / Iqama expiry date an expats will be using a new passport to come back in the kingdom with a new employer, will it violate some specific labor / immigration policy, risky and un recommendable?

    We OFW’s are very much thankful to have YOU – the resource person and organizer of this very nice and reliable moderm medium to communicate and have immediate solutions to our hanged questions that are clarified after your share of brilliant ideas and wide sources of legal knowledge with supports. We wish you more good luck and may the God Almighty bless you in manifolds through your family, good health, opportunities and success in life. More Power! Thanks :-)

    ARR

    • Aries,

      My sincere apology for my late reply.

      First, thank you so much for the kind words.

      Regarding your follow up question, Yes, it is a simple violation of the other party’s failure to perform in accordance with a promise made (to come back) or a failure to complete an agreed task. In KSA scene, it is a contract violation since the other party agreed to come back and the action itself that the party produce exit re-entry visa and with no objection from the other party (worker), it is therefore clear manifestation that an agreement was reach or a renewal of contract has been drawn between the two parties prior departure of the other party.

      In your second inquiry, based on my experienced as part of my line of work with my previous employer – our personnel department assigned a Saudi liaison officer just for the immigration office or passport department. His specific work – to facilitate the issuance exit re-entry visa and iqama’s of the company’s factory workers. And everytime we have a case like: a worker did not return from vacation despite of having exit re-entry visa, the personnnel department will wait till the visa of the worker expires, only then that our PD or HR department will instruct our liasison officer to inform the Immigration or the Passport department with a letter (with attached expired visa and iqama) from the management informing or requesting passport department to put the name of the worker in “red tag” (Saudi term) for those worker who have a re-entry visa who failed to come back without any valid reason.

      That is why I adviced my readers that if they are planning to come back to KSA with a new employer despite of having a previous re entry visa from his original employer, i always inform them that what they’re going to do is very risky.

      With regards to new passport, all i can say is that with the new fingerprinting system in KSA, i don’t think so. For me there’s still a risk as we all know that even identical twins don’t have the same fingerprints.

      Thank you so much Mr. Aries for coming and hope to hear you very soon. You are always welcome.

      Warm regards.

      Bong

  106. Sir,

    Good Day! I have a question regarding the implementation of new GCC Labor Law. Your answers will be my basis of my future decision and for those ofw’s having the same case with mine. I have finished my recent 2 yrs. employment contract with my current employer in KSA and even have extended for 6 months due to no immediate replacement on the time my contract expiry date coupled with my acceptance and personal decision to extend too to avail additional amount of vacation Leave & ESB Benefits which according to the saudi labor law be doubled after 5 yrs of service. My question is… If I have an exit / re-entry visa and had been fingerprint from this current company, can I still transfer to other Gulf companies assuming I am not banned / my current employer didn’t file any legal complaint against me? If so, how soon (Time: 6 mos. / 2 yrs.?) can I go with and be employed with other Gulf countries? Since when the new GCC labor law in line with this case implemented? If it’s not based on the specific period like after 6 mos / 2 yrs. period, Is it based on the validity of the re-entry visa like for 6 mos vacation visa and or the validity of Iqama too?

    I wish to have your immediate answers based and according the new GCC labor law at the earliest opportunity prior to processing my vacation / exit. Kindly send me also the whole article stipulating this matter or even the whole pdf file via email. Thank your very much. God Bless.

    ARR

    • Mr. Aries,

      I just want to make a small clarification of the so called GCC Labor Law before we go further. Although there is a term called GCC Labor laws, it is not mean that the Gulf Cooperation Countries (member countries) have 1 instrumental labor law to follow. No – there is no one GCC law. GCC countries have many things in common in terms of their labor policies, but each member country has its own specific labor and immigration laws.

      About your question, one thing for sure there will be a problem if an expat have exit re-entry visa and come back to Saudi Arabia with another employer. Assuming, the worker have his passport stamped in his country of origin (Saudi Royal Embassy) and allowed to work in the Kingdom – surely he will be questioned in the Immigration office at the airport. This is because his name, fingerprint and iqama are still on their record.

      As for having exit and re-entry visa in the Kingdom but instead work in other Gulf countries – I can’t find any law that bans expats from entering to other gulf countries. Though, GCC have labor cooperation agreement among themselves but introducing a GCC – one labor policy such as to ban expats for violating laws in their friends (GCC member) countries they still need to meet international labor criteria. Even most of the GCC member countries are now in the process of overhauling their respective labor system, they still need to ensure that they comply the International Labor Organization (ILO) requirements.

      However, there are rumors and even our blog readers wrote that one of their friends was forced to go back to Philippines from Dubai airport because his name was one in the list of Filipinos banned from entering the country due to the former labor rifts with KSA.

      With my warm regards.

      Bong

  107. good day!ask ko lng po kce mag 1 year npo ako ng wowork d2 sa bahrain..gusto ko po malaman ung karapatan ko as OFW..kpag ba ng resign ng hindi natatapos ang 2years contract ay mgbabayad sa employer??kce ung other jobmates ko..pinagbayad po sila??!!which is some hearsay hindi nman dapat pang mgbayad?tama po ba??pls answer me back po..nguguluhan npo kce ako..salamat ng marami!!!

    • Maureen,

      As per Bahrain Labour Law in Chapter 14: Termination of a Contract of Employment and Leaving Indemnity

      Article 109: If either of the parties to a contract of employment made for a period of definite duration unreasonably frustrates its execution prior to its completion, he shall pay to the other party compensation in respect of damages incurred as a result thereof.

      When the employer is the offending party, for cause other than those prescribed by Article 113 of this Law, he shall be liable to pay to the worker concerned compensation in respect of the damages incurred by him having due regard to custom, the nature of the work, the period of the contract and, generally, all the circumstances in which damages might occur for certain.

      When the worker is the offending party, for cause other than those prescribed by Article 115 of this Law, he shall be liable to pay to the employer concerned compensation for the loss incurred as a result of such termination of the contract..

      Malinaw po na pag hindi natapos ng worker ang kontrata, siya ay maaring pagbayarin ng halaga katumbas sa natamong pinsala resulta sa pagwawakas ng worker sa kontrata na hindi pa napapanahon ayon sa nilagdaang period or term of agreement.

      Sana po malinaw sa inyo ang kasagotan.

      Bong

  108. sir,
    my idea po ba kyo kung ilan taon bago maka balik sa saudi? kc hinde na nga ako bumalik sa dati kung employer my exit re entry me.

    • Mac,

      Kung kasama ka sa mga naka pag comply ng fingerprinting dito sa KSA, medyo may problema dahil maaring pina-ban na kayo ng dati ninyong employer. Kung ako sa iyo huwag na lang sa Saudi, marami namang ibang middle east countries na nangangailangan ng mga Pinoy.

      Kung hindi kaman nakasama doon sa mga naka pag comply ng fingerprinting, may risk parin kung malaman ng dati mong employer na bumalik ka sa KSA.

      Ingat.

      Bong

  109. Sir,

    Isa po ako ofw na nag work sa jeddah saudi, nag bakasyon last july 2009 tapos po hinde napo ako bumalik sa dati kong employer, and now halos 1year and 4 months na po nakakalipas nagtangap po ako sa isang kumpanya sa jeddah ngayon lang november maganda offer sakin.
    Wala po magiging problema eto sakin o kya pwedi pa po ba ako bumalik sa saudi na walang hadlang, paki reply po.
    bago po ako umalis ng saudi noon na finger print at scanning po ako.

    • Darwin,

      Medyo mahirap ang situwasyon mo dahil may record ka ng finger printing. Pero ikaw parin ang maka pag desisyon nyan and if ever you want to take the risk then you must be open in any consequences that may arise or happen.

      Ingat.

      Bong

  110. sir isa po akong ofw dito sa riyadh,ksa..na terminate po ako sa trabaho ang dahilan po daw kung bakit ako na terminate ay sinisiraan ko raw po ang kompanya namin dun sa aming project (contractor po kami a isang malaking kompanya d2 sa ksa)….babayaran naman daw po nila ako…maitanong ko lang po….bago po ako na terminate meron na po akong job offer d2 rin po sa ksa ndi na po d2 sa riyadh…totoo po bang 2 taon ang ban kapag nag exit po sa isang ofw d2 sa ksa…sinabi ko na po dun sa bago kong employer na mag eexit ako hindi ko po sinabi na na terminate ako at on process na daw po papers ko…hindi po ba maging apektado ang pagbalik ko d2 sa ksa kahit kukuha ako ng panibagong passport sa atin?..ung finger print po d2 sa ksa hindi po kaya nila ako ma te trace kahit may bagong passport na ako?….salamat

    • Kid,

      Kung sakaling matuloy ka, dapat transparent ka sa bago mong employer. Para wala kang dala dalahin pag balik dito. Siguro naman tatanggapin ka nila kung talagang gusto ka nilang kuhanin.

      Yong 2 years na sinasabi mo, para iyon sa transfer ng iqama. Dapat mag silbi ka muna ng 2 taon sa iyong pinaglilingkuran bago ka mabigyan ng release. Iyan kung payag ang iyong employer na i-release ang worker. Pangalawa, malalaman mo naman kung ban ka dahil sa Pinas palang alam na nila dahil hindi nila idikit/stampa ang iyong visa. Kung makalusot ka doon, sa kaso mo na terminated ka, naka record na rin ito kasama sa fingerprint record file mo. ganon na kasi sila ka hi-tech ngayon dahil may pera sila. Madagdag lang, ang Saudi Arabia ang may pinaka magaling na intellegence network sa buong middle east.

      Uulitin ko, sabihin mo na lang ang totoo para maging malinaw ang lahat.

      Bong

  111. Dear Sir,

    Ako po nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Qatar ang pinagtataka ko lamang nung una ay kung bakit visit visa lang ang binigay ng aking employer at ang ticket ko ay roundtrip papuntang Hong Kong kung saan dun ako sasakay ng papuntang Qatar. Tinanong ko ang representative ng aking employer kung bakit ganun, ang kanilang lamang sinabi ay dun na lang daw nila aayusin ang papel at matatagalan pa raw ako sa pag-alis kung magaayos pa ko ng mga papeles ko dito sa pinas. Nung araw ng aking alis ay ako napigilan sa Philippine Immigration at tinanong kung bakit ako pupunta ng Hong Kong ng mag-isa lamang at walang tiyak na pupuntahan. Itinawag ko ang pangyayari sa aking employer at nagdesisyon ako na wag na lang tumuloy kahit na ipinarebook nila ang aking ticket. Sa ngayon ay nagbanta ang aking employer na ipapaban daw ako sa GCC countries dahil sa aking pag-ayaw. Sila po ba ay may karapatan na gawin ito kahit na ako ay hindi pormal na nakarating sa qatar? Salamat po

    • Ed,

      Una, kung sakaling tinuloy mo at makarating ka sa qatar, hindi ka legal na OFW. Ibig sabihin wala kang record sa OWWA at POEA. Kung sabihin naman natin na doon na lang aayosin ang dokumento, kung ako ang nasa katayoan mo, hindi ako papayag. BAkit? Puwede namang gawin sa Pinas muna.

      Tama ang desisyon mo na hindi kana tumoloy. Dahil baka sa Hongkong palang may problema kana.

      Tungkol sa sinabi na ban, huwag kang maniwala dahil hindi kapa nakarating doon at wala silang mga legal na dokumento na ikaw ay kanilang empleyado. Huwag matakot. Maghanap ng ibang kompanya sa Qatar, napakarami doon na maging legal ang iyong employment record bilang OFW.

      Salamat sa iyong pagbisita.

      Bong

  112. Greetings! I think we have the same question. I’ll just make it clearer. Here’s the situation: I want to transfer from KSA to another GCC country (i.e. Dubai). The employer will not give exit or release, so instead of exit I go vacation. but instead of going back to KSA, I applied for employment in Dubai. So the question is, can Il go to Dubai or any GCC countries? Let’s say I will renew my passport so it will come out clean again and remedy the situation. .so what’s the possibility? Please advise. Thank you very much. .

    • Robert,

      Tayong mga pinoy mahilig sa risk at sabi pa nga ng iba “masarap ang bawal“, he he!

      So, i will also make my reply clear. Nasa employer mo pa rin ang desisyon, kung sakaling gusto nilang ma ban ka from coming back to KSA and other GCC countries. All they have to do is to submit a letter asking MOI, Jawasat and even GCC Secretariat on Labor Affairs to ban you and prevent you from coming back because of the blah blah blah reason. Pag wala naman, SALAMAT.

      Gaya ng sabi ko, Sa Pilipinas pa lang naman malaman mo na kung may problema. So kung wala, SALAMAT. Kaya lang we know na medyo risky ang ating gawin, hindi maiwasan na mag isip ka na naman pagsakay ng eroplano.

      Kung ano man ang desisyon mo – All i can say for now is Good Luck!

  113. Dear Sir,

    Please advise regarding if there is an exit re-entry in Saudi Arabia you will transfer to other GCC country is it possible to move? Where in the first place that the employer in Saudi Arabia wont allow you to give an exit?

    • Dave,

      Hindi malinaw ang tanong mo. Kung tama ang pagkakaintindi ko ito ang sagot – hindi po magbigay ang Saudi employer mo ng Exit-Re entry at instead uuwi ka ng Pilipinas sa Dubai ka pupunta. Not unless, they give you permission to have your vacation spend in Dubai which is also malabo.

      Paki ulit lang ang sunod na tanong.

      Thanks.

      Bong

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s