OFW CASES

Note from the blogger:  OFW cases tried in the Philippines and was resolved through Supreme  Court
Decisions  will be posted as sub pages of this main page. Thank you.
 
***
 
THE SUPREME COURT OF THE PHILIPPINES
 
The Constitution of the Philippines vests judicial power in one Supreme Court and such lower courts as may be established by law. [Section 1, Art. VIII, 1987 Constitution). The Supreme Court is composed of one Chief Justice and fourteen Associate Justices, all of whom are appointed by the President from a list of recommendees presented by the Judicial and Bar Council.
The  members of the Supreme Court serve during good behavior until they reach the age of 70 or unless removed by impeachment for any of the grounds provided by the Constitution.
The Court sits either en banc or in divisions of three, five or seven members.
 
Visit SUPREME COURT Website
 

 
Incumbent Supreme Court Justices

 

 
Chief Justice Renato C. Corona, the 23rd Chief Justice of the Supreme Court, is one of the youngest magistrates ever to be appointed to the Supreme Court of the Philippines. He was appointed to the highest tribunal on April 9, 2002 as the 150th member of the Supreme Court. His age notwithstanding, he brings with him depth and perspective gained from many years.... > MORE
 
THE MAGISTRATES
 
 

 

       

       

     

     

JUSTICE
ANTONIO T.
CARPIO
 

JUSTICE
CONCHITA
CARPIO MORALES
 

JUSTICE
PRESBITERO J.
VELASCO, JR.
 

JUSTICE ANTONIO EDUARDO B. NACHURA
 
                                       
 

 
       

 
       

     

 
     

JUSTICE TERESITA J. LEONARDO-DE CASTRO
 

JUSTICE ARTURO D. BRION
 

JUSTICE DIOSDADO M. PERALTA
 

JUSTICE LUCAS P. BERSAMIN
 
                                       
 

     

     

     

     

JUSTICE MARIANO C. DEL CASTILLO
 

JUSTICE ROBERTO A. ABAD
 

JUSTICE MARTIN S. VILLARAMA, JR.
 

JUSTICE
JOSE P. PEREZ
 
                                       
 

     

   

       

JUSTICE JOSE C. MENDOZA
                 

JUSTICE MARIA LOURDES A. SERENO
 
*****
 
Note: This is not a paid advertisement.  As an OFW and upon reading the book, I found it helpful to my fellow OFWs.
 
Karapatan ng Overseas Filipino Workers
Napakaraming insidente ng pang-aabuso, pagmamaltrato at pananakit ang nararanasan ng libu-libong OFW sa iba’t-ibang bansa. Makikitang hindi pa sapat ang proteksyon na nakukuha ng mga ito para sa kanilang mga karapatan. Marahil napakahirap magbigay ng agarang pag-alalay dahil sa layo ng lugar sa mga ahensya ng pamahalaan.
Kung kaya ang isang OFW ay namulat na nakikibaka para sa kanyang karapatan ng solo. Ang adhikain ng aklat na ito ay upang makapagbigay ng mga kailangang impormasyon upang ipaunawa sa mga manggagawa ang kanilang mga karapatan at mga dapat gawin sa isang sitwasyon.
Hindi man ito ang lubos na kasagutan sa mga suliraning pang-OFW, ito ay magsisilbing gabay na maaring magturo sa tamang paraan na dapat gawin ng isang OFW. Ang mga bagay tungkol sa placement fee, illegal recruitment, PDOS, mga tungkulin ng POEA, POLO, Embahada, recuitment agencies, Bilateral Labor Agreements at iba pa ay tinatalakay rito.
Mga bagay-bagay tungkol sa remittance, migrant worker’s day, absentee voting, pagsampa ng reklamo sa mapang-abusong employer at agency, at mga kahilingan tungkol sa disability, sickness at iba pa ay mababasa rin sa aklat.
Alam ng lahat na karamihan sa mga kababayan natin ay hindi nais na mawalay sa kanilang mga mahal sa buhay. Subalit sila ay tinulak ng kapalaran upang magsikap para mapaganda ang kinabukasan ng pamilya sa Pilipinas. Dapat lamang na sila ay makahanap ng kaagapay sa kanilang pakikibaka sa ibang bansa. - Atty. Villanueva
 
THE BOOK
 
 

Karapatan ng OFW

Atty. Villanueva is the author of several labor law guides such as “Valid Dismissal of Employees“; “Guide to Compensation and Benefits” Vols. I and II, “Gabay ng Mga Karapatan ng OFW” and “Guide to Wage Order and Minimum Wage” under LVS Publishing.

 

To order the Book please visit : Manila Book Sales on line.
About the AuthorElvin B. Villanueva is a Human Resource (HR) professional. He is also a labor practitioner appearing before the National Labor Relations Commission. He heads the HR department of one of the top 1,000 corporations in the Philippines. He is a Bachelor of Laws graduate finishing First Honorable in his batch in 2009. While in law school, he became a member of the Order of the Flaming Arrows (OFA), an honor students’ society in Arellano University. In 2008, he was awarded by Chief Justice Reynato S. Puno as one of the winners of the Supreme Court’s National Essay Writing Competition on “Rule of Law in National Development.” He has published articles in the Philippine Daily Inquirer and the Philippine Star and became a magazine columnist of Solar Publishing. He finished his undergraduate course, Mass Communication, cum laude, at the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. During his college days, he was a news writer of the Ang Pamantasan, the university paper and eventually became an editor. He also taught in college, lecturing in schools like St. Paul College of Manila and the Lyceum of the Philippines. He is pursuing his Master in Business Administration (MBA) at the Ateneo de Manila University.

80 comments on “OFW CASES

  1. sir,
    may tanong po aq at sana po matulungan nyo po kami…ang mama ko po kc ay dating nurse sa UAE tapos noong 2008 po umuwi po xa ng pinas para po magbakasyon lamang ngunit nagka problema po ang kanyang flight nung babalik na po xa sa UAE kaya hindi po xa nakabalik sa kanyang trabaho at kusa na po xang tinanggal sa trabaho nya ngunit ang problema po eh merun po syang loan that time sa banko sa UAE…ngaun po sir di po si mama nakapagbayad ng kanyang balance sa banko ng UAE dahil wala n po syang trabaho at sya lang naman po ang inaasahan namin na mga anak nya..last 2011 po month of december nasumukap po c mama na makaabroad ulit at sa saudi po xa nakapag abroad ulit ngunit hinarang n po xa sa airport pa lang dahil po sa utang nya sa UAE pero nakiusap nman po ang mama ko na babayaran nya naman po ang utang at nagkasundo po na ang sahod nya na lang po kada buwan ang bawasan para po dun sa utang nya at pumayag naman po and banko ngunit ngaung may po 2012 nglabas daw po ng bagong order ang banko na tanggalin na sya ng banko at pauwiin na lang sa pinas kahit d pa po tapos ang contract ni mama pero ang nanyari po eh nung sa airport na po c mama para po pauwi ng pinas eh dinala daw po ngaun sa riyadh para daw dun po ikulong…..ano po ba sir ang pwede naming gawin?may ahensya po ba na pde namin malapitan para po mailabas na po ng kulungan ang mama namin??sana po sir matulungan nyo kami…God Bless po..

    • Ang lahat ng transaction record po ng isang OFW private or govt transaction ay nakatatak po sa working permit ng OFW. Dito sa KSA pati ang mga ARabo mismo ay may tinatawag na National ID na kung saan lifetime number po ito na siyang ginagamit sa lahat ng mga individual transaksyon. Malinaw po na hindi pa na-clear ang problema ng iyong mama, kaya po noong papaalis na siya nakita ito sa kanyang record. Kausapin nyo po ang employer niya na gumawa ng isang kasulatan na cleared na ang iyong mama dahil nga pina-pauwi na lamang ito. Ang employer lamang ang makakatulong sa kanya sa problemang ito. Tawagan po ang ating Assistance to National SEction ng Embahada, tawaga po ninyo ang numerong ito 05005844618 at hanapin po si Consul Roussel REyes or si Atty. Paul Saret upang ma-guide kayo sa tamang gawin.

  2. Magandang umaga Sir,

    Meron lang po akong katanongan kung wala po ba akong magiging problema kung sakaling ako ay babalik na mag trabaho sa QATAR meron po akong exit re-entry noong 2007 pero hindi po ako bumalik sa kadahilanan na may mas magandang offer sa Jeddah kaya imbes na sa Qatar ang balik ko sa Jeddah po ako nag tungo.

    Maraming salamat po at umaasa sa inyong kasagutan.

    Gerry

    • Ang GCC countries po ay may mga kasunduan tungkol sa shared information ng kanilang Labor manpower list na nagkasala sa kanilang bansa kasama na rin po dito ang mga hindi po bumalik sa kabila na ang mga ito ay may exit re-entry visa. Hindi ko po sinabing magka-problema kayo pero maaari pong magka-problema ang pagpasok nyo sa immigration ng bansang inyong pupuntahan.

  3. kya po pla namin nagawa magbinta ng gamit kasi 2 month na po kami d pinapasahod hold ang salary nmin tapos po 24 hours po kaming nag work walang overtime kahit friday kng may tawag obligado punta kami kundi cut salary kami supervisor po ako pero s sahig ako natutulog siksikan kami s kwarto at kami p mismo bumibil ng washing machine mga gamit lutuan at kng ano ano p ngaun po nagkaroon kami ng kaso nakgawa ako ng hindi maganda at pinakulong po ako ngaun linabas naman ako ng company ko s ngaun po 4 month na po akong walang sahod ano po b ang gagawin ko pagkatapos po ng contract ko yung papel na dapat kng kunin n clearace d2 sa saudi para maka exit po ako d2 ng maayos makauwi s pilipinas para makabalik ng at makakita ng ibang company. salamat po

    • Wala pong ibang tao na makapagbigay sa iyo ng clearance para makauwi ka kundi ang employer/sponsor mo lamang. Alam mo Don, mag pasalamat ka rin kahit papaano na nilabas ka ng employer mo. Marami po ditong mga kababayan natin na nakulong at pinabayaan po ng employer. Ang Police naman ay walang magawa kung ang employer ay ayaw makipag-coordinate sa kanila at pabayaan na lang makulong ang kanlang worker. Dito sa Saudi hawak po tayo sa leeg ng employer dahil nasa kanila ang pasaporte natin.

      Wala po akong ibang maipapayo sa iyo kundi puntahan mo ang iyong employer, ang pinaka-mataas at subukang kausapin na may pagkukumbaba na gusto mo ng umuwi at kung ayaw kang pauwiin, pabalikin na lang sa trabaho at ibigay ang sahod na pinagtrabahoan mo. Try mo lang uli Don, kung ayaw pa rin sulat ka uli upang bigyan kita ng referral sa POLO.

  4. sir good evening may kaso po ako thief some spare parts bininta nmin ngaun nakulong po ako 2month po linabas din ako ng company oct 18 po ako nakulong at lumaya po ako dec 12 hindi naman ako pinapatawag ng hukuman d2 s saudi ngaun po nag work ako ng walang sahod 4 month n po pauwi n po ako nito nov 10 2012 pwede po b akng umuwi ano po b magandang gawin ko lokoloko itong company ko bka d ako pauwiin salamat po

  5. kasalukuyan po kaming nagstop to work ng kasama ko dahil po tapos na kontrata namin at di pa rin kami pinauuwi sa atin at ginigiit nila na nakasaad sa kontrata namin na may extension ng 6 months pag wala pang replacement ei may replacement naman na,ei di ba po null and void ang contract pag right from the start ei di nasunod..pinapatupad na nila ang contrata ngayong paalis na kami ei right from the start di nga nasunod ang nakasaad doon..lahat kami dito ay natapos na ang contrata pero nagtratrabaho pa rin..sana matulungan niyo kaming makauwi..

    • Bakit kayo huminto sa work, maging daan pa ito sa mas malalang problema.

      Kung talagang nakita nyo na may paglabag sa kontrata ang inyong employer, sulatan nyo po ang inyong employer atpirmahan ninyo lahat, ilagay po sa inyong sulat ang nilabag nila sa inyong kontrata, at threaten them that all of you will file a case to Saudi LAbor Office. Ipa receive ang sulat na ito sa inyong personnel department. Pag wala pa rin silang aksyon, bago kayo mag file ng complain sa Saudi LAbor Office dumaan muna kayo sa ating POLO para ma giyahan kayo sa tamang gawin.

  6. i need you hepl dito me sa abu dhabi ngayon promblem ko kc sinmampaham me nagcase amo ko run away kc hindi nami bumalik sa employeer ko kc hindi me niya sinahuran tatlong buwan. pwde po me umuwi nangpinas anytime . help me anong dapat kong gagawin?

  7. hi sir/madam,

    im goldie isang ofw……
    ask ko lng po if ilang mos ang processing na amnesty?

    and i hve my friend na nsa dubai ngaun na ng run away and tnt xa ngaun a year mahigit xa nga stay sa amo nya…..
    totoo ba na papayag ang embassy na payagan xa na mag work outside???
    at makakuwi ba xa agad ng pilipinas pag nag apply sa ng amnesty?
    anu po ang pisible na mangyayari sa knya doon gayoy wala xang mga papeless na dala….pls answer me po

    thanks…..

    • sir Bong ,

      ako po ay isang guro at ang asawa ko ay nagwowork sa jeddah bilang surveyor. Pauwi na po siya kahapon ng bigla d irelease ang sahod at reimbursement nya sa ticket dahil may problema daw po sya sa clearance . nuong October 2011 may incident pong nangyari ninakaw po sa office yung gamit nya na digital surveying machine. Pagkagawa nya ng incident report parang wala naman sumahud sys ng maayos , until ka now na pauwi sya may ticket na sya atnaka ready na lahat dahil lang duon. Pano mo kaya siya makakauwi? anu po ang ma i aadvice nyo sa kanya.

      Thank you po.

      Josephine manalili

      • Ang lahat pong mga gamit ng kompanya na naka register sa pangalan ng worker ay dapat pong maibalik sa property custodain ng kompanya kung ito ay mag exit. Kung sakaling isa sa mga property na naka rehistro ng workeray nawala dapat lamang po na ito ay bayaran o palitan bago mabigyan ng clearance ang worker na mag exit.

  8. Sir, my tanong lng po ako maari po b ako ma ban o ma blacklist d2 sa Saudi kapag d ako nkapag bayad sa credit card? Maari po b ko mag apPly at nkapag trabaho sa Iba pa gcc countries Kung sakali d ko mabayaran un? Mag babayad nman po ako basta mka hanap ng trabaho ulo. maraming salamat po!

    • Saan ka ba ngayon? Kung nandito kapa sa Saudi at mag apply ka ng exit, dapat pong bayaran muna lahat ang iyong mga atraso bago ka bigyan ng Exit Visa. Kung uuwi ka nman na may exit re-entry visa at balak hindi na babalik leaving your outstanding bills behind, may problema dahil makabago na po ang ating teknolohiya.

      Tungkol sa ban, puwede po itong mangyayari kung gugusutohin ng banko, ngunit kung ako ang banko hindi ko ito gagawin dahil gusto kong mabayaran mo ang iyong pagkaka-utang.

      Secondly, ang mga taong may outstanding account na loan sa banko or credit card unpaid bills ay hindi na po puwedeng umutang or mag apply ng credit card saan man banko sa mundo. Ibig pong sabihin naka poste napo ang iyong pangalan sa lahat ng banko kaya blacklist ka para makapag apply ng loan or credit card.

  9. magandang araw sau sir bong

    ang katanungan ko po mahigit 800ka tao na ofw ang nag hihintay kung ano ang my sasagot ninyo po sa tanong na ito,,na kung lihitimo ba ang pag boo ng isang samahan tulad ng cooperativa na ang mga meyembro ay buhat sa ibat ibang bansa dito sa midle east,,
    ang cooperativa na ito ay pinamumunoan ni miss micky decena, ang (impok service cooperative) karamihan sa meyembro nito ay nangangamba na baka niloko kami,,ano po ang magandang gagawin upang makasiguro na my seguridad ang bawat isa dito,,maraming salamat…

    • Just make sure that the group is registered with Cooperative Development Authority or CDA in our country. OFW Cooperative groups ca be formed anywhere outside the Philippines for the purpose of building their database. To start organizing abroad, you need to regsiter first with CDA and the group should have an office in Philippines. Importantly is that, the main objective of the group or its long term operation of business should be in the Philippines. For exact information how to register your Cooperative group, please visit in person the office of the CDA.

  10. Hello po,magtatanong lng po tungkol s case ng asawa ko n hanggng ngaun po ndi p rin pinapauwi ng amo nya kahit n tapos n ung kontrata noon pang Dec 2011. Noong una sinabihan cya n tapusin lng ung pinapagawa s kanya at pauuwiin n cya.Pero ilang ulit ng natapos nya ang pinapagawa s kanya pero ndi p rin tinutupad iyong sinasabi n pagpapauwi s kanya.Tatlong beses n pong na rebooking ung flight nya. Ngayon po may pinapatapos n naman s kanyang bago kahit na hindi n dapat na trabaho nya. Sana po matulungan nyo po kmi.Kasi tatlong taon po iyong kontrata niya at kahit minsan hindi pinauwi para magbakasyon.Kaya hinihintay n po siya ng mga anak namin.Hindi ko n po alam kung ano po talaga ang binabalak ng amo niya. Saan po ba siya dapat lumapit para matulungan siya. Nasa Doha,Qatar po ang asawa ko. Gustung gusto n po kasi niyang umuwi.

    Anna

    • Anna,

      Wala po akong ibang maitulong sa iyo kundi ibigay mo po ang mga contact numbers sa ibaba sa iyong asawa or puntahan niya mismo ang POLO Qatar at hanapin po si Middle East Supervising Labor Attache Arturo Sodusta or Welfare Officer Dayang Jaafar, pakisabi po na ni-refer ko po kayo (asawa) ng OFW Empowerment BLog ni Bong Amora.

      Philippine Overseas Labor Office
      Doha, Qatar
      Labor Attache Arturo Sodusta
      4488-4485 or 55354541
      44870487 and email address of polodoha@ymail.com

      or look for Welfare Officer Dayang Jaafar

  11. magandang umaga po sir bong,may kaibigan po ako na nagtrabaho bilang isang family driver dito sa riyadh,nagbakasyon po sila kasama ang kanyang asawa,sa madaling salita meron po silang re-entry visa,ngunit hindi na po sila nakabalik,ngayon mayroon pa po bang pagkakataon na makapagapply sila sa ibang employer.ano po ang dapat nilang gawin upang makansela ang kanilang re- entry visa.

    • Ang re-entry visa as well as the iqama ay automatic na makansela pagdating sa expiration period nito pero ang problema ay ang immigration records, hindi po ito mabubura na ang may hawak ng re-entry visa ay hindi po nakabalik sa KSA. Much more kung ni-report ito ng employer at kung naong dahilan pa ang ipinatong nito kung bakit hindi bumalik ang worker. Sa ganitong problema, wala pong kasagotan not unless kung tatanggapin ng worker ang “RISK” na maaring mangyari pagdating niya sa KSA.

      • sir finish contract n po aq last feb 14,2012 almost 4weeks n po ako na stop work na walang sweldo hanggang ngayon po hinde pa ako pinauuwi tama po ba yong ginagawa sa amin at saka ayaw po kaming bigyan ng exit.thank you po

  12. Good day sir,

    Please advise me regarding my problem. I was working in KSA with a 24 months contract, but about 6 months I received a letter from general manager stating the reduction of my monthly salary by 1000 SR if not acceptable to me they will send me back home. I responded them with a letter stating that I don’t accept the reduction because it’s clearly stated in the employment contract and I opted to be sent back home. Now I’m in the Philippines, although they shouldered the exit visa and air fare, but they are not paying my overtime and deducted the balance of my placement fee. In this situation, I would like to ask from you sir if it is possible and legal to demand the employer:

    a) to pay the remaining months in the contract (18 months x 3000 monthly salary)
    b) to refund my placement fee of 1877 SR
    c) to pay my overtime as per contract (906 SR)

    Please advise.
    Thank you and God bless you more of His love.

    Truthfully,
    Jojo

    • You may sue your employer and its agent if you were dismissed without valid reasons. Money claims arising from employer-employee relationship such as unpaid wages, breach of contract or illegal dismissal may be filed with the Migrant Worker’s Desk of the National Labor Relations Commission in Quezon City or in NLRC’s Regional Arbitration Branch in the region you reside. – DOLE

      Note: The agent referred to is the RECRUITMENT AGENCY IN PHILIPPINES

  13. Sir,

    Dati po akong OFW at hindi na po ako bumalik sa Abu Dhabi last June 2011, Sa ngayon po ay nais kong mag-apply sa DILG as Administrative Staff dahil iyon din ang trabaho ko sa abroad. Maari po ba akong humingi ng referral or recommendation sa OWWA para madali po akong matanggap. Salamat po.

  14. SIR BONG,
    Magandang hapon po.naghahanap po ako ngayon ng taong makatulong po sa problema ng husband ko.Trailer driver po siya sa misfer fahad contracting est. d2 po sa riyadh.tapos na po kontrata niya last month nov13 kya stop work na po siya pero til now po di pa po siya pinauwi ng amo.dec4 dumulog po kami sa phil.embassy at inakyat namin ang kaso sa saudi labor.ginawa po namin ito dahil 1yr na po expired yung iqama niya at di po siya makuhaan ng iqama not unless ma-comply daw po ng amo ung mga necessary docs po gaya ng insurance ng trailer n minamaneho niya at driving license ng saudi dahilan po yan na sa bwat pgkakataon nahuli siya ng trafic enforcer nagkakaroon po siya ng penalty n ngayon ay umabot na ng 13,050sr na kailngan din po mabayaran ng amo niya bago po siya makuhaan ng iqama.kaya lang po di po siya sinipot ng amo niya sa hearing po.meron naman po contact# ng amo binigay ng husband ko dun sa mga papel na pinapa-filled-up sa knya bakit po di nagawang tawagan iyon ng authorities para po mapadali naman ang kaso niya.mahirap lang po talaga kami,nagsikap para maigapang ang aming mga anak tapos po karapatan lang naman po niya ngayon ang ipinaglalaban dahil ang palipasin ang araw na wala siyang kikitain d2 sa saudi ay pagdiin sa kanya lalo sa kahirapan.sa katunayan nga po 3mos pa hindi niya sinahod.nawa po’y matulungan niyo kami.sa dec19 daw po uli ung hearing nila pero parang nalalabuan na po ako na siputin siya ng amo niya.

  15. sir

    hello po…..may itatanong lng ako sir tungkol sa sahod ko….yearly vacation po ang kontrata nmin d2 sa saudi,,ang problema lng po sir ay hindi ibinigay ang dalawang buwan sahod ko at vacation salary ,,ang sabi ng employer nmin pagbalik nlng daw, makukuha,,,,, kung magresign ako sa compnya nmin ano po ang babayarin ko?…at kong mag exit din po ako sir may laban ba ako d2….

  16. Isang magandang umaga po sa kinauukulan!!,,

    Nais ko po sana magtanong kung paano po namin malalaman kung ang aming IQAMA
    ay peke o Original?pakiramdam po nmin ng kasama ko di po amin,Kc 1year na po kami d2 sa
    salon na pinagtratrabahuan namin,Kung di pa po minanas ung paa ng ksama ko at kinailangan ng dlhin sa hospital d pa nila ibibigay ung IQAMA po nmin.At pagdating nmn po nmin sa hospital marami pong tanong ang mga stuff po dun kung bakit ganun ang aming IQAMA.Sa Alphabet po pangalan ko ang nakasulat at dun po sa taas ng panagalan ko sa sulat arabic pangalan nmn po ng lalaki ang nakasulat,Pagkakaalam po nmin ng kasama ko lumabas ang iqama nmin ng june or july 2011 tapos nagulat po kami na kukunin daw po ulit ng amo nmin ung iqama nmin pra ipa renew
    dhil matatapos na daw po ung IQAMA nmin ngayun November 2011.paki suyo nmn po sa kinauukulan!paki sagot naman po ng aking katanungan..

    slmat po & GodBless…

    • Rhodora,

      Hindi po natin malalaman kung ito ay peke or hindi kung hindi po nakikita ang original na kopya nito. Payo ko sa inyo, ipakita po ninyo ito sa isang Saudi na malapit na kaibigan at siya ang tumingin kung ito ba ay tunay or hindi.

      bong

    • Hen,

      Mahigpit na ipinatutupad ng Saudi government na yong mga expats na may exit re-entry pero dina bumalik, ay blacklisted na po sa kaharian. Huwag nyo ng subukan baka mas malala pang problema ang mangyayari kung babalik kayo. This is also part of their Saudization strategy.

      Bong

  17. sir.gud am. ako po ay isang ofw sa saudi arabia umuwi po aq nun december 2010 may exit re intre visa po ako..d2 pa aq ngaun sa pinas. gs2 q po ulit bumalik sa saudi.makakabalik pa ba aq? kz di po aq naka balik nun february 2011 gumagalang.henry

  18. Sir nagrunaway po ako sa saudi,umuwi po ako last july 2011,nag apply po ako sa JOrdan fortunately natanggap po ako, i have signed a contract na..my fear po is may friend akong bumalik ng saudi unfortunately naharang po sya because nga po TNT sya according po sa Jawasat lahat po daw ng deported ofw dun ay di po makakabalik within saudi and in any gulf and middleast countries,may katotohanan po b to

    • Gaile,

      Ang lahat ng na-deport na naggaling sa KSA ay ban na po or hindi napo puwedeng bumalik sa KSA. But the reports about expatriates deported from Saudi Arabia are ban to enter Gulf or GCC countries are UNCONFIRMED.

      Paki check na rin sa POEA kung na lift na ba ang ban sa Jordan. What I knew, Philippines stop sending domestic helpers to Jordan since 2008.

      Bong

  19. hi sir ask k lang po kung pwde pang maka work ulit mr k sa saudi ksi na termanate sya sa company nila napa trobol sya sa isang indiano po, pwede ba sya maka apply ulit sa saudi, tapos po lahat ng expenses binabayaran sa kanya uliti mo visa nya, tiket nya, residence visa po at medical nya, 3 motnhs p lang sya naka work doon po

  20. Sir,
    humihingi po ako ng tulong sa inyo kasi po ang kuya ko ay nahaharap sa kaso ng BINTANG Na PROSTITUSYON na ngayon ay nakakulong sa Tabuk mula p po ng August 24, 2011. Name nya po ay DIXCY LUAY Safety Officer sa AL MAJAL AL ARABI..San po ako pwedeng humingi ng tulong dito sa pilipinas??

    Sana po matulungan nyo po ako. May asawa’ at anak po yon kua. Nakipagsapalaran sa saudi upang my mgandang buhay ang kanyang mag-ina.

    sana po matulungan nyo po kmi..

    tina

    • Tina,

      Alamin mo muna kung ano ang status ng Kuya mo bago ka humingi ng tulong sa DFA sa Pinas. Dapat alam mo ang situwasyon para mayroon kang information pag humingi ka na ng tulong sa DFA.

      Tawagan at sumulat sa contact details ng ANS or Assistance top NAtional Section ng Phil. Consulate in Jeddah.

      For Filipinos in Makkah Al-Mukarramah Region, Madinah Al-Munawarrah Region, Tabuk, Abha, Jizan, Najran, and Baha, the Embassy reiterates the existing hotlines of the Philippine Consulate General in Jeddah:

      For police and detention cases, death, and other emergencies:

      Contact : Assistance to Nationals at Tel. No. 0555 219 613

      Email : pc.jeddah@gmail.com

      Keep me posted.

      Bong

      • Sr bong,
        Salamat po sa iyong pag tugon sa akin pong mensahe.. Sinulatan ko po yan email na binigay nyo po sa akin. At tinawagan ko din po yon no. na binigay nyo sabi po ng sumagot sa phone dapat daw po sa Embassy ng Rijadh po ako tumawag kasi daw sa Rijadh po daw bakulong ang aking kapatid.. Paano po yon?? Sir pwede ko po ba malaman ang no. ng Embassy ng Rijahd at ang kanilan email din po..Maraming pong salamat.. Sana po matulunagn nyo ako sa na makalabs na po ng maaga ang aking kaptid. Godbless you sir and your family

        Lubos na gumagalang,
        tina

        • The Embassy wishes to advise all Filipinos in the Kingdom of the following contact numbers after regular working hours or from 4PM to 8AM and on weekends:

          For police and detention cases, death, and other emergencies

          * The Embassy’s Assistance to Nationals Section – Riyadh 056 989 3301:

          Email address, please chekc our sidebar.

          Bong

          • sir bong,

            Ang aking kapatid po ay pansamantalang po na kalaya na pero po kailangan po raw siyang umatend ng hearing.. Sir ask ko lang po dba po kailngan nila ng abodago pag umatend ng hearing?? Sino po kaya ang pwedeng lapitan ?? Kasi d pa rin kami mapalagay dito sa pilipinas kung pansamantala lang siyang nakalaya.. Sir maraming salamat po sa inyo.. At Sana po matulungan nyo po kami..

            gumagalang;
            tina

            • Tina,

              Kung nasa Riyadh ngayon ang kapatid mo, pakisabi puntahan niya ang ating Embahada at hanapin niya si Vice Consul Roussel Reyes, head ng Assitance to National Section at humingi ng payo kung ano ang nararapat na gawin at anong assistance ang maitulong nila sa hearing.

              Please note that not all cases needs a lawyer during Sharia court hearings. The judge will ask the prosecution about the facts of the case. Also be informed that prostitution is strictly banned in Saudi Arabia, punishable by prison and flogging.

              Bong

    • Doris,

      Ano work mo Doris, sa bahay?

      Dor, sa 9 years na pag silbi mo sa iyong amo, you deserve ng umento sa suweldo, huwag kang mahiya dahil karapatan mo ang humingi ng karagdagang kompensasyon sa tagal ng iyong paninilbihan sa kanila.

      Hindi ka ba ina-abotan ng bonus? or kahit papano nakatanggap ng pera na hindi kasama sa iyong monthly salary?

      Bong

  21. gd am

    ako po nagtatrabaho sa isang restaurant. nangyari po umalis po ako sa bahay para makipag meet sa aking kaibigan habang nasa harap ako ng kuddo alam ko myrong muttawa naka abang bali wla sa akin kasi wla naman akong masamang ginagawa habang nakatayo ako nakita ko po yong dalawang kabayan na my kausap sa phone ako naman habang nag aantay lumipat sa kabilang side ng store, nong nakita ko yong muttawa umalis ako sa tinatayuan ko dahil medyo madilim pagkatapos pumasok po ako sa isang bilihan ng damit at sapatos nong 2maligod ako bigla nalng ako pinusaasn ng muttawa at ng pulis sa di ko alm kung ano ang dahilan…kinuha yong phone na sinabihan ako na kinain ko daw yong aking sim card para wlang ibidensya sa totoo po wla akong dalang sim card naiwan kopo sa bahay ng kaibigan ko binugsan ko nga phone and checke it kung saan na…ngayon nakulong ako ng 8 days bcoz di ako kaagad nabigyan ng kapala after 1 half moths pinatawag po ako ng office at pinadala sa partial court sa batha at nagtanong yong judge too bang naglagay ako ng pangalan sa internet sagot kopo hindi po. pagkatapos sabi nya pag aaralan nya yong case ko ano po ibig sabihin po makukulong ako…nag aantay ako ulit ng tawag ng judge, at kinakabahan napo ako kung ano gagawin kopo? sa riyadh po ako ngayon

    • Danny,

      Hindi malinaw sa akin ang iyong problema. Ano ang charges bakit ka nakulong? Ano ang dahilan kung bakit ang puntirya nila ang cp mo? Ano ang naiwan sa bahay Cellp hone or Sim card? Bakit napunta sai nternet ang iyong pangalan? Linawin po ninyo kung ano ang problema.

      Bong

  22. good day sir, isa po akong aplikante para sa isang factory sa taiwan at kasalukuyang pinoproseso daw po ng agency (Jedegal Int. Manpower Services) ang aking mga papeles.ang concern ko po ay kung bakit di po sila nagbibigay ng resibo sa mga binayaran namin.tinanong ko po ung kahera kung wala talagang resibo nung nagbayad ako ng downpayment,ang sagot po niya ay “wala”.nangyayari rin po to sa mga kasama kong aplikante.Dapat po naming bayaran ang aabot P130,000 bago makaalis ng Pinas, kung saan nakasaad dun na 52k+ ang para sa placement fee;69k+ ang para sa refferals fee; medical; atbp…Ang pagkakaalam ko po ay maliban po sa placement fee na katumbas ng 1buwan sahod/ d lalagpas sa 45k na bayad ay wala na dapat bayaran sa mga agency, bakit po sila naniningil ng “refferal fee”?.kung para man ito sa mga brokers ng Taiwan, legal po ba yun? ang paghingi nila ng fee maliban sa buwanang babayaran pagdating sa Taiwan?
    Hindi ko pa po binabayaran ung halagang 130,000 kaya lang nag-aalala po ako kung tama lang po ba na ganun kalaki ung dapat kong bayaran? tama po bang di muna sila magbigay ng resibo hanggat di buo ung kabayaran? salamat po..

    • Les,

      Hintayin antin ang sagot ni POEA Administrator Atty. Carlos Cao. While waiting for their reply, in my research I found something relevant to Taiwan Migrant Labor Policy that might interest you and prepare yourself while still waiting for deployment.

      Migrant workers receive a working visa through the Taiwanese representative office in their home countries, upon their arrival, they must apply for an employment permit as well as an Alien Residence certification (ARC). In other words, migrant workers need to apply for these three permits/certifications separately. Furthermore, migrant workers can only apply for an ARC and an employment permit through their employers. The employment permit is not equivalent to the “working permit” that allows workers to change employers or transfer jobs on their own. In sum, there is no free labor market for migrant workers. According to the ideology of the employment permit and the ARC, it is implied that migrant workers are commodities or property belonging to employers, rather than as free social agents.

      It is obvious that acquiring a working visa in Taiwan is not easy for migrant workers. The process of the working visa application and subsequent job placement is a highly bureaucratic one. The complex procedures of application have led to the private broker industry’s gaining popularity in Taiwan, as well as the migrant workers’ dependence on them—both in Taiwan and in their home countries. Migrant workers usually need to pay a huge amount of broker or placement fees in order to have the opportunity to work in Taiwan. After their arrival, they need to pay placement agencies a “service fee” every month. Taiwanese law requires private recruiting firms to provide certain services for migrant workers upon receiving the service fee from them every month. Even though Taiwanese law states that private recruiting firms should provide concrete services for migrant workers, there is no clear regulation that defines the content of those services. The policies and processes of importing migrant workers are connected to the state ideology of objectifying migrant workers as the measure used to satisfy Taiwanese society. http://bit.ly/lXuvQk

      I’ll will keep you posted.

      Bong

    • Lester,

      Check your email, a letter from Atty. Josepino N. Naval of POEA regarding your inquiry attached in the email. I will also post in our blog his reply para sa kaalaman ng lahat ng mga kahany natin na papuntang TAIWAN.

      Regards.

      Bong

  23. gud day po gusto ko lng po humingi ng opinyon asawa ko isang ofw nakakulong po sya ngyon s taif dhil nagskay sya s kanyang dla trailer ng eutopian walang papeles. un isinakay nya po pinauwi n sa knyang bansa. ang aking asawa ay kasalukuyan nakakulong at pinagbabayad po ng hlagang 10tws riyal. hindi ko po alam kung sn pwede lumapit pra d2. pnu po b dpat kung gwin. maraming slamat po.

    • Chelle,

      Una po ninyong gawin ay ang pag kontak sa agency ng iyong asawa. Alamin sa agency ang status ng kaso ng iyong asawa sa Embahada or konsulado. Pag malaman mo na ang detalye tsaka ka ngayon sumulat uli sa akin at susulatan natin ang Embahada kalakip ang inyong sulat upang humingi ng assistance sa kanila at maalalayan ang iyong asawa sa kanyang kaso.

      Regards.

      Bong

  24. Dear: Sr/madam

    kame po si Marc Lester P. Comia at Chuckie Contante nag tratrabaho sa cioconat loung al rashid mall 2nd floor al khobar companya ng Gulf Gateway EST. near in Saad hospital.

    Sr/madam, humihingi po kami ng tungol sa inyo upang maipull out nyo po kami d2 sa companya namin dahil may mga problema ang companya sa sulat na ito babanggitin ko po isaisa ang problema at systema ng companya namin. nakipag ugnayan na po ako sa agency namin NAWARAS sa malate mabini beside of ARIRANG HOTEL wala po siulang action, na na gawa kaya nga po nakipag ugnayan na ako kay sr benji owwa ng al khobar naka gawa na po kami ng sulat at photo copy ng iqama namin at ng contrata namin naibigay ko na po sa kanya at pina punta ko na po ang magulang namin sa OWWA phil. pati po sa DAVAO nakausap po nang magulang ko “marc parents” ang taga owwa davao na si madam cora zoey at atty Rose ng POEA sabi po nila na contakin po daw namin agad si ROn Bartolome at Sergio Borqueta. tinatawagan po namin ang agency bago mag 3 months kaso po di nila ginawaan ng action si SHENG position (STAFF) po tinatawagan namin nag riring tpos mamaya off na ang cellphone pati head nila kinukuntak ko ganun din po.

    Ang mga problema po sa Trabaho namin:

    -Delay Salary (always)

    -no standar computation of salary

    -Forge contract (iba ang pumerma sa contract namin hindi mismo ang employer namin kundi ang general manager namin blerd copy pa.)

    -Poor accomodation (madumi kitchen at CR nasa likod nang warehouse kami nakatira)

    -verbal abuse Language of GM infront of the whole staff sometimes in infront of the costumer

    -no Day off once in a blue moon

    -substandard work (all around work)

    -no good system (some of our product expire)

    -management not good (GM dont know how to manage the staff and the whole shop)

    -General manager abusing of his position

    -they dont care about their staff only thinking the Sales

    -no break even pray time (” kahit sala po nag tratrabho kmi sinasabihan lang kami mag ingat lang sa mutawa. pero sila nag brereak ang ibang lahi ang pnoy nag tratrabho”)

    -not standard regular hours base on contract is 240hrs per month (” dapat po sa isang buwan 240 lang tpos po each week 1day off kaso po hindi po nasunod 260hrs ang ginawa nila no day off hirap na po kami sa 260 hrs. 2sr lang ang per overtime namin.”)

    - not given the PAYSLIP of our salary ( if salary time pina pa rush kami pumerma ng payslip hindi nila ini explain)

    madam/sir sana po matulungan nyo po kame na makauwi ng pinas my mga pamilya po kasing umaasa sa sasahurin namin hindi po tama yung gingawa nila samin kailangan po namin ng pera kaya kame nandito para sa pamilya namin. aasahan po namin yung tulongan nyo po kame asoon as possible dahil ayaw po naming maipit dito. eto po yung contact number namin (marc lester comia mobile # 0536180737 eamail add.ym lester_comia@yahoo.com). (chuckie constante mobile# 0541268829 eamail add. oarsman_15yahoo.com) maraming salamat po asahan mo namin ang action ninyo

    • Chuckie,

      Sa haba ng sulat mo or rekalmo sa inyong employer, nakita ko na marami talagang nilabag na batas ang inyong employer. Tutal nandiyan ka naman sa AL Khobar, pakibisitahan na lamang po ang ating mabait at madaling kausap na Labor Attache Des Dicang ng ating POLO.

      Ang gawin mo, ganito. Isulat mo lahat ang inyong mga hinaing sa isang A4 paper, paki address kay Labor Attache Des Dicang na kayo ay humingi po ng tulong sa dapat po ninyong gawin na ayon sa tamang proseso.

      Huwag kalimutan ang pangalan ng kompanya, lahat ng detalye, expecially ocntact numbers or email, name ng manager or owner, at kung alam po ninyo ang telepono isama nyo na rin. Kung marami kayo, pirmahan nyo isa isa ang inyong complain kasama ang inyong mga contact numbers.

      Ito po ang contact number ni Labor Attache Des Dicang: 0558605765. Humingi po kayo ng payo, pero kung ako kayo, bisitahan ko po siya ng personal dala ang sulat.

      Ok po!

      Keep me posted.

      Bong

      • Sir ngayon ko lang po na kita sa internet ang sulat namin kami po ang nag sulat nito ako po pala si MARC LESTER P. COMIA taga davao po sa tagal po naming nag intay sa action nila finally po naka uwi na po kami nang maayos pero hindi po dito nag tatapos ang lahat kailangan po nila panagutan ang nang yari samin doon. kung sino pa po yong rehestrado sa POEA sila pa po yong na mimiki nang OEC at PDOS.. Sir nag PDOS po ako sa davao sept 3 2010 bakit po nong binuklat ko ang envelope naging nov 22 2010 at hindi po sulat kamay ko ang nag sulat doon at saka po ang apply ko is WAITER bakit po sa OEC Archetictural labourer no choice po kasi ako non kaya hindi ko na back out kasi nga po malaki na po ang gastos ko 2 1/2 months po ako nag anatay sa manila ticket nlng iniintay kya pla matagal dahil may kababalaghan.. at sinabi pa nang liason officer nila na for exit lang daw ang OEC pero bakit ganun dapat kung ano ang companya mo at position mo dapat un ang naka sulat pwede pala dayain ang OEC nakaka lusot po pala ang mga ganito sa gobyerno natin rehestarado po sila pano na po kaya yong mga piking agency kawawa nman po yong mga OFW na nag iibang bansa tpos masaklap ang mapupuntahan nila gaya namin nag tiis lahat kahit crossiant(tinapay) araw raw tag 1riyal malampasan lang ang gutom at maka ipon.

        sir ngayon po naka uwi na ako kailangan ko po tlga na ereklamo ang mga ganitong agency NAWRAS po Agency nakaka dala po ang ginawa nila samin.

        Tip ko sa mga nag hihirap jan sa saudi specially sa waiter yong TIP na nakukuha ninyo yon nalang gamitin nyo para makontak magulang nyo dahil mahirap makipag ognayan sa POLO d2 sa Al khobar kailangan sa pilipinas ang mangungulit para safety ang laban.

        Sir ask lang po pano po na punta d2 yong esenend ko sa polo_ero2000@yahoo.com at sa OWWA nang pilipinas sino po nag post d2 thank you po sa nag post

        Thanks regards MARC

        • Marc,

          Ako ay nagagalak na ikaw ay nakauwi na sa Pinas. Siguro po ang sumulat ay ang inyong kasamahan, makikita mo ito dahil pangalan mo at sa kanya ang nakasulat kung saan galing ang liham.

          Marc, ang OEC ay ma-issue lamang kung bayad ka sa lahat ng mga kakailanganin bilang isang documented OFW, katulad ng OWWA membership at Philhealth at POEA payments. Pag meron ka nito tsaka lamang maibigay ang Overseas Employment Certificate. Ang PDOS naman, depende po ito kung pangalan mo or hindi ang nakalagay sa Certificate. Ang masama kung ibang pangalan ang nakalagay. Tungkol naman sa designation ng trabaho, usually dito sa KSA hindi magkatugma ang Visa at actual work. The important is ang trabaho na inaplayan mo sa Pinas ay siyang maging trabaho mo at site. Ang mga employer kasi, pag ano yong available ng Visa na makukuha, tatanggapin nila ito dahil na rin sa hirap na ngayon ang mga employer na kumuha ng visa. So ang nangyari Architectural laborer ang iyong visa pero ang tunay mong trabaho ay waiter. Kung ang batas ang tatanongin, hindi po ito tama pero ito ay naging kalakaran na ng mga Saudi employers.

          Kung anoman ang maging desisyon mo, ito ay galing sa iyo at walang ibang taong magdikta. So kung sa palagay mo, ang agency ay may pananagutan, GO FOR IT!

          Regards and ingat diyan. Sa susunod nga pala, huwag basta basta mag accept ng Job Offer na alanganin ka.

          Bong

  25. Sir/Madam
    Halos anim na buwan na po ako dito sa qatar.Na deploy po ako last oct 14,2010. hanggang ngayon po at hindi pa rin ako nakakapag simula sa trabaho bilang isang driver.
    gusto ko nalang po sana makabalik sa pilipinas.Maari po ba ako makauwi ng hindi na magbabayad ng halagang dalawang libong dolyar?

    • Efren,

      Bakit naman hindi kapa nakapag simula? Ano ang kanilang dahilan? Sa loob ba ng anim na buwan, ikaw ba ay nakatanggap ng buwanang sweldo?

      Please note na ang mga drivers po ay hindi po saklaw o sakop sa batas paggawa ng Qatar.

      Qatar Labor Law, Art. 3.4: Except as otherwise provided for in any other law the provisions of this law shall not apply to the following categories: 4) The persons employed in domestic employment such as drivers, nurses, cooks, gardeners and similar workers.

      Pero kung ikaw ay company driver, ikaw ay sakop Qatar Labor Law. Pero ayon sa Artikulo 49:2 ng Qatar Labor Law : If the contract is terminated without observing these periods, the party terminating the contract shall be obligated to compensate the other party for an amount equivalent to the wage for the notice period or the remaining part thereof.

      Ibig sabihin po, pag ikaw mag resign or i-terminate mo ang kontrata, angf worker ay magbabayad ng halaga katumbas sa sahod ng worker basi sa natitirang mga araw ng kanyang kontrata na dapat taposin.

      Kung 2,000 dollars po ang iyong bayaran ayon sa kompanya, siguro meron silang sariling policy tungkol dito. Ito ay dapat mong alamin.

      Bong

      • napakabagal po kasi ng process ng agency na lumalakad ng papeles namin.wala po akong nakukuhang buwanang sweldo.nagbibigay lang po ng food allowance kada buwan samin ng 250 rial. ang katwiran po ng agency ibibigay lahat kapag nakapag simula na sa trabaho.sa ngayon po naayus na ung labor card.ang problema po kasi na expired ung dubai license ko last oct 30 2010.hindi rin po kasi naasikaso ng agency.sa ngayon po pinag aantay na nman nila ako para makapasok sa driving school.ayaw ko na po sana mag antay ulit.nagpaalam po ako na pauwiin nalang ako. pero hinihingingan nila ako ng ganoong kalaki na halaga.pinagawa po kasi ako ng by hand na kasulatan na nagsasabi ako na magbabayad ako sa kanila ng halagang nasabi kung uuwi ako ng hindi natatapos ang contract.ang problema po kasi hindi ko malaman talaga sa kanila kung hanggang kailan bago ako makakapag simula.
        nailapit ko na rin po ang bagay na yan sa owwa dito sa qatar.sinabi po sa akin na patuloy na mag antay..may iba pa po bang paraan kung sakali? kawawa na po kasi ang pamilya ko sa pilipinas.

        • Efren,

          Sa susunod po, basahin at alamin ang nakasaad sa lahat ng papel na inyong prinirmahan at ipa-explain sa agency kung ano ang consequences nito. Nasabi po iyan ng OWWA dahil na rin sa alam nila na pag gusto mo talagang umuwi, ikaw ang mag shoulder ng expenses at pagbabayarin kapa ayon sa pinirmahan mong kontrata.

          Ang dapat mong gawin, kausapin mo ang POLO/OWWA, na kung puwede matawagan or mabisitahan ang inyong employer at mag inquire kung ano ba talaga ang iyong employment status. Sa ganitong paraan, at least alam nila na ikaw ay humingi na ng tulong sa ating POLO/OWWA.

          Bong

  26. kasalukuyan po akong nakasuspinde sa kumpanya dahil po sa mga bintang nanghihingi po ako ng pesa sa supplier.isang buwan na po ako walang trabaho at walang sweldo.wala po silang sulat or hindi po nila ako pinagpapaliwanag.paano po kung ako ay wala talagang kasalanan pero iniipit po nila ako dito.pati ang pamilya ko.wala rin ako iqama.paano po ang gagawin ko.wala pong due process na nangyayari.

    • Jo,

      Sumulat na rin Mrs. mo tungkol sa iyong problema. Malinaw sa SLL na dapat abisohan ka kung meron kang nilabag sa batas. Ang ginawa nila sa iyo ay ibang approach, pinagdusahan mo muna ang nagawa mong pagkakamali (kung meron man) bago sila umaksyon ng legal.

      As what i’ve said, you need assistance from our Embassy/POLO in this regards para malinawan kung ano ba talaga ang kaso mo at upang makauwi na rin ang iyong pamilya at maharap mo ang iyong suliranin ng masinsinan.

      Bong

  27. hello po. im a nurse working in dammam and i wanna applyfor an early emergency vacation dahil kailangan po ako mka uwi for some important family matters kahit two weeks lng po. pwede po ba cla mag refuse im still 10 mnths palang po ako dito ds month february. paano po f di na ako babalik pwede po ba nila ako eblock sa saudi?ano po posibleng mangyari?

    • Kris,

      Nasa employer po kung pauwiin ka under emergency vacation application based on a valid reason, lalo na po na ikaw ay 10 months pa lamang.

      Kung uuwi ka at dina bumalik, nilabag mo po ang kasulatan or contract terms of employment, ibig sabihin po puwedeng puwede ka nilang mai-block based on mentioned reason. Nasa employer po yon kung gagawin niya. Pag hindi naman niya ito gawin, ang mismong gobyerno ang mag block sa iyo sa immigration pag nakitang active pa ang iyong employment status sa kanilang record.

      Bong

  28. Sir,
    I am working right now in KSA.Nag aplay ako sa Qatar pinadalhan ako ng working visa
    ng bago kong emplyer ang tanung ko po pwede po ba ko dumiretso sa Qatar dahil hawak ko na po un working visa ko kahit d na ko mag resign lagi ko po hawak un pasport
    with multiple re enrty o kailangan ko mag resign para sa graceful exit

    thanks and more power

    • Rod,

      Dapat ka munang bumalik sa Pilipinas upang makapunta sa Qatar. Ang visa mong hawak ngayon ay from Pinas to KSa to Pinas lang. The mutiple re-entry written in your passport is only good for KSA and not to other countries. Yes! you are right, kung gusto mong peace ang iyong isipan dapat lamang na mag resign ka para graceful exit at wala kang kakaba kaba sa mga nais mong gawin.

      Bong

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s