28 comments on “Republic Act 8042

  1. sir,

    Mag 1 year na po ako sa november, 2 years po kontrata ko. mag e-expire po ang iqama ko sa feb. 2012. gusto ko na po umalis sa kumpanyo ko. ayaw ko na po sana mag renew ng iqama. pero naka deploy po ako, naka supply. establishment lang po kasi kumpanya namin. resignation po ba ang dapat ko i-file? aware po ako na may babayaran ako, pero pwede po ba nila akong ipitin o i-hold kahit ayoko na talaga mag trabaho sa kanila? salamat po.

    • vin,

      You are under contract kaya kung mag-resign ka at hindi sila pumayag, wala tayong magagawa kundi taposin ang inyong napagkasunduan. Kung papayag ihanda mo ang iyong sarili sa iyong mga babayaran sa dahilan na hindi mo tinapos ang iyong kontrata.

      Bong

      • sir,
        im raiza and working for 17months here, ang prob po s work nmn ay overwork po km at the same time po ay ot n walang bayad… ang tunay po n may ari ng clinic nmn ay mag asawang egyptian, ngrent lng po cla ng saudi para maging sponsor nmn, yaw dn po km bgyan ng copy ng contract, ngaun po ay 4 ang doctor pero 2 lng po km nurse, anu po kaya pd nmn gawin??? gus2 npo nmn umalis s clinic n un… wat is the best thing we can do po?kami dn po ang nagbayad ng iqama, health insurance, exam po nmnnmn d2

        • Maraming violations ang employer mong Egyptian kaya dapat lamang na isumbong ninyo ito sa ating POLO para mabigyan ng agarang solusyon nag inyong hinaing. Kung hindi makuha sa magandang usapan, dapat sampahan nyo ng kaso ang employer sa Saudi Labor.

      • sir plan ko po sana iwithdraw application ko going saudi but the problem is natatakan passport at may visa na po ako… at d raw bastabasta ang pagwithdraw… pwede po ba ako magapply ng panibagung passport? pwede ba ako iblacklist sa poea at d ko na pwedeng gamiting name ko anywhere abroad?

        • Puwede pong i-withdraw kung pag desisyonan mo ito. Kaya lang sayang ang mga araw na ginugol mo at biglang nagbago ang iyong desisyon. Pero kung ang rason mo naman ay protektahan ang sarili mo dahil sa mga inconsistencies na nangyayari ayon sa iyong pangalawang sulat, payo ko puntahan mo po ang POEA at idetalye sa kanila ang iyong problema.

          Tungkol sa pasaporte, maaaring magka problema ka kung ideklara mo ito na “loss” dahil nga naman sa napakaikling panahon ito ay nawala na agad. Depende po DFA kung tanggapin ang iyong aplikasyon for issuance of a new passport.

  2. Sir tanong ko lang po kung anu po ang makukuha ng aking kapatid na pumanaw sa barko?anu po ba ang mga batas at benifits na makukuha ng aking mga magulang bilang mga benificiary nya?

  3. sir,

    2 years po contract ko pero gusto ko na po magresign. ano po ba mga legal na babayaran ko pag nagresign ako. may nakapagsabi po kasi skin na kung ilang months pa natitira sa sweldo ko times yung monthly salary ko yun daw babayaran ko. salamat po.

    van

  4. sir/maam , ask ko lang po kung pde bang mag bakasyon ng after 1yr. pero ang contrata ko is 2 yrs? salamat po.,..

    • Ben,

      Puwede, pero ito ay dapat sang-ayonan or aprobahan ng employer ang request for early vacation ng worker. Ibig sabihin nasa diskresyon ng employer kung papayagan ka or hindi. Kung sakaling papayagan ka, ikaw ang mag shoulder ng iyong round trip flight ticket.

      Bong

  5. Sir,
    Noon pong una ay wala akong problema sa pag renew ng iqama kaya lang po sa bagong saudi law kung ang nakalagay sa iqama mo ay engineer kinakailangang maging member ka ng saudi council of engineers. Graduate po ako ng civil engineering pero wala pong license o board. Nagtrabaho po ako dito for 21 yrs as an engineer. Noon pong magsubmit ako ng application one month from now ay wala pa pong malinaw at hangganb ngayon ay wala pa silang reply, expired na po ang aking iqama just 2 days before. ano po ang aking gagawin, i tried to contact saudi council of engineers pero they just told me to apply to their website but i as have told you my application are not going through at wala silang reply. thanks po.

    • Efren,

      Ayosin mo ang problema with your employer kasi iyan ang bagong patakaran ngayon sa Saudi. Kung ang Visa mo ay Engineer at mag renew ka ng iqama dapat ay mag exam ka muna para ma -renew ito.

      Bong

  6. Good morning po,

    ano po pwede ko gawin kase sa feb. 28 po effective na resignation ko pero ginagawan ako ng problema ng amo kong egyptian. pumunta po ako dito bilang asst. manager pero pinagtrabaho nya ako bilang restaurant manager ni wala pong legal papers tapos ngayon po gusto nya bayaran ko yung mga variances sa restaurant na wala naman po akong kinalaman. sana po matulungan nyo po ako bago pa magtungo pamilya ko sa dfa sa pinas ayoko na po magtagal dito.

    umaasa po ako namtutulungan nyo ako sa lalong madaling panahon.

    maraming salamat po!

    kiko

  7. sir
    tanong ko lng po kc po end off contrack na po ako noong feb 16 ginawan po ako ng problema ng manager ko matagal na ko nag wowork d2 sa saudi joinning date ko noong august 15 2001 mangyayari sana extention exit kaya lng ginawan nga ako problema ng manager ko kulang-kulang 9 days na ako d2 sa accomodation ko walang nangyayare takot naman ako lumapit sa office namin kc baka bigyan pa ako ng masmalaking problema at yung 10 years service award ko baka d ko pa makuha ano po ba ang dapat kong gawin gusto ko na nga po umuwe tapos na po ang contrata ko at sino po ang dapat kong lapitan

    salamat po

    toyskie99@yahoo.com

    • Fer,

      Sayang talaga ang sampung taon ng inyong pagsasama at nagkaroon ng problema. Siguro naman for 10 yrs. alam ng employer mo kung paano ka mag work. Bakit dimo siya lapitan at kausapin ng masinsinan na gusto mo ng umuwi.

      Siyanga pala, pakitingnan ang iyong iqama dahil sa tagal mo sa employer mo, ang iqama na ang susundin. Kung nao ang expiry date nito, iyon ang end of contract mo.

      Kung hindi akuha sa usapan, you may visit POLO para ma assist ka sa iyong problema.

      Bong

  8. Sir, ask ko lang po contract termination na po ako, last Dec.31, 2010 ako nag flight pauwi dito sa pinas, pwede po ba kagad ako maka balik ng saudi arabia? binigyan po ako ng employment certification, Termination ang Reason for end. 14 months lang po ako doon sa saudi, binigyan po kasi ako ng agency ng engineer visa, hindi naman po ako engineer. after 1 year hinde i renew ng saudi gov. ang iqama ko without supporting documents, kaya no choice ang company ko kundi i terminate ang contract ko, kelan po ba ako pwedeng bumalik? gayong may finger printing an picture ako sa immigration noong pag pasok ko. Salamat po!

    • Ric,

      Ibig sabihin may exit visa ka pauwi sa atin at ni release ka ng iyong employer. Kung walang kaso na isinampa sa iyo ang Passport department puwede kang bumalik sa KSA. Tungkol sa kung kailan, pag natatakan ang iyong passport sa Saudi Royal Embassy sa atin, ibig sabihin puwede ka ng umalis anytime papunta sa KSA.

      Mahigpit ngayon ang Passport Department, kasi pag engineer ang iyong visa bago ka maka pag renew ng iqama dapat pasado ka sa exam ng Saudi Council.

      Regards.

      Bong

  9. Good morning. My concern is regarding my current application in an agency here in the Philippines, I’d like to back out or withdraw my application in Riyadh, Saudi as a private tutor for the four children of an Arab national. I am too much afraid to be abused and maltreated. But the agency is insisting me that I have to pursue my application because they have already my visa, but I did not submit any of my requirements especially my passport. Sir what do you think is the best thing for me to do? Do I have my rights to withdraw my application?

  10. sir
    sir ano ba yng batas na allowed ang isag ofw na mag drive sa pinas gamit ang ibang driving licinse habang ito ay nakabakasyon tnk u…

    • Paul,

      Wala po akong naririnig na allowed ito sa mga ofw. Matanong lang kita, bakit ka nagkaroon ng lisensya sa bansang iyong pinagtrabahoan na hindi ka hiningian ng original or photocopy ng iyong local (Pilipinas) driver’s license? Ang alam ko, requirement ito sa pagkuha ng lisensya sa ibang bansa.

      Meron akong nalalaman na “international driving license”, kung ikaw ay isang foreigner at mag rent a car habang nasa bansang iyong pinuntahan, puwede kang magkaroon nito. Makukuha mo ito sa tulong isang travel agency.

      Thanks for dropping by.

      Bong

  11. ask ko lng sir kung may karapatan ako mag complain, kasi bukas patapos na contract ko sa company ko, at nag file ako ng vacation for three months, pero hanggang ngayon ay wla pa akong schedule kung kelan ako makapagbakasyun, at isa pa kelangan pa ng garantor para ibigay ang benefits ko, at kung wala kang garantor wala ka uwi pera,

    please pakisagot lang po.

    thanks po.

    chris villegas.

    • Christo,

      Nag file ka ba ng notice a month ago for your vacation? Naaprobahan na ba ang bakasyon mo na 3 months? Ilan taon ba ang iyong kontrata? Pag 2 years, 42 lamang ang puwede mong hingin. Kung 1 year, 21 days lang ang puwede mong bakasyon. Nakailang taon kana ba sa kompanya? May notice ba ang kompanya na mag-extend ka muna?

      Maaaring ma postpone ang iyong bakasyon kung kinakailangan ng kompanya ang iyong serbisyo sa loob ng 90 araw at kung kailangan na mag extend kapa, kailangan na ng consent mo, kung ayaw mo ay hindi ka puwedeng pilitin.

      Regards.

      Bong

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s