The Essence of Filipino Diaspora – Buhay Abroad Talaga


HAY BUHAY ABROAD TALAGA 
 
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa DUBAI  ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash pinadala sa pinas, kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.
 
Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.
 
Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!
 
Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Dubai kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!
 
Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani…..naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani! Utang sa DUBAI lalong dumarami.
 
Akala nila masarap sa DUBAI di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.
 
Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!
 
Akala nila masarap sa DUBAI kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!   
 
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito! Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa dubai maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mo dito sa dubai .. O kaya naman tiyaga kang mag -abang ng RTA Bus or Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe!  Walang jeepney, tricycle o padyak sa dubai .. madami mga indianao, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka paskitani na taxi driver na rapist pa!
  
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Burj Al Arab, Desert Safari, mall of emirates, Atlantis, Al Mamzar Beach,  at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapicture para mapadala mo sa mga mahal mo sa buhay.
 
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dirham na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero dirham din ang gastos mo sa dubai .  Ibig sabihin ang dirham mong kinita sa presyong dirham mo din gagastusin.

Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas AED3.00 sa Dubai , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa Dubai AED 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o heap nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .
 
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa Mashreq ,HSBC o CITIbank  na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito !!kasi nga magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!
 
Madaming naghahangad na makarating sa Dubai . Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Dubai madaming outlet ng stress mo !kasi walang bawal!!! .

Hindi ibig sabihin dirham na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
 
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.
 
Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan sariling bayan?  Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan. Hangga´t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan. Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!

Advertisements

6 thoughts on “The Essence of Filipino Diaspora – Buhay Abroad Talaga

  1. Julie,

    Salamat sa sharing mo. Minsan ang mga naiwan sa atin ay nag iisip na kesyo abroad ang isang member ng pamilya, masarap na ang buhay nila. Naghihintay ng grasya tuwing katapusan ng buwan, nakaupo sa upoan sa loob ng isang buwan na parang mga pensionado. Hindi marunong magtira ng konti para maipakita sa kanyang mahal sa buhay pag uwi na kahit papaano may naipon ito sa mga pinapadala tuwing katapusan ng buwan. Masakit man sabihin pero ito ang karamihang nangyayari sa katulad naming mga OFW. Habang walang naiipon o habang hindi nagtutulongan ang pamilya para sa ikauunlad ng buhay at umaasa lamang sa ka pamilya nito na nasa abroad, babalik at babalik kami rito sa abroad at karamihan sa amin ay dito na nakakalbo at minsan dito na rin mamamatay.

    Naalala ko tuloy ang entry ko year 2006, istorya ito ng isang anak habang tintingnan ang family album:

    A young girl was looking through the family album and asked her mother, “Who’s this fellow on the beach with you with all the muscles and curly hair?” the mother replied “That’s your father.”

    to read the reply of her mother pls. click link : https://ofwempowerment.wordpress.com/?s=alfred+ganapin+white

    salamat Julie sa iyong pagbisita. pls extend my warm regards to your husband na nasa dubai at anyayahang bumisita sa ating (ofw’s) munting tahanan.

  2. Its good thing may mga ganitong sharing… my husband is in Dubai… from the time he sent us remittance, i value it so much. he wanted me to stop working but instead just focus to our son.. but i woudnt agree with him.. i want to help him.I know hes working so hard and i know how much sweat and blood he’s giving… lets just pray for our family in Dubai or a i mean all OFW..I hope this will be a lesson to all of us… God bless them always.

  3. grabe.. (tooogsh!) sobrang panama nman po nito..
    mga kuya q rin po kac nsa Dubai…
    haaay.. tas aq nagha2ngad na rin magpunta sa dubai.. (2nd yr col)…
    kaya pla ayaw ng kuya q..
    kung iisipin rin nman… tss. khit di na isipin..
    tamang tama, 22ong 22o nman kac tlga ng mga nasabe nio..
    haaay,, bkit ba kac ang hirap mabuhay…
    kelangan tlga ng pera .. ng kayamanan kugn gus2 mong mabuhay… haay grabe..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s