Katumbas na Kabayaran


*

Katumbas na Kabayaran

Maraming mga bagay na ginagawa natin dito sa mundo na hindi mo sukat akalain na ito’y makapagbigay sa iyo ng kasiyahan. Maliban sa kapangyarihan ng pera na siyang pangunahing instrumento na makapag bigay saya ng isang tao.

Ang bukal na pagtulong sa kapwa ay walang katumbas na kabayaran, ito’y kasiyahan sa puso na hindi natin maiihambing ng kahit anong halaga ng salapi.

Sa ating buhay may mga pagkakataon na maitanong natin sa ating sarili na bakit ko ito ginagawa na sa kabila ng ating pansariling problema mas nauuna pa ang iba?

Many hands have the ability not only to make work easier, but also helping each other overcome obstacles

Many hands have the ability not only to make work easier, but also helping each other overcome obstacles

Maraming paraan ng pagtulong, hindi ito sa pera lamang na kaparaanan basta bukal sa puso mo ang pagtulong sa kapwa at itoy kusa mong ginagawa at ito’y galing sa kaibuturan ng iyong puso, gawin mo ito dahil may katumbas na biyaya na darating galing sa itaas. Hindi man ito ngayon, baka bukas o sa susunod na mga araw. ***

Ang pangingibang bayan ng isang ama o ina ng tahanan ay hindi napaka simpleng desisyon sa kanyang buhay. Malayo sa pamilya at pangungulila sa mga mahal sa buhay ay ang katumbas nito.  Pangunahing kadahilanan ang makapagpatayo ng sariling bubong na matawag na sariling atin, utang man ito ngunit ito’y mapasaiyo rin balang araw. Pangalawa para sa kinabukasan ng mga anak.

Ngunit ang lahat ng pawis at dugo mong pinuhunan ay may katumbas rin na kabayaran at ito’y hindi dapat pagsisihan ng mga katulad nating nangingibang bayan. Bagkus ito’y asahan pagdating ng araw.

Kalakip ng “entry” na ito ay ang kuwento ng isang anak OFW, na pinamagatang “AKO“. Sana, ito ay makabigbigay ilaw sa ating lahat na ang pangingibang bayan ay may katumbas na kabayaran. Sa mga anak sana ngayon maiintindihan ninyo ang paglayo ko (namin).

Advertisements

One thought on “Katumbas na Kabayaran

  1. Nakakalungkot pero totoo..Bawat bata pinapangarap ang buong pamilya.. Sama sama sa lahat..Magkaramay sa lahat ng bagay..Pero dahil na rin sa kagustuhang magkaroon ng magandang buhay, sinasakripisyo ang pagkakasama sama ng pamilya at nagingibang bansa ang isa sa magulang o kung minsan pa ay parehong wala ang mga ito..Kaya marami ang nangungulila sa mga mahal nila sa buhay..Hay..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s