DARNAAA!!! Kumakatok lang Po! Distress Call


A friend of mine called me a few minutes ago asking for my help. His friend, a Filipina Household Service Worker (PGMA’s Super Maids) called him narrating her ordeal in the hands of her Egyptian employer (bakit kaya Egyptian, siguro naloko naman to ng recruiter). She was “kono” maltreated and abused”. At sabi pa sa kanya na pag wala daw tumulong sa kanyang tumakas “tatalon daw siya sa ika-apat na palapag ng building na kanyang tinitirahan.  Tanong ko sa kaibigan ko “Bai basin imo na UYAB, pagkatapos ma rescue kunin mo sa Bahay Kalinga at ibahay habang buhay” sabi niya “he he, ikaw talaga bai, hindi oy”! para bang nahihiya, he he. 

FHSW "Darna in Real Life"

FHSW “Darna in Real Life”

Well, well, well,  im not new in this kind of distress call, some of them true and some of them not, “bakit pa kasi nauso ang cellphone may text mate tuloy”. 

Pero wala akong magagawa kundi tutulong sa ating mga kawawang “PGMA’s Super Maids” in Filipino dialect “DARNA“.   

Sabi ko sa kaibigan ko “Bai, gawin ko ang aking makakaya na makaabot sa mga kaibigan “kono” natin  sa Embassy at POLO/OWWA, pero huwag kang umasa dahil yong problema sa Makkah/Jeddah na nakakarating na sa pinaka matayog na opisyal ng Konsulada natin doon, sa awa ng Diyos wala pa akong natatanggap na balita”.  Dagdag ko “pag nagka ganon, bai! hindi malayo mag ALA DARNA yan” huwag naman sana. &*#@ Kumakatok lang po!. Sensya na.

Advertisements

One thought on “DARNAAA!!! Kumakatok lang Po! Distress Call

  1. Darna! ay sorry po. Aloha (not her real name) ay nasa mabuting kamay at kalagayan sa ngayon. I talk to her the day I received the call from a friend. The Egyptian national is not really her sponsor, pinahiram lang pala siya ng kanyang amo sa Egyptian while the whole family are on vocation. Kasi daw siya lang mag-isa sa iniwang bahay. Sa madaling salita hindi niya tunay na sponsor ang Egyptian. Tinanong ko kung anong masamang ginawa ng Egyptian sa kanya, sabi niya pag maghugas daw siya ng sa kusina, hinihipoan raw siya. Tanng ko uli bakit naka short ka ba? Sabi niya naka pantalon daw siya pero dahil daw sa init ng panahon naka short daw siya pero lagpas tuhod naman daw. Sabi ko sa kanya pala nag init ang Egyptian dahil mainit talaga ang panahon dito. Hay naku! kayong mga FHSW na balak pumunta ng Saudi, huwag kayong magsuot ng mga ganitong damit dito. Nag PDOS naman kayo, sanan alam na ninyo ito o baka naman hindi kayo nakinig sa PDOS or wala kayong PDOS.

    Ok, balikan natin si Darna ay! Aloha pala. Sabi niya pag mag-away raw ang mag-asawang Egyptian siya raw ay pinapagalitan rin at minsan tinatapik raw siya ng babaeng egyptian ng malakas sa braso pag magalit, para raw siyang sinuntok. Tinanong ko siya kung may iba pa bang ginawa bukod sa nanbaggit, wala na raw. Sa puntong ito nakahinga ng maluwag si Captain Barbell, ehe! AKO pala.

    Hiningi ko ang number ng cell phone ng amo niyang Saudi na nasa bakasyon. Nagpasalamat naman ako na kahit nasa Jordan ang Al Jawal na cell phone niya ay naka bukas.

    Ako po ay kasalukuyang nag work sa isang Government institution, mabuti naman at ang Director na boss ko ay tumulong sa akin upang makausap ang kapwa niya Saudi (amo ni Aloha). Sa madaling salita, ng araw din na iyon kinausap ng amo ni Aloha ang Egyptian niyang kaibigan at ipinapaalam na may kukuha kay Aloha sa kanyang poder. Noong 11 ng Agosto nailipat na si Aloha sa bahay ng Boss ko at kahapon lamang bumalik na sa Saudi ang kanyang tunay na amo at kinuha na siya. Sa ngayon nasa mabuting kamay na si Aloha at hindi malayong mag ala Darna.

    Ako po ay nanawagan sa ating mga mambabatas o di kaya sa DOLE/POEA/OWWA na dapat kasama sa mga pinirmahang job order ng mga kumukuha ng FHSW na ipagbawal ang pagpapahiram nito (FHSW) sa hindi nila tunay na amo. Mahirap ang ganitong sitwasyon ng ating mga FHSW. Marami rin akong naririnig na bukod sa isang amo, maraming pinagsisilbihan na amo ang ating mga FHSW dito sa Saudi Arabia. Dito kasi sa Saudi, kaugalian na nila na ang buong pamilya ay sama sama, na kahit may mga asawa na ay sa isang compound lamang nakatira. Sana naman po magawan ninyo ng paraan upang magkaroon ng policy o restriction ang mga kumukuha sa ating mga FHSW.

    Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa aming Assitant Director Mohammed Badrani sa kanyang pagtulong upang mailipat muna pansamantala si Aloha sa kanyang poder mula 11 Agosto hangang 17 ng Agosto.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s