Susan “Toots” Ople inindorso ng PPP pagka Senador


Susan “Toots” Ople  inindorso ng PPP pagka Senador

Susan "Toots" Ople (click photo of Toots my choice for Senator )

March  5, 2010 Riyadh – Idinaos ang pangalawang pagtitipon o “2nd Tripartite Meeting” noong Biyernes ika-5 ng Marso ng mga community leaders na nagmula pa sa iba’t-ibang bahagi ng kaharian. Mainit ang pagtanggap ng Central Region na siyang tagapamahala sa mga delegates (delegado) na galing sa Eastern Region at buong pwersa na nagpakita ng kanilang supporta ang Western Region na bumiyahe pa ng mahigit sampung oras, kasama ang ilang mga kabataan na nakilahok sa naturang pagtitipon na ang layunin ay ang pagkakaisa at pagtibayin ang samahan para isulong ang mga adhikain at kapakanan ng mga OFWs.

Ang forum ay nag-umpisa pagkatapos ng isang almusal na inihanda ng mga Filipino Community Leaders ng Riyadh sa Al Mutlaq Hotel, eto ay nagbigay din ng pagkakataon para makasalamuha at maipakilala ang bawa’t isa.

Shakehand - 2013 OFW Sector Senator Rudy Dianalan and Upcoming 2010 OFW Mayor of Tubigon, Bohol William R. Jao

Napag-usapan ang pagrehistro ng isang malakas na puwersa, ang partidong pandaigdigang pilipino o PPP na isang partidong politika upang paghandaan at makilahok sa halalan sa hinaharap.

Ang matagal na paghahanda ng PPP mula ng naratipika ang Charter and By-laws nito noong Mayo 2008 sa Makati ay nagkaroon ng liwanag ng maipasa sa pagtitipon na ituloy ang pagparehistro nito bago matapos ang taon 2012.

Inaprobahan rin ng mga miyembro ng partido ang mungkahi ni Alex Veloso Bello, Chairman of the Board ng PPP na pasiglain muli ang membership campaign isang buwan pagkatapos ng halalan o sa darating na June 10, 2010.

(Breakfast prior to the Meeting) L-R Jauhari Usman (PPP-WR), Ding Manlapaz (PPP-CR), Dr. Astillero (PPP-CR), Rudy Estimo (ArabNews), Robert Ramos (PPP-CR) & Bel Hugo (PPP-ER), Rudy Dianalan (PPP-WR), Jun Aguilar (PPP-MLA/HQ) and Boggs Bolor (PPP-CR)

Nabigyan din ng pagkakataon si  Susan “Toots” Ople,  anak ng yumaong nationalist lider Blas F. Ople na isa sa mga kumakandidatong pagka senador sa pamamagitan ng phone-patch at inihayag ang kanyang programa para sa mga OFW na ikinagagalak ng mga nagsidalo.

Pinag-uusapan rin sa pagtitipon ang malawakang paghahanda ng Regional PPP Chapters na kung saan kinasasakopan nito ang probinsya, siyudad, munisipyo at barangay chapters alinsunod sa patakaran ng COMELEC upang mabigyan pansin ang aplikasyon nito.

Jun Aguilar (PPP-Manila/HQ), Alex Veloso Bello & Tony APolto (PPP-CR)

Ayon sa isang panayam kay Mr. Bong Amora, secretariat ng PPP Central Region, “Nagkatipon-tipon ang mga filipino community leaders ng 3 rehiyon ng kaharian upang pag-usapan ang OFW Representation, at magkaroon ng endorsement sa mga kumakandidato sa nalalapit na halalan”.

Ayon kay Engr. Frank Naval “in order for the OFWs to be heard, we are bound to support this endeavor because this is the only way, and this is the only organization that is very vocal as far as representing OFWs in our government”. Si Frank Naval ay kasalukuyang Presidente ng United OFW, isa sa mga organisasyon sa Riyadh na may pinakaraming bilang na mga kasapi.

Ayon naman kay Engr. Faisal Sarque, “humihingi kami ng supporta sa mga OFWs around the world para sa pagkakaisa.”

Meeting Proper

“Kung gusto natin na marinig ang mga hinaing o boses ng mga OFWs, kailangan na pagtuonan pansin ang problema ng hindi pagkakaisa at pagkakaunawaan ng mga lider komunidad hindi lamang sa Saudi Arabia kundi sa buong mundo na may mga Pilipino” dagdag ni Sarque, na kasalukuyang tumakbo ng pagka Bise Alkalde ng Navotas sa darating na halalan.

Sa pagpakilala naman ni Engr. “Jun” Aguilar na galing pa sa Manila para konsultahin ang mga kapartido “in this meeting we will endorse a common candidate in the person of “Toots Ople” for among the candidates she has the only concrete labor agenda for the LABOR sector and the migrant workers including their families and who could carry the legislative agenda in the senate.”

“I believe that we will come-up concrete steps on how to register the party and the timelines required.” Dagdag ni Aguilar na isa ring dating OFW sa Saudi Arabia.

Raul Valenzuela, Ben Manikan, Francis Oca & William R. Jao (PPP-Central Region)

Sa pagtitipon umabot sa mahigit isang oras ang deliberasyon tungkol sa pag indorso sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno. Iginiit ng pinagsamang suhestiyon nina Bel Hugo ng PPP-Eastern Region, Faizal Sarque at Frank Naval ng PPP-Central Region  at  Jauhari Usman at Atoy Esguerra ng PPP-Western Region  na hindi pa napapanahon na ang partido mag indorso ng mga tumatakbo sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at mga sampung senador. Sa huli pinagkasundoan ng mga delegado na ipagliban muna ito sa darating na tamang oras at panahon.

Habib Batua (PPP-CR) & Boy Cornejo, Jauhari Usman, Arman Muleem (PPP-WR)

Binigyang diin ng mayoriya ng mga delegado na dapat lamang na si “Toots Ople” ang bibigyan ng suporta ng mga OFWs dahil siya lamang ang karapat-dapat na magdala ng boses ng mga OFWs sa senado.

Kabilang sa mga inindorso ng PPP ang mga sumusunod na mga tumatakbong meyembro at supporters ng partido; Brig. Gen. Danilo Lim (Senator), Engr. William Jao (NP, Mayor, Tubigon, Bohol),    Dr. Rusty Balderian (Congress, 2nd District, Leyte), Andy Rosales (Councilor in Quezon City), Beng Causing (Councilor in Koronadal City), Kit Tejero (Municipal Councilor, Leyte) and 1 GANAP for Party list group (Boggs Bolor, 3rd Nominee).

PPP Founding Members Chris & Marlyn Lavinia of TFC Balitang ME

Napagkasundoan rin ng partido ang paglikom ng sapat na pondo para sa paghahanda ng mga regional or local chapters sa buong Pilipinas para sa pagpa reghistro ng partido bago ang halalan 2013. Umabot sa P570,000.00 ang nakolekta na pondo sa pagtitipon para sa mga unang hakbang na gagawin upang ipagpatuloy ang pagbuo ng isang OFW-led National Political Party.

Group Photo

Ang nasabing pagtitipon ay pinangungunahan ni Engr. Rudy Dianalan bilang moderator, Dr. Lito Astillero, Presiding Officer and Bong Amora bilang Master of Ceremony.***

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s