Open Letter to Pres. Noynoy Aquino


 AN OPEN  LETTER TO HIS EXCELLENCY PHILIPPINE PRESIDENT  BENIGNO  AQUINO III

Subject: Please include the  OFWs in your agenda for a real change

Mahal na Pangulo,

Ako po ay isang ordinaryong OFW sa bansang Saudi Arabia.  It so happen lang po na naging  isa sa mga lider-komunidad ng mga samahang Pilipino sa Riyadh.

Ako rin po ay naging isa sa inyong mga OFW volunteer nitong nakaraang halalan at convenor ng OFW4Noy24President Movement ( http://ofw4noy24president.wordpress.com/ ) .

Labor Export

 

Hindi ko po alam kung mababasa po ninyo ito, pero ako po ay nagbakasakali na maihatid sa inyong tanggapan ang mga hinaing ng ating mga kababayan sa bansang Saudi Arabia. At maging ideya po ninyo sa mga tunay na nangyayari sa aming hanay. Sana po ay maging  guide po ninyo ito sa maaring hakbang  ng inyong  gobyerno sa pagtulong o pagbalangkas ng batas upang maalagaan ang aming karapatan bilang manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.

Hindi po lingid sa inyong kaalaman ang mga hinaing ng mga OFWs lalo na po sa mga bansang sakop sa Gitnang Silangan. Isa napo rito ang pang-aabuso at pagmamaltrato sa ating mga kababaehang Domestic Helper o kasambahay. Nandiyan rin po ang rampant contract substitution na kung saan nababago ang kontrata pagdating sa kaharian.

Napakarami po ng problema namin dito na hindi agarang matugonan ng ating Konsulada at Embahada dahil na rin sa kakulangan ng mga staff na marunong o may alam sa Shariah Law, mga Arabic interpreter at sasakyang magagamit ng ating mga POLO/OWWA staff upang marating agad ang mga tulong sa mga kawawa po nating mga kababayan. Ang pagtalaga ng isang Labor Attache na may alam sa Shariah Law at may alam pati sa kultura at tradisyon ng mga bansa sa Gitnang Silangan.  Ang paglagay ng isang opisina o tanggapan sa paliparan ng kaharian upang ma dokumento ang lahat ng mga detalye ng isang OFW na parating sa kaharian, destinasyon nito, address, pangalan  ng amo ng  OFW  lalong lalo na po sa mga Filipina Domestic Helper.  Ang pag-buo ng isang committee na galing sa administrative department (Executive Branch of Government) ng ating pamahalaan upang mangasiwa sa pagbalangkas ng isang konkretong bilateral labor agreement na may ngipin at lakas upang mapangalagaan ang aming kalagayan, karapatan at kagalingan. Isang OFW Trust Fund from the office of the President, whatever you call it, na kung saan ito ay magagamit para lamang sa mga kinakailangan pinansyal sa mga kaso (labor or criminal case) at sa mga nakulong na kababayan at sa mga takas po naming mga kahanay.   

Ang mga nababangit sa itaas ay maging ganap lamang kung ang namumuno sa ating bansa ay may “political will” wika nga o may malasakit sa aming mga OFW.

Mr. President, WE know  the ever-increasing burdens  on your shoulder, the Filipino people has spoken, your victory in the last election has given  renewed hope and courage to all who have faith in the new government.  WE are asking you Mr. President to please include the  OFWs in your agenda for a real change.

Mahal na Pangulo, kalakip ng liham na ito ay ang mga sulat ng mga bisita na OFW sa  OFWEmpowerment Blog ( https://ofwempowerment.wordpress.com/  ) na kung saan makikita po ninyo ang tunay na mukha ng isang dumaraing na OFW. Ang sulat po na ito ay tatlo lamang sa mga napakaraming problema ng aming mga kahanay.

Siyanawa ay matutulongan mo po sila. Kami po ay umaasa.

Maraming Salamat Po!

Manuel A. Amora – OFW Riyadh

Advertisements

One thought on “Open Letter to Pres. Noynoy Aquino

  1. Comments below taken from Ninoy Aquino’s Official Facebook Account under Discussion Board:

    Rene Hijara I don’t want to Fantasize ..
    OFW’s WELFARE are NOT the priority of this country’s Gov’t ..

    on Monday · Report.Lindley Y. Moreno Under RA 10022,

    RULE I GENERAL PROVISIONS, Section 1. Declaration of Policies:

    (c) While recognizing the significant contribution of Filipino migrant workers to the national economy through their foreign exchange remittances, the State does not promote overseas employment as a means to sustain economic growth and achieve national development. The existence of the overseas employment program rests solely on the assurance that the dignity and fundamental human rights and freedoms of the Filipino citizens shall not, at any time, be compromised or violated. The State, therefore, shall continuously create local employment opportunities and promote the equitable distribution of wealth and the benefits of development.

    I think this administration will not promote “Bagong Bayani” syndrome anymore, though it will surely take care the welfare of the current OFW’s it will instead discourage people from working abroad. Budget cuts on both DFA and OWWA is an ominous sign already.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s