To: OFWs bound for TAIWAN


PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION (POEA)

Dear OFWempowerment blog reader,

Sa mga kahanay po natin na mangingibang bansa sa TAIWAN, ang liham po na mababasa ninyo sa ibaba ay sulat  tugon  ni Atty. Josefino N. Naval ng POEA  sa mga katanongan ng ating kahanay na OFW bound for Taiwan.  Sana po ang liham na ito ay makapagbigay kaalaman sa ating mga kapwa OFWs na nais mag-trabaho sa Taiwan. 

Ito po ang sulat ng ating OFWempowerment blog reader:

“good day sir, isa po akong aplikante para sa isang factory sa taiwan at kasalukuyang pinoproseso daw po ng agency  ang aking mga papeles.ang concern ko po ay kung bakit di po sila nagbibigay ng resibo sa mga binayaran namin.tinanong ko po ung kahera kung wala talagang resibo nung nagbayad ako ng downpayment,ang sagot po niya ay “wala”.nangyayari rin po to sa mga kasama kong aplikante.Dapat po naming bayaran ang aabot P130,000 bago makaalis ng Pinas, kung saan nakasaad dun na 52k+ ang para sa placement fee;69k+ ang para sa refferals fee; medical; atbp…Ang pagkakaalam ko po ay maliban po sa placement fee na katumbas ng 1buwan sahod/ d lalagpas sa 45k na bayad ay wala na dapat bayaran sa mga agency, bakit po sila naniningil ng “refferal fee”?.kung para man ito sa mga brokers ng Taiwan, legal po ba yun? ang paghingi nila ng fee maliban sa buwanang babayaran pagdating sa Taiwan?  Hindi ko pa po binabayaran ung halagang 130,000 kaya lang nag-aalala po ako kung tama lang po ba na ganun kalaki ung dapat kong bayaran? tama po bang di muna sila magbigay ng resibo hanggat di buo ung kabayaran? salamat po.”

Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat kay Atty. Josefino N. Naval (Chief of Staff) ng POEA sa agarang pagtugon ng aming liham. Siyanawa kayo po at ang inyong buong pamilya ay pagpalain ng poong maykapal.

Gumagalang,

Manuel  Amora

*****

June 7, 2011   

Mr. Manuel A. Amora 

Sir:

Ito po ay hinggil sa mga katanungan ni “Lester of  Beguet”.

1)      Tama po ba na hindi muna sila magbigay ng resibo hanggat hindi buo ang kabayaran?

Hindi po. Obligasyon po ng recruitment agency na kayo ay bigyan ng kaukulang resibo para sa inyo pong binabayaran at kinakailangang nakasulat sa resibo ang halaga ng inyong ibinayad at “purpose” ng pagbabayad. Marapat na kayo po ay humingi ng kaukulang resibo sa bawat halaga na inyong ibinabayad sa recruitment agency.

2)      Hindi ko po binabayaran ang halagang Php 130,000.00 kaya lang nag aalala po ako kung tama po ba na ganon kalaki ang dapat kong bayaran?

Ang kabuuang halaga na dapat ninyong bayaran ay hindi lalagpas sa Php 46,000.00 o maximum na po ang Php 47,000.00, depende sa exchange rate ng inyong one-month salary. Ang halaga pong ito ay binubuo ng katumbas ng inyong isang (1) buwang sahod bilang placement fee, at ang mga pre-departure expenses (tulad ng medical examination fee, Philhealth, OWWA membership fee, POEA processing fee, etc.) para sa isang OFW magtatrabaho sa Taiwan. Hindi po tama ang Php 52,000.00 bilang placement fee na sinisingil sa inyo.

Ang “referral fee” po ay hindi kasama sa mga legal na bayarin ng Taiwan-bound OFW at ang broker’s fee po ay hindi minsanang binabayaran bagkus ay may schedule of payments na nakatakda sa pagbabayad nito.

Sa pamamagitan po ng aming tugon sa mga katanungan ni “Lester of Beguet” kami po ay umaasa na nakapagbigay linaw sa kanyang mga nais malaman.

Lubos na gumagalang,

 

ATTY.  JOSEFINO N. NAVAL  (Chief of Staff) 

Advertisements

4 thoughts on “To: OFWs bound for TAIWAN

  1. eh di dapat gawan na ng paraan ng ating ahensya ang pamamalakad na ganito.POEA ang nagbibigay ng lisensya sa mga agency so dapat mayroon din dapat silang magawa laban sa ganitong kalakaran, hwag na sana sila mag antay kung sino ang lalapit para magsuplong. kung manpower and ebidensya ang need nila, kahit isang taohan nila ang magpanggap na aplikante ay malalaman at mapapatunayan niya na ganyan ang kalakaran ng mga aplikante para factory worker sa taiwan. nuon pa ganito ang mga agency.

    • Tara,

      Tama ka! Kaya minsan naisip ko dapat rekta na sa gobyerno ang pag recruit ng mga work abroad at wala ng private recuitment agencies. Ano sa tingin mo? Sang-ayon ka ba sa naisip ko? Suggestion lang naman.

      Bong

  2. Wala po bang maaring gawing aksyon ang gobyerno para matigil ang gawaing ito ng maraming agency na nagpapalakad patungong taiwan? dahil kalimitan po ay nasa gipit na situwasyon na ang applicant saka nila ito ipapaalam. Marami ng nagastos, saka malalaman. Biktima rin po ako nito sa tatlong kontrata na pagbabalik balik ko sa taiwan. Wala rin po akong nagawa.

    Pwede ko rin po ba itanong kung hanggang ilang taon pwede manatili ang OFW sa taiwan. 9 na taon po kasi ang huling nakasaad sa batas ng taiwan. Nakasiyam na taon na po kase ako roon at bagamat nais pa ng aking boss na bumalik ay hindi na maaari. Meron pa po bang ibang alternatibo na pwedeng gawin? Umaasa po ng inyong kasagutan.

    Leo

    • Leo,

      Medyo hindi ako updated sa situwasyon sa Taiwan but i’ll try to contact some of my friends sa Taiwan and ask about it.

      Leo, hindi ko naman nilalahat pero ang mga agency talaga ay walang paki yan sa mga dini-deploy nila. Ang pinaka importante sa kanila ay ang placement fee at employers fee or service fee. Basta mga fees, magaling sila.

      Bong

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s