Open Letter to POEA Chief of Staff


To :  Atty. Josefino Naval
         Chief of Staff
         Philippine Overseas Employment Administration
         Manila, Philippines

Dear Atty. Josefino Naval,

Sir, magandang araw po sa inyo! Ako po si Bong Amora, isa pong OFW sa KSA at isa rin pong community leader at blogger.  Pangalawang sulat katanongan na po namin ito sa inyo at siyanga pala maraming salamat muli sa inyong agarang pagtugon sa una po namin na sulat katanongan na nailathala po dito sa ating blog titled: To: OFWs Bound for Taiwan.

Ang pangalawang sulat-katanongan po na ito ay tungkol pa rin po sa mga katanongan ng mga kahanay namin na nais mangibang-bansa sa Taiwan.

Itinatago ko muna siya sa pangalan na “Milagring” for obvious reason pero ang separate email ko po sa inyo ay ang tunay niyang pangalan at email address. Kalakip po nito ang kanyang sulat sa akin (ibaba) na kayo po lamang ang makapagbigay linaw. 

Siyanawa, sa pangalawang pagkakataon ay inyo pong tugonan ang aming mga katanongan.

Salamat at lubos na gumagalang,

Manuel A. Amora
Secretary General
OFW Congress-Riyadh
*****

Dear Sir Bong,

Ganito ba ang Bagong Bayani? Sa RECRUITMENT AGENCY pa lang, NAGDURUSA NA.. ano naman kayang pagdurusa ang madadatnan ko sa bansang aking pupuntahan??

Ako po ay isang aplikante ng isang agency, bale Taiwan Care taker. Netong last week po nag withdraw ako sa application ko kasi po almost 4 months na ako nag apply pero wala pa pong kasiguraduhan kung makakaalis pa ko although sinabi nila my employer na ko at on-going processing pa contract ko. Dahil nga po sa katagalan nag decide na ko na sabihin sa agency na mag baback-out na ko. Nung sinabi ko po ‘yun saka nila sinabi na dyan na daw ung contract, galit na galit po ‘yung may ari ng agency sa kin at pinagmumura ako at sinigawan sa harap ng mga tao at pinukpok pa ng malakas ‘yung mesa nya. Pinagtulungan po ko ng assistant ng me ari ng agency sa pagsisinungaling at kung ano anong sinasabi. Hinahanap ko naman po kung san ‘yung sinasabi nilang contract pero nagalit pa po sila at sinabing bakit pa nila papakita eh magwiwithdraw na ko. Ibig sabihin po ‘nun talagang wala pa kasi wala silang mapakita kaya po pinnindigan ko na na withdraw na talaga ako. Pinalayas po ko sa office nung sabihin ko na kelangan ko rin kunin ‘yung down payment ko. Di na po ko pinabalik sa loob at sinabi na lang na mag-antay ako.

Marami na po ako nakausap at nakilala na applicant na nagwiwithdraw at nagcocomplain dahil sa sobrang tagal ng processing sa agency na to. Di ko naman po alam na ganito pala ang ugali ng may-ari, kelangan pang magsinungaling para maperahan lang ang mga tao at sinisindak pa ya para matakot. Isa pa po, may isang aplikante na hiningan nila ng down payment dahil my contract na daw pero after magbyad at hinanap ‘yung contract walang mapakita, nawawala daw po at hahanapin pa.

Bago po ang lahat nag insidenteng ito gusto ko lamang po itemized ‘yung mga ginawa pa ng agency namin:

Una po, nung sabihin po ng agency na may employer na ko humihingi po sila ng down payment para daw sa processing, nagbigay naman po ko ng initial na P18,000 kasi required po nila is P20k, wala po ko nun pinirmahan kahit job order man lang. Wala rin silang inisyu na resibo, nirecord lang nila sa record nila. After po nun 2 months pa ko nag antay pero wala pa rin balita, lagi po ko nagpa follow-up pero lagi nilang sinasabi na on-going processing na contract ko.

Pangalawa po, nagpapatraining po ang agency sa mga applicants nila para gawing katulong sa office nila at pinaglilinis ng CONDO ng may ari ng agency, araw araw po naglilinis ng office, nagluluto rin po kami at na- assign nga po sa ‘kin ‘yung 5 CR sa general cleaning kasi 3 storey yung building .Yung iba nga po kahit walng pang employer gusto nila magtraining agad. Ang reason po nila kung bakit ginagawa namin ‘yun para daw matuto kami incase na nasa Taiwan na marunong na kami. Ang nakakpagtaka po kasi nagtraining na kami sa TESDA, nagbyad nga po kami para matuto at magka certificate pero bakit kelangan pa namin gawin ‘yung pinapagawa ng agency?

Dahil po sa pangyayaring ito gusto ko lang po itanong ang mga bagay na to:

  1. Tama po ba ‘yung panghihingi ng down payment ng agency kahit wala pang contract or job order na pinipirmahan at di nila pag isyu ng resibo? may katapat po ba tong kaparusahan sa batas?
  2. Ano po ba dapat kung gawin dun sa ginawang pagsigaw at pagmura sa kin ng may ari ng agency at pagsasabwatan ng assitant neto.
  3. Makukuha ko pa po ba ‘yung down payment ko sa agency na P18,000, pinag-aantay po kasi nila ko at walang kasiguraduhan kung kelan.
  4. Magbabayad naman po ako kung totoong na-process na nila application ko pero pano ko po maveverify na binayaran nga nila ‘yun para po di ako maloko. Incase po ba na di nila talga binayaran ‘yung mga expenses at nagsinugaling sila may kaparusahan din po ba ‘yun?
  5. Yung pagpapa training po ba ng agency sa mga applicant ay legal, pano po kung wala silang permit?
  6. Tama po na kapag ang salary ng OFW ay P26,900 pwedeng P108,000 ang placement fee? Sabi kasi ng may ari ng agency alam daw po ng POEA ‘yun kasi nakikinabang daw naman sila.
  7. Sino po ba pwede ko lapitan incase hindi ibigay ng agency ‘yung down payment ko at mga documents ko.

Sana po masagot nyo mga katanungan ko.

Maraming salamat po.

Milagring

Advertisements

5 thoughts on “Open Letter to POEA Chief of Staff

  1. sir, good afternoon po! ako po ay nagtatrabaho dito sa riyadh k.s.a sa kumpanyang al-othaim markets company may problema po ako sa aking iqama, 5 months na pong hindi naibibigay ng employer ko simula nung itoy aking pina renew sa head office, ang inaalala ko lng po ay kung mahuli po ako ng police o jawazat, may bisa po ba ang ibinigay nilang temporary permit? nag-aalala na po ako lalo na po 4 ang anak ko 3 nag-aaral at bigla na lng po akong maideport dahil wala po akong iqama…maraming salamat po!

    • Cris,

      Siguradoin mo lang na may stamp ng employer or company ang temporary permit. Pangalawa, ipabasa mo ito kung ito arabic, kung kailan ito ma expire or anong date or kailan mapawalang bisa ang temporary permit na ito.

      Huwag mo rin kalimutan e-follow up. karapatan mo ito.

      Bong

    • To : Atty. Carlos S. Cao, Jr.
      POEA Administrator

      Through: Atty. Josefino N. Naval
      Chief of Staff

      Dear Administrator Atty. Carlos S. Cao, Jr.

      I just wanted to say thank you very much for your reply on our inquiry dated 16 August 2011 on behalf of our blog (http://www.ofwempowerment.wordpress.com) reader. Your reply really did help to our fellow OFWs bound for Taiwan who are looking for concrete answers on their woes and concerns.

      Your service to OFWs has been of incomparable value and I wanted to let you know that WE, the OFWs thousands of miles away from POEA will continue to trust this institution whose mandate is to protect the rights of OFWs.

      Thank you from the bottom of my heart.

      Best regards and personal best wishes.

      Respectfully,

      Manuel A. Amora
      Secretary General
      OFW Congress-Riyadh
      ***
      Page 1
      Page 2
      Page 3

  2. Nakakalungkot po ang mga ganitong pangyayari sa mga kababayan natin lalo na sa mga kagaya ni Ma’am Milagring. Marami pong ganyan na agency sa atin kahit na naka paskil na kung magkano allowed ng government natin na babayaran para sa placement fee ay wala pa rin tayo magawa maka alis lang. hindi rin po nagbibigay ng resibo kasi illegal po yung over charging nila ng fee. pag kinulit mo magagalit sila sasabihin pa sa iyo eh lahat naman ganun pero nakaka alis sila. Minsan pa nga po eh iba iba ang pangalan ng agency mo. iba sa pidos, iba sa kontrata, at iba sa medical exam. ewan ko pano nila nagagawa ang mga ganitong bagay. Me sabwatan nga po kaya gaya ng sabi ng agency ni ma’am Lagring na nakikinabang ang POEA. at ano po ang ginagawa ng gobyerno natin dito?

    Isa pa po ay pag aalis kana pinadadaan ka muna sa agency para ibigay ang papeles mo at ihatid ka sa airport at mag cha-charge na naman sa iyo ng 500 para daw sa maghahatid. My goodness kailan kaya matitigil ang maraming suliranin natin ito. lalo tuloy tayong nagiging kawawa dahil hindi kapa nakaka alis sa bansa ay kinakawawa kana. hindi tuloy natin mapaniwalaan na turing sa atin eh mga “Bayani”.

    Maraming salamat po sa inyo Sir Bong dahil meron kayong blog na ganito. nagiging updated rin po kami sa mga pagbabago sa bansang pinagtatrabauhan namin. More power po sa inyo at sana ay marami pa kayo matulungan sa mga kababayan nating OFW!!!

    Phol

    • Pol,

      Pasensya na sa late reply gaya ng iba nating mga kahanay, may personal rin akong inaasikso or ina-ayos kaya medyo nawala po ako sa ere ng nitong mga nagdaang araw.

      Ang blog po natin ay tatanggap ng mga inquiries na ganito pero para maliwanagan ang lahat nating mga readers, ito ay aking formal na tinanong sa ating kinauukulan or sa mga ahensya ng gobyerno na nanga-ngalaga sa ating kapakanan at karapatan. Siyanawa tama po ang deskripsyon ko sa mga ahensyang ito.

      Nakatanggap po ako ng email galing sa POEA na ang ating sulat inquiry ay nasa lamesa po ng ating POEA Administrator Cao. Magpahangang ngayon, wala pa po reply galing sa opisina ng POEA administrator. Ang sulat inquiry rin po natin ay naka-copy furnished sa Kongreso, kina Rep. Plaza bilang majority member ng Committee on OFW Affairs at kay Rep. Lani Mercado ng Minoriya. Ginawa ko po ito para at least may basihan sila sa pag repaso ng mga polisiya or batas upang matigil na ang mga ganitong gawain ng mga Recruitment Agency.

      Sana makatanggap tayo ng reply galing sa POEA sa Lunes.

      Maraming salamat Phol sa iyong tiwala. Ang mga katagang inyong binitawan ay sapat na upang magpatuloy tayo sa ating krusada ng pagbabago para sa ating kagalingan ng ating hanay.

      Regards.

      Bong

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s