Pasaway – Part 2


***

Masarap ang Bawal

To my fellow OFWs most particularly here in Saudi Arabia, I would like to remind you again that Saudi Arabia is a highly conservative country in which Islamic Law (Sharia) is strictly being enforced.  So, under  Sharia, no alcohol, pork products  and religious books  not related to Islam are allowed in this country. Therefore, as a visitor we are obliged to follow their rules. Once you broke the rules, believe me my friend you will be living like hell in their prison cell.

So, if you are a pasaway in our country, please don’t ever do it here because they’re not arresting you to be reformed but they will arrest you so that you will be punished. 

So, if you’re an alcoholic in our country, Saudi Arabia is the right place for you to be rehabilitated after all, kaya naman siguro magsaya without alcohol. 

I just found out reading a blog article “What A Fella Has To Do To Get A Drink Around The Muslim World” that Egypt, Lebanon, Syria, Jordan, Morocco and Tunisia are all quite very wet, and alcohol is available in restaurants, bars and shops and Turkey is also full of bars and liquor stores. It also said, Bahrain has some of the wildest bars in the region BUT Saudi Arabia and Kuwait are completely dry, and there’s not a drop of legal alcohol found in this country.

Well, why the author of the article say so that “not a drop of legal alcohol”  found in this two particular countries? Know why? Because there are also “drops of illegal alcohol in Kuwait  and Saudi Arabia.

Sabi nga nila kung mayroong legal may illegal. Sabi rin ng iba mas masarap ang bawal (lalo na pag Pagibig).  Masarap nga ang bawal pero pag mahuli na at makulong sisisihin ang Embahada or Konsulado dahil wala raw itong nagawa o ginagawa upang sila’y mapalaya. Sus! Mary and Joseph naman kayo kabayan!  Yan ang sinasabi ko,  sa OAV pag parehistro o botohan, maraming sinasabi, kesyo dayaan lang daw, malayo ang Embahada, walang pamasahe. E, ngayong nasa kulongan kayo, makuha nyo pang mag-reklamo, hindi naman kayo botante o bumoboto, Pilipino ba kayo? 

Sadiki Juice

Let’s go back to the fun. This illegal alcohol in Saudi Arabia is popularly known as “Sadiki Juice”. But before we touch this Sadiki thing, according to a book I read titled “Blue Flame” it said: historically, alcoholic distillation began with the Arabs who, however, did not invent, but greatly improved the cumbersome methods used by the Greeks in distilling turpentine from rosin. It added that the Arabs were the first to distill wine, and wood alcohol is plainly Arabic in origin.” That is why alcoholic drinks are banned in this country because they know from the beginning that nothing ever good comes from drunkenness.

In Saudi Arabia there are expatriates and some of them Filipinos languishing in various jails caught drinking or in possession of this so called “Sadiki Juice”. However, drinking and selling are two different things, in which the latter is a serious offense that could lead to many months or perhaps years in jail, accompanied with caning or whipping, worse a death penalty. But the death penalty depends on the crime committed under the influence of alcohol or intoxicating liquor. The Death Penalty Worldwide website explained that Recidivism hadd  can be used as grounds for execution in Saudi Arabia (Recidivism means, a tendency to relapse into a previous condition or mode of behavior; especially: relapse into criminal behavior. Source: Merriam Webster online dictionary).

So fellow OFWs and friends, if you want to have a party or gatherings, drinking sadiki  has nothing to do with having fun or not, as what I’ve said you can have fun without it. And why put your life, job, friends and your family at risk where you know already that drinking and possessing alcohol or intoxicating liquor is strictly prohibited in this country?  Bakit pa tayo magpasaway?

Babala sa mga Pasaway

In my previous posting, the Three Facets of Sexual Abuse, I pointed out that that it is so sad to think na ang mga taong may kayumangging balat, pango ang ilong at panot ay siya pang magpapahamak sa iyo, sa madaling salita kalahi mo, the very same people whom we believed to be on our side are the ones pushing us into the wall of limbo. 

"KAMOT SA LIKOD"

“KAMOT SA LIKOD”

Magsilbing babala sana ang posting na ito sa ating mga pasaway na kapwa pinoy sa Saudi Arabia.  Nais ko pong ipaalam sa inyo na may mga kababayan po tayong gumagala sa kaharian na ang misyon ay ipahamak ang ating kapwa kalahi. Ang mga taong ito ay mga ahente ng mga “mahabang balbas.” Kakaibiganin po nila ang mga pasaway sa sadiki. Mayroon rin po silang mga assets, at mga pain katulad po ng mga magagandang pinay na babae. Yayain po kayo ng babae na ito sa isang party at dahil nga alam nila na pasaway ka sa alak at alam mo kung saan ka kukuha, lalapitan po kayo o tatawagan, imbitahin sa isang pagsasalo sabay tanong kung ikaw ba ay may makukunan na sadiki. Ikaw naman na may alam kung saan kukuha, gagawa ng paraan upang magkaroon nito. Sa madali pong salita, dadalhin nyo po si sadiki sa babae o sa bahay tagpoan na kung saan doon magaganap ang kasiyahan. Lingid sa iyong kaalaman, pagdating mo pa lang at sa pagpaparada mo ng iyong sasakyan,  lalapit na po ang asset  nila sabay tapon o hulog ng pera sa iyong sasakyan. Sa di kalayoan paparating si mahabang balbas sabay halughog sa iyong minamanehong sasakyan at natural si sadiki ay naroroon at ang perang hinulog na may marka in other words, marked money. Dadalhin po kayo sa presinto habang makipag negosasyon sa iyo ang kapwa natin kalahi. Sa pagkakataong ito hihingan po kayo ng sampung libong riyal, depende po sa kanilang mabiktima. Kung alam nila na may pera ka tumataginting ang sampu hanggang labin-limang libo kapalit  sa iyong kalayaan. Kung ikaw ay pabagal-bagal kumilos sa paghahanap ng pera, timbog ka! Tutuloyan ka nila. Kawawa ka, makulong ka ng wala sa panahon. Kahihiyan ang aaabotin mo at pag-aalala naman ng iyong pamilya at mga kaibigan. Sa kabilang panig, si igan na babae at lalaki, pati ang asset nito ay  naghahatian na sa perang nakulimbat sa iyo. At alam mo ba igan kung ano ang kaso  mo?  Pushing or Selling liquor, na may mabigat na parusang pagkabalinggo ng anim na buwan hanggang isang taon o higit pa na may kasamang “kamot sa likod” (caning, flogging, whipping or lashing). Depende po kung ilang kamot sa isang araw hanggang matapos mo ang bilang na ipinataw sa iyo ng hukoman.

Kaya igan at kahanay kong OFW sa bansang Saudi Arabia, huwag ng pasaway at huwag basta basta magtiwala sa mga taong kausap mo lalong lalo na pag transakyon o Gawain ay illegal dahil wala po itong magandang kahinatnan. Alam nyo na pong bawal, huwag na pong gawin, huwag na pong magpasaway.

Alalahanin po natin na may mga bagay o pangyayaring hindi na kaya pang muling balikan upang ito ay itama. Ang naganap ay ganap na at ang pagsisisi ay laging nasa huli. Buksan natin ang ating isipan, huwag padalos-dalos ng desisyon at isantabi ang maka-mundong pangangailangan at higit sa lahat humingi ng gabay sa Panginoong Maykapal.  – Bong Amora

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s